C39 Hindrance To Amour
Nang marating ko ang kusina. Kinuha ko ang cellphone sa suot na shorts at tinawagan si Celine. Gusto ko mailabas ang inis na nararamdaman, at si Celine lang ang taong mapagkakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay. Nakakailang ring palang ay sinagot na niya ang tawag.
"Yeah, Bes! Good afternoon. Kamusta? Namimiss mo na agad ako? Pupunta naman ako diyan mamaya eh." aniya
