C5 Kabanata 5

Ang lapad ng ngiti niya habang nakasakay sa loob ng Boho Woody Camper Van na hindi niya alam kung sino may ari. Dalawang Van ang ginamit at kasama niya sa backseat ay si Theon na walang ibang ginawa kundi ang makikipaglandi sa iba pa nilang kasamang babae. Wala naman siyang paki roon, hindi naman ito ang isinama niya kundi ang bulubundukin view ng Sagada. Hindi na siya makapaghintay.

Medyo nababagot na siya nang makitang hindi pa sila umaalis. Eksaktong alas dose ng gabi ang usapan nila na umalis pero hanggang ngayon ay nasa Maynila pa rin sila. Kompleto naman sila at hindi niya alam kung bakit hindi pa sila umalis.

“Sorry we’re late.”

Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang dalawang panauhin na dumating. Nang makilala ang mga ito, naglaho ang sayang naramdaman niya kamakailan lang. Sino ang nag-imbita sa pangit niyang kuya at nang girlfriend nitong si Annabelle?!

Nagsalpak siya ng headset sa dalawang teynga at nag-soundtrip. Masyado pa naman itong killjoy. Ini-imagine pa lang niya, sira na ang kaniyang buong Sagada trip sa loob ng tatlong araw. Bahala na nga ito! Magkalimutan silang dalawa na magkapatid.

Sa buong byahe, nakatulog si Amara. Umaga nang siya ay magising at napansing nasa destinasyon na sila. Kung hindi pa tinapik ni Theon ang kaniyang pisngi, baka nakauwi na lang sila ng Maynila ulit, tulog pa rin siya.

Nagsibabaan na sila at hindi siya makapaghintay na bumaba na rin para langhapin ang presko at malamig na simoy ng hangin.

“Baby.” Si Theon.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa tawag ni Theon sa kaniya o maloloka. Nakangiting inabot niya ang kamay nitong nakalahad sa kaniya para alalayan siya sa pagbaba ng sasakyan, pero hindi pa niya naabut iyon, tinampal na ito ni Azael at tiningnan ng masama si Theon. Napaikot na lang siya ng mata at inismiran ang kapatid. Heto na nga at nagsimula na ang pagiging killjoy nito sa kaniyang buhay!

“Bakit ka nandito? Sa pagkakaalam ko hindi ka mahilig sa mga ganito, ah?” sita niya rito nang makababa siya.

“Simple lang. Ang bantayan ka,” walang kaemosyong tugon nito.

Ano siya bata? Bantayan talaga? Ano ba ang gagawin niya, eh, magti-trekking lang naman sila at magki-cave adventure. Hindi naman siya seven years old na kailangan pa bantayan. Like hello! Next year ganap na dalaga na siya. Masyado talaga siya nitong bineybi-baby at hindi na siya natutuwa. Bakit hindi na lang ang plastik at higad nitong girlfriend ang bantayan nito tutal mukha naman itong tuko na kapit lang nang kapit. Bakit kaya hindi ito naging tuko na lang?

“Bakit mo ako babantayan? FYI lang kuya, malaki na ako at si Theon naman kasama ko eh, saka boy—”

“Wala akong pakialam.”

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil mabilis na pinutol nito ang gusto niyang sabihin saka siya tinalikuran. Wala siyang magawa kundi ang mapairap ulit sa hangin. Buti na lang nang dumako ang tingin niya kay Herrence ay nawala ang inis niya sa kagwapuhan taglay nito. Hay naku, sana malaki ‘tong puso niya. Taon-taon nadadagdagan ang mga crush niya. Napahagikhik siya sa naisip.

Masaya ang unang araw sa Sagada kahit panay sulyap sa kaniya si Azael pero hindi siya nito pinipigilan. Mas mabuti iyon, ‘no! Bakit kasi sumama pa ang kuyang kumag niya? Siguro si Herrence nag-imbita rito pero like duh, who cares magsasaya siya.

“Wohooo! Ang sarap dito. Ayuko na umuwi.”

“Itulak kaya kita?”

Napabusangot siya nang marinig ang boses ng kaniyang kuya. Nasa ibabaw sila ng bundok at kitang-kita niya ang napaka-gandang tanawin ng buong lugar. Ang malamig at temperatura ng paligid ay nagbibigay ng masayang pakiramdam sa kaniya. Siya lang yata ang hindi normal. Instead na coat o jacket ang suot niya dahil sa malamig na klima, nakasuot pa siya ng sleeveless. Sa araw-araw ba na exposed siya sa aircon sino ang hindi ma-immune?

“Kapag mahulog ba ako, sasaluin mo ‘ko?”

Hindi ito nakasagot sa kaniyang banat. Gusto niyang matawa sa hitsura nito pero dahil naalala niyang hindi pala sila bati at pinutol niya na ang pagkakapatid nila, iningusan niya ito at iniwan. Huwag itong lumapit lapit sa kaniya at baka itulak niya ang girlfriend nitong naging dahilan nang lahat.

Tawanan, asaran at kulitan ang buong grupo na hindi niya kilala kahit pangalan. Walong magkakapareha sila at ang iba kilala niya sa mukha, ang iba hindi lalo na ‘yong mga babae na wala siyang balak kilalanin ang pangalan.

“Amara, ingat at medyo madulas ang mga bato,” paalala sa kaniya ni Theon nang pumasok sila sa dalawang connecting cave. May flashlight sila sa ulo bawat isa pero dahil matigas siya, lagi siyang nagpapahuli.

Ine-enjoy niya muna ang ganda ng kwebang iyon. Gusto na nga niyang yakapin si Herrence sa sobrang ginaw. Natawa siya sa kalokohan naisip pero susubukan niya iyon mamaya ng palihim.

Napahagikhik siya habang kinukunan ng litrato bawat sulok, mga likuran ng mga kasamahan niya. Picture na naka-side view si Herrence, naka-pout na si Theon, mukhang bruhang jowa ng kaniyang kuya, mga malanding kapit-tukong kasamang babae sa mga boyfriend nila at ang huli, ang kuya niyang nakataas ang tingin at pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar. Sandali siyang natigilan at pinagmasdan ang picture nito, bahagya siyang napakagat ng labi at ilang beses na napailing-iling. God! Bakit ba ang gwapo ng kuya niya. Gusto niyang magwala sa sobrang inis.

Mga tatlong dipa na ang layo ng mga ito habang siya ay nasa huli pa. Masyado niyang na-enjoy ang pagkuha ng larawan. Hindi naman siya takot sa dilim dahil lumaki yata siyang mata-pang. ‘wag lang may ahas na gagapang at baka himatayin siya.

“Amara!”

Amara nye-nye! Puro ka, Amara.

Narinig niya ang boses ni Azael. Nabwesit siya at nagpasyang inisin ito at sabay naman pumasok na kalokohan sa kaniyang utak, natawa siya ng mahina. Amara ito nang Amara, ah. Bantayan kuno raw siya, pwes, maghanapan sila nito sa loob ng cave na iyon.

Mabilis siyang nagtago sa isang malaking tipak ng bato. Walang travellers dahil buong araw inupahan ni Theon ang dalawang connecting cave. Sa yaman ng Willoughby, kaya nitong i-rent ng buong buwan ang Sagada.

Nang makapagtago na siya, mabilis niyang pinatay ang flashlight sa ulo. Ilang beses pa niyang kinurap-kurap ang mata dahil sa kadiliman..

“Damn Amara, stop playing around!” rinig niyang sigaw ni Azael.

“Quit that babe. She’s malaki na! I’m sure she’s somewhere d’yan and taking picture or whatever. Just let her naman,” ang maarteng sagot naman ng jowa nito.

Nag-ikot siya ng eyeball. Sapakin niya kaya ang Annabelle na ‘yon? Akala siguro nito hindi niya alam na ayaw nito sa kagandahan niya. FYI, mas maganda siya.

“She’s right dude, just let her. Beside, this cave is safe,” usal ni Herrence.

Napaismid siya sa kaniyang pinagtataguan. Nag-effort pa siya sa pagtago sa malaking bato na iyon.

“Ako na maghahanap sa kaniya,” mabilis na presinta ni Theon.

“Fuck off!” asik ni Azael, “Tayo na. Susunod siguro iyon mayamaya.”

Natawa siya ng mahina. Over protective ng kumag. Pwes hindi na sila magkapatid ngayon kaya magtatago siya hanggang sa gusto niya. Narinig na lang ni Amara na lumayo na ang mga ito. Ang liwanag na nakikita niya mula sa mga ito at ang ingay na narinig niya ay dahan-dahan nawawala.

Shit! Talagang iniwan nga siya?! Gusto niyang magdabog at umiyak sa disappointment para lang matigilan. Ay oo nga pala, magkapatid lang sila. Ano ba pinaglalaban niya at pinagdadrama? Syempre makikinig talaga ito sa girlfriend nito. Napaismid siya at napaikot ng mata. Akmang lalabas na siya sa pinagtataguan at bubuksan ulit ang flashlight nang may tumalon sa kaniyang paa at mabilis na gumapang sa kaniyang binti.

“Aahhhhhhh kuyaaaa!” isang malakas at matinis na sigaw ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Dahil madilim at nataranta siya kung ano iyon, mabilis siyang tumayo at tarantang humak-bang.

Nadulas siya nang wala sa oras. Napaigik siya sa sakit ng tumama ang kaniyang pang-upo sa batuhan at napaiyak. Karma yata niya sa kalokohan naisip. Mabilis niyang kinapa ang camera nakasabit sa kaniyang leeg, buti hindi ito napaano. Bigay pa naman ito ng kuya niya nung 15th birthday niya at paborito niya iyon. Nabalian na yata siya ng balakang. Umiiyak na kinapa niya ang switch ng flash light na kaniyang suot sa ulo. Mabilis na kumalat ang liwanag ng flashlight.

“Mara!” Nasa harapan niya ngayon si Azael. Puno ng pag-aalala ang buong mukha nito at takot. Bakit hindi niya napansin ang paglapit nito? Siguro dahil busy siya sa kadramahan niya pero totoong masakit. Walang sabing binuhat siya nito na parang bata sa ere. “See what happened, you brat!”

“May gumapang sa binti ko,” atungal niya at mas lalong umiyak. Ang sakit na nga ng balakang niya, pinapagalitan pa siya nito. “It must be a snake!”

Ilang sandali pa ay narinig niya ang mga yabag ng mga kasamahan nila.

“You guys continue. I’ll drop my sister outside. Susunod ako.”

Sabay-sabay na nag-okay ang nga ito. Maliban kay Annabelle na narinig niyang nagreklamo pero sumunod pa rin sa sinabi ng kaniyang kuya. Habang siya naman ay pangko ni Azael sa mga bisig nito. Madilim ang paligid pero ramdam niyang namula ang kaniyang pisngi sa hindi niya alam na dahilan. Dinama niya ang pisngi at palihim na pinisil iyon.

“That’s for being a pain in the ass,” angil nito na ngayon ay nagsimula nang humakbang.

“Pain in the ass,” panggagaya niya sa boses nito at nag-make a face, “Asan ba kasi si Theon? Siya dapat papangko sa`kin!” atungal niya.

“Shut up!”

Parang asong bahag ang buntot na tumahimik siya bigla. Hindi na siya umimik. Tahimik na lang siyang nag-make a face dahil alam naman niyang hindi siya makikita nito. Madilim kaya.

“Puro ka Theon, ako ‘yong tinawag mo.”

“Nagulat lang ak—”

“I said shut up!”

Humaba ang nguso niya at napa-cross arm. Dapat pala hindi niya pinaglaruan si Azael, hindi tuloy siya nakasama sa loob. Gusto pa naman niya sanang tumalon do’n sa pool na nasa gitna ng kweba. Heto siya ngayon, pangko ng kaniyang kuyang nakabu-sangot at kitang kita niya iyon.

Hindi ba ito nabibigatan sa kaniyang ganda? Nabalian na yata siya ng buto at natatakot siyang hindi makalakad. Sayang ang kaniyang kagandahan! Pero kung ganito naman na si Azael lagi bubuhat sa kaniya, okay lang. Napahagikhik siya nang wala sa oras pero agad din nagseryuso nang tumingin ito sa kaniya at napapantastikuhan sa kaniyang inasal.

“Kuya,” atungal niya.

Hindi ito sumagot.

“Kuya?”

Walang tugon pa rin dito.

“Kuyaaaa!”

Nanatili pa rin itong tahimik.

“Azael ano ba! Bingi ka ba?!”

Mabilis naman itong tumingin sa kaniya at hindi niya alam kong ngisi ba ang nakita niya sa mukha nito dahil sa kaniya sandali nakatutok ang flashlight nito sa ulo.

“Shut up or I’ll drop you, silly.”

Agad naman siyang tumahimik nang maalala na hindi nga pala sila bati at nagtatampo pa siya rito. Umirap siya sa hangin at para lang siyang bata sa mga bisig nito. Balewala lang rito ‘yong mga batuhan at dinadaanan nila. Ang awkward lang dahil sobrang lamig ng buong paligid. Isn’t it romantic? Namula ang kaniyang buong mukha. No! Kuya niya ito, kuya niya. Kuya. Kuya.

Nakatitig lang siya sa seductive deadly jaw nito na laging sinasabi ng mga clasmeyt niya. Hindi niya maintindihan kung saan ang deadly do’n pero sa mga oras na ito habang pangko siya, mukhang alam niya na. Ayon na naman ‘yong ligaw na damdamin na lagi niyang nararamdam sa tuwing tinitigan niya si Azael.

God! Bakit ang perfect nito? Wala sa sariling inabot niya ang pisngi ni Azael at marahan hinaplos iyon. Kahit balat nito ay mas makinis pa yata sa kaniya. Bahagya itong natigilan sa kaniyang ginawa pero ang sumunod ay hindi nito napaghandaan nang kurutin niya iyon. Ang ku-kyut ng kuya bear niya. Correction, ang gwapo-gwapo pala!

“Amara stop it.”

Ngumisi siya. Never! Ngayon pa lang siya nagkaroon ng chance na kurutin ang pisngi nito.

“Mara!” nasa boses nito ang warning para sa kaniya.

“Para kang ‘We Bare Bear’ sa kakyutan! Akin ka na lang, please?” natatawang saad niya na ngayon ay dalawang kamay niya na ang pumipisil sa pisngi nito.

“Cut that crap! Will you stop doing that, Mara. I’m starting to lose focus,” angil nito.

Napahalakhak siya. Wala na, bati na sila ng gagong ito. Para siyang tanga na tawa nang tawa. Hindi niya talaga masisisi kung ibagsak siya nito sa sobrang ingay niya. Dahil busy siya sa pagpisil-pisil sa pisngi nito… Naramdaman na lang niyang nawalan ng balanse si Azael nang humakbang ito sa matubig na batuhan.

“Damn!”

“Omo!”

Sabay silang napasigaw nang madulas ito at bumagsak sila pareho sa napakalamig na tubig na hanggang tuhod lang niya ang taas.

“Ang lamig!!!” napatili siya.

“Fuck! See what you’ve done?”

Napangisi siya. Sabi nga nila, in every left hand there is right. Hehe. Mabilis niyang hinampas ang tubig papunta rito. Napasigaw ito sa lamig.

“Stop it brat!”

Humagalpak siya ng tawa at inulit iyon. Mas malakas na sinigurado niyang makakaligo ito nang wala sa oras. Napahiyaw siya sa lamig nang gumanti ito. Hinahamon yata siya nito ng water fight!

Mabilis siyang tumayo kahit ando’n pa rin ‘yong sakit sa kaniyang balakang at nakipaglaro ng hagisan sa kapatid. Napa-halakhak ito at gano’n din siya. Para silang timang sa kanilang ginagawa. Hindi nila alintana na sila lamang dalawa ro’n sa madilim na bahagi ng kweba.

Hahagis pa ulit siya ng tubig nang mawalan siya ng balanse sa kakaatras dahil sa pagdidispensa sa sarili mula sa malakas na saboy ng tubig nito sa kaniya. “Aayyy!”

“I got you!” Mabilis na nahablot ni Azael ang kaniyang kamay at nahila payakap sa katawan nito.

Mabilis niyang tinulak si Azael at dumistansya. Masyado siyang nailang sa sitwasyon nila nang mga sandaling iyon. Isabay pa ang pag-unahan sa pagtibok ng puso niya, halos lumabas na ito sa kaniyang dibdib.

“Ilalabas na kita.” Akmang bubuhatin siya nito pero mabilis siyang umayaw.

“Kaya kong maglakad.” Mabilis siyang humakbang.

Pero ang totoo, ang sakit pa rin ng balakang niya. Ayaw lang niyang mapalapit dito dahil nag-iiba ang tahip ng kaniyang dibdib at napaka-weird iyon sa kaniyang part. At dahil nasa kweba nga sila, nakaagapay pa rin si Azael sa kaniyang likuran lalo na at may paakyat at pababa sa loob ng kwebang iyon. Kahit itaboy niya ito nang paulit-ulit hindi pa rin ito nakikinig. Sinusungitan lang siya nito at kulang na lang ay irapan siya.

“Ang tigas talaga ng ulo mo bata ka.” inis na pakli nito nang bahagya siyang madulas.

Napangisi siya pero agad din napanguso. Bata? Ano siya naka-diaper at dumedede pa? Suntukin niya ito sa tiyan, eh.

Narating niya ang labas ng kweba na pagod na pagod. Ang taas ba naman ng inakyat nila pabalik sa entrace. Gusto niyang maglupasay ro’n dahil may hagdanan pa para tuluyan makalabas. Masakit na ang kaniyang tuhod.

“Pagod ka na?” masungit na tanong nito.

“Hindi, ah. Maganda lang ako pero never mapapagod.” Inirapan niya ito at nagsimulang humakbang ulit. Anong akala nito, hindi niya kaya ang kaniyang sarili. Ba’t ba andito pa itong kumag na ito at sunod nang sunod sa kaniya.

“Bumalik ka na ro’n at kaya ko na ang sarili ko rito. Maghihintay na lang ako sa sa loob ng sasakyan,” taboy niya.

Tiningnan lang siya nito na parang hindi narinig at naunang maglakad sa kaniya. Tingnan mo, napakawalanghiya talaga ng kapatid niya! Magkapatid ba talaga sila? Bakit sobrang bait niya at demonyo ito?

Hindi nga siya nito ningingitian. Mabibilang lang sa daliri ang mga okasyon na ngingiti ito sa kaniya. Buti pa sa ibang babae at mga kaibigan nito, ang lakas nitong mang-asar at tumawa. Samantalang sa kaniya, kailangan pa niyang mag-effort para mapansin ang kaniyang kakyutan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height