Elicit Escapade/C1 Tug Dug Tug Dug
+ Add to Library
Elicit Escapade/C1 Tug Dug Tug Dug
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Tug Dug Tug Dug

Ang mga estudyante ng STEM206 ay nasa labas ng kanilang silid, sa koridor. Naghihintay na lamang sila na papasukin ng kanilang guro. Dahil pinalabas muna sila upang maayos ng kanilang guro ang magiging seat arrangement nila, para sa kanilang gaganaping long quiz.

Mapapansin sa kanila ang iba't ibang klase ng grupo ng mga estudyanteng nagkukumpulan.

Ngunit kapansin-pansin din ang isang lalaking nag-iisa sa tabi, at pinapanood lamang ang ginagawa ng kanyang mga kaklase.

Michael Joshua POV

"Arghh.. Ang iingay..." bulong ko sa sarili't napa-buntong hininga.

Hmm... Mukhang mga nagkumpulan na naman sila ah?

Grupo ng mga basketball player, sina: Tyron Brahe mukhang siya ang pinaka-leader ng grupo, ang pinakamaingay, madaldal, bully, at pinaka matangkad sa klase; sunod si Rhazes Clark Marcos na matangkad, medyo tahimik, gwapo pero chickboy; si Jabir Anwar Muhammad na arabo, matangkad, may pagkamalaki ang pangangatawan, at siya ang madalas mabully sa grupo, pero puro kalokohan din; at pang huli ay si..... Emilio Alkindi Resolaban nandirito pala siya? Buti pumasok siya ngayon, simula nung nag 2nd semester na naging pala-absent na 'to eh, madaldal din tong si Emilio at puro kalokohan mukhang nahawa kina Tyron at Anwar.

Teka, parang may kulang pa sa grupo nila.

Hmmm...

Ahhh...

Ahmmm...

Ah...!

Si J-Lo Kepler nga pala, na ang full first name ay 'John Lourde' pero dahil ayaw banggitin ng mga kaibigan niya ang 'Lourde' sa name niya 'J-Lo' na lang ang tawag sa kaniya. Si J-Lo ay madaldal din, 'di naman siya katangkaran. At 'di lang siya nag lalaro ng basketball kundi magaling rin siya mag-play ng mga instruments like guitar.

Kaya 'di lang nakikisama si J-Lo sa grupo nina Tyron kundi nakikihalubilo rin si J-Lo sa grupo nina: Kenneth, Ben-Jo, at Angelika na tumutugtog din ng mga instruments, at kasalukuyang bumubuo ng banda nila.

Kaya si J-Lo ngayon ay nasa grupo nila at nakikipag usap. Siguro ang pinag uusapan nila ngayon ay tungkol sa musika base sa mga naririnig ko't pag o-obserba ngayon sa kanila.

Si Kenneth Ambrose, siya ay perfectionist, mahiyain, at tahimik palagi, katulad ko. Kaya marami ang namangha't nagulat sa kaniya noong malaman nilang maganda rin ang boses niya. Pero ako iba naman sa akin, walang namangha sa akin, kahit tahimik din ako, kasi wala akong talento. (-_-)

Si Ben-Jo o Ben Jomari Sambongga naman hindi ko gaanong kilala 'to pero basta ang alam ko moody siya, may itsura, at parating dala ang gitara kaya may time na nakumpiska ang gitara niya.

At panghuli ay si Angelika Silang, siya ang pinaka vocalist nila sa banda nila ngayon dahil maganda ang boses niya, at isa pa marami ring humahanga sa kanya dahil 'di lang maganda ang boses niya kundi maganda rin siya.

Kaibigan din ni Angelika Silang ang grupo ng Mean Girls na sina: Amber Jade Melchora, Winnie Lakambini, at Olivia Magbanua. Si Olivia naman simula noong mapunta siya sa grupo ng Mean Girls ang itinawag na sa kanya ay 'Liv' at hindi na Olivia. Siguro, para susyal daw.

Dating kaibigan ni Olivia sina: Maevelyn Rose Lopez, Effifanny Santos, at Aryana Estella Dela cruz na grupo ng mga... Rebel kids, siguro..? O kaya mga gangster? O mga batang pasaway? Hahah... Di ako sigurado, pero ka-tropa rin nila ang group nila Tyron at yung iba rin... Kaya di ako gaano sigurado kung anong itatawag sa kanila, basta minsan maaangas ang mga babaeng 'to parang amazona. Kaya minsan parang nakakatakot silang banggain baka sapakin ka nila.

So 'yun nga... Dating kaibigan ni Liv, sina: Maevelyn Rose, Effifanny, at Aryana Estella. Pero simula noong nag Truth and Dare sila na nauwi sa Open Forum ay nag away-away sila, at ngayon ay nagkawatak-watak. Dati, lima silang magkakaibigan mula 1st Year Senior High at noong maayos pa sila. Pero nito lang nangyaring magtatapos na ang 1st Semester nang magkawatak-watak sila. May isa pa silang kaibigan si Kwan Eun-Ae na taga-Korea, pero nag transfer na ng ibang School since nangyari yung pag aaway nila na imposibleng maayos.

Na-udlot ang pagmu-muni-muni ko nang biglang may humampas sakin ng bimpo.

"Huy! Kanina pa kita tinatawag doon sa malayo ah! Di mo ba naririn----"

"A-ah... Hinata? Ano ba 'yun? Ano uli sinasabi mo?" Ani ko't mabilis na tinanggal ang earphone sa isa kong tainga na ang tugtog ay Lofi Beat.

"Ahhh... Kaya naman pala hindi ako marinig eh... Tsk tsk."

"Ah... Eh.. Ano ba 'yon? May kailangan ka ba?"

"Oo eh... Ahmm.. Pwede bang manghiram ng notebook sa Empowerment Technology?? Plzzzzz..? Naiwan ko kasi yung mga notebook ko ngayong araw eh. Pahiram please saglit lang, tutal di mo naman ginagamit yung iyo ngayon eh. Kasi alam kong tapos ka na mag-review. Kaya pwede ba ako naman pahiram? Magre-review lang ako." Pagmamaka-awa ni Hinata with matching pa-cute face, at ini-unat niya parehas ang kaniyang braso at inilahad niya ang kaniyang mga kamay paharap sa akin, dahil nag hi-hintay siya na i-abot ko ang notebook ko sa kaniya, at base sa itsura niya, mukhang ganito ang itsura niya ngayon sa akin:

༼ つ ◕◡◕ ༽つ

. . .

. .

.

(ಠ_ಠ ) "THE F**K!!" My Mind.

. . .

. .

.

(;'༎ຶٹ༎ຶ') "My eyes, I cannot.." My Eyes.

. . .

. .

.

(ᗒᗣᗕ)՞ "How to unsee it!?" My Heart.

Triggered and now fast beating because of her.

Kaya hindi kaagad ako nakapag response ng sasabihin sa kaniya.

At dahil sa ginawa niyang 'yon... Lalo lang akong nainis sa kaniya.

Si Hinata Legaspi, siya ay may kambal si Hiraya at magkamukhang magkamukha sila, pero magkaibang-makaiba sila ng pag-uugali. Si Hinata ay masipag, may pagkamatalino, at maraming mga achievements puro study first kasi. Kaya noong ilang araw pa lang nung pagsisimula nang pasukan namin ay siya at ako lang ang more on na nakakasagot nang mahihirap na tanong sa klase.

At biglang may nag-flashback na ala-ala tungkol sa aming dalawa, isang pangyayari sa klase na hindi ko makakalimutan:

"Then what about the Third Law of Motion? What is it? What's the last one?" Sunod na tanong ng aming guro sa subject na General Physics, tungkol sa Three Laws of Motion.

Wala man lang kumikibo o nagtataas ng mga kamay sa amin, kaya...

Nagtaas ako ng kamay ko at tatawagin na sana ako ng aming guro para ako ang sumagot, kaso biglang sumagot si Hinata nang hindi man lang nagtataas ng kamay.

(-_-) Bastos.

"MAM! Law of Interaction po."

Nagulat ang guro namin dahil bigla-bigla siyang sumagot. "Ahumm... Tama, 'H-hinata' right?"

"Yes po Mam."

"Then, anong sinasabi tungkol sa Law of Interaction?"

"L-law of Interaction? Ah..ahmm.. Law of Interaction..."

Nagtaas uli ako ng kamay ko.

Nakita naman ako ng guro namin, "Ow... Josh... Do yo--" kaso sumapaw na naman si Hinata.

"AH..! Mam... Naalala ko na po kung ano ang Law of Interaction. Ang Law of Interaction ay... Sinasabi dito na... 'Forces always act in equal but opposite pairs." Sagot ni Hinata.

Kaya naiwang nakataas sa ere ang kamay ko. Kainis.

"Yes.. That's right Hinata. What about you, Michael Josh... Can you elaborate what Hinata have said?"

Buti mabait 'tong guro namin at binigyan ako ng pagkakataong sumagot. Kaso mukhang ako pa talaga mag e-elaborate nang sinabi ng babaeng 'to ah, hays.

"Sige po Mam... Ahm.. Forces always act in pairs. The two forces act in opposite directions. And... When you push an object, the objects pushes back with an equal force." saad ko.

"Very Good, Michael Joshua... And Hinata."

"Oh, ayan.. Tama yung mga sinabi ng dalawang kaklase niyo tungkol sa Law of Interaction. And also Law of Interaction states that 'For every action, there is an equal and opposite reaction.' Halimbawa na lang ng..."

Napatingin naman ako sa direksyon ni Hinata, at sakto namang napatingin din siya sa akin. Kaso bigla niya akong siniringan bilang pag-iiwas niya nang tingin sa akin.

At simula noon kinainisan ko na siya dahil sa kagaspangan ng pag-uugali niya.

Ngunit mukhang masiyadong mapagbiro ang tadhana. At nag-flashback naman ang isang ala-ala na nakapagbago ng pagtingin ko kay Hinata:

"Uy pre lapis ko yan ah?" sabay turo ko sa lapis ko na gamit-gamit ni Emilio na kanina ko pa hinahanap dahil nawawala.

"Ha? Ano lapis mo 'to hah?" Maang-maangan niya.

"Oo tol. Ako lang naman yung may lapis dito na kulay blue yung pabalat. Tyaka, ayan na lang yung nag-iisa kong lapis pre. Kaya pwede bang kunin ko na? Kasi gagamitin ko pa para matapos na ko sa ginagawa ko?" pakiusap ko nang mahinahon kay Emilio.

"Ano ha!? Bakit may palatandaan ka ba na sayo 'to?? Ako meron," At biglang kinagat-kagat ni Emilio yung eraser sa lapis ko.

T@#g!#@ Dugyot, wag na sayo na yan!

"Oh! Ano ha!? Eto palatandaan ko papalag ka pa? Bumili ka na lang ng iyo sa canteen... Ano ba yan... Shupe-shupe." Pagtataboy sa akin ni Emilio.

Kung pwede ko lang sana 'tong sapakin nagawa ko na eh, pero hindi ako pumapatol sa mga katulad niya, pshh... Mukhang wala na akong magagawa ah.

Kaya bumalik muna ako sa kina-uupuan ko't ipinikit ang mga mata ko at yumuko saglit upang mawala ang pagkainis ko. Maya-maya ay naramdaman kong may kumalabit sa akin, noong una hindi ko muna ito pinansin dahil nagpapahinga muna ako saglit, pero inalog ako nito, kaya nilinga ko siya.

"Huy.. Okay ka lang?" tanong ni Hinata sa akin.

At bigla niyang hinawakan ang noo't leeg ko para I-check kung mainit ako.

Nabigla naman ako sa ginawa niya't napabangon kaagad ako mula sa pagkakayuko.

Noong nagbago ang seat arrangement namin this 2nd quarter. Sa minalas-malas nga naman, si Hinata ang naging lagi kong katabi buong 2nd quarter dahil siya ang naging seatmate ko. Kaya mukhang naging close pa kami sa isa't-isa. At no choice ako dahil bawal kami lumipat ng ibang upuan.

"Oh... Mukhang okay ka naman ah..? Bat 'di mo pa tinatapos yung iyo? Bilisan mong tapusin yung iyo kasi ipapasa na yan... Nasa kalahati ka pa lang oh... Tsk." Pagpapa-alala ni Hinata.

Anong nakain nito? Bakit biglang naging concern?

"Wala 'kong lapis. Bakit? papahiramin mo ba 'ko?" Walang gana kong sabi sa kanya.

"Ah ganun ba isa lang 'tong lapis ko eh... Pero alam ko na..! " She said enthusiastically, na mukhang naka-isip naman siya ng paraan.

Kaya bigla niyang sinubukang putulin ang nag-iisa niyang lapis sa gitna, nang buong lakas kaya nahati ito sa gitna at naging dalawa. Then, may mga ngiti sa labi niyang ini-abot kaagad sa akin ang isang kalahati ng lapis na kanyang pinutol.

Nung ini-abot niya sa akin ang kalahati ng lapis niya, 'di kaagad ako nag-response sa ginawa niya dahil 'di ako makapaniwala na gagawin niya ang mga ganung bagay para sa akin. At hindi ko alam kung anong nakain niya ngayon, ewan ko kung good mood siya o ano..? Basta, I don't know.

But one thing is for sure in me.

About, what she did... Really turns me on.

Kaya tinanggap ko na lang ang lapis na ibinigay niya sakin at nahihiyang nagpasalamat sa kanya.

Habang tinatapos ko naman ang ginagawa ko gamit ang lapis na ibinigay niya sa akin, ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari; Una sa ginawa niyang iyon ay na-confuse ako kung anong pinag-gagawa niya dahil mukha siyang umiiring tumatae HAHAHAH habang buong lakas niyang piniputol yung nag-iisang lapis niya sa gitna. Pagkatapos, saka ko na-realise na pinuputol niya pala 'to sa gitna upang mahati sa dalawa't maibigay ang isa nito sa akin, para makagamit din ako't matapos ko na ang pinapagawa sa amin na activity. Aww... How generous, tapos yung mukha pa niya ay... Mukhang natatae HAHAHAH ang panget, 'di talaga 'ko maka move on... Hahhaha tapos.. Yung mga.. Yung.. Mga.. Ngiti niya.. Napalinga naman ako kay Hinata upang tingnan siya.

She's doing her thing.

Then, napatitig ako sa kabuuan ng mukha niya at sinuri ito.

Di naman siya kagandahan pero may itsura siya kahit papano.

Pero panget pa rin siya para sakin. Hahhah. 😆

Matangos ang ilong niya.

Mapupungay na mga mata. Bilugan na may pagka singkit ito.

Yung kilay niya naman ay... HAHAH nevermind.

Wala kong masabi kasi wala rin akong makita. Baka siya si Mona Lisa AHHAHAH.

At nagawi naman ang tingin ko sa kanyang mga labi.

Hmm...

Ang panget niya pala pag hindi naka-ngiti. 😆

At hindi ko namalayan na ilang minuto na pala akong nakatitig kay Hinata.

"Oh! Mic. Josh... Baka matunaw na niyan si Hinata, kakatitig mo sa kaniya." nagulat ako nang may biglang magsalita, si Rhazes Clark pala.

Narinig naman ni Hinata ang sinabi ni Rhazes Clark. Kaya napa-iwas kaagad ako nang tingin, at tinanggi ito, "A-ano..? M-mema to si Clark.. Gumagawa ako rito eh... Istorbo ka pre. Teka ba't ka ba nandirito ha!? Dun ka nga!"

"Hihiram sana ako ng pantasa eh.. Kaso... Mukhang..." nangingiting tumingin sa akin si Clark.

"Wag ka maniwala Hinata sa pinagsasabi ni Clark. Barbero yan eh..!"

"Aysows... Kunwari pa ito eh... Sige, i-se-secret ko na lang yan Josh ha? Oh... Ano?" ngumisi si Clark at kinindatan ako, "Hehe... Apir tayo jan par."

Hindi ako nakipag apir sa kanya, sa halip bumaling na lang uli ako sa pagtapos ng activity na pinapagawa sa amin.

DIYOS KO! Anong nangyayari sakin? Bat ko nga ba kasi tinititigan si Hinata?

"Eto naman si Joshua parang ano... Hinata pahiram na nga lang ng pantasa."

"Eto pantasa balik mo ah? Tapos, tapon mo kalat mo sa basurahan bago mo ibalik."

"Sige sige tnxz." Pasalamat ni Clark kay Hinata. At bago umalis si Clark ay tinapik niya ko sa likod ko, "Sige rin par, goodluck." nakangisi niyang panunukso sa akin.

Anong goodluck?

AISHHH!!

~End of flashbacks~

Ngunit akala ko roon lang matatapos ang mga iyon... Hindi pa pala.

That's why, that was the time when suddenly my turning point came.

Mukhang pinana ni kupido ang puso ko, sa taong hindi ko naman ginusto. I really don't like her... In fact, I hate her. But now, my heart beats for her.

This heart love her.

But not me.

I don't know huh, simula noong nangyari 'yon, nung gabing iyon ay hindi ako makatulog nang maayos dahil hindi na siya maalis sa isip ko. Sa tuwing naiisip ko 'yon ay kusa na lang akong napapangiti sa kawalan... Like WTF!! Nasasampal ko tuloy yung sarili ko. And.. I hope it doesn't makes me nuts.

But it makes me nuts, now!

The expression of her face, the enthusiasm she had, her smile, in those moment. It can't get off my head. Ang panget niya... Pero bakit parang bawat mukhang inihaharap niya ay gumaganda siya at nagiging cute sa paningin ko..? May sira ata 'tong mata ko eh! Aargghhh... I don't know, but I think... I'm not used of her being like that... Sh*t!! I don't know why, but that really turns me on. The way she smile, damn! T-there's something on it, even though it's just nothing. it's only a smile but, WHYYYY HEARTTT!???? HUH!? 'Di kita maintindihan! Bat siya pa!? Eh ayoko sa kanya.

Kung noong una ay kina-iinisan ko siya, ngayon ay gusto ko na siya. Hindi ko alam kung bakit nag iba ang ihip ng hangin. Ngunit hindi ko 'to ginusto, etong puso ko lang talaga ang nagpupumilit pero mukhang wala akong magagawa. At kahit na ganoon hindi ko pa rin sinusunod ang puso ko dahil ayoko talaga sa kanya.

'Di ko pinupush ang nararamdaman ko para sa kanya. Because of her, hindi ako makatulog, tapos may mga pagkakataon pa na bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa isip ko habang minsan nanonood ako ng TV, nag-re-review, nag lalakad o kaya naliligo, like WTF!! Hindi na nga matahimik yung puso ko sa pag sigaw ng pangalan niya, tapos 'di pa siya maalis sa isip ko. Wahhh..! Masisiraan na ata ako ng bait. 'Di ko matanggap 'tong nangyayari sakin.

Ang last crush ko ay noong bata pa ako. At ayoko ng maranasan pa iyon.

Dahil kay Hinata mukhang magkakaroon pa ata ako ng Heart Attack.

She gives me butterflies.

But she also gives me more anxiety.

Oww... My anxious heart.

I still remember how my mind argued with my heart. And still, I'm arguing with it, why----

. . .

. .

.

Natauhan ako, nang biglang may humampas na naman ulit sa mukha ko ng bimpo.

"Huy! Bat natameme ka dyan! Sabi ko pahiram ng notebook mo!" asik ni Hinata sa akin.

Siya na nga 'tong nakikihiram siya pa galit.

"Hindi! Ayoko magpahiram." Hindi ko pag sang-ayon.

"Hala, ano ba yan... Bili na... Hindi mo naman ginagamit eh.. Hindi mo ba talaga ko papahiramin?" nadi-dismaya niyang pagsumamo.

"Hindi, Bahala ka jan. Manghiram ka na lang sa iba, o kaya sa mga kaibigan mo." pagsusungit ko kay Hinata.

"Eh.. Gusto ko sayo manghiram eh... Tyaka ginagamit ng mga kaibigan ko yung kanila, nag re-review din sila." pag-iinarte niya.

Kaso 'di ko siya pinansin.

"Tsk. Mukhang hindi mo talaga 'ko papahiramin ah..? Sabi mo yan ah... Jabir Anwar.. ANWAR.. ANWAR! ANWAR!!!!"

"OH!! BAKIT HINATA!? BAKIT MO KO TAWAG HA!!?"

"HAHAHAH SABI RAW NI JOSH.. AY... SABI PALA NI MR. BEAN NA... AMOY PUTOK KA RAW HAHAHHA NA AMOY ARABO! HAAHAHA TAS YUNG KILI-KILI MO RAW KAAMOY NG BASKETBOLISTANG HINDI NALIGO NANG ISANG BUWAN! WHAHAHAHAA"

Nag tawanan naman ang lahat ng kaklase kong nakarinig sa sinabi ni Hinata tungkol kay Anwar na hindi ko naman sinabi.

'Mr. Bean' na ang naging tawag nila sa akin bilang pang-aasar nila sa akin, dahil one time kasi na na-late ako, ay sumayaw ako, sa tuwing may ma-la-late kasi na estudyante sa subject namin na General Chemistry yung na-late na yun ay kailangang sumayaw, pag hindi ka sumayaw ay hindi ka papapasukin sa klase, kaya no choice ako nun. Eh di pa naman ako marunong sumayaw, kaya naging katatawanan lang ako nung sumayaw ako. Nabansagan tuloy akong 'Mr. Bean' dahil yung sayaw ko nun ay kapareha sa kanya.

"Owwss... Anwar... Hahahah.. Amoy putok ka raw, sabi ni Mr. Bean payag ka nun? Whahahha..."

"T@NG*#@!! WHAHAHHAHA AMOY KILI-KILI NG BASKETBOLISTANG HINDI NALIGO NANG ISANG BUWAN WHAHAHAHAH... G*G*!!"

"WHAHHAHA... Payag ka nun ha? Sinabihan ka ng ganun? Hahhahaha."

Pagkatawa't pang-ga-gatong ng mga kaklase ko kay Anwar na mukhang medyo ikina-offend niya't ikinapikon dahil hindi naman totoo yung mga sinabi ni Hinata tungkol kay Jabir Anwar.

Natakot naman ako nang nilingon ako ni Anwar at tiningnan niya ako nang may matatalim na titig. "ANO YUN!? MR. BEAN HA!? PUMAPALAG KA NA BA SAMIN NGAYON HA!!? ANONG PINAGSASAB---" Hindi na nagawang tapusin ni Anwar ang sinasabi niya sa akin.

Nang biglang bumukas ang pinto ng room namin at lumabas ang guro namin doon. "HAY NAKO! ANG IINGAY NINYO! Sino yung sumisigaw diyan ha!? Ikaw Anwar! ha!?? Bat ang iingay ninyo!?"

Lahat kami ay natahimik, at wala man lang umimik dahil ang guro namin na si Mam Silvia sa Subject na Empowerment Technology, ay istrikto't kinatatakutan. Kumbaga siya yung terror teacher namin.

"Oh! Bakit natahimik kayo..!? Kanina ang iingay ninyo ah!? Baka gusto niyong i-share yung pinag-uusapan ninyo mukhang interesado eh.. Ano!?"

"Amoy putok daw po si Anwar... Mam. Sabi ni Josh... Hahahhah..." Sabat ni Hinata. At nag-si-tawa rin yung iba kong mga kaklase.

"Oh, ayan... Sumagot din kayo... Pag dating talaga sa mga.. Kaanohan.. Mga active kayo eh noh!? Hay nako... Hindi naman na kayo mga bata, ano? Mga grade 12 na kayo. Kaya sigurado 'kong naturo na sa inyo ang proper hygiene... AT SYEMPRE KUNG PAANO MAGING PROPER NA ESTUDYANTE 'NO!? KAYA 'WAG KAYONG MAINGAY, at 'di lang tayo ang nag k-klase. Nasa labas pa naman din kayo oh."

"Sorry po mam."

"Opo mam... Hinaan na po namin boses namin, mam."

"Amen po, mam."

"Sige po mam sori."

Pagpaumanhin ng mga kaklase ko.

"Kayo naman! Anwar and Company! Pumasok kayo dito sa loob ng mabawasan ang ingay! At nang matapos na tong pag-aayos ng mga upuan." Utos ni Mam Silvia kina Anwar, Tyron, Emilio, at Clark.

Ngunit bago pa man pumasok si Anwar sa loob ng room ay lumapit muna siya sa akin at tinapik niya ako sa balikat ko nang may pagka-mariin, at bumulong siya sa akin: "Mamaya ka sa akin pre huh!?"

Kinilabutan ako't bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba, na baka kung ano na naman ang gawin ng grupo ni Anwar sa akin. Dahil minsan ako ang target nilang pag-tripan. Na para sa kanila ay katuwaan lang at hindi nila alam na minsan ay nakakapurwisyo't nakakasakit na sila.

"Tsk. Nako Josh baka pasabugin nila Jabir Anwar bahay niyo. Tsk Tsk Tsk. Magpapahiram lang kasi ayaw pa eh." Ani ni Hinata at siniringan ako bago umalis, at bumalik sa mga kaibigan niya na sina: Irish Albert, Gabriela Mabini, at Ylona Hermosa; na puro mga study first din, katulad niya.

"Oh ayan, na-sermonan tuloy tayo..." reklamo ng isa naming kaklase na si Winnie.

"Ang iingay kasi ng mga bunganga eh.. Naglalaro kami dito eh... Rank game 'to... Hindi 'to pwedeng i-hinto. Tsk. Talo tuloy kami." pagkadismaya ni Sic Andres dahil naudlot ang laro nila kaya natalo tuloy sila.

"Arat!? One game pa!" aya ni Seven sa mga kaibigan niya.

"Ako, ayoko. Di na muna 'ko sasali, makikinood na lang muna 'ko kina Ulrich at Nicholas ng Anime sa gilid." at nagtungo si Hiraya papunta kina Ulrich at Nicholas, para makinood din ng Anime sa gilid.

"Uy, tih... Sali kana... Bili! One game na lang oh... Magkukulang kami ng isa pag di ka sumali." pag-aaya ni Lhester bakla kay Hiraya."

"Ayoko, mamaya-maya tatawagin na tayo ni Mam eh... Mauudlot lang uli yung pag lalaro natin." pagtanggi ni Hiraya.

"Gurl... Bili na.. Eto naman masyadong chaka... Ipapanalo natin 'to ngayon, bili..." panunuyo ni Lhester habang hinahatak si Hiraya. Kaso hindi nag-tinag si Hiraya dahil ayaw niya talaga mag laro. "Bala ka nga jan tih... Kung ayaw mo. Tse!" pagtatampo ni Lhester.

"Oh..! Tara mga boys isang game pa tayo, kahit WALA JAN YUNG ISA." pagpaparinig ni Lhester kay Hiraya dahil sa pagtatampo.

Si Hiraya Legaspi ay ang kakambal ni Hinata, magkaiba sila ni Hinata. Dahil si Hiraya siya ay mahilig mag laro ng mga video games at manood ng anime kasama ang mga katulad niya. Hindi siya katulad ni Hinata na puro study at achievements. Pero para kay Hiraya hindi niya na kailangang patunayan ang sarili niya o maging tulad ng kakambal niya, basta ang mahalaga sa kanya ay masaya't kontento siya sa kung ano mang mayroon siya at mga ginagawa niya o mga gusto niyang gawin. Okay si Hiraya na maging masaya ang bawat isa sa kung ano mang mga pinagkaka-abalahan nila. Basta't ang mahalaga sa kanya ay hindi ito masama, at hindi nakakatapak ng iba ang bawat isa.

Si Lhester Viloy, siya naman ay isang bakla at very close friend ni Hiraya, kasama ang ibang boys na mga mahihilig ding maglaro ng mga video games at manood ng anime na sina: Seven Dalton, Sic Andres Thomson, Ulrich Rutherford, Nicholas Bohr, Bro Schrodinger, at Zion Heisenberg.

Pero kahit na ganoon mahilig din si Lhester sa kpop at magsasasayaw, kaya nakikihalubilo rin minsan si Lhester sa mga 'Fangirl, Kpop & Bookish Group' na sina: Kirana Lucille, Zea Perez, Miaka Anya Kasseljuan, Miriam Tamayo, Rita mae Luciano, at Roby Dean. Si Roby Dean naman ay bakla rin. At miyembro siya ng isang dance group. Ang dance group name nila ay 'Sway Blaster Crew' sa labas ng School.

And here, this people. Napatingin ako kina: Niña Ola, Fried Sakay, at Raphael Luna. And sa other side rin kung nasasaan sina: Bia Avril Gutierrez, Pery Manabat.

I don't know what they are, base on their hobbies, etcetera. Siguro katulad ko lang din silang may sariling mundo o kanya-kanyang business o agenda.

Ewan ko pero parang, nag sama-sama lang yung iba sa kanila kahit hindi sila magkaka-vibes, siguro dahil wala rin silang makasama't maka-usap minsan. Pero nakikita ko bawat isa sa kanila minsan nakikisama rin sa iba't ibang grupo ng mga kaklase ko. Kaya minsan naghihiwalay-hiwalay yung iba sa kanila, tanging nagsasama lang 'tong tatlo si Niña, Fried, Raphael kapag wala silang ibang malapitan.

Sa kanila si Raphael Luna ay... Parang weird minsan. Tapos si Niña Ola naman minsan pa-absent-absent.

Tapos dito naman sa kabilang side.

Si Pery at Bia Avril... Sila lang parating dalawa yung magkasama di sila gaano nakikisama sa iba. Kaso si Bia Avril, isa 'to sa mga laging absent kaya laging naiiwang mag-isa si Pery... Kaya uma-absent na rin minsan si Pery.

And I don't know what to call this group, maybe they have their own different agendas, or else, just like me, and I don't know some of those, so I couldn't distinguished. Ang pagkakaalam ko yung iba sa kanila siguro marunong mag chess, yung iba mahilig mag-film o kumuha ng mga litrato, yung iba gusto lang nag-iisa, yung iba pala absent, etcetera. Basta.

But still...

I don't want to label all the people about who they are, base on what they just do or else. Sa totoo lang lahat ng tao sinasabi lang nila kung ano ang nakikita nila... It's like they only have the picture but not the whole story. Pero 'di ko naman sila ni-ju-judge. It's just... I'm bored now... Because I am alone. and I'm a loner. But I don't feel lonely.

Wala akong kausap o ginagawa man lang ngayon. Ayoko masiyadong tumututok sa mga gadgets. I like studying, I love reading, listening to music, and I like OBSERVING people, kaya ang ginagawa ko muna ngayon ay nag-oobserve at nakikinig ng music, habang naghihintay na papasukin na lang kami ng aming guro sa loob ng room.

At kahit papaano nakikihalubilo rin naman ako sa ibang mga tao, at may mga kaibigan din naman ako, kaso nasa ibang paaralan nga lang sila. Kaya 'di ko alam kung loner pa ba talaga ako, kasi kahit papaano ay may few true friends ako.

At sa section naman namin, I don't think if may mga friends ako dito sa mga kaklase ko ngayon.

I think, I have only close people.

And it's fine for me.

And...

It is okay for me sometimes to be alone.

Actually it's hard also to be alone.

Hahah ang gulo ata ng isip ko..

But yeah...

Being alone sometimes, is okay for me... Even though it's hard.

It is hard because there are times na...

When you have this thoughts in your mind, stories, or news about your life, and you want to share it to others, but you have no one to tell or to share with.. I-it's just.. It's just.. Arghh.. It just hard... That, you better just keep it to yourself. It's like your only friend is yourself. So you better learn to get used of being alone.

And I am used of being alone, and sometimes no one to get along with.

And...

It's sad sometimes. When you wanted someone beside you who will always be there to get along with, or to spend some time with, creating a memorable memories. But you have no one.

Kaya nagpakatatag ako kahit ako lang mag isa... At dumating na ako sa point ng buhay ko na... I get used of being alone yet I never felt lonely, and It becomes addictive to me to the extent that I no longer seek for social interaction.

Yeah, once you get used of being alone, it's more fine or okay now for you, to become alone, that you can't help to get addicted to it, because it's like... It's way more better to be alone.

That you would think that, you would rather be alone than to have a company full of fake people.

It's like you would think that... You don't need others because you'd realise that when you're all alone on your own, you still can do things just by your own.

You will become strong independent.

You would think that you're more stronger than the others. Even though there is no help coming from them or someone who will be there beside you. You still can handle things.

And that is the advantages of being alone.

I know no man is an island.

And, I know being with someone like friend is way more better.

But it's hard to trust people now.

And...

I don't even trust myself.

Wahhhh.. arghhh... Ano ba 'to! Masiyado na ata akong nag o-overthink y@wa, lagi ko na lang kausap yung sarili ko!

I'm always alone with my thoughts.

Aishhhh...! (ᗒ^ᗕ)

Tagal kasi eh... Malapit na ba sila matapos?

Nagtungo ako sa pinto ng room at dumungaw doon upang makita ko kung ano ng nangyayari sa pag-aayos nila ng mga upuan sa loob.

Saglit na lang naman pala eh, malapit na, kaunting antay na lang.

"Uy, Mic. Josh.. Josh... Tara dito." tawag sakin at paghatak ni Maevelyn Rose, papunta kina: Effifanny at Aryana Estella na mga kaibigan niya.

Nagtaka naman ako.

"Ba-bakit? Anong meron?" pagtataka ko.

"Alam namin mamaya ikaw na naman yung isa na masasama sa mga matataas ang score. Kaya... Tulungan mo kami, dali... Kanina pa kami nag me-memorize at nag re-review ng mga lesson eh... Kaso nahihirapan kami. Biruin mo yon nag re-review kami HAHAHAHAHHAH." ani ni Maevelyn Rose sabay tawa nang malakas.

"Nagbabagong buhay na kami eh hahaahah." dugtong ni Effifanny.

Hindi naman umiimik si Aryana Estella, kundi nakatingin lang siya sa amin.

"Hmm, kailangan niyo ba ng tulong ko? Sige, papano bang review gusto niyo?" tanong ko sa kanila.

"Ah! Alam ko na tutal apat naman na tayo diba? Edi mag partner-partner na lang." suhestiyon ni Effifanny.

"Hindi, ang panget nun. Ano hah!? Tapos mapupunta sayo si Josh tas ikaw mas makakakuha ng mataas na iskor sa amin. Hindi pwede yun... Tsk. Pero... Ahhh... Alam ko na...! Para hindi rin boring yung pag re-review natin... Yung kay kuya Wil na lang! Alam niyo yun? Yung kamay sa dibdib tapos kung sino man ang nakaka-alam ng sagot, ma-push mo dapat nang mabilis yung button. Para kung sino man yung unang makapalo ng button siya unang sasagot. Pero pag hindi mo----"

"Oh, sige sige yun na." Pagpuputol ni Aryana Estella sa suhestiyon ni Maevelyn Rose.

"WAIT LANG!! Excited naman 'to! Hindi pa nga ako tapos magpaliwanag eh..." reklamo ni Maevelyn kay Estella.

"Eh... Alam na namin yan, sayang lang oras oh... Kaunti pa lang nare-review natin."ani ni Estella.

"Sige... Wag mo nang paliwanag teh.. Start na natin." ani ni Effy kay Maevelyn.

"Sige na nga... Epal kasi eh... Sige, Josh ikaw magtatanong tapos kami yung sasagot. Tas yung kamay mo yung papaluin namin." saad ni Maevelyn.

ANO!? Kamay ko? Baka magasgasan 'tong kamay ko o baka' di lang gasgas baka malamog pa.

"T-teka, bat kamay ko? Eh baka masaktan lang ako." daing ko.

"Wag ka mag alala magiging gentle kami. Diba mga besh..?" tanong ni Maevelyn kina Effy at Estella.

"Oo na.." Effy.

"Game na." Estella.

"Oh!? Oo daw oh..!" pagkatuwa ni Maevelyn.

Hays... 😔 No choice, sana nga maging gentle kayo sa kamay ko.

At nagsimula na kami.

Nakaharap ngayon silang tatlo sa akin at naka-abang ng mga itatanong ko.

"OK. Game na tayo, walang maduga. Kamay sa dibdib." panimula ko.

"HAHAHAH kamay sa dibdib daw Maevelyn, may dibdib ka ba?" pang-aasar ni Estella kay Maevelyn.

"Wow ha!? Nahiya naman ako sayo te! Atlis ako, proud ako kahit wala 'kong dibdib. At least may utong pa rin." banat ni Maevelyn.

"HAHAHAHAH mga buang, I think kamay ata yun sa puso eh. Hindi dibdib!" paglilinaw ni Effy.

"Oh! HAHAHAH... Tatanga-tan---" Maevelyn.

"SSSHHHHH... Akala ko ba start na tayo!?" Pag-suway ko sa kanila.

"Ay sorry... Ay may lalaki pala rito? Open minded ka naman diba? Kung hindi. Kunwari wala ka na lang narinig heheh." Maevelyn.

Sa totoo lang wala 'kong pake, ang tagal niyo. 😒

Di ako umimik at naging seryoso lang ang mukha ko sa kanila. (•_•)

"Oh yan tuloy! Daldal kasi eh daming satsat. Seryoso na kasi." Effy.

"Sorry... Sige eto game na talaga." Estella.

"Hayys... OK, kamay sa puso." utos ko.

At kinuha ko ang notebook reviewer ko sa bag ko, at naghanap duon ng mga itatanong sa kanila.

"Sige magsimula tayo sa madali. Eto 'Creating a Effective Presentation' ito. Kaya alam kong masasagot niyo 'to ng easy lang.

Ok...

'It use bullets or short sentences. Summarize the information on the screen to have your audience focus on what the speaker is saying than on reading the slide. Limit the content to six lines and seven words per line. This is known as the 6 x 7 rule.' Ano ito?????? Ayan may clue na, This is known as the 6 x 7 rule, daw. Ano ang tamang sagot???" tanong ko sa kanila.

"Ano!? Akala ko ba madali lang?" Effy.

"Paki-ulit nga ng tanong." Maevelyn.

Magsasalita na sana ako kaso biglang pinalo ni Estella ang kamay ko. Ibig sabihin ay alam niya ang sagot.

"E-estella ano ang tamang sagot?" tanong ko.

"Hala! ang duga... Ba't ikaw alam mo yung sagot!? Eh... Ang hirap nun. Ako nga 'di ko nga naintindihan tanong niya eh, tsk. Ano ba yan.." reklamo ni Maevelyn.

"Estella? Anong sagot?" tanong ko uli.

"Minimize, ang tamang sagot." Estella.

"MALI." tugon ko sa kaniya.

"Hala... M-mali pala ako. Alam ko iyon, yun eh. Nyek." Estella.

"Oh, mali naman pala eh..!" Maevelyn.

"Nag ma-marunong kasi ehh... Sige Josh, anong tamang sagot? Kahit wag mo na ulitin yung tanong, yung sagot na lang. Para next question na." Effy.

"Sure kayo ah? Sige... Ang tamang sagot ay... Simplicity." sagot ko.

"Simplicity pero yung definition nun hindi simple, ang hirap AHAHHAHA." Maevelyn.

"Baka sabihin mo bobo lang talaga tayo AHAHHAHA." Effy.

"Kaya nga tayo nag aaral eh.. Para 'di maging bobo. Kaso nung nag aral tayo parang mas napatunayan pang bobo nga tayo HAHAHAHAH." Estella.

Nagsitawanan naman sila.

Hayy nako... Ang daming satsat, 🙄pano sila kaagad matatapos niyan? Halos wala pa sa kalahati yung na-re-review nila. Bahala nga sila.

"Huy..! Tama na... Tingnan niyo oh.. Mukhang naiinis na ata si Josh.. Daldal ata natin eh.." Effy.

Teka..!? 😳Visible ba sa mukha ko yung pagkainis ko sa kanila?? Hayss... 😌 Di bale na nga. "Sige... Sunod na tanong ko na." ani ko at ini-ayos ko yung notebook reviewer ko.

"Eto, 'Make your design uniform. Avoid having different font styles and backgrounds.' ano ito???" tanong ko.

"AH! ARAY..!!! Ang... Sakit!" naibulalas ko na lang, dahil sa sakit nang pagkakapalo nilang tatlo sa kamay ko, sa pag-uunahan nilang makasagot, at hinahatak pa nila ang kamay ko ngayon dahil sa pag-aagawan nila. 😣

"Oh! Ako nauna!! Wag kayong ano!" Maevelyn.

"Huy dahan-dahan lang. Duga niyo ah." Effy.

"Ang duga nito, 'di mo ba nakita? Ako nauna." Estella.

"Hindi! Mabilis yung kamay ko, kaya ako ang nauna!" Maevelyn.

Nagtiim ang bagang ko.

Ayokong mag mura! Pero mukhang mapapamura ka na lang talaga! Anong klase ba ang mga babaeng 'to. (ᗒᗣᗕ)

"ANO BA GIRLS? Akala ko ba gentle lang yung pag palo niyo!? Tyaka wag niyo nga akong hatakin!" asik ko sa kanila at tinanggal ko ang pagkakahawak nila sa kamay ko. 😤 Pinipigil ko lang ang inis ko sa kanila.

"Oh, yan tuloy sabi ko sa inyo eh... Dahan-dahan lang eh.." Effy.

"Sorry naman na ulit..." Maevelyn.

Napasinghap na lang ako.

"Sorry Josh... So, sino nauna sa amin hah? Diba ako?" Estella.

"Oo, ikaw... Sige, ano yung sagot?" walang gana kong sabi.

"Consistency, ang sagot." Estella.

"Tama..." ani ko.

Natuwa naman si Estella.

"OK next question. Kamay sa puso." pagkaseryoso kong sabi.

"Ayy... Sayang, yun din yung sagot ko eh.." Maevelyn.

"Eto, 'Use graphics to help in your presentation but not too many to distract the audience. In addition, instead of using table of data, use charts and graphs.' sagot?" tanong ko.

Pinalo ni Estella ang kamay ko.

"Ikaw na naman?" reklamo ni Maevelyn.

"Minimize." sagot ni Estella.

"Mali." ani ko't nadismaya si Estella.

"Ok... May chance pa yung iba na sumagot, if alam niyo." sabi ko.

Pinalo naman ni Effy ang kamay ko.

"Visual." sagot ni Effy.

"Tama ka jan." saad ko.

"Hala... Mukhang ako na lang napag iiwanan ah..? Sige... Babawi ako. Next na tanong na." Maevelyn.

"Keep slides counts to a minimum to maintain a clear message and to keep the audience attentive. Remember that the presentation is just a visual aid. Most information should still come from the reporter. Ano ito?" tanong ko.

Mukhang papaluin na sana ni Maevelyn ang kamay ko upang sumagot.

Kaso tinawag na kaming mga nasa labas para pumasok sa loob ng room.

"WAAHHHH...!!! Hala...!!! Ano ba yan... Hindi man lang ako nagkaroon ng chance, Nakakainis... Uy, Josh..? Tabi na lang tayo mamaya ha..? Tas pakopyahin mo 'ko?" paki-usap ni Maevelyn sa akin. Pero 'di ko siya sinagot. Sa halip, inunahan ko na lang sila pumasok sa loob ng room.

"Ano? Famous? Snob??" rinig kong sabi ni Maevelyn sa akin habang pumaparoon ako papasok sa loob ng room.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height