C4 Kabanata 4
"Don’t asked the moon, hindi ka kailanman sasagutin niyan.”
Napatigil siya sa pag-iyak at napalingon sa pinang-galingan ng boses. Sa kaniyang nanlalabong tingin, nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa gilid. Isang maling hakbang lang nito, mahuhulog na ito sa mataas na kinalalagyan nila.
“Tatalon ka ba?” bigla siyang kinabahan para rito. Ayaw niyang makasaksi na may magpapakamatay sa mismong harapan niya.
Nagkibit lang ito ng balikat. “No,” malamig na saad nito na hindi man lang lumilingon sa kaniya.
Nagpahid siya ng luha. “Then bakit ka nakatayo d’yan? Isang maling galaw mo d’yan, patay kang babagsak sa ibaba.”
“Parang buhay lang ‘yan, maling hakbang mo lang at lahat masisira. Huwag kang mag-alala, pinagmamasdan ko lang ang kagandahan ng lugar,” malayang saad nito, “Life fucked us everyday but the secret is, learn to fuck back or you’ll be fucked up.”
Hindi siya makasagot sa binitawan nitong salita kaya napatitig lang siya sa lalaki.
“Subukan mong lumapit dito at tingnan ang magandang tanawin, makikita mo ang lahat ng kabuuan ng paligid na sobrang ganda. Pero kung nasa ibaba ka at sinubukan mong tumingin sa paligid, may harang. You may see the beauty but not the whole view of it.” Sandali itong tumigil at namulsa. “You lost your child, make one. Someone hurt you, hurt them back. Fate was playing you, then learn how to deal the game. Last thing, be brave enough to fight back. It’s okay to cry but not to quit. That’s the answer you were looking earlier.”
Pumatak ang mga luha niya sa mahabang sinabi nito. Sapol siya at tama ang lalaking ito na hindi man lang niya kilala ang pangalan. Tumalikod siya at nahihiya para sa sarili dahil lahat ng sinabi nito ay tagos sa kaniyang kaluluwa. It was an eye opener for her pero bakit hindi niya pa rin kayang tanggapin ang lahat ng mga nangyari o sadyang ayaw lang talaga niyang tanggapin?
Humakbang siya pabalik sa kaniyang pinanggalingan kanina. “T-thank you,” pero patuloy pa rin ang kaniyang puso sa sobrang sakit. Paano ba niya sasaktan ang lalaki kung ang taong minahal niya ay isang demonyo na nag-anyong tao?
“Na-ambush ang family ko at sa kasamang-palad, ako lang ang nabuhay.”
Natigil siya at napapikit sa naramdaman sakit sa malungkot na boses ng lalaki. Mas masakit pala ang nangyari rito pero hindi siya nagsalita, hinayaan lamang niya itong magsalita.
“Nangyari ‘yan, matagal na. I finally killed those bastard terrorists who killed my family.”
Napatingin siya rito, “What do you mean?” Alam ni Abhaya na may gusto itong iparating sa kaniya.
“You want to fight back, forget everything and escape the reality?” Humakbang ito paatras at humarap sa kaniya na nakapamulsa ang dalawang kamay sa itim na pantalon na suot nito. Ngayon lang niya napansin na nakasuot ito ng puting shirt sa loob na pinatungan ng leather jacket. Wala siyang naramdamang takot kahit isa itong estrang hero. “Take my hand.” Naglahad ito ng isang kamay. “At tutulungan kita.”
Napatingin siya sa kamay nito at nakaramdam siya ng pag-asa sa pala nitong naghihintay na kaniyang abutin. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon ang siyang nagtulak sa kaniya na lumapit dito ng dahan-dahan at walang pagdadalawang isip na inabot niya ang palad nito na nakalahad. Wala na siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw at bukas pagkatapos nito.
MAINIT ang ulong napatingin si Hudson sa bagong pasok na si Cuhen at Azael. He’s doing something on his laptop and till now he couldn't find answer. Mas lalo lang siyang nainis. His excellency in hacking and breaking firewalls on database world couldn’t help him to locate a person, he was trying to contact for almost fucking two years. There’s no lead that could help him. Damn! Gusto niyang durugin ang laptop at pagpipirasuhin ito. His bullshit AI robot couldn't even give him a shits! Burado lahat ng files. Wala siyang makuha kahit isang information.
“What brings the two of you here?” panimula niya.
“Still searching for her?” alaska ni Azael at ngumisi.
Hindi siya umimik. Agad niyang pinatay ang laptop at humugot ng sigarilyo saka sinindihan iyon sa harapan ng nga ito na komportableng nakaupo sa couch ng kaniyang opisina.
“You nailed it Azael. Herrence was still looking that run away Abhaya.” natatawang saad ni Cuhen na once in a red moon lang yata tumawa. Odd. Iba talaga ang ginagawa ng pag-ibig. “Move on.” dagdag nito.
Pag-ibig? Totoo pa ba iyon? In his bestfriend case, kinda, maybe. He don’t believe on that fucking damn shit lies called love. Lahat ng tao ay may sariling paniniwala and— fuck, he’s missing something. He’s probably not a human. Every woman calls him heartless devil and he believes that. Much better if they calls him, Robot.
“I need to relax on my yacht. See you around dupes.” Mabilis niyang linisan ang opisinang iyon na puro tawanan ang narinig sa dalawang kaibigan.
Nagkibit na lang siya ng balikat at hinayaan iyon. Kahit hindi siya magtrabaho bilang Doctor o Businessman sa loob ng isang taon, hindi siya mauubusan ng pera. Milyones pa rin ang akyat ng nga negosyo at Hospital niya sa kaniyang bank account. At the age of 29, he’s a young hot Doctor and Businessman kaya hindi niya masisi ang mga babaeng handang alipin niya.
Ilan na ba ang sumubok na talian siya sa leeg? Hindi niya na mabilang sa isip at lahat ng iyon ay dahil lang sa kayamanang kaniyang taglay. Women and their fucking lies and greed. No way he would let them used him, instead, he used them and leave them like a trash.
Nagpapahinga siya sa loob ng kaniyang yacht na ngayo'y nasa gitna ng karagatan nang gabing iyon. Nag-iisip pero wala siyang maisip hanggang sa pinaulanan siya ng putok ng baril. Damn! Napayuko siya at mabilis na gumapang patungong silid. Kinuha niya ang malakas na uri ng baril na nakatago. Bullshit! Mukhang may gusto na naman yatang pumatay sa kaniya nang mga sandaling iyon.
Dali-dali niyang sinilip ang kalaban pero dahil madilim sa paligid, hindi niya makita kahit isa sa mga ito. Damn shit! Mukhang duda siya sa susunod na mangyayari. May pakiramdam siyang kakaiba. Mabilis niyang tinungo ang secret passage ng kaniyang yacht na may maliit na personal single submarine naka-attach sa ilalim. Napamura siya sa inis nang maramdaman sumabog ang yacht nang makalayo siya ng ilang metro pagkatapos ng ilang minuto. Kung sino man ang umatake sa kaniya ngayon, isa lang ang masasabi niya, desido na ang mga ito na patayin siya. But no way! He’ll fight back.
NAKAHARAP si Abhaya sa kanang bahagi ng dagat. Almost 2 years na rin simula nung nawala siyang parang bula. Walang nakakaalam kahit ang kaniyang pamilya pero pinadala niya rito ang buong savings niya at personal letter na mawawala siya for months or even a year. Pagkatapos, nagmistula siyang missing person. Walang nakakaalam kung buhay ba siya o patay na. Si Yx lang ang anonymous na nagpapadala ng pera para sa pamilya niya para sa araw-araw na panggastos.
“Kiene, pinapatawag ka ni Yx,” pukaw ni Jackylyn sa kaniyang malayong pag-iisip.
Malapit silang magkaibigan dalawa. Naalala pa niya, duguan at puro galos ang dalaga nang dumating ito sa isla nung nakaraang taon at isa siya sa nagpresintang magbantay.
“Dumating na pala siya? Akala ko ba nasa Russia siya for his next target?” baling niya sa kaibigan.
“Kaya nga, puntahan mo na sa office niya. Baka may assignment siyang ibibigay sa`tin, alam mo na!” biglang nagliwanag ang mukha nito at naexcite sa sinabi.
Natawa siya. Basta bagong assignment, masayang-masaya ito. Ewan ba niya sa lukaret na ito at nasa ibang planeta yata ang isip. Nagpaalam siya rito at tinungo ang opisina ni Yx mga ilang metro ang layo. Kung ganitong pinapatawag siya, importante ang pag-uusapan nila. She knows Yx very well. Para na nga silang matalik na kaibigan na may pader pa rin sa bawat harang nila.
Si Yx ang lalaking siyang tumulong sa kaniya ng gabing iyon and look at her now, isa na siyang babaeng walang takot humarap sa mundo. Kaya niya nang makipagsabayan na walang maskarang suot. Ang babaeng Abhaya noon na naging tanga, ngayon ay ibang-iba na. Siya na ang babaeng kayang pumatay at handang papatay ngayon sa kung sino man ang haharang sa daraanan niya.
“Yx,” tawag niya sa pangalan ng lalaki nang makaupo siya sa upuan na nasa harapan ng desk nito.
Nagtaas ito ng tingin at mabilis din agad na binalik sa folder na binabasa. Ilang segundo ang katahimikan na dumaan sa kanila bago ito nagsalita. Ugali na nito na kapag nag-uusap sila, para siyang kakainin ng buhay dahil sa mga mata nito.
“New assignment,” anas nito, “This one is not really dangerous. All you need to do is secured his security...”
“Wait-wait, his?” pag-emphasize niya at hindi niya mapigilan umarko ang kaniyang kilay.
Tumango ito. “Yes, his. Lalaki ang babantayan mo and that’s your assignment for now on. Sa totoo lang, kaya nito ang sariling protektahan pero mismong parents nito ang kumuha ng bodyguard para magbantay rito with or without his consent. Jacky will apply as secretary at ikaw naman, tamang bodyguard and yes, this man doesn’t know our scope of works. Walang nakakaalam na we are higly undercover agents. No one knows about our identity of who we are and what we are. Ang gawin niyo lang ni Jackylyn, proteksyunan ito.”
Nababagot na tiningnan lang niya ang ballpen na hawak nito. Bakit bodyguard? Ayaw niya sa gano’n trabaho, naka-kawalang thrill.
“Isang busy na tao ito at maraming nagtatangkang patayin and that’s you and Jacky to find out kung sino ang nasa likod na gustong magpapatay sa kaniya.”
Napatango siya. Deal. Wala siyang problema ro’n at kahit anuman project and assignment ang ibigay nito sa kanila ni Jacky, basta ‘yong challenging naman. But anyways, utos ito ni Yx at sisiw lang ito para sa kaniya. Ang isa sa pinakamahirap na ginawa nilang lusungin noon na kasama si Yx, ‘yong big drug syndicates group sa China. Muntikan silang nadakip at nabaril pa siya sa tagiliran.
Tinanggap niya ang assignment without looking the profile of the person na kailangan niyang proteksyunan 24/7. Basta lang siyang lumabas at nagtungo sa dagat. Si Jackylyn na bahala magbasa.
Nung tinakas siya ng lalaki sa hospital ng gabing iyon, dinala siya nito sa islang ito. Nasa trenta katao ang nakita niya sa isla at lahat ay nakikita niyang nag-training at nag-sparring sa isa’t isa. Doon niya nalaman na isang Ex-Army si Yx. Nang mamatay ang asawa at anak nito, naghiganti ito at pagkatapos no’n ay nagtayo ito ng secret organisation.
Mostly sa mga agents na tulad niya na wala talagang karanasan, na-develop lang ang talent at skills dahil sa masakit na nakaraan. Iyon ang nag-motivate sa kanila para maging matatag, at lumaban ng parang magnanakaw sa dilim. Walang makakapansin.
Yx is not that old man. In fact, he’s on his late 30's. Maalaga ito sa sarili at hindi pahuhuli ang kagwapuhan taglay kung hitsura ang pagbabasihan. Nakakatawa dahil halos kasamahan niyang agent na babae ay crush na crush ito pero siya ay munting paghanga, wala.
Hindi rin basta-basta ang training na inabot niya. Luha at dedikasyon ang naging puhunan niya para lang umabot sa ganito. Araw at gabi siyang nagti-training, simula sa basics hanggang survival. Paghawak ng baril, kutsilyo, espada, at kung paano makipagpatayan gamit lang ang kamay at paa. Hindi siya magaling sa cyber kaya lagi siyang may partner at ito ay si Jackylyn.