C15 Kabanata 15
Mabilis na lumipas ang ilang buwan at natapos niya ang senior high school. Agad siyang pinauwi sa Pinas ng kaniyang magulang habang si Trinity naman ay umuwi ng Pittsburgh. Magbabakasyon daw ito ng bongga at sisilipin ang kapogian ng crush nito. Saka raw ito susunod para tulungan siya sa paghahanda sa kaniyang kasal, in which hindi na kailangan dahil ang Mommy nila ni Theon ang umayos sa lahat