+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Kabanata 3

Mabilis siyang napalingon. Halos hindi siya makagalaw nang makita si Cuhen Malcogn, nakatayo sa may kalayuan at may hawak na baril sa isang kamay habang madilim ang anyo.

Gumapang ang takot sa buo niyang katawan kasabay ang panginginig ng kaniyang mga tuhod sa takot. Hindi! Paano siya naabutan nito?! Papatayin na ba siya? Gusto niyang umiyak. Natakasan niya na ito pero bakit pati kagubatan ay tinatraydor siya? But no, Hindi niya hahayaan hawakan siya nito o kaya ikulong ulit sa silid na iyon para patayin lang. Kung papatayin man siya, mas mabuting mamatay siyang tumatakbo papalayo at ‘yon ang kaniyang ginawa.

“Stop running, you damn woman!” tila kulog ang boses nito at mas lalo itong nagbigay takot sa buo niyang pagkatao.

Sa pagmamadali niyang makalayo kahit imposibleng matakasan niya ito sa ganitong ayos, hindi niya napansin ang napakataas na bangin sa unahan. Basta ang tanging gusto niya, matakasan ito at maisalba ang sariling buhay. Pero isang hakbang niya, naramdaman niyang nahulog siya.

Isang malakas na tili ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Kung hindi pa nakahawak ang kaniyang isang kamay sa nakausling ugat ng puno, malamang durog at patay na bumagsak siya sa ibaba.

“Damn!” Isang kisap lang ng mata ay nasa harapan niya na ang lalaking kanina pa niya tinatakasan. Mabilis itong dumapa sa lupa at inabot ang kaniyang kamay. “Grab my hand woman!”

Umiling siya. Hindi niya pwedeng abutin ang kamay nito. Oras na abutin niya ang kamay ng lalaking nasa kaniyang harapan ngayon, wala ng saysay ang pagtakas niya. Muli, pumatak ang mga luhang nagpapatunay sa kaniyang kahinaan.

“Bullshit. Grab it now!” malakas na singhal nito.

Pumikit siya. Ayaw na ayaw niyang tanggapin ang tulong na binibigay nito pero ayaw naman niyang tuluyang mahulog sa bangin. Sa tantiya niya, lagpas 100 feet ang nasa ibaba plus mga creeping creatures pa. Sa pagdadalawang isip ni Ellah, hindi niya napansin ang dahan-dahang pagkaputol ng maliit na ugat na kung saan siya nakahawak.

“Ahhhh!!!”

“I got you!” Isang malakas na kamay ang humawak sa kaniyang pulsuhan kasabay ng pagbiglang buhos ng malakas ulan matapos siyang maingat ni Cuhen ng walang kahirap-hirap.

“P-papatayin mo na ba ako?” nangangatal sa takot na tanong niya. Para siyang isang basang sisiw na iniwan ng inahing manok at nawawala.

Wala siyang nakuhang sagot mula sa lakaki. Walang kaemosyong pinangko siya ni Cuhen habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Ang lalaking may balak siyang patayin ay heto at niligtas siya.

Bakit pa siya tinulungan nitong iangat? Pwede naman siya nitong hayaan na mamatay na lang dahil ito naman talaga ang plano nito sa una pa lang.

She felt hopeless. Ang nag-iisang pag-asa niyang maka-takas ay wala ng saysay. Mukhang kailangan niya ng tanggapin na ito ang buhay na naghihintay sa kaniya. Ang malakas na buhos ng ulan ay nagpadagdag ng bigat sa puso niya nang mga sandaling iyo.

Inaamin niya sa sariling si Cuhen Malcogn ay isang lalaking nagtataglay ng kakaibang karisma. Nag-uumapaw ang sex appeal at idagdag pa ang mga mata nitong tagos sa kaluluwa kung makatitig. Every woman desired to be his girl. Kahit may fiancèe na ito, maraming babae ang nabaliw pa rin sa lalaki.

Ang lawak ng source niya sa binata. Kung ito ba naman ang laging laman ng mga babaeng employee ng kaniyang ama sa tuwing maririnig niyang magtsitsismisan ang mga ito. Dati, pinangarap niyang makita ito sa personal dahil hinahangaan niya ang taglay nitong talino at husay na pagpapatakbo sa negosyo na ngayo'y namamayagpag sa buong Asya. Pero ngayon, imbes paghanga ang nararamdaman niya... galit, takot at pagkasuklam ang kaniyang nararamdaman.

Dahil sa naramdamang pagod, hindi niya namalayang nakatulog siya sa bisig nito habang hilam sa luha ang kaniyang mga mata.

NAPASULYAP si Cuhen sa dalagang pangko-pangko niya. Napailing siya nang mapansing nakatulog ito. Pinasakit ng babaeng ito ang ulo niya sa kahahanap. Akala siguro nito ay matatakasan siya. Siya lang ang nakakaalam sa pasikot-sikot ng lugar, kaya halos mangalaiti siya sa galit nang maisahan siya nito.

Kung hindi pa siya bumalik ng bahay dahil nakalimutan niyang dalhin ang baril for in case of emergency, hindi niya pa nalaman na sa kanang bahagi tumakbo ang dalaga. Ilan sa mga tanim na bulaklak ng bakuran ay naapakan at may mga bakas pang paa sa malambot na lupa.Wala siyang sinayang na oras at agad na sinundan ito. Alam niyang sa mga sandaling iyon, hindi pa nakakalayo ang babae at kapag hindi niya ito maabutan, baka sa bangin ang deritsong bagsak nito.

Takip-silim nang dumating sila sa bahay at basang-basa. Marahan nilapag ni Cuhen si Ellah sa kawayang sofa. Mabilis siyang kumuha ng malinis na tuwalya, t-shirt at boxer na pag-aari niya.

Hindi ito nagising nang simulan niyang hubarin ang damit na suot ng babae. Damn! Inis na pinukol niya ng masamang titig ang kesami at kinontrol ang sarili.

Kapagkuwa’y mabilis niyang isinuot sa dalaga ang damit na may pag-iingat at pagtitimpi sa sarili na hindi angkinin ito sa ganitong sitwasyon bilang kabayaran sa ginawa nito. Sinunod niyang gamutin ang mga galos nito at sugat sa paa. Kung gising pa ito, kanina na ito nakatikim ng kaniyang galit.

Sunod na kaniyang ginawa, binuhat ang walang malay na babae paakyat sa silid nito. Damn this woman for making him mad! Bukas na ang parusa nito at tiyak na hindi nito magugustuhan ang kaniyang gagawin.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan at minsan nga ay sinasabayan ito ng pagkulog at pagkidlat. Napailing siya at dahan-dahang nilapag ang katawan nito sa malambot na kama saka niya ini-on switch ang lampshade.

Kumuha siya ng panibagong kumot sa cabinet at kinu-mutan ito. Tinungo rin niya ang bintana, kinuha do’n ang kumot na ginawang bitag ng dalaga sa kaniya at sinarado. Hindi niya talaga akalain gagawan siya nito ng kakaibang patibong at napaniwala naman siya. Ang akala niya ang tanging nagagawa nito ay umiyak lang sa tabi at makiusap.

Not gonna happen again, woman!

Mabilis niyang inihakbang ang paa patungo sa pintuan at walang emosyong lumabas. Basta nakakuyom lang ang kaniyang kamao at alak ang naging takbuhan niya nang mga sandaling iyon. He need to calm himself. Sa ngayon, wala pa siyang gagawin sa babae pero bukas, magsisimula ang parusang nararapat dito. Titiyakin niyang masasaktan ng sobra ang pinakamamahal nitong ama na nagtatago sa balat ng karnero. Nangangati na siyang patayin ang matanda pero huwag sa ngayon, ipapalasap muna niya ang sakit na dinulot nito sa buhay niya.

Lumipas ang ilang sandali, bumalik siya sa silid ng babae at sinilip ito kung buhay at humihinga pa. Nagtagis ang kaniyang bagang nang makitang umiiyak ito at nangangatog. Pinagwalang bahala niya ang bagay na iyon at akmang isasara ulit ang pintuan, para lang mapahugot siya ng malalim na buntunghinga. Pinag-mamasdan niya ang patuloy na pag-iyak nito, wala siyang nagawa kundi ang lapitan ang babae at damhin ang noo.

Napapasong inilayo niya ang kamay sa sobrang init ng dalaga. Nanginginig ito at hindi kakasya ang kumot na binigay niya. Para itong babasaging bagay na ilang sandali lang, mababasag na. Napamura siya at mabilis na tumayo.

Kuyom ang mga kamao nang magtungo siya sa kaniyang silid at kumuha ng gamot. Nag-init na rin siya ng tubig sa heater at binuhos niya ito sa maliit na plangganita. Kumuha na rin siya ng bimpo.

Bullshit!

Kahapon, isa siyang kidnapper at ngayon, naging tagapag-alaga na nang may sakit? Damn hell! Hindi ito ang plano niya.

Bitbit ang gamot, isang basong tubig at plangganita, pumasok siya sa silid ng babae. Ginising niya ito para painumin ng gamot pero nanatiling nakapikit ito at umiiyak. Napailing siya at walang magawa kundi ang lagyan na lamang ng maligamgam na bimpo ang noo ng dalaga.

Tumayo rin siya at kumuha ulit ng panibagong kumot sa cabinet at dinagdagan ang kumot na nakapatong sa katawan ng babae. Medyo nakatulong ang kaniyang ginawa dahil tumigil ito sa panginginig.

“Hey woman!” Tinapik niya ang pinsgi. “Uminom ka ng gamot,” pero nanatiling nakapikit ito.

He cursed under his breath. Parang gusto niyang sapilitan itong painumin para makapagpahinga na siya. Malapit ng magha-hating gabi at gusto na niyang humiga sa kama. Ang ulan sa labas ay tumila na at napalitan na lamang ito ng mga tunog ng kulisap.

“D-dad...”

Napakuyom ang kaniyang kamao. That’s it! Punong puno na siya sa kaingayan nito kaya sapilitan niya itong niyugyog. Napa-ismid siya nang dahan-dahang nagmulat ito ng mata. Mapupungay ang mga iyon at pulang-pula dahil siguro sa pag-iyak.

“Drink.” utos niya nang iabot ang gamot sa bibig nito at basong may lamang tubig.

Muling pumatak ang luha sa mata nito at kahit lampshade lang ang nagbibigay ng liwanag sa naturang silid, alam niya ang takot na nakasalamin sa mata ng dalaga.

“Come on, drink!” mababa lang ang kaniyang pasensya dahil mabilis lang mag-react ang kaniyang mala-bulkan na ugali.

Walang ingay na sinunod siya ng dalaga. Nanginginig ang kamay nito nang abutin ang gamot at dahan-dahang nilagok ang tubig. Agad siyang tumayo at tinalikuran ito. Magpapahinga na siya sa kabilang silid tutal napainom niya na ito ng gamot.

NAGISING si Ellah na kumakalam ang sikmura. Tingin niya, nagpapatayan na ang mga alaga niya sa loob at balak yatang gawin umagahan ang kaniyang bituka.

Napatingin siya sa labas, kahit nakasirado ang bintana alam niyang umaga na dahil sa sinag ng araw na nagpupumilit na pumasok. Dahan-dahan siyang tumayo pero gano’n na lang ang pag-ikot ng kaniyang ulo. Bigla siyang napabalik ng upo sa kama. Doon lang niya napansin na iba na ang kaniyang kasuotan.

Don’t tell me...

Nanlaki ang kaniyang mata nang silipin niya ang suot na undies ay boxershort ng binata at may kahigpitan pa ang pagkakabuhol ng laso sa kaniyang bewang.

God!

Ngayon lang nag-sink in lahat sa kaniyang utak ang buong nangyari kahapon at kung paano siya muntik mahulog sa bangin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height