C4 Kabanata 4

Nagising siyang masakit ang ulo kinabukasan at mataas na ang sinag ng araw. Pinilit niyang alalahanin ang pangyayari nung nakaraang gabi pero wala siyang maalala maliban sa nagpunta sila sa mansiyon ng kaniyang kuya at nag-inuman, pagkatapos hindi na niya alam.

Naligo siya para mawala ang sakit ng ulo saka tila birong naalala niya ang halikan nila ni Theon.

“Omo?!” Napatakip siya sa bibig at biglang namula. “Totoo ba? Wait...” pinilit niyang inalala at unang rumehistro sa utak niya ay siya ang nag-insist na halikan siya at siya rin ang unang humalik sa binata. “My God, Amara!” natitilihan sigaw niya at hiyang-hiya sa kagagahan ginawa. Anong mukhang ihaharap niya sa lalaki? Shit, shit! Nakakahiya.”

Nawalan siyang gana na lumabas ng bahay at pumasok sa school. Nagpasya siyang umabsent na lang nang araw na iyon. Napasabunot siya sa kaniyang sarili sa kagagahang ginawa! Bakit niya ginawa iyon?! Hindi sila mag-jowa ng lalaki at ano na lang ang iisipin nito kapag nagkita sila? Wala na siyang mukhang ihaharap. Most embarrassing ever! Parang dama pa niya ang labi nito... Pero infairness, kinikilig siya deep down pero hindi pa rin pwede. Isa siyang dalagang pilipina.

“Hindi ka ba papasok? Late ka na.” Mommy niya ang bumungad sa kaniya sa kwarto.

Namula siya. Paano ba niya sasabihin dito na lumandi siya kagabi? Sabihin ba niya na 'Mommy, lumandi anak niyo. Huhu.ʼ or, 'Mommy magpapakasal na ako sa crush ko. Payag ka na please?ʼ Hindi. Wala sa dalawa at baka sampal abutin niya.

“My, ano oras ako hinatid ni Theon kagabi?”

“Theon?”

“Opo.”

“Si kuya Azael mo ang kasama mo kagabing umuwi. Hinatid ka na niya sa silid mo dahil napasubo ka raw sa inuman niyo at lasing. Pinagalitan ko nga at bakit sinama ka but he promised me na iyon na ang panghuli.”

Kung kanina ay natitilihan siya, ngayon ay nagimbal siya sa balitang si Azael ang naghatid sa kaniya. Hindi kaya... Nanlaki ang kaniyang mata at napatakip ng bibig.

Hindi kaya— si Azael mismo na kuya niya ang kaniyang kahalikan? Letse, hindi! Hindiiiii!

Pagkababa niya ng hagdanan, nagtama ang mata nila ni Azael na siyang paalis nang umagang iyon. Namula ang kaniyang buong mukha. Gwapong-gwapo ito sa suot na corporate attire pero wala siya sa mood na purihin ito.

Shit ka, Amara! Kasumpa-sumpa ka sa lahat ng babae sa balat ng lupa. But no, alam kong hindi siya ang lalaking hinalikan ko kagabi kahit pa sabihin na si kuya ang naghatid sa`kin.

Napahinga siya sa bahaging iyon. Yeah, alam niyang si Theon kaya inirapan niya ito at nauna siyang nagbawi ng tingin. Hindi sila close at mas lalong hindi sila bati ng lalaking ito na ngayon alam niyang nakasunod ang tingin sa kaniya.

Bakit nga pala nandito ito sa mansiyon ngayon samantalang hindi ito nagpakita nang sobrang tagal dahil sa kalalandi sa girlfriend nito? Napaingos siya nang maalala ang jowa nitong manika. Si Annabelle.

Dumeritso siya sa kusina at umupo agad sa mesang nando’n.

“Nanang gutom na po ako, ano po breakfast natin?” magalang na tanong niya sa kanilang mayordoma na simula bata siya nasilayan niya na ito.

“Aba’y bata ka! Umabsent ka naman,” puna nito.

Ngumisi lang siya. “Nanang gutom na po ako...”

“Serve her coffee with lots of cream and a pancake, Nanang,” sabad ni Azael na sumunod sa kusina at umupo pa talaga sa harapan niya. “Black coffee sa`kin,” pahabol nito.

Agad naman tumalikod ang mayordoma nila. May mga katulong naman sila pero kapag umagahan, ito ang naghahanda lagi para sa kanilang dalawa ng kaniyang kuya.

“So...” panimula nito.

“So what?” nakataas ang kilay na gagad niya. Akala ba niya aalis na ito papuntang work?

Napatitig ito sa kaniya at napahugot ng malalim na buntonghinga. Umiling-iling ito at hindi na nagsalita pa. Napairap siya sa hangin at hindi ito pinansin samantalang ang ingay nila dati kapag nagtatagpo sila lagi. Wala na, nawala na iyon simula nung iniiwasan siya nito sa hindi niya alam na dahilan at laging wala ng oras sa kaniya. Maiintindihan naman niya iyon kung sasabihan siya na kesyo ganito, ganiyan, pero hindi. Kaya bahala ito, malaki ang kaniyang hinampo at hindi siya madadala sa kagwapuhan. Hmp!

Tahimik siyang kumain. Sinadya pa niyang binilisan iyon dahil naiinis siya sa pagmumukha nito kasabay pa sa alaala niya na ito ang naghatid sa kaniya kagabi... Hindi naman siguro niya ito hinalikan. Hindi nga ba?

“Mara,” tawag nito.

Hindi siya natinag. Tatawagin siya nito sa palayaw niya kapag may gusto itong sasabihin but whatever, busy rin siya. Finish! Mabilis niyang nilagok ang kapeng hindi na masyadong mainit at tumakbo paalis sa lugar na iyon. Nakapag-decide na siya, papasok siya sa araw na iyon. O tamang sabihin, ayaw niyang makita ang pangit na mukha ni Azael dahil nabi-bwesit siya!

NAGLINYA ang kilay ni Azael nang tawanan siya ni Cuhen nung magkita sila sa pribadong opisina niya. Ang linya ng kaniyang negosyo ay Real Estate at pinamumuhan niya ang ilan sa malalaki’t sikat na mall hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Pagmamay-ari ng pamilya nila iyon at bilang nag-iisang anak na lalaki ng Legrand, alam ni Azael na sa kaniya ito ipapasa lalo na’t walang kahilig-hilig ang nag-iisang kapatid niyang si Amara sa mga negosyo.

Sa edad na bente-syete, mas lalo niyang napalago ang negosyo ng kanilang pamilya. Minsan, naiiling na lang si Azael lalo na kung babae ang client dahil oras na nasisilayan ng mga ito ang ngiti at nang kaniyang kagwapuhan, close deal na agad at share holder na. Ang laki rin ng gamit nang pagiging mestiso.

“You look miserable,” puna nito.

“Yeah, she’s avoiding me.”

“Who? Fling mo o ang little sissy named Amara? Fuck dude, come on get a life! He's your damn sister.” nawala ang tawa sa mukha ni Cuhen at nagseryuso.

Hindi siya sumagot. Kung gano’n lang sana kasimple, ginawa niya.

“Look, hindi naman masama magmahal. But damn! Loving your own sister? Naiintindihan kita dahil magkaibigan tayo pero paano pag nalaman ito ni tita at tito? Gago ka talaga.”

“She kissed me last night.”

“Puta!”

“Lasing si Amara at napagkamalan niya akong si Theon.”

Biglang napangisi si Cuhen sa kaniyang sinabi. “That’s reality. Looks like she fancy him. Can’t blame her, magkapatid kayo.”

Napailing-iling siya at napabuntunghinga. May puntong tama nga ang pinsan niyang gago. Siguro kailangan niyang iwasan na rin si Amara at ibaling sa iba ang nararamdaman niya. Masyado lang yata siyang naging attached sa nakakabatang kapa-tid. Ipapagpatuloy niya ang pag-iwas dito at sikapin kalimutan ang dalagita. Pero makakaya ba niya?

Alam niyang masama at bawal ang kaniyang nara-ramdaman kaya natiis niyang hindi magpakita nang ilang buwan dito. At sa pagtitiis niyang iyon, nagdesisyon siyang ibaling sa ibang babae ang kaniyang paningin. Sa babaeng kasama niya kagabi na nagngangalang Yve niya binabaling ang nararamdaman niya. Ilang beses na din may nangyayari sa kanila pero ando’n pa rin sa sistema niya si Amara at nahihirapan siyang paalisin ito. Fuck his heart! Sa dami-daming ibigin, sa kapatid pa niya.

“Theon!” tawag ni Amara sa binata nang makita niya itong naglalakad kasabay ang mga barkada nito sa hallway.

“Bakit, aking mahal na binibini na ubod ng ganda?” malambing na banat nito. Ang landi talaga!

Kikiligin na sana siya pero mas importante ang kaniyang tanong kaya sige, sa susunod na taon na siya kikiligin.

“Hindi ba ikaw ang naghatid sa`kin kagabi at sa kwarto ko?”

Umugong ang malakas na tuksuhan sa paligid gawa ng mga barkada nito. “Hayop ka, Theon!” Sabay-sabay na sapak at batok ng mga ito sa binata. “Paano mo nalusutan ang kapatid niyang parang Lion kung lalapa ng tao?! Turuan mo kami!”

Inosente siyang napatingin sa mga ito. Siya ba ang pinag-uusapan ng nga ito? Tawa-tawang nagtaas naman ng kamay ang binata para tumahimik ang mga tropa nito saka humarap ulit sa kaniya.

“Hindi ako binibini... si Azael.” Kumindat ito sa kaniya at sabay napahinga ng maluwang ang mga barkada nito. Walang sabing hinila ng mga ito si Theon at kinaladkad papalayo sa kaniya.

Napaikot siya ng eyeball nang wala sa oras. Mga bwesit din ang mga kaibigan nito, eh! Pero agad siyang napangiwi nang maalala ang huling sinabi ni Theon.

Hindi ako... si Azael.

Hindi ako... si Azael.

Si Azael...

Jusko! Napatakip siya ng bibig at parang gusto niyang maglaho bigla sa kinatatayuan. So ang hinalikan niya ay ang sarili niyang kuya?! Nahumindig siya sa reyalisayong hinalikan niya ang sariling kapatid! Napatakip siya ng mukha at napatili nang wala sa oras. Napatingin sa kaniya ang ilan sa estudyante pero wala siyang paki! Shit! Shit! Bakit?!

Mabilis siyang tumakbo sa malapitan restroom at naghilamos ng mukha sabay mugmog ng bibig. Tinampal pa niya ang sarili at dinuro ang repleksyon sa salamin. Ilang beses siyang nagmugmug at naghilamos. Ang weird sa feeling at shit, kahit crush niya si Azael hindi pwede iyon! Kuya niya ito. Kuya at kuya lang talaga.

Paano kaya niya haharapin ang mukha nito? Kung sabagay may sarili na pala itong bahay kaya medyo nakahinga siya sa isipin iyon. Ibig sabihin hindi niya ito makikita at makakalimutan niya rin ang pangyayaring iyon. Iisipin na lang niya na masamang bangu-ngot lang ang lahat.

Umuwi siyang bangag nang araw na iyon. As usual, deritso siya ng silid at inisip bawat isa isa ang kaniyang ginawa kagabi. Talaga bang halik lang ginawa nila? Hindi kaya? Oh my God! Hindi kaya ni-rape niya si Azael at hindi ito makasigaw ng tulong o magawa siyang pigilan dahil sobrang ganda at wild niya kagabi kaya pikit na umuoo na lang itong nagpaubaya sa makasalanan niya ng kamay?!

Napasigaw siya sa hiya para lang mapangisi. Siya nga pala ang babae rito, imposible yata ang kaniyang iniisip. Nag-pasya na lang siyang maligo sa pool at isipin kung paano kalimutan ang gabing iyon. Bwesit kasi ang Theon na iyon, eh. Nahawa siya sa kalandian nito at pagiging pokpok.

HINDI na umasa pa si Amara na bumalik pa ang dating closeness nila ni Azael. Hindi na rin niya ito nakita, last na ‘yong nagkasabay sila sa hapagkainan and after that, wala na siyang narinig na balita nito. Nagtatampo siya pero mas maigi na rin iyon kasi alam niyang hindi naman pwede na sa kaniya iikot ang mundo ni Azael. May girlfriend ito at balang-araw magpapakasal na ito sa ayaw man niya o hindi.

“My, please pumayag na kayo. Seventeen na po ako at si Theon naman ang sasamahan ko po, eh,” atungal niya sa ina. Nasa hapagkainan sila nang gabing iyon kasama ang ama niyang tahimik lang na kumakain.

“Amara, ilan beses ko ba sabihin sa`yo na hindi ka pwede—”

“Daddy please?” hindi niya pinatapos ang kaniyang ina. Nagmamakaawa siyang tumingin sa ama. Alam niyang papanigan siya nito. Napabuntunghinga ito at napasulyap sa asawa.

“Huwag mo sabihin na papayagan mo ang anak mo na umalis kasama si Theon?” may halong inis at galit ang boses ng kaniyang ina. “Naku lang!”

Napangisi si Amara. Kapag ganito ang usapan, aba, pupusta siya ng wamfefti panalo na siya. Kaya lihim siyang nagpapalakpak sa sarili sabay subo ng kanin, ang sarap pala ng mga ulam nila nang gabing ito!

“Honey, okay lang iyan. After all si Theon ang mapapa-ngasawa niya pagtungtong ng legal age. Nasa testamento na iyan kaya legal na sumama siya sa binata.”

Napabuga siya sa kaniyang kinain pero nang makitang lihim na kumindat ang kaniyang ama. Napangisi siya. Ibig sabihin sakyan niya ang trip nito para pumayag nang tuluyan ang Godzilla niyang ina.

“Yes My, mahal ko ‘yon. Payagan mo na ako, papakasalan ko naman ‘yon, eh,” gusto niyang matawa sa loka-loka niyang sagot. Teka, bakit sinabi niya iyon? Hindi niya mahal ang binata. Crush lang niya at hindi mahal. Pero nasabi niya kaya panindigan niya at may tiwala siya sa kindat ng kaniyang ama.

Magta-travel and tours kasi sina Theon kasama ang tropa feels nito pati ang crush niyang si Herrence her loves kaya sasama siya. Pagkakaalam niya wala ang bwesit niyang kuya kaya maganda iyon. Hindi lang naman siya ang babae, katunayan nga ay lahat nang sumama ay mag-partner at siya... Si Theon na lang siguro kahit na pokpok ito, mabait at gentleman ito sa kaniya.

Sagada ang pinili nang mga ito at 3 days and 2 nights iyon. Tama lang dahil wala siyang pasok this coming friday. Gusto lang niyang maranasan na isang teenager kahit saglit at may tiwala naman siya sa mga kasama niya.

“I beg your pardon, Dad.”

Nagulat siya sa biglaan pagsulpot ng kaniyang kuya Azael. Hindi niya nakita ang hitsura nito dahil nakatalikod siya at alam niyang nasa tabi niya ito ngayon. Kinabahan siya bigla pero agad din napaismid. Alam niyang makikisawsaw na naman ito sa usapan nila at ang ending hindi siya papayagan ng tuluyan ng kanilang ina. Pero kakampi niya nga pala ang Daddy nila kaya okay lang.

“Azael you’re here!” lumarawan ang saya sa mukha ng Mommy nila.

Lumapit naman ang binata rito at humalik sa pisngi at nagmano sa kanilang ama. Bahagya siyang napangiti, isa sa nagustuhan niya sa kuya niya ay pagiging marespito nito pero nang sumulyap ito sa kaniya, irap ang kaniyang binigay. Umupo ito paharap sa kaniya at nagsimula siyang mainis sa kagwapuhan taglay nito. Bakit ba ito pinanganak na gwapo? Binigyan niya ito nang masamang irap.

“Tama ba ang narinig ko? Naka-arrange marriage si Amara kay Theon na walang alam kundi ang pambabae at puro tubig ang laman ng utak?”

Hindi niya alam kung matawa ba siya sa description nito sa kaniyang crush o mainis dahil naaamoy na talaga niyang sasalungat ito. Anong arranged marriage? Trip lang iyon ng ama nila at sinakyan lang niya. Alam naman niyang hindi magagawa ng Daddy nila iyon.

“Azael,” panimula nang ama nila. “Hindi ito ang tamang panahon at oras na pag-usapan ang bagay na iyan. Kumain muna tayo.”

Napangisi siya. Nga naman, makikisawsaw lang naman ito at wala itong magandang idudulot sa buhay niya. Ba’t kaya at hindi na lang ito bumalik sa babae nito tutal malandi rin ito at puro babae ang laman ng utak? Pero agad din nawala ang ngisi niya nang sumulyap ito sa kaniya at hindi sinasadyang napatingin siya sa mapupulang labi nito.

Shit! Biglang pumasok sa isip niya ang halikan nangyari. Wait, hinalikan ba niya ito? Panaginip lang iyon at alam naman din niyang hindi papayag si Azael lalo at magkapatid sila. Napanatag siya sa isipin iyon at ngumisi ulit. Hindi na siya magkamayaw sa pag-subo ng pagkain. Bakit nga ba niya hindi naisip ang bagay na iyon? Nandiri pa siya sa kaiiisip buti na lang may brain cells pa siya at ang utak niya mismo nag-adjust para sa kaniya.

“No Dad, gusto kong malaman kung tama ba ang narinig ko.”

“Pwede ba ‘wag ka umapela!” puno ang kaniyang bibig nang pagkain pero hindi niya mapigilan umeksina. Nagsitalsikan tuloy ang nasa loob ng kaniyang bibig. “Sorry.” Mabilis niyang tinakpan ang bibig pero nandidilat pa rin siya rito na pinapahiwatig na huwag nang makialam.

“Okay, dahil alam kung hindi ka tatamik hangga’t ‘di mo nakuha gusto mo, sumunod ka na lang sa library room mamaya.”

Walang magawa ang kaniyang kuya kundi tumango. Drama nito, gusto niyang tsinilasin ang pagmumukha nito. Panalo na siya! Pumayag na ang mga magulang nila. Mabilis niyang tinapos ang pagkain at nagpasiyang tawagan si Theon sa kabilang linya para ipaalam dito na makakasama siya ritong pumunta ng Sagada.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height