C55 The Interview
Jasmine'sPOV
Hindi ko maiwasang kabahan habang nakaharap sa salamin at nag-aayos ng sarili. Ngayong gabi kami pupunta sa Studio ng Latez Chikaz, na isang TV Show kung saan host si Georgina Carbonell. Huminga ako ng malalim at naglagay ng lipstick sa labi.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto at nakita kong pumasok si Jarred sa pamamagitan ng vanity mirror
