C3 Kabanata 3
Nag-desisyon siya na puntahan at bisitahin si Hudson sa private office nito sa Hayes Group of Hospitals sa Makati City. Tatlong araw na ang nakaraan simula nung huli niya itong makita at pinarusahan siya sa sasakyan at pagkatapos, wala ng Hudson ang lumitaw sa kaniyang pintuan. Sa loob nang tatlong araw na iyon, nakapag-isip na siya na sabihin dito ang kaniyang sitwasyon, ang anak nito na nasa kaniyang sinapupunan, at ang mabilisang promotion niya.
Nakita niyang nakasuot ito ng Doctor’s Coat at may stethoscope sa leeg. Napakagwapo talaga nito kahit bihira itong ngumingiti. Hindi na siya magtataka kung listed ito bilang isa sa pinaka-hottest Doctor sa buong mundo. Ewan ba niya, siguro nung nagpaagaw ng kagwapuhan taglay ang Diyos, lahat inagaw nito at sinalo.
Para sa kaniya, sobrang perfect nito. Ang square jaw nito na nagsisigaw ng kagwapuhan plus his thick brows, lashes and emerald eyes that intimidates every woman. His perfect pointed nose that looks like being sculptured by a great sculptor. His luscious sinful lips na gustong-gusto halikan ng lahat ng kababaehan. A living epitome of Greek God. Hindi nakakapagtaka kung bakit ang daming naghabol sa binata. Nasa lalaki na ang lahat; fame, money and looks.
Bahagya lang siya nitong sinulyapan at ibinalik ulit ang mata sa chini-check na documents. “Why are you here? Have not I told you, I don’t want to be disrupted unless you have my permission?”
Ngumiti siya at tila walang pakialam. Ginamit niya ang kaniyang maskara na parang hindi siya naapektuhan pero ang sakit ng sinabi nito, tagas iyon sa buto. “We need to talk, Hudson.”
“Make it fast. I have a meeting after 20 minutes.” Tumi-ngin ito sa relong suot saka bumaling ulit sa mga dokumento na binabasa.
Magsasalita sana siya nang pumasok ang secretary nito. Ibang secretary na naman ayon sa nakita niya and this time, much revealing ang suot. Kitang-kita ang cleavage na halos luluwa na ang dibdib at sobrang ikli ng palda. Hindi niya na lang pinansin iyon pero nagulat siya nang bumulong ito sa teynga ng binata sabay haplos sa balikat nito. Sa harapan niya mismo?!
Wow!
Nagkunwari siyang hindi niya nakita ang ginawa ng secretary nito. Kumalma lang siya kahit gusto niya ng sumabog at hampasin ng tubo ang secretarya nitong mas bagay mag-apply sa Night Clubs.
“I thought you’ll bring me to your yacht today?”
What? Kahit pabulong iyon, dinig na dinig ni Abhaya ang binitawan nitong salita. Pinilit niya pa rin kumalma, iniisip niya ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Ayaw niyang magalit.
“Yes baby, let me finish this and I’ll take you there.” Hinalikan nito sa labi ang babae.
Bigla siyang namula sa harap-harapang ginawa nito. Ang lakas ng tahip ng kaniyang dibdib and any moment ay babagsak ang mga luhang pinipigilan niya. Nakuha niyang tumikhim ng malakas, napatingin ang mga ito sa kaniya at umismid naman ang babae. Hindi man lang nahiya sa kaniyang presinsya na kung tutuusin, wala sa kalingkingan niya ang kagandahan.
“Let me talk her fo awhile.” Si Hudson.
Maarteng tumango ang babae. Muntik na nga siyang hindi papasukin nito kanina kung hindi lang niya ginamitan ng sobrang intimidating na aura at binanggit ang pangalan ni Mr. Malcogn. Meeting, ha! Gusto niyang matawa.
“How can you be that heartless?” pasiuna niya. Walang emosyon na maririnig sa kaniyang boses pero deep inside ay dahan-dahan siyang pinapatay. Nakatayo pa rin siya sa harapan nito mga dalawang metro ang layo.
Hindi ito natinag at patuloy na nag-review ng mga dokumento na nakalatag sa mesa. “Why? Are you surprised? Alam mo ang pinasok mo, Abhaya.”
Napakagat siya ng labi. Gusto niyang mapaluha pero pinigilan niya, “Anyways, let’s jump to my—”
“Yes, what is it?” putol nito at tumingin sa kaniya at parang bagot na bagot sa kaniyang presinsya, “Promotion? Yeah, narinig ko nga na promoted ka. Aren’t you happy?”
Napatitig siya rito at hindi makapagsalita. Well, bakit nga ba niya nakalimutan na magkakilala ito at nang kaniyang boss kaya siguradong alam talaga ng binata. Napahugot siya ng malalim na hininga at hindi makapagsalita ng ilang segundo. Maliban sa promotion, may iba pa siyang gustong sabihin... At karapatan ng batang nasa sinapupunan niya na malaman na may ama ito.
“I’m two and half months pregnant.” Deritsahang saad niya sabay lapag sa test at reseta galing sa kaniyang obgyne.
Hindi niya mabasa kung ano ang reaksyon ni Hudson basta lang itong nakatitig sa kaniya na walang emosyon. Sandaling tumigil ito sa ginagawa at hindi man lang tiningnan ang test result na inilagay niya sa mamahalin glass desk nito.
“I let you used pills to avoid pregnancy, how come?”
Totoo ang sinabi nito na pinagamit siya ng pills pero nung nag-stay sila ng tatlong araw sa yacht nito, hindi niya iyon nadala at hindi niya ito pinlano na magpabuntis. After no’n hindi na siya uminom ng pills dahil sa sumunod na araw nasa London ang binata at tatlong linggo ito nawala.
“I stop using it,” walang takot na sagot niya pero halos kainin na siya ng sakit sa kaloob-looban. Dahan-dahan siyang pinapatay at parang sinasakal ang kaniyang puso.
Kinuha nito ang test result at pinasadahan ng tingin. “What do you want?” agarang saad nito. Tiningnan siya ng matiim at pakiramdam ni Abhaya, hinuhukay nito ang kaniyang pagkatao.
Napakagat siya ng labi sa sinabi nito at pekeng natawa. Sabi na nga ba, eh. Hindi naman siya nagpunta rito para panagutan siya, ang gusto lang niya ay malaman nito ang kaniyang sitwasyon. Tanggap niya na 0.1% ang kaniyang pag-asa na pananagutan nito ang batang kaniyang dinadala.
“Nothing. I just came here to inform you na dinadala ko ang anak mo—” hindi siya nito pinatapos dahil bigla itong nagsalita.
“How much money do you want to spare me? 10 million? 50 million? Name it, slut. Alam kong hindi ko anak ang dinadala mo,” matiim siya nitong tinitigan sa paraang nang-iinsulto.
“Hi-hindi ako narito para—”
“Oh come on! Cut the fuck off, Abhaya. Named your price. Magkano ka ba?”
Para siyang sinabogan ng bomba at hindi makaimik. Ang kaninang maskara na suot-suot niya ay biglang naglaho. Para siyang kandilang dahan-dahang tinupok at kitang-kita sa kaniyang mukha ang buong sakit. Sabay-sabay na nagsibagsakan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan at parang ulan iyon sa patuloy na pagdaloy. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig at bago pa niya sampalin ang lalaking minahal niya ng buong puso, mabilis na siyang tumalikod at tinakbo ang pintuan.
Yes, tumakbo siya papuntang elevator habang hilam sa luha ang mga mata. Nagkapira-piraso ang kaniyang puso at pakiramdamn niya naiwan iyon sa opisina ng lalaki. Hindi niya napaghandaan ang sinabi ng binata. Kulang na lang ay lamunin siya ng lupa sa sobrang sakit. Okay lang naman na hindi siya panagutan, nagpunta lang siya para ipaalam, hindi para ipamukha sa kaniya na kayang kaya siya nitong bayaran ng kumpol-kumpol na pera at sabihin na isa siyang malandi at hindi anak nito ang kaniyang dinadala. Really?!
Ganito pala kababa ang tingin nito sa kaniyang pagkatao, para siyang kinatay sa sakit. All her life, ito lang ang minahal niya ng totoo but fate was unfair. Ito ngayon ang naglalaro sa kaniya ngayon, karma is digital nga talaga pero bakit masyadong masakit? Masyadong masakit pala pag ikaw na ang pinaglaruan ng tadhana.
“Ms, are you okay?”
Hindi siya sumagot sa mga tanong na iyon na nakakasalubong niya sa hallway ground floor pagkalabas niya sa elevator. Tumakbo lang siya nang tumakbo para makaalis na sa lugar na iyon. Kahit anong pahid niya sa mga luhang pumapatak sa kaniyang mata, patuloy pa rin itong umaagos na parang ulan. Hindi niya alam kung saan siya patungo, hinayaan na lamang niya ang kaniyang paa kung saan siya dadalhin. Patuloy lang siyang tumatakbo at gusto niyang mainis sa panahon dahil tila nakisabay ito sa nararamdaman niya dahil biglang bumuhos ito ng malakas. Kanina lang, ang taas ng sikat ng araw.
Malakas na preno ang pumukaw sa kaniyang diwa at nagpahinto sa kaniyang pagtakbo. Saka lang niya lubos naisip na nasa gitna siya ng daan at naramdaman niyang tumilapon sa malayo ang kaniyang katawan. Pakiramdam niya bigla siyang namanhid mula sa malakas na pagkakabangga. Ilang butil ang kumawala sa kaniyang mata kasabay ang hindi matatawaran sakit sa kaniyang sinapupunan. Ilang sandali pa ay wala na siyang maramdaman, lahat sa kaniya ay naging itim at wala na siyang narinig pa sa paligid.
Unang bungad ng mata ni Abhaya, ang apat na puting sulok ng silid. Napatitig siya ng matagal sa kesame at inisip kung ano ang nangyari sa kaniya. Yeah, naalala niya na... Nabangga siya ng sasakyan at kasunod no’n ay mahabang kadiliman.
Napatingin siya sa sariling kamay, may dextrose na nakatusok samantalang sa isang braso ay hindi niya kayang igalaw. Saka lang nag-sink in sa utak niya na nabalian siya ng buto dahil sa plaster cast na nakalagay. Gusto niyang damhin ang sariling tiyan pero hindi niya magawa dahil nang tumingin siya sa kanan bahagi ng silid, nakita niya ang lalaking naging dahilan ng lahat. Bigla niyang binawi ang mata at ibinalik sa kesame. Ramdam niya agad ang luhang dumaloy sa kaniyang mata kahit anong pigil niyang ‘wag kumawala. Narinig niya ang marahan na paglalakad nito papalapit sa kaniya. Sa kaniyang peripheral vision, nakasuot ito ng puting coat at nakapamulsa.
“Dalawang linggo kang tulog sa kamang ito. I’m glad at nagdesisyon kang magising,” walang kaemosyong saad nito saka chineck ang kaniyang vital signs.
Hindi siya sumagot at nagkunwaring walang narinig pero nang ma realized niya ang sinabi nito ay napakunot siya ng noo. She’s what? Asleep for two weeks? Ang haba ng itinulog niya... Anong nangyari sa loob ng linggong iyon habang wala siyang malay? Wait... Hindi kaya...
“How’s my baby?” halos pabulong na lang sa lumabas iyon sa bibig niya dahil ang totoo, hinang-hina pa siya.
Saka lang niya napansin na may nakasabit na oxygen tube sa kaniyang ilong. Gusto niyang sumigaw rito pero dahil hinang hina pa siya, hindi niya magawa. Nanatili siyang naghintay ng sagot habang ang mga luha niya ay nagsimula ng nagsibagsakan.
“It’s gone.”
Dalawang linya pero parang bombang binagsak iyon sa kaniya. No! No... No... Binibiro lang siya nito. Paanong malalag-lag ang anak niya, ang lakas ng kapit nito. Walang rason para malaglag ito sa sa kaniyang sinapupunan. No! Nagsimula na siyang mag-hysterical. Ang luhang dumadaloy sa kaniyang mata ay walang hinto. Hindi totoong nawala!
“P-please nagsisinungaling ka lang, ‘di ba?” pag-susumamo niya habang walang patid sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
God! Ang sakit. Please, sana bawiin nito ang sinabi. Alam niyang hindi nito tanggap ang pagbubuntis niya at kaya niyang buhayin iyon kahit mag-isa. Walang rason para sabihin ni Hudson sa kaniya na wala na ang buhay na minsan ay nasa kaniyang sinapupunan. He’s lying to her! Wala itong karapatan na sabihin iyon.
“The baby’s gone Abhaya.”
Kahit hinang-hina ay napabangon siya at mabilis dinama ang tiyan gamit sa isang kamay niyang may nakasabit na dextrose. Mabilis naman siyang pinigilan ng binata pero tinabig niya ang kamay nito na hawakan siya. Wala itong karapatan na hawakan siya o damayan.
Napakuyom siya ng kamao at napasigaw sa sobrang sakit pero walang lumalabas na boses sa kaniyang lalamunan. Hindi niya makapa ang boses kahit gustong gusto niyang sumigaw at magwala. Napakademonyo talaga nito! Demonyo. Wala ng isasakit pa na makunan ka dahil lang sa isang aksidente at walang ibang pwedeng sisihin iyon kundi ang lalaking nasa harapan niya.
“Stop crying, nangyari na ang lahat,” walang kae-mosyong saad nito.
Kung may lakas lang siya ngayon baka mag-asawang sampal na ang ibinigay niya at pinagsusuntok ito. Napakasama nito! Paano nito sabihin sa kaniya ng gano’n kasimple ang lahat na parang walang halaga ang buhay na dinadala niya? Paano? Masaya na ba ito dahil nakunan siya? Ngayon siya naniniwalang wala nga talaga itong puso dahil isa itong demonyong galing pa sa pinakasulok ng impyerno.
“Get out. Get out!” malakas na sigaw niya nang makapa niya ang kaniyang boses habang walang puknat sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Tumitig naman ito sa kaniya at tinitimbang ang kaniyang sinabi.
“Kinasusuklaman kita Hudson! Umalis ka. I don’t wanna ever see your face again. Get out... Get out!” nanginginig ang kaniyang buong katawan sa sobrang galit at sakit.
Napahagulhol siya. Minsan na nga siyang magmahal sa maling tao pa. Minsan na nga siyang mangarap para sa munting anghel na sana ay tatanggal sa suot-suot niyang maskara, nawala pa sa masakit na paraan. Malakas ang kapit ng baby niya, hindi siya makukunan kung hindi siya nabangga, hindi siya mababangga kung hindi siya harap-harapan na pinagmukhang pera!
Sa buong buhay niya, hindi siya mukhang pera. Oo, hindi mayaman pamilya ang kaniyang pinagmulan pero hindi iyon dahilan para bilhin siya ng salapi. Dahil kahit kailan, hinding-hindi siya mabibili na kahit anuman kayamanan kapalit ng kaniyang dignidan at pagkatao. Sadyang pumasok lang siya sa isang bagay na komplikado at sa huli siya ang talo. Ang tanga niya! Ngayon na siyang naniniwala na ang katangahan niya ay siyang nagdala ng sakit sa kaniyang pagkatao ngayon.
Pero imbes na sundin siya ni Hudson at iwan siya ro’n sa malungkot na silid na iyon, isang karayom ang tumarak sa kaniyang braso at bago pa niya maisip kung ano ang ininject sa kaniya, naramdaman niya ang pamimigat ng kaniyang talukap at malakas na pwersa na humila sa kaniya para makatulog.
“I... I hate y-you...” mahinang lumabas iyon sa kaniyang bibig at naramdaman niyang malakas na bisig nito ang sumalo sa kaniya.
Wala siyang maramdaman kundi kahugkaan nang mag-mulat siya ng mata ulit at deritsong napatitig sa kesame. Mag-isa lang siya sa puting silid na iyon at pansin niya ang isang basket of flowers sa isang tabi. Mapait siyang napangiti at nagsimulang bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata.
“Abhaya!” Si Vraiellah na mabilis lumapit sa kaniya at niyakap siya pagpasok pa lang nito. “Cuhen and Herrence talked about you kaya nagmadali na akong pumunta rito.”
Napaiyak siya lalo sa presinsya ng babae at gumanti ng yakap at umiyak nang umiyak. Wala siyang makapitan at nagpapasalamat siya na may isang bagong kaibigan sa katauhan nito ang bumisita sa kaniya ngayon na hindi niya kailangan ng anuman maskarang suot para itago lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pagod na pagod na siyang magpanggap.
Halos isang oras din siyang umiyak sa balikat ni Ellah habang patuloy lang ito sa paghaplos sa kaniyang buhok. Tumigil lang siya nang pakiramdam niya ay wala na siyang maiiyak pa at hapung-hapo. Pinahiga siya nito pabalik sa kama at nakiki-simpatiyang ginanap ang kaniyang kamay.
“Abhaya...”
“I... l-lost my b-baby...”
“Pakiusap ‘wag mo munang banggitin ang bagay na iyan. Mas lalong makakasama sa`yo,” naluluhang saad nito.
Mapait siyang napangiti. Kailan ba naging mabuti ang buhay niya simula nang pumasok siya sa buhay ni Hudson? “Ellah, o-okay lang naman na hindi niya ako panagutan pero... Pero...” muling nagsidaloy ang kaniyang mga luha. Akala niya ubos na ito, hindi pa pala.
Mabilis na pinunasan nito ang mga luha sa kaniyang mata at pinapakalma siya. Nakakita siya ng isang kapatid sa katauhan nito na mas lalong nagpaiyak sa kaniya. Pero hindi niya matanggap na wala na talaga, na wala na ang anghel na minsan binigyan niya ng pangalan kahit hindi niya alam ang kasarian kung babae ba o lalaki ito. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataong mahalikan ito.
Gising ang kaniyang diwa at hindi siya nakakaramdam ng antok. Alam niyang gabi na dahil sa orasan nakikita niya sa dingding. 11:14 pm. Si Ellah na rin ang nag-asikaso sa kaniya kanina bago ito umalis, pinainom siya nito ng gatas at pinagbalatan ng mansanas para malagyan man lang ng konting pagkain ang kaniyang tiyan.
Manhid na yata siya. Mapakla siyang ngumiti at nagpasyang bumangon. Good thing, walang Hudson na nagpakita sa araw na iyon dahil kinasusuklaman niya ang pagkatao nito. Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kaniya ang lahat. Ang lahat-lahat! Hindi lang puso niya ang binasag nito, pati buhay niya.
Napatingin siya sa kaniyang kamay na may swero, kahit naka-plaster cast ang kaniyang kaliwang kamay, pinilit niyang tanggalin ang bagay na iyon na nakatusok sa kanan kamay niya. Tinanggal din niya ang nakadikit na oxygen tube sa kaniyang ilong. Lahat nang nakita niyang nakadikit sa kaniya ay pinagtatanggal niya.
Wala siyang maramdaman kundi kamanhiran. Napangiti siya ng sobrang pait at nagustuhan niya ang kamanhiran na nararamdaman niya. Binaba niya ang kaniyang paa sa malamig na marmol at sinubukan tumayo. Tinimbang niya muna kung kaya niya ang kaniyang sarili saka siya nagsimulang humakbang. There’s no reason to stay long. Gusto niya ng makaalis sa nakakabaliw na silid na ito at baka kapag magtagal pa siya ay tuluyan nga siyang nabaliw.
Naglakad siya sa malamig na hallway at walang taong nakakapansin sa kaniya. Deritso ang kaniyang paa patungo sa elevator at imbes sa ground floor ang kaniyang patungo, sa rooftop ang kaniyang deriksyon. Gusto lang niyang sumagap ng hangin at sumigaw ng ubod ng lakas na walang makakarinig sa kaniya. Hindi niya pinansin ang pagpatak ng mga dugo mula sa kaniyang kamay.
Malakas at malamig na hangin ang sumalubong kay Abhaya pero hindi niya maramdaman ang lamig na dulot nito, manhid na nga talaga siya. Hindi niya maramdaman ang hangin pero ramdam niya ang sobrang sakit sa kaloob-looban ng puso niya at sabay na nagsibagsakan ang mga luha na siyang nagpapahiwatig kung gaano siya nasasaktan ngayon. Nagtaas siya ng tingin at napatingin sa maliwanag na buwan na ngayon ay nakatunghay sa kaniya.
“Bakit? Bakit mo hinayaang mangyari sa`kin ang lahat ng ito? Anong dahilan mo! B-bakit?!”