+ Add to Library
+ Add to Library

C2 Kabanata 2

Hindi mapalagay si Ellah sa isiping nag-aalala na ang kaniyang Ama at fiance. Alam niyang sa mga sandaling ito, pinapahanap na siya ni Kleve at hindi ito titigil hangga’t hindi siya makikita. Ganiyan siya kamahal ng lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay pero sinira ng demonyong ngayon pa lang, sinusumpa niya ng mamatay.

Napatingin siya sa buong silid, nagliwanag ang paki-ramdam niya nang mapansin ang telepono sa side table. Mabilis niyang dinampot iyon pero gano’n lang din ang kaniyang pagkakadismaya nang malamang putol ang linya. Gusto niyang sumigaw pero tila wala na siyang lakas para gawin iyon.

Kapagkuwa’y bumaba siya ng kama para lapitan ang bintana. Saglit siyang natigilan sa pulang mantsa sa bedsheet, gusto niyang umiyak nang maalalang wala na nga pala ang virginity na inaalagaan niya sa mahabang panahon. Mabilis niyang pinunasan iyon at nagmamadalin tinungo ang bintanang gawa sa matibay na kahoy.

Napapailing na lamang siya sa nakitang nasa mataas na bahagi siya ng bahay at batis ang nabungawan niya sa unahan mga ilang metro ang layo. Tanaw niya ang masiglang agos ng tubig na nanggagaling sa mataas na talon sa kanang bahagi. Pakiramdam niya, ang sarap maglunoy sa tubig pero sa kalagayan niya ngayon, hindi siya interisado. Tila nasa isang bundok yata siya dinala ng walang hiyang demonyong sumira sa kaniyang buhay!

Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Niyakap niya ang sarili at bumalik sa kama. Ano ba ang gagawin niya para makatakas sa bahay na ito? Kailangan may gagawin siya pero paano? Saan siya magsisimula? Hindi siya magaling sa ganito. Buong buhay niya, school, bahay at sa family company lang umiikot ang kaniyang mundo. Kaya nahihirapan niyang mag-isip kung ano ba ang magiging unang hakbang na una niyang gagawin.

Kapagkuwa’y pumihit ang seradura at may pumasok. Rumehistro agad ang takot at pangamba sa kaniyang mukha nang makita ang lalaki. Bigla siyang napaurong sa headboard at niyakap ang sarili.

“Eat.” At nilagay nito sa kama ang isang tray na may lamang pancake at Juice.

Napatitig siya sa nilagay nito at ngayon lang niya naramdaman ang gutom. Oo nga pala, kagabi pa siya hindi kumain pero ayaw niyang tumanggap sa pagkaing dala nito. Who knows kung may lason ito? Papatayin ba siya nito sa pamamagitan ng lason? Hindi niya ito kakainin kahit na mamatay pa siya sa gutom.

“No!” Lalong niyakap niya ang sarili.

Namulsa agad ang lalaki sa sinabi niyang ‘yon. Pinag-masdan siya nito na tila isa siyang basang sisiw na takot na takot kainin sa agilang tulad nito na walang puso.

“Okay.” Tumalikod ito at tinungo ang pintuan. “Don’t eat ‘till you starve to death.” At malakas nitong sinara ang pintuan.

Napahikbi siya at nanumbalik ang mga luhang ayaw na niyang tumulo pa.

NAKAPAMULSANG pinagmamasdan ni Cuhen ang naggagandahang bulaklak sa hardin ng kaniyang bahay-bakasyunan. This place was his perfect sanctuary with her beloved fiancee not until Don Hernandez killed his mother and fiancée Florae. Hindi niya ito kailanman mapapatawad at kung ano ang kinuha nito sa kaniya, sobra pa ang kukunin niyang kabayaran.

Dalawang linggo ang nakalipas simula sa patayang naganap. Wala siya sa Pilinas nang mga sandaling iyon ng pinatay ang kaniyang Ina at babaeng pinakamamahal. May dalawang tama ang ina niya, ang isa sa tagiliran at ang isa sa dibdib. Samantalang tatlong tama sa noo ng kaniyang fiancèe na dalawang linggo na lamang sana at ikakasal na sila.

Fuck!

Dapat pala hindi siya umalis para sa isang business meeting. Ano pa nga bang kwenta ng lahat ng pinaghihirapan niyang pera kung wala na mismo ang babaeng mahal na mahal niya? Hindi niya masisi kung umalis ng araw na iyon ang kaniyang Ina at si Florae. Huling tawag ng babae sa kaniya ay kakain lang ang mga ito sa labas. Hindi niya alam na iyon na ang una’t huli nilang pag-uusap.

Damn!

Mariing pinikit ni Cuhen ang kaniyanng mga mata at hindi hinayaan tumulo ang luha na kanina pa nagbabadyang pumatak. Wala man lang siyang nagawa. Pero mas lalong nangalaiti ang galit niya dahil hindi matukoy ng mataas na ahensya kung sino ang pumatay sa dalawang babaeng mahalaga sa kaniyang buhay. Tinulungan siya ng kaniyang kaibigan si Herrence at Farhistt pero malinis ang pagkakagawa, walang lead ang nakakapagturo sa kanila at mas lalo niyang kinagalit ang bagay na iyon. Imposible kung wala. Kaya siya na mismo ang gumalaw.

Bago siya naging isa sa pinaka-successful businessman at billion ang pera sa bangko, naging isa siya sa pinakamataas na batang opisyal ng Army. Nang nakilala niya si Florae anim na taon na ang nakaraan, iniwan niya ang pagiging opisyal at tinutukan ang pagiging businessman. Mas gusto niyang bumuo ng pamilya na kasama ito kesa ipagpatuloy ang pagiging Army na wala ito.

Nakakuha siya ng konting lead mula sa kaniyang pag-iimbestiga at sapat na iyon para magpapatunay na walang ibang pumatay sa mahalagang tao sa buhay niya kundi si Don Hernandez. Malinis ang pagkakagawa pero sa kaniya, hindi.

It’s payback time.

‘Yong mismong araw na nalaman niya na ito ang salarin ay inambangan niya ito sa mansiyong pag-aari nito. Nakahanda na ang kaniyang baril sa pagpatay sa matanda nang mula sa likuran ay sumulpot ang babaeng anak nito. Yumakap ang huli at humalik sa noo ng matanda. Pinaggugulo naman nito ang kulutang buhok ng dalaga at kitang-kita sa hitsura ang pagiging mapagmahal na Ama sa isang anak bago ito sumakay ng kotse.

Ang plano niyang patayin ito ay hindi natuloy dahil may isang planong pumasok sa kaniyang isip at ‘yon ay ang nag-iisang anak nitong babae. Napangisi siya, magsisimula na ang laro. Maglalaro siya ng patas ayon sa ginawa ng Don sa kaniya. Hindi nito alam na ang kalabanin siya ay tila isang suntok sa matulis na bakal.

NAGMULAT ng mata si Ellah. Hindi man lang niya namalayang nakatulog siya sa pag-iiyak. Ang haba ng kaniyang tinulog dahil nung dumako ang paningin niya sa labas, magtatakip-silim na. Agad niyang tiningnan ang kasuotan, napahinga siya ng maluwag nang makitang may damit pa siyang nakasuot sa katawan.

Bigla siyang napahawak sa tiyan ng kumalam iyon. Gutom na gutom na siya at parang pinagtaksilan naman siya ng panahon dahil mula sa silid na kinaroroonan niya, amoy na amoy niya ang masarap na lutong pagkain. Mas lalong nagwala ang tiyan niya sa gutom.

Mayamaya, biglang bumukas ang pintuan at niluwa ro’n ang lalaking ilang ulit niyang sinumpa sa isip. May dala itong panibagong tray na may lamang pagkain at nakakatakam ang amoy.

“Eat,” mungkahi nito.

Ang boses nito... parang ang sarap sa pakiramdam pakinggan pero agad niyang pinaalis ang isiping iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa nga siya tumitingin sa mukha nito simula kaninang umaga.

“I w-wont! What if, nilagyan mo ‘yan ng lason na ikakamatay ko agad?” Nagsimula na naman siyang sumiksik sa gilid ng kama pero ang totoo, gustong-gusto niya ng lantakan ang pagkain kanina pa.

“Huwag kang mag-alala sweetheart, hindi kita agad papa-tayin. Ipapadama ko muna sa gago mong Ama kung paano mawalan ng importanteng tao sa buhay.”

Nahigit niya ang hininga sa sinabi nito. Hindi ito kailan-man mananalo sa kaniya. Gagawin niya lahat para makatakas sa impyernong lugar na ito! Bahala na ang Diyos sa gagawin niya.

Nagtaas siya ng tingin at galit na tinitigan ito. Tila nabagot ito sa ginawa niyang pagtitig. Napapantastikuhan itong umupo sa gilid ng kaniyang kama at nilagay do’n ang tray.

Ilang beses niya na itong napanood sa TV, sa internet at sa social media sa pagiging mayaman nito. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay walang iba kundi ang bilyonaryong Cuhen Malcogn. Minsan ng nakipag-business deal ang kaniyang ama rito dahil muntikan bumagsak ang kanilang kompanya dahil sa ilang sunod-sunod na problema pero tumanggi ito at bagkus ay nag-offer ito na bilhin ang kompaniya. Matagal itong ipinundar ng kaniyang magulang kahit hindi iyon kasingyaman ng binata, hindi ito ibinenta ng Ama niya at sa tulong ni Kleve Vergan, muling bumangon ng dahan-dahan ang kanilang negosyo.

Kilala si Mr. Malcogn bilang business tycon at pagigiging agila nito pagdating sa negosyo. Binabagsak nito ang mga taong kumakalaban dito, dinudurog ang mga taong tumatraydor sa negosyo at lahat ng gusto ay nakakaya nitong kunin, wala siyang takot at awa pagdating sa larangan sa mundo ng pera at negosyo kung kaya ganito ito kayaman ngayon. As far as she know, binalita ang pagkamatay ng ina nito at ang fiancèe nitong Doctor nung mga nakaraang linggo.

Ngayon, luminaw sa isip niya ang nangyayari sa kaniyang paligid. Umalpas ang galit sa puso niya at ang kaninang takot na naramdam ay biglang nawala. Bigla siyang lumundag sa kama at malakas na sampal ang pinakawalan sa pisngi nito. Napakawalang hiya nito!

“Isa kang malaking gago, Mr. Malcogn! You think my father killed them!? Malinaw na malinaw na walang kasalanan ang ama ko rito! Isa kang baliw. Mamatay ka na. Mamatay ka ng demonyo ka!”

Hindi ito natinag sa sampal na kaniyang binigay pero dumilim ang anyo nito. Ngayon siya nakaramdam ulit ng takot. Bigla siyang napaurong at bumalik sa pwesto niya kanina. Nakal-imutan niyang ipaalala sa sarili na ang lalaking kaharap ay isang baliw at kinakatakutan ng lahat. Pwedeng-pwede siyang patayin nito ngayon din at mas lalong nagdagdag iyon ng takot sa kaniyang buong pagkatao.

“Mabuti kilala mo na ako. Now, eat!”

Napasigaw siya sa lakas ng boses nito. Halos tumalon siya sa sobrang takot. Umiling siya ng dalawang beses. “A-ayuko!”

At ang sumunod na ginawa nito ay ikinagulat niya. Basag at durog na tumilapon sa kung saan ang tray dahil hinagis iyon ng lalaki. Madilim ang anyo nito at nangangalaiti sa galit. Nagsimula na naman bumukal ang mga luha niya kahit ayaw niyang gawin iyon ay kusang pumapatak ang mga ito.

“Damn you, woman!” Naglaho ito sa kaniyang harapan.

Kung hindi siguro matibay ang pagkakagawa nung pintuan, matagal na siguro itong bumigay dahil sa tuwing lumalabas ito ay malakas nitong sinasara ang pinto. Pero kahit anong pilit niya sa kaniyang utak, wala talaga siyang maisip na unang hakbang kung paano niya ito matatakasan. Kasabay pa ang kumukulo niyang tiyan na kanina pa naghahanap ng pagkain. Nanghihinayang siya sa natapong pagkain pero naging maingat lang siya. Ayaw niya pa mamamatay na bumubula ang bibig at itapon na lang sa kagubatan sa labas.

Bumaling ang tingin niya sa labas ng bintana. Matagal siyang napatitig do’n nang biglang may pumasok na idea sa kaniyang utak. Napatingin siya sa kumot at sa dalawang kurtina na nakasabit. Tama! Ito ang gagamitin niya para makawala sa demonyong nag-anyong tao habang may oras pa siya. Mas gugustuhin niyang maligaw sa kagubatan kesa hayaang patayin nito. Paniguradong may daan papalabas sa gubat na ito at iyon ang nagbigay sa kaniya ng pag-asa.

Dali-dali niyang kinuha ang kurtina at kumot saka binuhol ang bawat dulo. Matapos masigurong matibay ang pagkakabuhol, dali-dali niyang tinungo ang bintana at binuhol ulit ang dulo nito sa haliging kahoy na siyang naghahati sa bintanang kaniyang kinaroroonan.

Hindi na tiningnan ni Ellah kung umabot ba ito sa ibaba dahil may ibang planong pumasok sa kaniyang utak. Wala na siyang oras at isa lang ang tumatakbo sa kaniyang isip ngayon, ang makatakas. Mabilis siyang nagtungo sa likuran ng pintuan na walang ingay nang maramdaman niya ang yabag ng lalaki. Abut-abot ang kaniyang hininga sa sobrang kaba. Halos kagatin niya ang kaniyang labi ‘wag lang siyang mapasinghap at baka marinig siya nito. Gusto niya pa mabuhay.

Napangisi siya nang marinig niyang napamura ang binata at mabilis na tinakbo nito ang bintana. Narinig niyang tinungo nito ang pintuan at mabilis na tumakbo papalabas.

Gusto naman niyang palakpakan ang sarili sa napaka-gandang planong nagawa pero bago siya magdiwang, mabilis niyang tinungo ang bintana at sumilip do’n. Mula sa kaniyang pwesto, nakita niya ang lalaki na papasok sa kagubatan sa kaliwang bahagi kung saan hindi dinaluyan ng tubig.

Ito na ‘yong pagkakataon niyang makatakas. Wala siyang sinayang na segundo at agad na lumabas ng silid. Laking tuwa ni Ellah dahil hindi naka-lock ang pintuan sa may sala at nakabukas lang iyon. Hindi na siya nag-iisip at biglang tinakbo ang kanang bahagi ng kagubatan. Bahala na! Takbo at lakad ang ginawa niya nang mga sandaling iyon.

Tila sumabay sa pagiging manhid ang kaniyang paa kaya hindi niya ramdam ang sakit ng mga tuyong sanga na naaapakan habang tumatakbo. Nagkasabit-sabit siya sa mga nakausling ugat at nagkadapa-dapa. Hindi niya mabilang ang mga galos at sugat sa tuhod, binti at ng kaniyang braso pero hindi niya ininda ang mga iyon. Ang importante, ang makawala siya.

God!

Gusto niyang maiyak sa naramdamang pagod. Hindi siya sanay sa mahabang takbuhan pero kailangan na kailangan niyang makaalis sa lugar na ito, kung saan lupalop ng mundo man siya dinala ng baliw na Cuhen Malcogn.

No!

Kung minamalas nga naman, malapit ng magdidilim ang kalangitan. Takot siya sa dilim kapag nag-iisa. Inilibot niya ang pani-ngin, pakiramdam niya nawawala na siya at hindi niya alam kung saan siya tutungo. Puro matataas at matatayog na punongkahoy lang ang kaniyang nakikita. Isabay pa ang mga nagtataasang talahib sa bawat nadaanan niya at nakakangilong huni ng mga ibon at kulisap sa paligid. She hates it! Pero mas mabuti ng ganito kesa patayin ng lalaki.

“Aray!” napadaing siya ng matusok ng matulis na bato ang kaniyang paa. Namumula ang mata niya sa pagpipigil na hindi maluha lalo na’t kitang-kita niya ang pagdaloy ng dugo.

Kung minalas nga naman siya ng sobra-sobra! Napapikit siya sandali at tiniis ang sakit. Kung magpapadala siya sa sakit, walang mangyayaring maganda sa kaniya kaya kailangan niyang tatagan ang sarili sa mga sandaling ito. Pero ilang sandali lang, napakislot siya nang mula sa malayo ay natanaw niya ang malaking itim na baboy-ramo. Mukhang gutom na gutom ito dahil nang makita siya, bigla itong napahinto sa ginagawang pagtutulak sa lupa at deritsong tumingin sa kaniya.

Ayaw niyang maging hapunan sa isang baboy-ramo! Mabilis niyang hinakbang ang paa kahit masakit iyon. Pero sa kaniyang ginawa, parang binigyan niya ang hayop ng isang rason para sundan siya. Sandali siyang huminto at binato ito para umalis.

“Umalis ka!”

Takot ang rumehistro sa kaniyang mukha nang makitang susugurin siya ng baboy-ramo imbes na tumakbo ito papalayo. Kahit masakit ang kaniyang paa ay nagawa niyang tumakbo.

Napatili siya nang marinig ang alingawngaw ng baril sa kapiligiran. Awtomatikong paglingon niya, patay na bumagsak ang hayop sa kaniyang harapan.

“Ellah!”

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height