C24 Kabanata 24
Napasunod ang tingin ni Azael sa kaniyang magulang na lumabas kasunod ang lalaking nagpakilalang kapatid ni Amara. Hinintay niyang lumabas si Theon at hindi nga siya nagkamali, sumunod ito. Saka siya napatayo at lumapit sa kinaroroonan ni Amara.
Nailipat na ito sa isang private room at nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi nagtagumpay ang plano ni Penelope na patayin ito
