C6 Kabanata 6

Nauna sa kaniya si Azael sa taas at pinagmamasdan lang siya nito sa ibaba ng hangdanan. Nakapamulsa ito at parang sina-sabi sa kaniyang, ‘sige diyan ka lang at mamaya niyan sisigaw ka na naman ng kuya mong baliw ka.ʼ

Napaismid siya. Kahit pagod na pagod siya, pinilit niyang ihakbang ang mga paang nangalay na. Hindi siya sisigaw ng kuya dahil bubwesitin lang siya nito hanggang sa mapikon siya. Dito ito magaling eh, ang mamikon. Next time, bayagan na talaga niya ito. Bahala na kung hindi siya magkakaroon ng mga pamangkin.

“Ano kaya pa?”

“Oo naman! Anong tingin mo sa`kin, loser?”

“Sinabi mo na,” kangising bwelta nito.

Bwesit ka kuya!

Gusto niyang isigaw ang nga katagang iyon pero kinalma niya ang kaniyang kagandahan. Ayaw niyang papangit dahil lang dito. Marami pa siyang pangarap at ayaw niyang masira lang iyon dahil sa bwesit na kapatid niya.

Pagod na pagod siyang umupo sa likuran ng sasakyan. Imbes na mag-enjoy, sa sasakyan lang pala ang bagsak niya.

Ang walanghiyang kuya niya? Bumalik sa kweba matapos siyang ihatid sa sasakyan. Kesyo makikipagharutan ito malamang sa nobya nitong kinain ng kaplastikan ang katawan. Inis na hinarap niya ang camera at pinagtitingnan na lang ang mga larawan nakuha niya.

Ngising aso siya habang inisa-isa ang mga larawan lalo na nung huminto kay Herrence at Theon. Napahagikhik siya sa kilig. Ang gagwapo talaga ng mga hayop na ito! Kung hindi lang siya pinalaki ng maayos ng magulang niya, baka kung ano na magawa niya sa mga ito. Natawa siya sa sariling kalokohan hanggang sa napawi iyon nang bumungad sa kaniya ang magkahawak kamay na Azael at si Annabelle the scary doll.

Ah yes, anong akala sa kweba? Park? Mall? Nasa labas ng bansa, gano’n lang? Kailangan todo kapit talaga? Takot maiwan? Kapag siya nainis talaga, aawayin niya ang bruhang ito.

Bigla siyang nawalan ng gana. Nagpasya na lang siyang matulog. Matatagalan pa ang mga ito sa loob. Malay niya at baka mag-date pa ang mga ito at mag check in... Jusko! Napa-sign of the cross siya at tahimik na nanalangin na sana’y nawa sumalangit ang mga kaluluwa ng mga ito.

“Tired?”

Inirapan niya si Azael nang magbalik na ang mga ito at tamang-tama nagising siya. Sino ba naman ang hindi magigising kung sobrang landi at ingay ng mga babae? Hindi halatang excited? May nakita siguro sa kweba na ibang tanawin kaya hindi mag-kamayaw sa chika there and chika everywhere.

“Ang ganda nung nakita ko. Oh my, ang laki!” kinikilig na saad ng isa nilang kasamahan babae na hindi niya matandaan ang pangalan. Parang si Chucky yata? Pero lalaki si Chucky doll sa horror movie.

“Anong malaki?” singit niya.

“Ah... Iyong ano...”

“Iyong?” gagad niya.

“Bata ka pa,” natatawang sagot ni Theon, “Pero kung gusto mong malaman, sabihin mo lang sa`kin at willing na willing akong ipakita sa`yo mahal na binibini.”

Isang malakas na batok ang nakuha nito sa kaniyang kuya. “One more Theon and I’ll cut that fucking tongue of yours.”

MARAMING traveller. Iisa lang ang ibig sabihin, nag-kaubusan ng room sa mamahalin hotel kung saan sila nag-check in. Ang aarte naman kasi ng mga kasama niyang mga babae, ayaw sa mga transient hauz kesyo ‘di bet ang room at place. Kesyo ang OA at gusto sa mamahalin na place para may privacy. Kaya ang ending, naubusan siya ng sariling room. Bawat couple ay may kinuhang sariling kwarto, alangan naman sasama siya kay Theon? Pwede rin naman. Napahagikhik siya.

“Amara baby, sa`kin ka na mag-stay,” nakangising saad ng malanding Theon. Kumindat-kindat pa ito at nag-shining shimmering splendid ang mga mata.

Ilang beses siyang napakurap-kurap kung tatanggapin ba niya ang offer nito o matutulog siya sa labas?

“Mag-iisip ako saglit. Ay oo sige na nga!” Kahit alam niyang hindot ang lalaking ito, may tiwala siya rito. Never pa itong nag-take advantage sa kaniya.

“Joke lang, Amara!” hilaw na humalakhak ito, “Gusto ko pa mabuhay ng mahaba.”

Mabilis siyang napatingin sa gawi ng kaniyang kuya at gano’n na lang ang irap niya nang makitang tinitigan ito ni Azael at sumenyas na gigilitan sa leeg.

“Sa silid ka namin.” Si Azael at tumalikod kasunod ang nobya nito.

“Wait, what?!” magkapanabay na reklamo nila ng jowa nito.

“But honey...” Mabilis na kumapit ang babaeng lintang plastik sa braso ng kapatid niya.

“Ayuko nga!” umirap siya at napahalukipkip.

“That’s final. Sumunod ka sa`min, Amara. I know you’re tired.”

Parang sasabog na bulkan siyang umayaw, “No ways!!!”

“Okay. I have your bag anyways.”

“Kuyaaaaa!”

Bwesit na bwesit siya at walang magawa kundi ang su-munod dito. Kitang-kita pa niya ang masamang pag-irap sa kaniya ng babae. Napangisi tuloy siya. Binibigyan talaga siya nito ng idea. Huh! Ang kaninang ayaw na ayaw niyang makasama ang sariling kapatid sa loob ng isang silid ay nawala sa kaniyang utak, pepestihin niya ang mga ito. Kaya ang ending heto siya ngayon at naunang nag-dive sa kama.

Lihim niyang inirapan ang babae na nakaingos at maarteng pumasok ng banyo. Malaki ang room at fully air conditioned iyon kahit sobrang lamig na sa Sagada. Queen size ang kama kaya okay na okay sa kaniya na siya sa kama at ang dalawa ay sa lapag.

Sa sobrang lambot ng kama at lamig ng buong kwarto, hindi niya na namalayan na hinila na siya ng antok. Isang pitik sa ilong ang gumising sa kaniya. Nang magmulat siya ng mata, tumama ang kaniyang mata sa kuya niyang naka-topless at naka-tuwalya. Deritsong bumaba ang kaniyang mata sa matipuno nitong katawan at napasigaw.

“Ahhhh! Magdamit ka!” bigla siyang napapikit. Jusko! Nakakailang lalo na at sila lang dalawa.

“Get up. Hindi ka pwede matulog hangga’t ‘di ka pa kumakain,” wika nito at bumalik ulit ng banyo.

Nakasuot na ito ng sweatshirt at shorts nang lumabas na ito galing banyo. Bumat ito tingnan sa edad nito. Napaingos siya. Wala siyang pakialam kung gaano ito kagwapo sa kaniyang paningin. Matutulog muna siya saka hindi pa siya nagugutom.

“Mara!” warning tone gamit nito.

“Mara!” panggagaya niya at dumapa sa kama. Kita nitong natutulog ang tao eh, disturbo.

Napatili siya ng malakas nang hilain nito ang kaniyang paa. “Get up, now!”

“Oo na! Oo na! Heto na nga, excited lang? Hindi makapaghintay?! Excited ka, excited? May birthday party at atat na atat kang kakain. May lumpia? Ha?!”

Nakita niya ang lihim nitong pagtawa pero agad din nagseryuso. Kunwari itong umubo nang makita nitong hindi maipinta ang kaniyang mukha sa inis. Nauna itong lumabas at sinabi sa kaniyang hihintayin siya sa hallway. Binigyan lang din siya ng 20 minutes para mag-ayos. Dahil mabait siyang kapatid, sinunod niya ito. Naghintay nga si Azael sa kaniya tulad ng sinabi nito. Nakakunot nga lang ang noo.

“5 minutes late, really?”

“Sabi ko ba hinatayin mo ako? Hindi naman, ah!” iningusan niya ito at iniwan.

Masakit sa ulo talaga ang nakakatandang kapatid niya. Bakit kasi pinasama ito? Pagkakaalam niya masyadong busy ang lalaking ito sa negosyo at Company ng Daddy nila kaya nakakapagtakang sumama ito ngayon. Kung alam lang niya na kasama ito, dapat hindi na siya sumama. Alam naman niyang hindi mai-enjoy ang gala niya pag nasa paligid ito.

Dahil sa kapokpokan ni Theon, naingganyo siya nito nang magsimula itong magtipa ng gitara at kinantahan siya sa labas kung saan sila kumain. Maraming babae ang kinilig pero sa kaniya lang nakatitig si Theon at malandi pa siyang kinindatan. Kilig na kilig siya sa ginawa nito! Ang gwapo talaga ng hinayupak na crush niya kaso malandi lang.

Alas-dyes ng gabi nang magpasiya siyang matulog. Nawala ang kaniyang antok dahil sa boses ng binata, ang sarap sa teynga at nakaka-inlove sobra!

Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan nung nasa harap na siya ng room. Baka kung ano pa ang kaniyang makita. Hindi pa siya handa sa gano’n bagay at baka pagtsi-tsinelasin niya ang mga ito. Nakapatay ang ilaw pero dahil sa lampshade, nakita niyang mahimbing na ang mga ito sa pagtulog.

Shit! Saan siya hihiga? Siya dapat sa kama at ang mga ito dapat ang nasa sahig. Nag-ikot siya ng tingin, walang extrang comforter at bedsheet. Kung bababa naman siya para humingi sa bedding section, nakakapagod na. Tatlo lang ang kaniyang pagpipilian;

Una; sa tabi ng higad na future sister in law niya. Eww! Iniisip pa lang niya iyon, nasusuka na siya lalo na’t nakayakap pa talaga ito sa kuya niya. Walang forever, maghihiwalay ang mga ito. Sinusumpa niya iyon.

Pangalawa; sa tabi ni Azael na feeling gwapo.

Pangatlo; sa gitna ng mga ito at paghiwalayin sa higaan sabay tulak sa sahig.

Tama! Napangisi siya sa huling naisip. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Nag-iisip kung paano ihihiwalay ang kamay ng babae na kapit ng kapit. May lindol ‘te?

“Don’t think about it, Mara. You can sleep next to me.”

Nagulat siya sa biglang pagsasalita ni Azael. Bumagsak ang kaniyang balikat at walang magawa kundi ang humiga sa tabi nito. Malaki ang kama kaya may distansya pa rin. Sana hindi malikot ang mga ito sa higaan at hindi maghihilik. Mabilis siyang tumalikod paharap sa dingding at ipinikit ang mga mata.

Nagising siyang maganda ang mood. Ang sarap ng kaniyang tulog. Sa panaginip niya, hinampas niya ang mukha ni Anabelle. Pagkatapos, sinipa raw niya si Azael sa likod. Nag-pagulong-gulong din daw siya sa garden of roses habang kumakanta. Ang ganda-ganda raw ng kaniyang boses at lahat napatulala pati mga bubuyog pumalakpak sa kaniya.

“Hello everyone!” bungad niya sa lahat nang mag-almusal sila. Nagising siya kanina na wala na ang dalawang kasama sa higaan.

“Buti naman at nakatulog ka ng maayos?” maarteng wika ng jowa ng kuya niya.

Pero dahil plastic siya sa lahat ng plastic, ngumiti siya, “Oo naman, ikaw ba hindi?”

Wala ng space kundi sa tabi ng haliparot kaya napilitan siyang umupo ro’n. Inabot niya ang tubig at akmang inumin nang magsalita ito.

“How can I sleep kung ang ginawa mo lang naman ay pinaghahampas ako at pinagsisipa si Azael at nagpagulong-gulong ka sa kama? Duh!”

Bigla niyang naibuga ang nasa bibig. “What?!”

“Oh my God!”

Opps! Sa mukha nito niya naibuga ang tubig na nasa kaniyang bibig. Napangisi siya sa isip pero agad din nag-puppy eyes kamo sinsero siya. “Ay napagkamalan kong lababo! Sorry,” lihim siyang nag-ikot ng mga mata at natawa. Pero hindi naman niya sinadya iyon. Na-shook lang siya.

“Argh! I’m outta here.” Mabilis itong tumayo at galit na nag-walk out.

Napasunod naman ang kaniyang tingin dito at doon niya hindi mapigilan matawa. Natawa rin ang ilan sa mga kasamahan niya pero hindi si Azael. Matalim siya nitong tinitigan na parang leletsunin anuman oras.

“Look what you’ve done, Mara.”

“What? Hindi ko naman sinasadya, eh.”

“Hindi sinasadya pero ang lakas ng tawa mo? Say sorry to her. Sumusobra ka na. Hindi kami nakatulog sa`yo kagabi sa sobrang kalikutan mo.”

Napakagat siya ng labi. Hindi naman niya sinasadya iyon, ah. Kasalanan ba niya kung mukhang lababo ang mukha ng jowa nito? Nagtaas siya ng kilay at inirapan ang kapatid. Mag-sorry siya pero mamaya na.

“Gutom na ako,” Hindi niya ito pinansin at inuna niya ang pagkain nang umagang iyon. Napailing-iling ito at biglang tumayo. Sinundan nito ang babae.

Papasok pa lang siya ng room nila nang makita niya si Azael at Anabelle na magkayakap. Umiiyak ang babae sa dibdib ng kaniyang kapatid. Agad umasim ang kaniyang panlasa sa nakita. Baklasin kaya niya ang kamay nito?

“I guess your sis don’t like me,” humihikbing saad nito.

“Of course she likes you. We just need more time. Amara is childish and inconsiderate brat sometimes, but she’s nice.”

Childish?!

Inconsiderate brat?!

That’s it. Hindi na sila bati ulit ng gagong si Azael! Lilipat siya ng silid mamayang gabi kay Theon. Childish pala, ha? Naghintay muna siya nang ilang minuto bago kumatok at pumasok na parang wala lang. Nakangiti pa siya at walang sabing hinaklit ang travelling bag niya at tumakbo papunta sa room ni Theon.

“Hey-hey baby, baka mapatay na ako ng kuya mo,” nababahalang saad nito.

Nag-ikot siya ng mata, “Ayuko ro’n hindi kami magka-kasundo ng nobya niya. Dito na ako. Ako sa kama at ikaw sa lapag.”

Bigla itong napakunot ng noo at bumunghalit din ng tawa sa huli. “Lupit mo. Silid ko ‘to tapos ako pa hihiga sa lapag? Ikaw mahiga sa lapag o kung gusto mo hati tayo sa kama ko.”

Matagal siya nag-isip bago sumangayon. Keysa naman doon siya sa silid ng kapatid niya, “Okay, basta huwag ka lang malikot.”

Halos mamatay ito sa kakatawa sa sinabi niya at pinaalala ulit ang nangyari kanina sa restaurant. Inirapan niya ang binata at nagpasyang maligo sa umagang iyon. Pupunta raw sila sa Bumudok Falls kaya bago niya isasabak ang kaniyang ganda, dapat ready na siya.

Nasa top load siya ng jeep na sinasakyan nila paakyat sa bundok. Para siyang timang na sigaw nang sigaw sa sobrang saya. This is life! Parang gusto niyang itulak ang jowa ng kuya niya sa bangin sa sobrang saya.

Kung gaano siya kasaya sa ibabaw ng jeep, gano’n naman kabilis nawala ang mood niya sa sobrang pagod nang maglakad na sila papunta sa talon. Hindi siya sanay sa napakahabang lakaran. Buti na lang at nandiyan lagi si Theon na inaaalalayan siya lagi. Ang sweet talaga ng pokpok na ito. Pero sa tuwing napapalingon siya kay Azael, ang talim ng tingin nito. Iniirapan naman niya ito pabalik.

Narating nila ang nasabing falls at napawi kahit papaano ang nararamdaman niyang pagod. Maliban sa napakaganda ng paligid, sobrang lamig pa ng hangin at tubig. Kaniya-kaniyang hubaran agad ang mga kasama niyang babae sa mga suot nito at nag two piece. Habang ang mga lalaki naman ay naghubad ng pang-itaas na damit at kitang kita niya ang mga abs ng bawat isa. Nag-ikot siya ng mata. Mas bet niya ang abs ni Azael. Pero gusto niyang tanungin kung hindi ba nanlalamig ang mga tuhod ng mga ito sa lamig ng tubig.

“Oh my! It’s too cold.”

Hiyaw ng mga kasamahan niya. Nagdadalawang isip siya kung maliligo ba siya o hindi o mauupo na lang sa tabi. Kumuha muna siya ng picture sa buong paligid bago nagpasiyang maligo kasabay ang mga ito. Sa ilalim ng kaniyang short at tshirt ay two piece. Walang sabi niyang hinubad ang pang-itaas nang biglang batuhin siya ni Azael ng jacket nito at nilapitan.

“Subukan mong hubarin ‘yan pangitaas mo at ngayon din agad ay uuwi ka ng Maynila,” seryusong saad nito na halos nag-pipigil na sa galit pero hindi lang pinapahalata.

“Ku—”

“Enough. No but’s brat! Maliligo ka o hindi, much better na hindi. Dito ka lang.”

Napanguso siya at hindi sumagot. Nagsitalikuran na ang mga ito at nagtungo na sa falls. Iniwan siya. Inis na inis at gigil na gigil siyang umupo sa batuhan. Sana mawalan ito ng balanse!

“Amaraaaaaa!”

Napatayo siya at biglang tumakbo papalayo. Nagkatotoo nga ang kaniyang sinabi.

Wala siyang magawa kundi ang panoorin na lang ang mga ito sa malayo pero hindi niya masyadong nakikita dahil may malaking batong nakaharang. Ang tanging ginawa na lang niya ay kumuha ng larawan. Nakakainis! Ang killjoy nito. Bakit pa kasi hindi siya ang mas matanda at ito ang nakakabatang kapatid!

Saka hindi naman pangit ang katawan niya, ah. Desi siya pero alam niyang sexy siya at malaki naman ang boobs niya. Argh! She hates it! Kay Theon talaga siya makikitulog mamaya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height