C6 Kabanata 6

Nakasandal si Abhaya sa dahon ng pintuan sa labas ng kaniyang silid habang hinihintay si Hudson na lumabas sa silid nito. Nakasuksuk sa gilid ng kaniyang mga hita ang paboritong baril. She’s wearing a sexy black strappy plunging back bodycon fit dress at kurbang kurba ang katawan niya. Ayaw naman niyang magmukha siya alila sa tabi nito, kaya ito ang napili niyang suotin at kung sakaling mapapaaway na naman sila, mabilis lang siyang makakagalaw.

Tiningnan niya ang orasan ng kaniyang cellphone, 15 minutes para lumabas ang binata sa silid nito. Of course alam na niya dahil wala siyang magawa kundi basahin ang background report nito kagabi. Basic lang naman ang mga information na nakalagay but at least alam niya ang mga lugar na lagi nitong puntahan, paboritong bar, oras ng paggising at pag-alis ng mansiyon.

Nagdaop ang mga mata nila sa isa’t isa nang lumabas ito. Again, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. May harang at alam ni Abhaya na hindi niya agad-agad mapapasok ang utak ng binata.

“I’ll wait you downstair Mr. Hayes.” Dumeritso na siyang tumalikod, hindi niya hinintay na tumango ang lalaki.

Maayos silang nakarating sa isang hospital nito sa Quezon City. Lahat na nadaraanan nitong staff at nurse ay halatang takot sa aura ng binata. Ang ginawa na lang niya ay siya na ang ngumiti at tumango sa bawat pagbati at galang ng mga ito.

“Don’t do that,” anito.

“Do what?” alam niya ang ibig sabihin ng binata.

“You know what I mean, Ms. Trunt.”

“Don’t start with me Doc. Hayes. Tao rin sila, tulad ko. Maliban na lang kong isa kang hayop.”

Sandali itong tumigil sa paglalakad at tumingin sa kaniya na walang kaemosyon ang nga mata. “If you were doing that to get my male employees attention, then continue that shits,” simpleng saad nito.

Ningisihan niya ito pero nagtitimpi siyang paduguin ang bibig ng lalaki. Gusto yata niyang bayagan ito sa tindi ng takbo ng utak nito ngayon. Nakapag-breakfast naman ito kaya bakit ganito ang takbo ng utak ng lalaking ito? Hindi niya ito pinansin, nag-patuloy lang siya sa pagngiti at pagtango ng bawat isa.

“Hey fuckers!”

Napatingin si Abhaya sa bagong pasok na lalaki, naka-jeans at simpleng T-shirt lang ito na parang namamasyal lang. Nasa sofa lang siya naka-upo at maarteng pinagmasdan ang bagong panauhin.

“How did you know that I’m here?” hindi nagtaas ng tingin na tanong ni Hudson.

“Woah! Bagong binibini?” amaze na tanong nito at tumabi pa talaga ng upo sa kaniya sabay kindat.

Hindi naman siya natinag sa ginawa ng lalaki. She doubt na kasing edad lang niya ito at isa itong happy go lucky na kulay asul ang mata.

“What’s your name mademoiselle?” malambing na tanong nito at ngumiti ng sobrang ganda. Pwede itong papasa ng toothpaste endorser sa sobrang ganda ng ngiti na pinakita sa kaniya.

“Fuck off, Theon.” Si Hudson na hindi napigilan umek-sina. Sa mga papel nito nakatuon ang mata.

“Don’t be so selfish bro, share this fucking beautiful mademoiselle to me.” Akmang aabutin nito ang pisngi niya pero mabilis ang kaniyang kamay na sakmalin ito at pigain.

Napaaray ito sa sakit habang natatawa. “Woah!”

“Stop messing with me, Theon-whatever!” Saka niya binitawan ang kamay nito at lumipat ng upuan. Kumuha siya ng magazine at itinuon ang atensyon doon.

Natawa naman ito at nagkibit ng balikat na lumayo sa kaniya. Lumapit ito kay Hudson at padaskol na umupo sa gilid ng malaking table nito. “I personally invite you for my fucking birthday party tomorrow evening. Hintayin kita!” Tumalikod na ito na walang tugon naman mula sa binata. “Bye sweetheart!” Nag-flying kiss ito nang magtaas siya ng tingin habang walang emosyon lang siyang nakatingin dito.

Eksaktong pagsarado ng pintuan ay binagsak niya ang magazine sa center table. “Huwag kang aalis bukas, nasa panganib buhay mo at hindi safe sa`yo na lumabas-labas muna at makipag-party,” hindi suhestiyon iyon na lumabas sa bibig ni Abhaya kundi utos.

“Don’t come,” nagtaas ito ng tingin at deritso siyang tinitigan, “I don’t need you as well,” kaswal na saad nito.

Lihim na tumaas ang dugo niya pero pinilit niyang hindi ipahalata iyon sa binata. Ngumiti siya ng nakakaloko. “Same here. No offense. Pero nung araw na tinanggap mo ‘ko bilang taga-bantay, binigyan mo na ako ng access.”

“Then tanggalin kita.”

Malakas siyang tumawa. “FYI, si Mrs. Hayes ang nag-hired sa`kin,” saka niya ito tiningnan ng blangko, “Hindi ka aalis bukas, tapos ang usapan.” Saka siya kumuha ulit ng panibagong magazine at nagbasa.

Sandamakol ang mukha ni Abhaya kinabukasan ng gabi. Nakasuot siya ng sexy backles evening red dress with plunging neckline at may isang slit na mas lalong nagpapalitaw ng kagandahan. Ang buhok niya ay naka-messy bun at halos gusto niya ng ibaon sa ulo ng lalaki ang baril na nasa pagitan ng hita niya.

“We can do nothing about it Kiene. Siya pa rin masu-sunod. Ang gagawin na lang ay protektahan natin siya sa cruise kung sakaling may magtatangka. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang pagdakip natin incase kung meron man. Don’t worry, andito na ako sa cruise ship. Nauna na ako, ang tagal niyo kasi,” saka ito tumawa ng nakakaloka.

Napaikot siya ng mata. Kapag party din ang usapan, game na game itong kaibigan niya. Gusto na talaga niyang sabitan ito ng medalya ng pagiging maharot.

Nasa living room siya ng mansiyon nakatayo nang bumaba si Hudson mula sa hagdanan at agad itong natigilan nang mapatingin ito sa kaniya. Napatanga ito at halatang nagulat sa nakita pero sandali lang iyon, bumalik sa walang kaemosyon ang mukha nito at deri-deritso ng bumaba.

“Stay here. I don’t need someone to—”

Hindi nito natapos ang iba pang sasabihin nang itutok niya ang baril dito. “Then mind me if I use my precious gun...” hindi nagbibirong saad niya, “Hindi ako mangingiming gamitin ‘to mismo sa ulo mo Doc.” ngumiti siya ng nakakaloko. Kaya wala itong magawa kundi ang sumangayon na isama siya sa pupuntahan nito.

Isang napakaganda at eleganteng Cruise Ship ang bumulaga sa mata ni Abhaya nang gabing iyon. Kung siya ang tatanungin, bilyones ang halaga sa naturang cruise. Kung sabagay, hindi na siya magtataka. Ang pamilyang iniikutan ng lalaking binabantayan niya ngayon ay hindi basta-basta kayaman at gano’n din ang mga kaibigan na nakapaligid dito. Kaya masyadong mataas ang tingin sa sarili dahil sa sobrang kapal ng pera na tingin nila ay kaya ng bilhin ang bawat babae.

Hindi niya hinayaan si Hudson na hawakan siya sa beywang o kahit sa kaniyang siko nang paakyat na sila sa itaas. Hindi siya nagkakamali, maraming mamahaling tao ang ando’n and most of them ay nasa mid 30’s. Napakaganda ng buong paligid, nagsisigaw ito ng sobrang yaman. Lihim siyang nag-ikot ng tingin sa paligid, hindi siya nandito para magsaya kundi bantayan ang bwesit na buhay nito na pinapain sa kaaway kung sakaling nandito man ito ngayon.

Mula sa malayo, nakita niya si Jacky, naka-black evening dress ito kasama ang isang lalaking hindi niya alam kung saan nito napulot at ginawang entrance pass. Sa sobrang kapal na make up na nilagay nito, hindi ito agad makikilala ni Hudson. Kumindat ito sa kaniya at gano’n din siya. Iyon ang senyasan nilang dalawa magkaibigan.

“Hey baby!” Agad may lumapit sa binatang kasama niya at nakipaghalikan dito.

Balewalang tiningnan lang ito ni Abhaya. Kahit mag-sex pa ito sa harap niya wala siyang pakialam. Her first priority tonight is his protection and nothing else.

“Your beauty took my sanity, Ms. Trunt.”

Napalingon siya sa nagsalita. Si Zerus ito, ang lalaking nakilala niya kahapon. May hawak itong dalawang kopita ng wine at binigay sa kaniya ang isa. Nakangiting tinanggap niya iyon. Well, why not?

“Glad to see you here Zerus,” aniya saka niya sinimsim ang red wine. Hmm, not bad. Nagustuhan niya ang lasa.

Titig na titig naman ito sa kaniya na parang ngayon lang nakakita ng dyosa. Mula sa sulok ng kaniyang mata, naglambitin na ang babae sa braso ni Hudson. Hinayaan niya iyon tutal palagay naman ang loob niya kay Zerus at mas gugustuhin niyang kausap ito kesa kay Hudson.

“Kung ako kay Doc, hindi ko bibitawan ang isang katulad mo. Hindi niya alam kung gaano kagandang diyamante ang dala niya para hayaan lang. Your beauty deserved to be crown with attention and love.”

Nagkibit siya ng balikat, “I’m drowning with your flattering words.” Tumawa siya.

“Nakatitig si Hudson sa`yo na parang kakainin ka niya ng buhay kanina pa,” boses ni Jacky ang narinig niya saka ito mahinang tumawa, “And one more thing, sumama siya kasama ‘yong babae papunta sa itaas.”

Naging alerto naman ang kaniyang utak. Malambing siyang nagpaalam sa binata na pumunta ng restroom saglit. Ngumiti lang ito at tumango. Nagmadali siyang sumunod gaya ng sinabi ni Jacky kung saan direksyon si Hudson patungo nang makasalubong niya sa daan si Azael at Theon. Nag-iwas siya ng daan nang akbayan siya bigla ni Theon at kinindatan.

“Abhaya?” Si Azael na tinitigan siya ng matagal.

“It’s Kianna Trunt.” Mabilis niyang pinagpag ang kamay ni Theon at naglakad papalayo.

“Ang sama talaga ng babaeng iyan! Birthday ko pero inisnob ang kagwapuhan ko.”

Narinig niyang pahabol nito pero inirapan lang niya ang binata sa hangin. Drama nito.

Gustong manuntok ni Abhaya nang sandaling iyon. Halos bawat silid na madaanan niya ay pinakikinggan niya ang loob kung may naglalanturan ba o kaya naman nagjugjugan sa kama. Kapag makikita niya talaga ang lalaking iyon, makakatikim ito sa kaniya ng isang malutong na sipa! Masyado siya nitong ini-stress. Alam naman nito na delikado ito at dapat kasama siya nito kahit saan ito magpunta.

Sa kaniyang paglalakad at paghahanap dito, napunta siya sa top deck. Natigilan siya at bahagyang napangiti. Ang ganda! May malaking swimming pool, playing area, gymnasium.

Nayakap niya ang sarili nang sumalubong sa kaniya ang malamig at malakas na hangin-dagat. Malayo na ang cruise ship sa kabihasnan at sandaling nawala sa isip niya ang paghahanap sa lalaki. Siya lang mag-isa ang nandoon at nakaramdam siya ng pansamantalang katahimikan.

Lumapit siya sa railings at humawak doon. Mula rito, tumingala siya at napangiti nang makita ang maraming bituin sa kalangitan. Sandali niyang ipinikit ang mata at hinayaan tangayin ng hangin ang sarili. Kahit papaano, nakaramdam siya ng katahimikan.

“Why are you here?”

Napalingon siya. Nakita niya si Hudson na nakatitig sa kaniya na para siyang anghel na mawawala kahit anong segundo. Nakapamulsa ang dalawalang kamay nito at aaminin ni Abhaya, napakagwapo nitong gabi sa suot nitong tux. Sandali niyang nakalimutan na hinanap niya ito, masyado siyang nadala sa pakiramdam niya habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Nakalimutan niyang siya si Kianna at hindi si Abhaya nang mga oras na iyon. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig basta lang siya nakatitig rito.

“Are you done with Zerus Craige?” pagpatuloy nito.

Hindi siya sumagot. Ibinalik niya ang mata sa kalawakan. Dahan-dahan niyang naramdaman ulit ang sakit na matagal niya ng ibinaon at kinalimutan pero bago pa man siya traydurin ng kaniyang sarili, dumistansya na siya sa railings at humakbang pabalik sa ibaba kung saan ginanap ang party.

“Abhaya...” Isang kamay pumigil sa kaniya.

Malakas na sampal ang tumama sa mukha nito at binawi ang kamay. “You always called me that name Doc. Hayes. Kung sino man ang babaeng iyan, hindi ako siya.”

Natigilan ito at nasapo ang pisnging nasampal niya. Alam niyang masakit iyon dahil namula agad ang maputing pisngi nito. Napangisi siya at akmang sasampalin pa ulit ito dahil bigla-biglang nawawala at umaalis na hindi siya kasama.

“Fuck!”

Merde!

Napapiksi siya nang mula sa kung saan ay may bumaril sa kanila at tinamaan ang balikat ng lalaki. Mabilis niyang nahugot ang baril sa kaniyang hita at hinila ang binata... Pero siya ang hinila nito papalayo sa safe na lugar. Naging alisto ang kaniyang tingin sa paligid.

“May bumaril kay Doc. Locate this shooter, now!” aniya kay Jacky sa kabilang linya sa pamamagitan ng spy microphone na pendat ng kaniyang kwentas. Hindi niya alintanang matiim pala siyang tinitigan ni Hudson at parang balewala lang rito ang naging tama. Basta lang itong nakatitig sa kaniya na parang may naalala.

Panay linga niya sa paligid. Kung siya lang siguro mag-isa kaya niyang makipagpatayan pero may pinoprotektahan siya at iyon ay ang binata na nakasandig lang ngayon at matiim siyang tinitigan habang patuloy na nagdudurugo ang balikat nito. Amused na amused ito at may ngiting nakasupil sa labi.

“It’s okay now Kianna, calm down.”

“No, It’s not!”

Bumuntunghinga ito, “If the intention of the killer is to kill me, I should be dead right now.”

Hindi siya umimik, may punto ito. Marahil warning shot lang iyon at wala pa sa plano nang kung sino man taong nasa likod nito na patayin agad ang binatang Doctor. Marahil tinatakot pa ito. But no! Hindi niya tatanggapin ang explanation na iyon. Walang warning-warning shots sa kaniya lalo na't nasa proteksyon niya ito.

Napatingin siya sa balikat nitong dumudugo. Binaba niya ang hawak na baril at walang sabing tinanggal niya ang necktie nito. Nagulat ito nung una sa kaniyang ginawa pero nung ma-realize nito na ang kaniyang gagawin, hindi na ito umimik. Hinayaan lang siya ng lalaki. Mabilis naman niyang itinali sa balikat nitong may sugat ang necktie. Kailangan niyang pigilan ang pag-ampat ng dugo.

NAKAUPO si Abhaya sa couch paharap kay Hudson nang umagang iyon. Natapos ang party at umalis silang walang paalam sa birthday celebrant pagkadaong ulit ng Cruise sa daungan. Siya ang nagmaneho ng sasakyan pauwing mansiyon at ngayon nga ay nasa isang hospital na naman siya na pag-aari nito. Parang wala lang nangyari at tuloy ito sa pagtatrabaho ng araw na iyon.

Walang nakuhang impormasyon si Jacky. Nakakainis lang isipin na masyadong madulas itong kalaban nila. Hanggang ngayon ay wala pa silang nakuhang lead o clue kung sino ba talaga ang nasa likod ng lahat ng ito.

“No. Don’t go here fuckers, I’m busy!” malakas na saad nito sabay bagsak sa cellphone sa glass table.

Pero biglang bumukas ang pintuan at sabay-sabay na pumasok doon ang mga kaibigan nito na kilala niya sa pangalang Azael, Cuhen at Zyd Caiden. Nagulat pa si Cuhen nang makita siya pero walang salitang lumabas sa bibig nito. Basta lang itong nakatingin sa kaniya.

“Fuck! I told you I’m busy,” reklamo ng binata.

“And we don’t care.” Tumawa si Azael sabay upo sa single couch.

“I thought you were dead. Sisiw naman ng bumaril sa`yo.” Si Cuhen. Hindi mo alam kung nagbibiro ba o seryuso. “Kailan pa kami makakapagkape sa lamay mo?”

Lihim siyang natawa sa sinabi ni Cuhen. Siya rin, hindi na makapaghintay kailan ito isasama ni Satanas sa impyerno.

“We’re only here to see you if you’re alive dude!” kangising sambit ni Zyd Caiden sabay bagsak ng upo sa tabi niya pero may malaking distansya pa rin. Isa itong amboy— well, mostly lahat ng mga ito ay mga parang foreigner ang kagwapuhan pero itong si Zyd Caiden ang nag-iisang Canadian.

“I’m immortal Greek God,” tumawa naman si Hudson.

Biglang nakaramdam ng awkward si Abhaya nang nga sandaling iyon pero nag-pretend siyang hindi nagsi-exist ang mga ito. Ang awkward makita si Hudson na tumawa kahit ito ‘yong una na nakita niyang humalakhak ito. Inayos niya ang sarili at hinayaan ang mga ito tutal wala siyang paki sa mundo at sanay siya sa gano’n set up. Dito siya magaling, ang mag-balat kayo. Nasa pang-ilang page na siya sa kaniyang binabasang magazine nang magsalita si Cuhen.

“You never told us that you found her. Mahigit dalawang taon mo rin hinanap si Ms. Sahada.”

Biglang napanting ang kaniyang teynga. Wait, what? Siya, hinanap ni Hudson? Napantastikuhang napaismid siya at nagpanggap na walang narinig. Pinagpatuloy niya ang binabasang magazine habang maarte siyang nakaupo. May mga tanong na nagsimulang nagsilabasan sa utak niya. Bakit siya hinanap ng kumag na Doctor? Sa pagkakaalam niya, wala siyang atraso rito at kailanman wala siyang utang.

“And she’s the reason kung bakit takot na itong lokong kaibigan natin sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan. Pfffff!” bumunghalit ng tawa si Zyd, “But we’re happy now that you found her.”

Napaurong siya. Bakit hindi niya gusto ang tumatakbong usapan ngayon ng mga ito? May dapat ba siyang malaman o mas dapat ‘wag na lang niya pagtuunan ng pansin ang mga pinagsasabi ng mga ito. Habang sa sulok ng kaniyang mata, pansin niyang nakatitig lang sa kaniya si Hudson at hindi niya alam kung ano ang nasa utak ng binata.

“She’s Kianna Trunt, my personal assistant. Hindi siya si Abhaya and let’s not talk about that woman.”

Pumalatak naman ang mga ito at sabay na napa-ohh habang nakatingin sa kaniya.

“Hindi namin alam na sobrang common pala ang kagandahan ni Ms. Sahada at may naging kamukha siya.” Si Cuhen ulit ang nagsalita halatang ‘di naniniwala.

“And to think na halos binaliktad mo na ang mundo trying to find her,” Si Azael na alam ni Abhaya na sa kaniya nakatitig ng mga sandaling iyon. Lihim niya itong inirapan.

“We thought you finally found your missing happiness,” hindi mapigilan eksena ni Zyd.

Lihim siyang napakagat ng labi. Hindi niya na kayang pakinggan bawat pinagsasabi ng mga ito. Tumayo siya bigla at nag-excuse na pumunta ng restroom. Ayaw niyang makinig at baka ano naman ang papasok sa utak niya. Ramdam niyang sumunod sa kaniya ang buong titig ng lahat pero hindi niya pinansin iyon. Masyadong focus ang kaniyang atensyon ngayon sa bagong siya.

Tinitigan ni Abhaya ang sarili sa salamin. Really? Anong rason para hanapin siya ng lalaki? Kahit pigain pa niya ang kaniyang utak, wala siyang makitang magandang dahilan para hanapin siya nito. Sumandal siya sandali sa isang haligi habang nakikinig sa pinag-uusapan ng magkakaibigan. Hindi kalakasan pero tamang-tama para marinig niya ang bawat boses ng isa’t isa.

“You want me to dig the truth behind her?”

Napangisi siya nang marinig ang boses ni Cuhen. Talaga lang, ha? Sige nga, kung saan hanggang kaya ng mga ito. Binura ni Yx lahat ng pagkatao niya na may kaugnayan sa technology. Walang makikitang database laban sa kaniya.

“Don’t,” narinig niyang sagot ni Hudson, “Sa`tin lahat, ako ang mas may alam sa cyber world.”

Tuluyan siyang natawa ng mahina sa naging sagot ng binata. Okay, magaling nga ito pero kayang pantayan iyon ni Yx.

“Well I just offered you my help.”

“No need, I can handle it.”

Handle? Hindi niya masisi ang binatang Doctor pero tiwala siya kay Yx na walang makakaalam sa tunay niyang pagkatao. Walang isang impormasyon na siyang magtuturo sa kaniya maliban kay Yx.

“Come on Asshole! Alam namin na hinahanap mo pa rin siya. Hindi namin alam kung mahal mo ba o ano but yeah, wala ka pa lang puso. Isa ka pa lang— fucker!” sabay hagalpak ng tawa si Azael at Zyd.

“Speaking of fucking, how’s your sex life dude?”

Nag-ikot ng mata si Abhaya sa naging usapan sex life. Boys and their nature about sex. Ilan kaya ang babaeng kinama ng lalaki nung nawala siya? Hindi siguro mabilang. Mukha naman itong babae eh, baka pwede na itong sabitan ng kalandian award sa sobrang active ng buhay binata nito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height