C2 Kabanata 2

Isa-isa niyang inisip ang gagawin mamayang gabi. Marami siyang projects at may tatlong assignments na kailangan tapusin dahil malapit nang magtatapos ang klase. Mag-senior high na rin siya sa wakas! Sa totoo lang, hindi siya kasing talino at galing ng kaniyang kuya. Kahit saan ito ilagay ay lagi itong nangunguna sa academic. Habang siya bobo na nga sa math, wala pang talent na maipapagmalaki kundi ang kumain ng malakas.

Pero dahil sa sipag at puno ng pasensya nito, nahihila niya pataas ang marka ng bawat subject. Lagi siya nitong tinuruan sa mga subjects na nahihirapan siya lalo na sa math na sisiw lang kung ituring ng lalaki.

Isang oras lang ang itinagal niya sa pool at pumanhik na siya sa itaas. Kailangan niya nang ayusin ang mga project na ipapasa. Nasa kalagitnaan siya ng kaniyang assignment nang bigla siyang natigilan. Bwesit! Bakit ba nauso ang math sa mundo? Sino ba ang nagpakulo nito?! Wala siyang choice kundi ang pumunta sa room ni Azael at kumatok. Nag-ready siya kung anong sweetness ang kaniyang gagawin dito na tatalab sakali.

Napalunok si Amara nang makitang naka-boxer short lang si Azael nang buksan siya. Ang six packs abs nito ay litaw na litaw pati ang V-line! Hindi naman ito bago sa kaniya dahil lagi niya na itong nakikitang topless ‘pag naliligo sa pool pero hindi niya mapi-gilang maasiwa. Nag-iwas siya ng tingin at tumikhim ng malakas.

“Ang bansot mo naman. Magdamit ka nga!” Sabay pasok niya kahit walang abiso kay Azael.

Naiiling itong kumuha ng tshirt sa closet. Nasa kama na siya ng binata at nakadapa. Iyon naman lagi ang kaniyang ginagawa kapag nagpupunta siya sa room ng kaniyang kuya.

“Get out Mara, I’m tired. I wanna get some rest.” Walang ka-emosyong saad nito at humiga sa kanang bahagi ng malaking kama. Ipinikit nito ang mata at inilagay ang braso sa noo.

Tiningnan niya ng maigi ang mukha nito. Bakit ba ang gwapo ng kuya niya? Alam din kaya nito na isa ito sa mga crush niya maliban kay Theon? Natawa siya sa isip. Marami siyang mga crushes at isa na rin doon si Herrence na kaibigan ng pinsan nilang si Cuhen. Kung bibilangin pa niya baka abutin pa siya ng susunod na taon. Napahagikhik siya sa naisip.

Marahan siyang gumapang papunta sa binata at parang batang tiningnan ito habang nakalumbaba. Nasa isang kamay niya ang notebook at ballpen. Hindi talaga siya aalis dito hangga’t sa hindi siya nito tuturuan.

“Kuya...” malambing na tawag niya.

Walang sagot mula rito. Tulog na kaya? Sinundot niya ng marahan ang pisngi ng binata. Wala pa rin tugon. Napakagat siya ng labi. Mukhang tulog na nga.

“Kuya naman, eh!” Mas lumapit pa siya rito at tinitigan ng maagi ang mukha nito, na lagi niyang ginagawa kapag natu-tulog ito sa tabi niya dati nung bata pa siya. Pero nung tumuntong na siya ng grade 7, hindi na siya nito tinatabihan. Ang rason, ang likot daw niya sa higaan at hindi ito nakakatulog ng maayos.

Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan niya ang napakagwapo nitong mukha. Ang kasingkitan nitong mata na ngayo’y nakapikit. Ang sarap tusukin! Minsan, naiingit nga siya sa makakapal na pilik-mata nito dahil mas lalong nagpadagdag sa angking kagwapuhan taglay nito. Ang kilay nito ay makakapal at ang matangos na ilong nito ay parang ginuhit ng napakagaling na artist. Ang may kanipisan nitong labi na mamula-mula na parang nang-anyaya ng halik sa kung sino man babae. Aaminin niya mismo sa sarili na sobrang gwapo ng kaniyang kuya. Minsan natatanong niya sa sarili, magkapatid ba sila? Bakit sobrang gwapo kasi nito samantalang siya, ganda lang. Hanggang ganda lang at wala ng igaganda pa.

Marahan niyang inilagay ang ulo sa dibdib ni Azael habang hindi niya tinatanggal ang tingin dito. Sayang at hindi man niya dala ang kaniyang phone, kukunan niya sana ito ng pictures at bibinta niya sa mga kaklase sa halagang tig-iisang daan. At ang perang makukuha niya ay binibigay naman niya sa mga homeless people sa daan. Nakakatuwa lang kasi marami naman siyang suki pagdating sa pictures ng kuya niyang wala man lang instagram, twitter o kaya facebook. Masyado itong private at pafeymos. Kung hindi lang talaga ‘to, gwapo.

Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito. Kulutan ang buhok ng kaniyang kuya at ang lambot nito sa kamay. Mas ma-lambot pa yata iyon kesa sa buhok niya. Kung may pagkakatulad man sila, iyon ay ang kanilang buhok. Pareho silang kulot.

Nakalimutan na rin niya ang kaniyang may assignments. Basta lang siyang nakatitig kay Azael habang ang daliri ay nasa buhok ng binata. Her kuya is so gwapo and she knows it! Sana hindi rin nito alam na crush niya kundi aasarin siya nito hanggang sa ma-pikon at iiyak na parang bata.

“Stop Amara or I can’t stop myself anymore...” Bigla itong nagdilat ng mata at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay.

“Why? Hindi ba pwedeng na-appreciate ko lang po ang kagwapuhan mo?” inosenteng tanong niya.

Napatitig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig na iyon. Marahan nitong inabot ang kaniyang pisngi.

“Kuya...” ngumiti siya ng matamis.

“Fuck it!” malutong na mura nito na parang nagising bigla.

Bumangon ito at deritsong lumabas ng silid. Tinawag niya ang lalaki pero hindi ito lumingon. Kaya naghintay siya nang ilang minuto na bumalik ito pero walang Azael kaya laglag ang balikat na bumalik siya sa sariling kwarto.

Maliban sa sobrang protective ng lalaki, nararamdaman din niyang nagiging maarte na rin ito at halos ayaw ng mag-pahawak sa kaniya na lagi naman niyang ginagawa nung bata pa siya. Wala siyang naging kalaro, dahil dito siya laging kapit-tuko at ito lang sapat na. Paborito niyang laruin noon ay 'Bahay-bahayan'. Siya ang nanay at ito naman ay ang tatay at ang mga anak nila ay mga stuff toys.

Naalala niya pa, si Azael din ang kaniyang first kiss. 10 years old siya nung ginaya niya ang napanood na Frog Princess Disney Movie. Out of the blue, nag-request siya rito na halikan siya. Hindi naman siya binigo ng kaniyang kapatid, hinalikan siya nito sa labi pero smack lang iyon. Nakapikit pa siya na parang tanga at pa-suspense na dinilat ang mata para lang ma-disappoint dahil hindi siya naging palaka. Natatawa na lang siya lagi kapag naaalala ang kaingutan noon.

Nakatulog siya sa gabing iyon na nakayupyop sa study table kasama ang kaniyang mga libro at notes. Pero nang magising siya kinabukasan, nasa kama na siya at nakakumot. May mga sagot na lahat ng kaniyang assignments at pati ang project niya, tapos na rin at naka-display sa side table. Napangiti siya. Sabi na nga ba, hindi siya kayang tiisin ng kapatid, eh. Mahal kaya siya nito.

LUMIPAS ang mga buwan, mas lalo niyang nararam-damang nilalayuan siya ni Azael at naiinis siya sa bagay na iyon. Iniiwasan ba siya nito? Hindi ito sumipot nung birthday niya nung nakaraang linggo na mas lalong nagpadagdag ng tampo at inis niya rito. Pinapangako niyang hindi ito papansinin. Nasa America raw kasi ito at sobrang busy at hindi makauwi. Napaingus siya. Sabihin nito, nasa babae kamo! Gusto niyang bumunghalit ng iyak. Bahala nga ito!

“Oy Amara, wala kang bagong pictures ng kuya mo?”

Napasimangot siya sa tanong na iyon ng kaklase. Nasa senior high na siya at maglilimang buwan niya nang hindi nakita ang lalaki. First time na nangyari iyon. Dati naman, halos hindi ito mapakali kung hindi uuwi ng mansyon pero ngayon, wala na yata itong planong umuwi. Kasi, may ibang babae ng inuuwian kamo.

“Wala. Ewan ko do’n! Pasok na lang tayo sa ice cream house. Gusto ko kumain ng ice cream.” Hinila niya na ito kahit hindi naman talaga sila close. Kaya lang naman ito lapit nang lapit dahil crush nito ang kaniyang kuya Azael at ito ang number one client niya pagdating sa bintahan.

Nakatatlong subo pa lang siya ng ube icecream na inorder nang may matanaw ang kaniyang mata. No! Nanlaki ang kaniyang mata at bahagyang napatayo para siguraduhin ang kaniyang nakikita.

“Sino ba tinitingnan mo?”

“Si kuya!”

“Ha?”

“May kasamang babae si kuya Azael! OMG! Sundan natin!” Hindi natapos ang kinakain nitong chocolate icecream dahil bigla niya na itong hinila papalabas.

“Amara!” nagtitili na lang ito pero hindi niya pinansin.

Ang mahalaga, makita niya ang babaeng kasama ng kaniyang magaling na kuya kung sino man ito. Kaya pala wala ng oras ang bwesit na Azael sa kaniya, ha?!

Hindi siya maaaring magkakamali, kilalang-kilala niya ang pustora ng binata. Mula sa malago at kulutan nitong buhok na kamay lang ang ginawa nitong suklay, na mas lalong nagpadagdag ng kagwapuhan dito. Hanggang sa malapad na balikat at matikas na tindig. Tumalim ang kaniyang tingin at nag-aawayan ang mga brain cells niya. Gigil na gigil na siyang sundan ang mga ito pero naghintay muna sila.

Pumasok si Azael kasama ‘yong babaeng nakahawak sa braso nito sa isang mamahalin restaurant. Hinila niya ulit ang kaklaseng babae para pumasok sila sa restaurant na pinasukan ng mga ito.

Umupo sila sa kalayuan na hindi makikita ng mga ito kung sakaling lilingon sa kanilang gawi. Halos magsalubong ang kaniyang kilay at ilong sa naramdamang inis nang makitang malanding hinampas-hampas ng babae ang dibdib ng kaniyang kuya. Halatang manyak ito! Hindi siya sanay na may nagma-manyak kay Azael. Siya lang ang baby girl nito at... Wait, ito ba yung girlfriend ng kaniyang kuya?

“Ma’m, here’s the menu.” Inabot sa kaniya ng waiter ang menu.

“Pwede na ba akong mag-order kuya?” parang sabog na tanong niya habang panay ang tingin sa dalawa, “Kating-kati na akong mag-order!”

“Yes Ma’m pwe—”

Hindi niya na pinatapos ito dahil bigla na siyang nag-order na hindi tinitingnan ang menu, “Kuya isang big size bowl ng kumukulong mantika na maraming sili. Maraming sili, mga isandaang sili as in yung super hot! Kasing-hot ko. Dagdagan mo na rin ng maraming paminta at magdala ka ng chopstick na sobrang tulis ng dulo dahil may tutusukin ako. Bilis!” Tinulak niya ang waiter.

“Amara! Walang ganiyan dito.”

Hindi niya pinansin ang maarteng boses ng kaniyang kaklase.

“Ma’m sure po—”

Tumalim ang kaniyang mata at tumayo. “Oo sure na sure ako! Mukha ba akong nagbibiro sa hitsura kong ito? Maganda lang ako pero hindi ako nagbibiro. Bakit, joke ba itong mukha ko? Gusto mo mag-baby shark pa ako sa harap mo?” Nakapameywang na saad niya. Nadala siya sa kaniyang inis dahil kay Azael! Bwesit talaga ang kuya niya.

Shit! Natuptop niya rin bigla ang bibig matapos sabihin lahat ng iyon nang ma-realize niyang mali. Lahat ng atensyon ng mga taong nandoon ay sa kaniya nakatingin. I’m dead.

“Amara?” boses iyon ng kaniyang kuya Azael.

“Hindi ako si Amara Legrand!” Walang lingon na hinila niya ang kaklase paalis aa lugar na iyon sabay takbo palayo.

MABILIS siyang tumayo nang pumasok sa dining room si Azael kung saan siya kumakain ng dinner kasama ang magulang. Busog na siya.

“Tapos ka na?” Ang Daddy nila.

“Ah, opo.”

“Ang bilis, ah. Hindi ka pa nagdagdag ng pang-apat ng plato na lagi mong ginagawa.”

Napangiwi siya. Grabe naman talaga itong ama nila! Harap-harapan siyang nilalait. Kung wala si Azael, baka nagdabog na siya sa harap ng matanda.

“Tatawag kasi si Theon ngayon. Sige po Dad, Mom!” pagsisinungaling niya at humalik siya sa bawat pisngi ng mga ito. Mabilis niyang tinakbo ang hagdanan habang nakasunod lang ang tingin sa kaniya ni Azael.

“Hey son, care to join us.” nakangiting sambit ng ginang.

“I’m full Mom, pahinga lang ako.”

Tatlong mahinang katok ang pumukaw sa lumilipad na utak ni Amara habang kaharap ang cellphone. Napaismid siya. Alam niyang si Azael ito at wala siyang planong pagbuksan ito ng pinto. Never! Mamatay itong kakatok sa pintuan niya.

Deritso siyang tumayo at tinungo ang banyo. Magbabad na lang muna siya sa bathtub para masarap ang kaniyang tulog mamaya. Ngayon pa ito balak umuwi samantalang wala ito nung kaarawan niya. Magdusa ito! Hindi sila bati dalawa. Napairap siya at deri-deritso ng pumasok sa banyo.

Halos inabot siya ng dalawang oras sa pagbabad nang magpasya siyang lumabas. Nakatapis lang siya ng tuwalya habang kumakanta pa na halos wala na yata sa tono. Feel na feel niya ang kaniyang kinakanta at papikit-pikit siya ng mata na deritsong tinungo ang walk in closet. Bigla niyang tinanggal ang pagkakabuhol ng tuwalya sa kaniyang katawan.

“Fuck!”

Nanlaki ang kaniyang mata nang marinig ang murang iyon. Napalingon siya at isang malakas na tili ang kumawala sa bibig niya.

“Azael, get out!!!” mabilis niyang nayakap ang sariling kahubaran.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height