+ Add to Library
+ Add to Library

C6 Kabanata 6

Kinabukasan nagulat na lang siya nang madatnan niya si Cuhen na kakapasok sa loob ng bahay. Magulo ang ayos ng buhok, basang basa ang kasuotan at halatang buong magdamag na walang tulog pero ang ikinagtaka niya ay ang kamao nitong dumudugo. Napatitig siya ro’n at nakaramdam ng pag-alala.

Nilagpasan siya nito sa may hagdanan pero may sariling isip ang kaniyang kamay na abutin niya ang kanang kamay nito.

“A-anong nangyari sa kamay mo?” kahit takot siya sa presinsya ng lalaki, hindi niya mapigilan mag-alala. Saan ba ito kagabi at ganito ang ayos nito?

“Get lost!” Tinabig siya nito. Mahina lang iyon pero dahil nanghihina siya, bumalya siya sa isang tabi.

Nasaktan siya nang tumama ang kaniyang likod sa dingding pero alam niyang mas masakit ang kamay nito. May nag-uudyok sa kaniya na gamutin iyon pero nagtuloy-tuloy na ito sa itaas at malakas na sinara ang pintuan ng silid nito na halos ikabingi niya.

Matamlay na nagtungo siya sa kusina at nagpasyang magluto para kumain. Kailangan ng katawan niya ang pagkain. Hindi naman siya sinita ng binata na ginagalaw niya ang mga stocks ng ref.

Nakapagluto siya ng isang simpleng agahan. Isa sa hobby niya ang pagluluto at kaya may alam siya pagdating sa kusina. Mabilis niyang linigpit ang pinagkainan at tinungo ang kaniyang silid para magkulong. Bigla na naman kasing umulan sa labas kaya hindi siya makakapunta sa hardin gaya ng kaniyang ginagawa.

Nasa bukana pa lang siya ng pintuan ng silid niya ang malakas na pagsigaw ni Cuhen sa kabilang kwarto. Sunod-sunod ang pagkabasag ng mga gamit at malalakas na kalabog na parang nagwawala ito.

“Fuck! Fuck! Fuck!”

Nakagat niya ang labi. May nabasag na bagay na tumama sa pintuan ng silid nito. Sa ilang linggo niya sa lugar na ito, hindi niya ito nakitang nagwala. Madilim lagi ang ekspresyon ni Cuhen, totoo iyon at laging galit sa mundo. Kung hindi siya nito inaangkin, tinuturing naman siyang basura at nasasaktan siya sa parteng iyon.

Imbes na makaramdam siya ng takot, natagpuan niya ang sariling tinungo ang silid ng lalaki at walang sabing binuksan ang pintuan. Tama nga siya, parang dinaanan ng bagyo ang silid nito at ilan sa mga gamit na nandoon ay nasira. Nagkalat rin sa sahig ang ilan sa mga na nabasag na gamit at pag magkakamali siya sa pag apak, masusugatan siya.

Nakadapa ang lalaki sa kama at suot pa rin nito ang damit na basang-basa pa. Ang kamay nito ay nakalaylay sa gilid ng kama at nagdudurugo pa rin. Wala yata itong balak linisin ang sugat.

Lumabas siya saglit at agad tinungo ang medicine kit na nasa banyo sa ibaba. Bumalik siya agad sa silid nito at nanatili pa rin itong nakadapa. Marahil nakatulog.

“What do you want?” asik nito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi siya sumagot pero dahan-dahang lumapit siya rito. Gusto lang niyang gamutin ang sugat nito sa kamay at pagkatapos ay bahala na ito kung paparusahan siya nito sa kapangasahan niya.

“Take your shadow away from here. I’ll kill you if you insist,” anito sa nagbabantang boses at nananatiling nakadapa pa rin sa kama.

Pero lumapit pa rin siya rito at bago pa ito nakahuma, ginanap niya ang nakalaylay nitong kamay.

“Damn! I said get the fuck out of here.” Napabalikwas ito ng bangon at nagbabagang mata ang sumalubong sa kaniya nang tabigin nito ang kamay niya. Parang kahit ilang segundo kaya nitong patayin siya.

“P-parusahan mo ako kung iyan ang gusto mo...” Ewan saan nanggaling ang tapang ng loob niya na salubungin ang titig nito. Kulang na lang ay lamunin siya ng buo.

Galit siya nitong tiningnan, “Umalis ka na bago pa kita mapatay.” Bumalik ito sa pagkakadapa.

Hindi siya nakinig. Inabot niya ang kamay nito at kahit ilang beses siya nitong sinigawan para umalis, hindi niya iyon pinansin. Hanggang sa sumuko rin ito at hinayaan siyang gamutin ang kamay nito. Napailing-iling siya sa malalalim na sugat na tinamo ng kamay ni Cuhen. Nilinisan niya ito ng alcohol. Sa kamanhiran ng binata, hindi man lang ito nasaktan sa ginawa niya. Matapos lagyan ng betadine, binalot niya ito ng malinis na puting tela.

Mga kalahating oras ang lumipas bago siya natapos. Tumayo siya at nagpasyang lumabas nang mapansing nakatulog na ito. Napangiti siya sa sarili pero agad din naglaho sa isipin na hindi pa ito nagpalit. Nag-aaway ang kaniyang utak kung sasabihin ba niya sa lalaki na magpalit at baka magkasakit ito.

“M-Mr. Malcogn?”

Hindi ito sumagot. Nanatili itong nakapikit at malalim ang hininga. Nakatulog na nga ito. Sandali niyang pinatong sa tabi ng kama ang medicine kit para tapikin ang lalaki. Pero nauwi sa ere ang kamay niya nang maramdaman mainit ang singaw ng balat nito.

May lagnat siya!

Agad niyang pinatong ang palad sa leeg nito at tila napapasong inilayo niya agad ang kamay sa sobrang init. Bigla siyang nataranta.

Maingat niyang pinatihaya ang binata. Nakapikit pa rin ito at namumula na halos ang buong mukha sa init. Agad niyang hinubad ang shirt nitong suot at naghanap ng maipampalit. Lakas loob na rin niyang pinalitan ang pang-ibaba nito at sinuotan ito ng boxer short na hindi nakatingin. Kahit ilang beses niya na itong nakita, nag-iinit pa rin ang kaniyang mukha. Sino ba naman ang hindi?

Agad niyang sinarado ang bintana at binuksan ang ilaw. Kinumotan niya ito. Pinakialaman din niyang ayusin ang mga nagkalat na bagay sa silid ng lalaki. Inayos ang mga natumbang bagay at tinapon ang mga bubog.

Umupo siya sa tabi ng kama at pinagmasdan ang mahimbing na pagkakatulog ni Cuhen. Kung nakapikit ito ay parang isang anghel sa sobrang payapa. Ang makakapal na kilay na binagayan ng matitiim na matang nakapikit. Matangos na ilong at thin kissable lips. Pangahan na mukha at divided chin na nagpapadagdag na sinuman babae na mabaliw.

Napangiti siya ng mapait nang haplusin niya ang buhok nito. Kahit papaano ay nabigyan siya ng pagkakataon pagmasdan sa malapitan ito kahit isa itong demonyo. Nagpasya siyang paglutuan ito ng mainit na sopas para paggising nito ay malagyan nito ang sikmura.

NAGISING si Cuhen na masakit ang ulo at nahihilo. Inalala niya kung anong nangyari at bigla siyang nagtaka kung paano siya nakapagpalit ng damit. Damn! Pinakialaman ng babaeng iyon ang katawan niya. Inis na bumangon siya mula sa kama at napagtantong pati ang silid ay pinakialaman din nito.

Mabilis niyang tinungo ang pintuan at inabot ang siradura. Natigilan siya nang makitang nalinis na ang sugat sa kaniyang kamay. He shake the thoughts of her nursing his wounded fist. Hindi pa rin ito dapat nangingialam.

Naabutan niya itong kalalabas lang ng silid. Nakaroba ito ng manipis na tela na hanggang hita ang taas. Nagulat pa ito nang makita siya at agad napaatras. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito para sitahin sa pagpapalit ng kaniyang damit, pero biglang sumigid ang panghihina ng kaniyang katawan at hindi sinadyang napayakap siya sa dalaga na wala sa oras.

Fuck this!

Bumitaw siya rito pero halos masubsob siya sa sahig kung hindi agad nakatukod ang kaniyang kamay. The fuck! Huling bisita niya sa ospital dati ay sampung taon na ang nakaraan. Hindi siya prone sa mga lagnat. Mas kaya pa niyang indahin ang mga tama ng baril at bali ng buto pero sa simpleng lagnat at trangkaso, humihina ang kaniyang resistensya. Damn!

“O-okay ka lang?” nag-alalang sambit ni Ellah kahit natatakot at nasisilong sa kaniyang presinsya.

“Shut up, bitch! Shut the hell up like you cared!” bulyaw niya sa dalaga at natigilan ito. Dumaan ang sakit sa kislap ng magaganda nitong mata pero wala siyang pakialam doon. Pinilit niyang tumayo at nagtagumpay siya.

“Ihatid na kita...”

“So I could easily kill you then,” putol ni Cuhen sa anuman sabihin nito.

Pero hindi pa siya umabot ng pintuan, bumagsak na siya. Damn! Ilang araw na bang hindi dinaanan ng pagkain ang kaniyang tiyan? Hindi na siya nagulat nang lumitaw sa kaniyang tabi ang babae at tinulungan siyang tumayo. Hinawi niya ito pagkatapos at siya na ang pumasok mag-isa sa silid. Hindi siya baldado para tulungan nito.

Nakagat ni Ellah ang labi nang malakas na sinara ni Cuhen ang pintuan. Pinagsarhan siya ng binata. Nagtungo siya sa ibaba at nagsandok ng mushroom soup para dalhin sa kwarto nito. Kumuha rin siya ng gamot para mabilis bumaba ang lagnat ng lalaki.

Kumatok siya habang bitbit ang tray ng pagkain sa isang kamay. Nasa harap siya ng silid nito at gustuhin man niyang pumasok, naka-lock na iyon sa loob.

“Nagluto ako ng mushroom soup at nagdala rin ako ng gamot. Kumain ka muna para—”

“I don’t eat poisonous food,” pagbabara nito sa loob.

“Wala itong lason. Gusto ko lang talagang—”

“One more and I’ll kill you.”

Bagsak ang balikat na tumalikod siya. Iniwan na lang niya sa harap ng pinto ang pagkain at dumeritso ng kaniyang silid. Magkukulong ulit siya tulad ng kaniyang nakagawian.

Gusto niyang matulog pero pabaling-baling siya sa higaan hindi pa rin siya dalawin ng antok. Nag-alala siya sa kalagayan ng lalaki. Kung bumaba na ba ang lagnat nito at kumain na ba.

Tinungo niya ang pintuan at sumilip mula roon. Malungkot siyang napabuntunghinga nang makitang ando’n pa rin ang pagkain. Pinalitan niya ulit iyon ng bago.

Umupo siya sa katabing dingding ng pintuan habang nasa tabi niya ang tray ng pagkain. Hihintayin niyang magising ang binata at kainin ang dala niya. Bahala na kung magagalit ito. Dahil kung may mangyaring masama rito, paano siya makakaalis sa lugar na ito? Ito lang ang tanging taong pwedeng magpasya sa kaniyang kalayaan.

Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog siyang gano’n ang ayos at nanaginip siya. Sa panaginip niya, lumabas ang lalaki. Napabuntunghinga ito at walang-pagdadalawang isip na pinangko siya mula sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog. Dinala siya nito sa kaniyang silid at dahan-dahang nilagay sa kama saka kinumotan. Pagkatapos, tuloy-tuloy na ang kaniyang tulog hanggang sa magising siya kinagabihan at maalalang totoo ang kaniyang panaginip.

Nakaramdam siya ng kasiyahan na totoong binuhat siya ni Cuhen at hindi niya alam kung bakit. Napangiti siya at nagmuni-muni saka bumukas ang pintuan at niluwa ro’n ang lalaking nasa isip niya.

“Eat with me.” Pagkasabi nito ay agad itong tumalikod kasabay ng pagsara ng pintuan.

Natitilihan naman siyang napatitig doon kahit wala na ito. He mean what? Tama ba ang pandinig niya o kinakalawang na yata pati ang kaniyang teynga? Inaanyayahan siya ng binata na sumabay na kumain dito? Sa ilang linggo niya rito, ngayon pa lang sila magsasabay sa pagkain. Kinakabahan siya pero nakaramdam siya ng munting saya.

Lihim siyang nakatingin sa bawat galaw ni Cuhen habang tahimik na kumakain. Halos hindi niya magalaw ang nasa kaniyang pinggan dahil sa tensyon nadama. Sa kaniyang tingin, okay na ang lagay nito. Hindi na ito namumula at mukhang bawing- bawi na nito ang lakas. Nakahinga siya ng maluwang sa isipin iyon.

“Stare me once more and I’ll kill you,” pabagsak na saad nito.

Napalunok si Ellah at mabilis na binawi ang mata. Ramdam din niya ang pamumula ng mukha habang panay ang subo niya ng pagkain. Halos hindi na nga niya tiningnan kung ano ang kaniyang isinubo kaya sa huli, nabilaukan siya.

“Drink,” walang emosyong anas nito. Inabot nito sa kaniya ang basong may tubig. “Stupid.”

Mabilis niyang nilagok ang tubig at tinapos ang pagkaing natira sa pinggan. Agad siyang nag-excuse sa harap nito at tumakbo patungo sa kaniyang silid.

God! Bakit ako nagkaganito? Dapat ko siyang kamuhian. Ang puso ko, hindi na normal. Tulungan Niyo ako, Lord! I think, I... I think, I’m falling for him. Hindi ito pwede! Hindi!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height