C2 Kabanata 2

Nagising si Abhaya sa init ng sinag ng araw na pumasok sa bintana. Nakalimutan pala niyang isirado ang kurtina nang nakaraan gabi sa sobrang pagod at antok. Dinalaw na naman siya ng unang pagtatagpo nila ni Hudson sa kama kung saan hindi nakakabuti iyon. Hindi nga ba? Dalawang linggo rin niya iyong iniyakan sa sobrang pagkahiyang naramdaman dati. Walang babaeng gustong mapahiya ng gano’n at isa pa, bakit takot ito sa mga birhen?

Napailing na lang siya nang magtungo sa banyo. Plano niyang huwag munang pumasok ngayon. Magti-text na lang siya sa kaibigan niya na masama ang kaniyang pakiramdam at pupunta siya sa isang clinic ngayon para magpacheck-up. Kailangan niya ng magpa-maternity check up para masabihan siya kung anong vitamins ang dapat inumin at pagkain saka prutas na para sa baby na na sa kaniyang sinapupunan. Hindi pa man ay masayang-masaya siya na may munting buhay sa loob niya.

Nakangiting humarap siya sa salamin at inayos ang sarili. Nagsuot siya ng simpleng white dress. Gatas at sandwich na almusal saka na siya nagpunta sa clinic. Niresitahan siya ng obgyne na tumingin sa kaniya ng ilang vitamins at pinayuhan na rin siya sa mga dapit niyang gawin at hindi habang nagbubuntis siya. Nalaman din niyang malakas ang kapit ng kaniyang baby sa loob at ikinangiti niya iyon.

Matapos bumili ng vitamis, pumasok siya sa SM para bumili ng pagkain at prutas na kakailangan niya. Busy siya sa paghahanap ng bibilhin nang matanaw niya si Vraiellah sa meat station. Nagdadalawang isip siya kung lalapitan ba niya ito pero nang lumingon ito at nang makita siya ay ito na mismo ang lumapit sa kaniya na malaki ang ngiti. Nasa likod nito ang asawa at halos lumubog siya sa sobrang kahihiyan. Ang boss niya! Anong irarason niya? Gusto niyang lumubog sa lupa.

“Abhaya, right?” parang matagal na silang magkaibigan ni Vraiellah the way na kausapin siya nito at ningitian.

Napangiwing tumango siya at nagbaba ng tingin. Na-intimidate pa rin siya sa presinsya ng boss niya kahit ilang beses niya na itong nakakasama sa mga events o parties dahil kay Hudson.

“Pwedeng makipag-girls talk muna sa kaniya, baby? Promise uuwi ako na buong buo pa ang katawan. Mauna ka na sa work mo.” Si Vraiellah na tinulak pa talaga ang asawa nito kasama ang mga pinamili. Tapos na pala ang mga itong mamili. “Pero bago iyon, iuwi mo muna ito sa bahay. Thank you!” Saka ito humalik sa labi ng asawa.

Bigla siya nakaramdam ng inggit. Sana gano’n din sila ni Hudson pero hindi, eh. Walang gano’n sa kanila ni Hudson lalo na kung nasa public.

“Okay, bye you two. Call me when you get home wife. And Ms. Sahada, please take good care of her, she’s my world.”

Tumango lang siya at tumalikod na si Mr. Malcogn. Natawa naman ang babae na halatang kinilig at kahit naman siya, kinilig sandali sa tinginan at pagpapalitan ng pag-uusap ng mga ito.

Tinulungan siya ng babae na mamili habang nag-uusap sila. Pang-dalawang beses nila itong pagkikita at palagay ang loob niya rito. Dahil siguro buntis ito tulad niya at aaminin niyang sobrang bait nito. Hindi tulad niya, ang dami niyang suot na maskara. Pero sa mga sandaling ito, pagod siyang isuot alin man sa mga maskara niya. Pagkatapos nilang mamili ay deritso sila sa isang Tea Shop.

“Nawala ka kagabi. Pasensya ha, hindi kita naasekaso.”

Ngumiti siya. Bakit ba ang bait nito? Naalala niya ang kaniyang ate sa katauhan ng babae. “Pasensya rin at hindi ako nakapagpaalam sa`yo.”

Ngumiti ito at ito na mismo ang nagbayad sa inorder nilang chocolate cake at tea. Habang naghihintay sila sa inorder nila, tumunog ang kaniyang cellphone sa bag. Kinuha niya at tiningnan iyon, si Hudson. Matagal niyang tinitigan iyon at nagdadalawang isip kung sasagutin ba ito pero bago pa niya napindot ang accept call ay namatay na ito.

“Si Herrence ba?” nanunuksong tanong nito.

Tumango siya. “Siya nga pero pinatay niya na, baka nangungumusta lang.”

Matagal bago ito sumagot at tinitigan siya. Ginanap ang kaniyang kamay at pinisil iyon. “Ayukong manghimasok pero Abhaya, pwede mo akong sandalan. Kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako. Saka wala naman akong kaibigan at gusto kitang maging isa sa kaibigan ko.”

Dumating ang inorder nila.

“Salamat. Gusto rin kitang maging kaibigan pero...” I don’t deserve to be your friend, Ellah. You are too good to be true and I’m a fake.

“Basta! Friends na tayo,” natatawang saad nito.

Natawa na rin siya. Magaan talaga ang loob niya sa babae at masaya siya sa isipin iyon.

“Kukunin kitang ninang sa anak ko, humanda-handa ka na.”

Natapos ang dalawang oras na puro kwentuhan at tawanan silang dalawa. Sino ba ng hindi matatawa, kinwento nito sa kaniya ang love story nito kay Mr. Cuhen at kung paano nito pinaglilihan ng asawa. Naiiyak siyang natatawa sa mga pangyayari. Hindi niya akalain na sobrang under pala ng boss niya.

Pagkababa niya ng taxi ay kotse ni Hudson sa labas ng apartment niya ang sumalubong. Hindi niya ito napansin sa sobrang pag-iisip. Ito yata ang na master niya sa lahat, ang mag-overthink. Bahagya siyang napahigit ng hininga at kinabahan. Kahit paminsan-minsan itong sumusulpot sa harap ng kaniyang apartment, hindi niya pa rin mapigilan kabahan sa presinsya ng binata.

Hindi pa man siya tuluyan nakalapit sa gate, hinaklit na siya nito sa braso nang makababa ito. Nalaglag ang kaniyang pinamili at bumagsak iyon sa lupa pero nanatiling nakatitig ang kaniyang mata sa mukha ng binata. Alam niyang galit ito.

“For leaving me at the party last night, this punishment deserves you.” Hinila siya nito papasok sa loob ng kotse. Hindi siya nakaayaw. Kung sabagay, kailan ba siya nakaayaw sa kamandag nito.

Makasalanang hinalikan siya ni Hudson sa labi. Pinunit nito ang kaniyang suot at hindi na lang siya nagreklamo. Masakit ang pagkakahalik nito at may kasamang kagat pa iyon. Nagbabadya ng panganib kung pipigilan niya ang ginawa nito. Walang salitang kumawala sa bibig niya o kahit katiting na ungol.

Matapos sirain ang kaniyang damit, hinaklas nito ang kaniyang bra at pinunit ang kaniyang undies. Ang ibang katauhan ni Hudson ang nakikita niya ngayon, ang isang katauhan nito pag-galit. Napapikit siya ng mata. Ayaw niyang pagmasdan ang gagawin nito.

“Don’t close your eyes, woman!” puno ng awtoridad ang pagkakasabi nito at tanging tango lang ang sagot niya.

Kinagat nito ang kaniyang leeg at nilagyan siya ng marka. Napakagat siya ng labi. Buong leeg niya ang nilagyan nito ng marka at kahit ang dalawang dibdib niya ay gano’n din. Tinali ng lalaki ang kaniyang dalawang kamay gamit ng sinturon na sobrang higpit. Hinayaan na lamang niya ito hanggang sa matapos at pakawalan siya.

Masakit ang pagpasok nito, may galit at diin. Malaki si Hudson kaya kapag hindi siya handa, nasasaktan talaga siya. May gigil bawat ulos nito at sinabayan pa ng munting pagkagat sa kaniyang leeg. Napapikit na lamang siya at lihim na napaluha. He’s back from being beast again. Ilang beses itong naglabas pasok at ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mainit na likido sa loob ng kaniyang sinapupunan. Mapait siyang napangiti.

Walang imik na tinanggal nito ang belt na nakagapos sa kaniyang kamay. Binigay nito sa kaniya ang coat nito at pinasuot saka siya pinalabas sa kotse nito na parang diring-diri sa kaniyang presinsya. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan siya after nitong i-start ang sasakyan at nag-ayos ng kasuotan. Iniwan siya nitong parang basahan at pumapatak ang luha na pinagpupulot ‘yong pinamili niya na nagkalat sa daan.

“Kapit lang baby ha, war freak daddy mo eh,” pinilit niyang pinasaya ang sarili kahit parang hinihiwa ang kaniyang puso sa sakit.

Nilagay na lamang niya sa mesa ang pinamili at deritsong nagtungo sa kwarto para magpahinga. Hindi siya napagod sa pag-kikwentuhan nila ni Ellah, kundi sa lalaki. Pagod na pagod siya at pagod na rin siyang umiyak kaya itutulog na lang niya iyon, baka sakaling pag-gising niya hindi niya na mahal ang lalaki.

Nagising siya bandang 6 nang gabi. Binuksan niya ang TV niya sa sala habang naghahanda ng hapunan. Kailangan niyang kumain para sa batang nasa kaniyang sinapupunan. Natigil siya sandali nang mabanggit ang pangalan ng kaniyang boss. Napangiti siya dahil nakatanggap ito ng parangal sa pagiging magaling sa negosyo in which isa si Ellah sa likod nito sa natatanggap nitong award. Pinagpatuloy niya ang paghahanda nang marinig niya ang pangalang Hudson Herrence.

Napatingin siya sa balita, hindi na siya umimik nang makitang may babaeng kasama ang binata. Artista ang babae sa pagkakaalam niya. Hinihalaan na girlfriend ito ng binatang Doctor at bago pa kumurot ang puso niya, pinatay niya na ito at nag-concentrate sa kaniyang ginagawa. Masasaktan lang siya kung magpapatuloy siyang manood dahil alam niyang pwedeng totoo ‘yon o pwedeng hindi.

Umiinom siya ng isang basong gatas bago matulog sa gabing iyon nang biglang tumawag ang kasamahan niya sa office. Ang galing talaga ng tyempo nito, tatawag ito kapag papatulog na siya.

Nababagot na sinagot niya iyon, “Hello?”

“I saw him.”

Natigilan siya sa bungad nito. Hindi siya nakaimik at ang tanging nagawa na lang ni Abhaya ay mapahugot ng hangin. Freia only know the shallow part; that she and Hudson is having a relationship— a lust relationship, no love involve. Pero siya? Hulog na hulog na dati pa. Hindi nga niya alam paano umahon sa pagkakalunod.

“Nakita ko si Doc. Hayes, may kahalikang ibang babae-- no, kahalikang artista.”

Kahit maingay ang background nito, naririnig niya ang sinabi nito. Napapikit siya at ramdam ang luhang kumawala sa mga mata pero mabilis niyang pinunasan iyon.

“Hayaan mo siya. Masyado akong maganda para habulin siya, ‘no! Bukas na bukas din, kaya ko siyang palitan,” nagkunwari siyang tumawa pero ang totoo, nagsiunahan sa pagpatak ang mga luha sa kaniyang mata. May karapatan ba siyang masaktan? Wala. Napapikit siya ng mata at malayang kumawala ang mga luha ro’n, ang sakit pala. Tumawa naman ito sa kaniyang naging sagot at mabilis na nagpaalam.

Maaga pa lang kinabukasan, nag-gayak na siyang maghanda. Isang turtleneck na damit ang kaniyang suot at pants. Kailangan niyang pumasok sa trabaho at may magulang pa siyang padadalhan sa probinsya at sariling binubuhay rito sa Maynila. Hindi naman kasi siya humihingi ng pera o anuman bagay sa binatang Doctor.

“Pinapasabi ng Head natin, pinatawag ka ni Mr. Malcogn. Naku, lukaret ka! Ano na naman kaya ang ginawa mo?” bunganga agad ang bumungad sa kaniya ni Freia. Halatang-halata na ilang oras lang itong nakatulog at nangingitim ang eyebags.

Nag-ikot siya ng mata at walang salitang tinungo ang opisina ng big boss nila sa company na iyon. Paminsan-minsan lang si Mr. Malcogn doon, minsan nga sa isang buwan lang ito nagpapakita sa kanila. Siguro napakaimportante ng sasabihin nito, saka wala siyang maalala na inaway niya ang asawa ng boss niya.

Nakaharap ito sa malaking portrait ng asawa nito nang pumasok siya. Lihim siyang napangiti. Sino ba talagang mag-aakala na ang lalaking ito ay madly inlove sa asawa? Pangalawang beses niya ng pumasok sa pribadong opisina nito.

“Sir?” pukaw niya sa lumilipad nitong isip.

Napatingin ito sa kaniya. Nang makita siya ay bahagya itong tumango at itinuro ang upuan sa harapan ng desk nito. Tinungo niya iyon at umupo. Hindi niya alam kung anong kailangan nito dahil kung tutuusin isa lang siyang ordinaryong empleyado. Wala naman sigurong rason na kaya siya ipinatawag ay dahil tatanggalin na siya sa kompaniya nito.

May inabot ito sa kaniyang files, nagtatakang tiningnan niya iyon at binuksan kung ano ang laman ng folder. Napatanga siya nang makita ang kaniyang promotion, totoo ba ang kaniyang nabasa? She’s promoted being a supervisor?! Wait wait... Administrative Assistant lang siya. Paano siya nakakuha ng promotion samantalang isang taon pa lang siya. Parang may mali...

“Kung anong nabasa mo ay totoo, Ms. Sahada. I promoted you myself. I saw your records and dedication from works, and it motivates me to promote you as our new supervisor. One more thing, sa America ito. Shelter and transportation are company’s liable,” deri-deritsong saad nito na lalong nagpagulo sa utak niya.

“Wait sir, I have no against about this promotion but America? I mean... there are more qualified—”

“Sinasabi mo ba na ‘di ka qualified?”

“Yes! Ah, no. I mean, Sir...”

“Lima sa company na ‘to ang ipapadala sa US kasama si Ms. Freia; she’s marketing assistant. No worries, temporary lang ito, maybe two or six months depends on how you handle the people out there.” Inikot nito ang ballpen at tila nag-iisip.

Hindi siya nakasagot. Bakit imbes na maging masaya siya, bakit sobrang kalungkutan ang kaniyang naramdaman? Parang handang babagsak ang kaniyang luha anumang oras. Hindi niya maintindihan, para kasing may mali, eh.

“I take your silence as yes. Good day, Ms. Sahada. You can go back to your office, thank you.” Binuksan nito ang laptop at dito na nakatuon ang atensyon nito.

Magalang siyang nagpaalam at lutang na lumabas sa opisinang iyon. Mixed emotions, iyon ang tunay na naramdaman niya. Dati, gustong gusto niya ma-promote at pumunta ng America pero bakit ngayon kung kailan magkatotoo na iyon ay saka niya hindi naramdaman na masaya siya? Parang kalahati ng puso at buhay niya ay maiiwan. God! Kailangan niyang sabihin kay Hudson ito, kailangan nga ba?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height