+ Add to Library
+ Add to Library

C2 My

Nang nasa loob na ako ng room kasama ang mga kaklase ko. Mapapansin na ang mga upuan ay kakaiba ang mga ayos at magkakalayo ito sa isa't isa, kaya parang mahirap kung may mga mag ko-kopyahan.

"Kakaiba yung ayos ng mga upuan ah..." sambit ng isang kaklase ko na si Pery sa napansin pagkapasok niya ng room.

"Uy Josh... Sama ka... Dun ka samin sa likod." nagulat ako nang may biglang may bumulong na nagsalita sa likod ko, si Maevelyn pala, at ngingisi-ngisi siya.

At pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumunta na kaagad siya kasama ang mga kaibigan niya sa likod, upang maupo sa naging mga ayos ng upuan.

Hay nako (•_•) Sasama ba ko sa kanila?

"Uy Josh... Uupo ka ba jan sa upuan na nasa tabi mo? Kung hindi pwede bang makidaan para makaupo ako? Nakaharang ka eh." Si Roby na bakla.

Kaya umalis ako upang makadaan siya at nagtungo na lang ako papunta sa pinaka-dulo ng upuan sa harapan na malapit sa aming guro, dahil mukhang walang gustong umupo malapit sa mga upuan doon, kaya ako na lang ang uupo.

Maevelyn Rose POV

Nang makaupo na ako sa likuran kasama sina Effifanny, at Aryana Estella. Na malapit kina Tyron, Clark, Anwar, at Emilio. Ay nag taka ako.

Kasi sabi ko kay Josh sumama siya sa amin eh...! Ipinag tabi ko pa naman siya ng upuan.

Kaya nilinga ko ang paligid ng room namin upang mahanap si Josh.

Nakita ko siya sa pinaka-dulo ng upuan sa harapan na malapit kay Mam.

Oh! Bat nandoroon siya? Hays nako, mukhang ayaw nitong magpa-kopya ah...? Damot, dun pa talaga siya malapit kay Mam.

"Uy... Mga frens... Pakopyahin niyo ko. Unti pa lang na-review ko eh. Alam niyo na..." ngumisi ako. "Yung method natin para 'di tayo mahuli." Mahina kong banggit sa mga kaklase kong malapit lang na nakapaligid sa akin.

"Nako, Maevelyn rose... Kala ko ba bagong buhay na tayo ha?" ani ni Effy.

"Wow... Magbabagong buhay na pala kayo?? Ikaw Maevelyn? Hahahhaha. Hindi halata ah..." pang-iinsulto ni Tyron, na kalapit lang namin.

"Eh bakit Tyron ha!? Atlis sinusubakan ko! Naming magbago... Eh... Kaso nga lang mukhang... nasusubok ako eh... Pinipigilan ata ako ng tadhana Hahahah... Kaya wag ka na lang umangal at magtulungan na lang tayo, gunggong." saad ko kay Tyron.

"Eh kaso medyo malayo yung mga upuan pano ba yan? Mahirap kung ano... Alam mo na... Hahhahah." usal ni Tyron.

"Basta wag lang tayo papahuli kay Mam... Sharing is Caring na lang." bulong ko sa kanila.

Mula naman sa pagkaka-upo kanina ni Mam Silvia sa kaniyang Desk habang may ginagawa siya roon sa laptop niya, ay tumayo ito at pumunta sa harapan.

Kaya nag-si-ayos at nag-si-tahimik kaming lahat.

"Okay class, mukhang ayan na yung mga upuang napili niyong upuan ah..??" sabi ni Mam nang pagkapunta niya sa harapan.

At mukhang sinusuri naman ni Mam ang paligid at bawat isa sa amin, habang tahimik kaming lahat na naka upo sa kanya-kanyang mga puwesto.

Biglang ngumisi si Mam at napahalukipkip.

Parang pakiramdam ko hindi maganda 'tong mangyayari ngayon ah...

"Aha, sinasabi ko na nga ba. Alam ko na yung mga bulungan niyo diyan kanina, kala niyo 'di ko naririnig at naiintindihan yung ibang pag-uusap niyo? May kanya-kanya kayong mga Cheat Arrangement diyaan. Hahahha... Kala niyo hindi ko alam? naming mga guro? ang tagal-tagal ko ng nagtuturo may iba't iba kayong paraan minsan para makakopya."saad ni Mam Silvia sa amin na may pagkagalit.

Napa-ismid at singhap naman ako sa mga narinig ko, pati yung iba kong mga kaklase ay napatikhim at napa-ismid din sa mga rebelasyon sa amin ni Mam Silvia.

"Putakte na yan, sinasabi ko na nga ba Hahahah..."

"Oh no."

"Whahahahha.. Ayan tuloy."

"Uhah... Sad."

"Paktay na."

Na-i-usal ng iba kong mga kaklase sa sinabi ni Mam.

HAHAAHAH hanga na ako sayo Mam. Anak ng pating! Naririnig mo pala Mam yung kanina!? Kahit bulong lang ako nag salita sa kanila?? Hayss... My Gosh... Sa bagay... Heheh. So ano ng gagawin mo Mam ngayon? Mukhang kailangan ko na lang atang tanggapin ang kapalaran ko. 😔

"Kaya ngayon, babaguhin ko yung mga puwesto ninyo, tatawagin ko kayo isa-isa tapos tumayo kayo at umupo sa upuan kung saan ko kayo ilalagay... Sige, ikaw muna una Tyron dito ka malapit sa akin. Ikaw magpalit kayo ng puwesto." utos ni Mam sa kanila.

At ganoon na nga ang nangyari sa amin, binago ni Mam kung saan kami uupong lahat.

Kaya ngayon ay naka puwesto ako malapit kay Josh... Hehehe... OH YES SIR..!!! Hallelujah! Praise the Lord!! HAHHAHAHA mukhang pinagbibigyan ako ni God ah!? Oh sige... Thanks po... Hehehe.

Nag simula na ang Long Quiz namin sa Empowerment Technology.

At akala ko ay hindi namin matatapos sa oras ni Mam yung Long Quiz namin, dahil nag ayos pa sila ng mga upuan at nagpalitan pa ng mga puwesto. Pero nag extend si Mam ng 30 minutes at sinabing mag overtime raw siya, at kunin niya yung 30 minutes sa time ng lunch break namin tutal 1 hour naman daw ang ibinigay na time para sa lunch break namin. Kaya nagawa pa naming makapag-checking. At 30 minutes na lang ang time ng break namin ngayon para mag lunch kami.

Ngayon nakuha ko na ang papel ko at hindi ko muna tiningnan kaagad kung ano ang naging score ko.

Sa halip unti-unti ko ngayong binubuksan ang papel ko...

At ang nakuha ko ngayong score ay...

YES!!!! 32 over 60. Oks na oks na sakin 'to hehe. Ang pasado raw sabi ni Mam ay 30 pataas hahah... Buti naka abot pa, masaya na ko ron. Buti na lang at napakopya ako kahit kaunti ni Josh. At hindi kami nahuli hihihih.

Aryana Estella POV

"Effy! Ayi! Lunch time na diba? Tara! Sabay-sabay na tayo pumunta canteen heheh. Libre ko kayo ngayon." natutuwang pag-aya sa amin ni Maevelyn habang papalapit siya sa amin.

Ayi ??? Yun yung nickname ko.

"Oh... Bat mo naman kami ililibre anong meron??" tanong ni Effy.

"Weh?? Totoo ba yan? May lagnat ka ba Maevelyn?" pagtataka ko kay Maevelyn at hinipo ko ang noo niya pagkalapit sa amin.

"Wala..." Then pumagitna sa amin si Maevelyn, and she hold closely our arms and intertwined it with her.

"Ililibre ko kayo kasi... Kahit papaano ay naka 32 ako na score hehhehe. Kayo? ano ba score niyo?"

"41" tugon ni Effy.

"Ano!? Edi dapat ikaw pala manlibre Effy, eh... Sana all na lang talaga." ani ni Maevelyn.

"Sus, ikaw nag aaya-aya na manlilibre ka tapos sakin mo papasa, ano ba yan." sambit ni Effy.

"Arte naman nito. Ikaw ba Ayi anong score mo?" tanong ni Maevelyn.

"32 din." sagot ko.

"Oh ayos! May kasama pala ako eh..." pagkatuwa ni Maevelyn, kaya nag-apir kaming dalawa.

"So? Anong gusto niyong lunch natin? Sinigang? Menudo? Ampalaya? Ikaw Effy? siguro pork steak sa iyo noh? WHAHAHHAHHAHAHA mala-tsinelas sa tigas at sarap na pork steak HAHAHAHH yung tipong tapos na lahat ng tao sa paligid mo kumain tapos ikaw wala pa sa kalahati yung nauubos mo HAHAHHA siguro mga 10 minutes bago mo mahati yung karne tas 5 minutes yung pag-nguya mo dahil sa sobrang tigas, T@NG*#@ HAHAHAHA pahirapan pa sa pagkain, nung kumain ako nun eh, grabe! Pinagpawisan ako! basa na kili-kili ko't lahat lahat 'di pa rin ako nakakasubo HAHAHAHAY*P!! Na yan. Hahahahha Ang sakit ng tiyan ko... HAHAHAHAH bw*set, HAHAHAHHHAH." Ingay ng bunganga ni Maevelyn sa pag tawa.

"Ay nga pala HAHAHAHAH may naalala ako. Di lang pala yung pork steak yung kasing tigas at kunat na katulad ng tsinelas... Yung porkchop din pala nila WHHAHAHHAHAHAH Y@WA NA YAN HAHAHAAHHAH imbis na masarap na sana kain mo eh... Mukhang maibabalibag mo pa ata yung kinakain mo dahil sa inis HAHAHAHHAHHAHAHhayy nako.."

Medyo na-lu-luha-luha na si Maevelyn dahil sa pag tawa niya.

"HAHAHHAHAHHAA" tawa uli ni Maevelyn na parang nababaliw na.

Si Effy naman at ako ay nakikitawa na lang din.

"HAHHAHAHahaHAHa-agh..hha..agh-hahah..hahaHAHAHAha-" hingal na si Maevelyn at napapa-ubo na kakatawa.

"Huy..! Te, hinihingal ka na oh, ingay pa ng bunganga mo, pinagtitinginan na tuloy tayo ng mga tao." sambit ni Effy.

Napa-ubo ulit si Maevelyn.

"Bahala sila diyan HAHAHAHHAH edi bongga tayo kasi head turner tayo. OHH..!! DIBUH..!! GUSTO NIYO YUN..!?

WAHAHHAHAHAHA OH..! DIBUH!! AHHAHAHAHh-ha..Haha-aghhahha. Teka..Whahahahha." Pagtawa't paghingal niya. "Tama na... HAHAHHAHA Di nako makahinga tyaka ang sakit na ng tiyan ko kakatawa Hahah-aghh..huhahhahH."

"Yun naman pala eh tumigil ka na kasi... Hahhahaha." saad ko sa kaniya.

"Kaso 'di ko mapigilan eh WAHAHAHHAHAHAH NABU-BUANG NA ATA AKO HAHAAHAHhahahaah----T-teka anong m-meron dun? Ano yun?" pagkahinto ni Maevelyn sa pagtawa't pagtataka nito.

Tiningnan naman namin kung saan yung tinutukoy niya.

"Parang sina Emilio, Anwar, at yung ibang mga kaklase natin yun ah..? Sino yung pinapaligiran nila sa table na yun? Ginagawa nila? Bat parang ang ingay nila?" pagtataka ko.

"O nga 'no, tara lapitan natin." suhestiyon ni Effy.

"Baka gumagawa na naman 'to ng mga kalokohan hahahah." ani ni Maevelyn.

At nagtungo kami sa kinaroroonan ng mga kaklase namin para maki-usyoso, dahil maiingay sila sa loob ng canteen at mukhang nakapaligid sila sa isang tao.

Habang papalapit naman kami ng papalapit sa kanila ay unti-unting lumalakas nang lumalakas ang ingay na aking naririnig.

Mukhang kumakanta sila at nakikipag biruan.

Nang maka-abot na kami sa kanila, at sa pinag kukumpulan nila, ay nakita namin si Josh na mukhang pinag t-tripan nina Emilio, Anwar, at Tyron. Yung iba naman naming mga kaklase ay nakikitawa't nakikinood lang sa pang t-trip nila kay Josh.

"Bili na Joshua... Isang sayaw lang please..." pakiki-usap ni Tyron.

"O' nga eto na nga oh, kinakantahan ka na nga namin eh... Sumayaw ka lang." panunuyo ni Emilio.

"Ano bang gusto mong kanta ha!? Bili. Tas sayawin mo hahaha." may pagka iritang sabi ni Anwar.

"Uy... Sayaw ka na raw Josh... Hahahahh." pakikisali ng isa kong kaklase na si Sic Andres.

"Hep hep hep... Anong meron diyan hah?" tanong ni Amber na isa rin naming kaklase at mukhang kadarating lang din nila sa canteen kasama ang mga kaibigan niya at naki-usyoso rin sila sa nakita.

Kaya mukhang mas dumami pa ang mga nakapaligid kay Josh at nakikinood na mga kaklase namin sa nangyayari.

Kaunti lang gaano yung ibang mga estudyante sa ibang section na nasa canteen, kasi medyo late na rin kami nakapunta ng canteen. At siguro 'di pa nag b-break yung iba o yung iba siguro ay tapos na at nagsibalik na sa mga room nila... Kaya wala gaanong mga estudyante dito na hindi namin mga kaklase sa canteen, kaya mukhang more on kami lang na STEM206 ang nandirito. Yung iba namang mga tao na 'di namin kakilala o kaklase ay nakikinood lang din kasi nacu-curious sa nangyayari Hahhaha.

"Bili Mr. Bean sayaw ka na. Sayawin mo ulit yung sinayaw mo dati nung na-late ka Hahhahah." nagsitawanan naman pati yung iba kong mga kaklase.

"Bili... Sasayaw na yan, sasayaw na yan konting tiis, konting tiis, sasayaw na yan, sasayaw na yan... Sasayaw na yan." nakisabay naman yung iba naming mga kaklase kay Anwar na nag c-chant. "Sasayaw na yan, sasayaw na yan, konting tiis, Mr. Bean, Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean, Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean, Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean... WHAHAHHAHAHAH." nagsitawanan naman kaming lahat ng mga kaklase ko, kasi sumayaw si Clark ng sexy dance sa chant nila para kay Josh.

Pati ako natawa na rin sa mga kag@g*han nila HAHHAHAHAH MGA G*G* TALAGA HAHAH... Ang sarap pag-uuntugin ng mga depunggol eh... HAHAHHAH.

"Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean, Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean..."

Bigla namang lumapit ngayon si Anwar kay Josh at hinawakan ni Anwar ang mga braso nito, at sapilitan niyang pinatatayo si Josh mula sa pagkaka upo, para sumayaw 'to.

Ngunit ayaw talaga ni Josh. At mukhang nag-tiim ang bagang nito, namumula na siya ngayon, at mukhang kumukulo na rin siya sa loob-loob niya, dahil sa hindi lang ngayon sapilitang pinasasayaw at hinahatak si Josh patayo ni Anwar, kundi ginagawa rin ngayong puppet ni Anwar si Josh, hawak-hawak ni Anwar ang mga braso at kamay ni Josh at ngayo'y inigagalaw at iniwawagayway ngayon ito ni Anwar, para kunwaring sumasayaw si Josh sa sarili niya. Kaya para siyang naging puppet ngayon sa ginagawa ni Anwar sa kanya.

At wala man lang ginagawa si Josh sa bagay na yun, medyo nakakaawa ang kalagayan niya dahil sapilitan siyang nilalaro ng ganun ganun lang ni Anwar.

Kung ako yung nasa kalagayan niya malamang kanina ko pa sinapak at pinatulan si Anwar sa k@g*g*han niya kahit babae ako hahahhah.

Hindi pa rin gumagalaw si Josh at naka-upo pa rin ito sa kanyang upuan, at hindi nagpapatinag. At halata na rin na mukhang nagtitimpi at nagtitiis lang ito dahil sa pamumula niya. At mukhang may pinag-iisipan ito.

Kumakanta na ngayon yung mga kaklase ko ng marikit song para kay Josh.

"♫︎ ~Oh.. ikaw ang binibini, ikaw ang pinipili."

"♫︎ Sa simula't huli ng aking pag-ibig."

At patuloy pa rin na sapilitan na iginagalaw ni Anwar sa pagsayaw ang mga braso't kamay ni Josh.

G*g* talaga 'to! Hahaahhah... Pag yan nabaliaan. Laki-laki pa naman ng katawan ng arabo na 'to.

"♫︎ Oh... Aking Binibini, ikaw ang pinipili. Sa simula't huli ng aking pag-ibig... ♫︎"

"♫︎ Ikaw ang Beanibini na ninanais ko. Beanibining marikit na dalangin ko~"

Bigla namang tumayo si Josh mula sa pagkaka-upo niya, at napatigil si Anwar sa ginagawa niya kay Josh. At habang siya ay nakatayo walang mga emosyon ang mukha nito.

Ano na kayang iniisip nito ngayon?

"Oh oh oh..!! Sasayaw na ata siya! Kaya tumayo hhahahah."

"Ayan na naghahanda na... Sasayaw na yan HAHAHAHHA.."

Saad ng mga kaklase ko kay Josh.

At mula naman sa pagkakatayo ko habang nanonood sa kanila ay napatingin sa akin si Josh.

Ilang segundo kaming nagkatitigan, at siya kaagad ang napa-iwas nang tingin sa aming dalawa.

Huh!? Bakit kaya? Ano na kayang iniisip nito?

"Sasayaw na yan, sasayaw na yan..!!"

Napabuntong hininga si Josh mula sa kinatatayuan niya ngayon.

"Ulit oh... Ulit..!"

Muli silang kumanta.

"♫︎ Oh... Aking Beanibini, ikaw ang pinipili. Sa simula't huli ng aking pag-ibig~"

Nagulat naman ako at hindi makapaniwala nang makita ko si Josh ngayon na...

Unti-unting..

iginagalaw ang katawan niya at..

Mukhang..

Sumasayaw siya..!!!

"OHH!! OH..! Sumasayaw na! Sumasayaw na! HAHAHHAHA... Yan ang manok ko!!" pagkatuwa ni Anwar.

K!NG*#@ NA YAN!! GUSTO KO SANANG MATAWA KASO... MINSAN 'DI NA RIN AKO NATUTUWA SA MGA PANG T-TRIP NG MGA DEPUNGGOL NA 'TO EH!! KAHIT KAIBIGAN KO YUNG MGA YAN!! T@NG*#@NG YAN, KUNG AKO TALAGA NASA PWESTO NIYA NGAYON HA, BAHALA SILA JAN, HINDI KO SUSUNDIN YUNG MGA ANIMAL NA YAN... HAY NAKO.

"Oh... Bili... Bili kanta ule... Hahahah."

"♫︎ Ikaw ang Beanibini na ninanais ko. Beanibining marikit na dalangin ko..."

Nakita ko naman na habang sumasayaw na si Josh at kumakanta yung iba. Pasimple na kinuha ni Anwar ang cellphone niya at mukhang balak niyang videohan si Joshua.

"♫︎ Ikaw ang nag bigay ng kulay sa aking~-----"

Biglang natigil ang lahat at nagtaka.

Dahil bigla kong hinablot ang cellphone ni Anwar, nang binalak niyang videohan si Josh.

At nang nahablot ko ang cellphone ni Anwar ay kaagad na isinupalpal ko ito sa pagmu-mukha niya.

Kaya namula ang mukha ni Anwar. At halos lahat ng nakikinood sa nangyari ay nagulat at mukhang hindi sila makapaniwala sa ginawa kong iyon.

"P^T@NG*#@!!!!"

"AYI..!! ANO YUN!!? ANONG PROBLEMA MO HAH!? BAT MO GINAWA SAKIN YUN!?" singhal ni Anwar sa akin.

"Eh, bakit!? Trip ko lang din... Katulad nang pang t-trip niyo sa kaniya." itinuro ko si Josh. At nagkatingin ulit kami.

"ANO!?" asik ni Anwar. Habang hinihimas niya ang parte ng kanyang mukha kung saan ko isinupalpal ang cellphone niya. Mukhang nasaktan siya at nagkapasa ang parte na iyon.

"Pano kaya kung ikaw yung nasa kalagayan niya ha!? Anong mararamdaman mo at maiisip mo? Although kahit sabihin nating katuwaan lang yung ginagawa ninyo sa kanya. Eh... Ang tanong, sa mga ginagawa niyo ba sa kanya, eh siya ba natutuwa rin? O napipilitan lang?" saad ko.

"Sino ka ba para pagsabihan ako ha!? Nanay ba kita? Ha!? Mas higit ka pa ba sa ate ko hah? Hahahha.." panghahamak ni Anwar sa akin.

Siniringan ko naman siya. 🙄

"Tsk! Mag isip ka nga!! Alam mo, 'di ako makikipagtalo nang matagal sayo, sayang lang sa oras!!" asik ko kay Anwar.

"Eh... Bat niyo ba kasi pinipilit at pinag t-tripan si Josh? Like bakit niyo ginagawa sa isang tao yung mga bagay na yun..? Sige nga... Mag bigay nga kayo nang mabigat at katanggap-tanggap na dahilan para gawin mo, ninyo sa isang tao yung mga bagay na ginagawa niyo sa kanya??" pakikisali ni Miriam na isa naming kaklase na naki-usyoso rin.

"Eh..!! Ikaw ba naman sabihan ng amoy putok na arabo eh..!! T@NG*#@ na yan!! Matutuwa ka ba nun?" nagsitawanan naman yung iba naming mga kaklase.

HAHHAHAH... Mga loko-loko nagsitawa pa talaga... Pero nakakatawa naman talaga eh... Hahahhaha Kaso nga lang... Kung ikaw yung masasabihan ng mga bagay na ganun... Baka... Mainis ka lang... Lalo ng kung hindi naman totoo yung mga sinasabi sayo Hahahh.

"...Tapos sinabihan pa ako na kaamoy ko raw yung basketbolistang hindi naligo ng isang buwan!! Eh... Hindi ka ba ma-o-offend nun?? lalo na kung hindi naman totoo yung sinasabi sayo..?? Kaya quits lang kami... Bahala siya diyan!" asik ni Anwar.

"Ang immature naman nito..." bulong ng isa naming kaklase na si Kirana, pero mukhang narinig pa rin namin yung bulong niya.

"Ano!? T@#g!#@ ako sasabihan mo ng immature? Bakit ha!? Pinagtutulungan niyo ba ko? Hahahha mga g*g*!" asik ni Anwar.

"Hindi Anwar... Eh... Bat mo pa kasi pinapatulan o ginagantihan?? Hindi ka naman na kasi bata eh... I mean tayo ring lahat. Alam mo, may nabasa ako... Qoutes ata yun ang sabi, 'Weak people revenge. Strong people forgive. And... Intelligent people ignore.' Kaya ako nung nabasa ko yung ganun, hindi na ako gumaganti. Nung bata lang ako oo. Ako talaga, lagi akong gumaganti, nakikipag bardagulan pa 'ko sa kapatid ko. Pero, unti-unti na tayong lumalaki, at nagbabago eh. Kaya dapat unti-unti na rin tayong natututo at nag m-mature... Ano korak ba!? Dapat ganun!" ani ni Kirana.

"Naku si Anwar sinasabihan niyo ng ganyan HAHAHHA may pa qoutes qoutes pa HAHAHHAHA Ikaw nga rin Anwar ilabas mo ang iyong mga baraha... Ang iyong sandata kapatid... WHAAHAHAHAH.." pang de-demonyo ni Tyron.

"Tsk. Pwe! HAhhah... Eh... si Ayi nga eh... Wala akong ginagawa sa kanya pero mas naapektuhan pa siya, kaysa kay Mr. Bean... Ay... Kay Joshua pala... Hahah... Sinupalpal mo pa Ayi sa mukha ko yung cellphone ko, ang sakit kaya ng ginawa mo sa akin, tsk. Pag nasira cellphone ko Ayi bayaran mo yun ah!" banggit sakin ni Anwar.

Depunggol... Nad!munyo na talaga... Nangdamay pa. (ᗒ^ᗕ)

"Eh paano pang b-bully na yung ginagawa mo sa kanya eh... Hindi na ako natuwa. Inaabuso mo yung tao... Porket hindi lumalaban!!?" asik ko kay Anwar.

"P^T@#g!#@ IKAW NGA EH!! Masyado ring marahas, bayolente, mapapel----"

PAK!

Nakatikim ngayon nang sampal mula sa akin si Anwar.

Nagulat uli ang mga nanonood sa amin, at si Anwar din sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Napahawak siya ngayon sa pisngi niya.

Napahiyaw at nagbulungan naman ang ibang mga nanonood sa amin.

"O---oh.. P-pop corn pa! pop corn pa! Oh... Bilis... Bili kayo sa nagtitinda..."

"Mukhang mainit-init 'to ah... Hahah."

Usal ng mga kaklase ko na nanonood sa mga nangyayari.

"B*B*!!! Ano labasan ba 'to ng mga baho?? Hah!!?? Hahalungkatin mo yung mga basura ko??? Ha? Ano ka?? Basurero!?" banat ko kay Anwar.

"Ooohhh.. Ohhh Hahhahahahahhah.."

"Panes..!! WHahahhahahah.."

Hindi makapaniwala si Anwar ngayon sa mga narinig niya mula sa akin. Kaya naitiim niya ang bagang niya at naikuyom ang kaniyang dalawang kamao, dahil sa pagkainis sa akin.

"T@#g!#@ng yan!! HAAHAHAHAHH.. Hirap din pa lang kabangga ni Ayi eh.."

"HAHAHAHAHHAhahah.."

"Oohhh.. Wala ka pala eh... Hahahh---"

"GUYYSSSSS!!! TUMIGIL NA KAYO!!! TAMA NA! OKAY!!!?" hiyaw ni Hinata na Vice President sa section namin.

"Kung ang dahilan ng lahat ay... Inasar ka Anwar ni Josh na amoy putok ka... Inaamin ko na... Hindi yun sinabi ni Josh sayo! Wala siyang sinasabi na kahit na ano tungkol sayo Anwar. K-kundi AKO YUNG NAGSABI NUN, OK!? KAYA SORRY NA... Alam kong kasalanan ko... At inaamin ko yung pagkakamali ko, pero hindi ako proud ah? Doon sa ginawa ko. Pero... Alam naman natin guys na... Wala naman talagang amoy si Anwar. Kaya... 'di na ulit mauulit-ulit yung ginawa ko. 'Di ko maipapangako pero susubukan ko." then, itinaas ni Hinata ang kanang kamay niya nang parang manunumpa siya.

"Peksman! Ay.. Noted pala.. Ay hindi.. Hindi lang pala noted.. But.. I will- I will try. Hihi.." pagkakangiting sabi ni Vice Pres. Hinata. At ibinaba na niya ang kamay niyang nakapanumpa.

Pinagsasabi nito!? (' ͠° ͟ʖ ͡° ')

Ikaw pala eh! Tsk.

"Ha hanu daw!?"

"Ahhhh.. Kaya pala.."

"T@NG*#@NG YAN!!"

"Ano!? Ikaw naman pala eh.."

"Ang intense naman ng mga nangyayari dito Hahahhahah.."

"Hayyy... Nako teh..!!"

Nai-usal ng ibang mga kaklase ko.

"KAYA GUYS... BILIS-BILISAN NATING UMAKYAT SA ROOM KASI TIME NA TAYO..!! AT... NAG-AANTAY NA SI SIR... AT MAY I-DI-DISCUSS DAW SIYA TUNGKOL SA MAGIGING RESEARCH AT PRODUCT NATIN!!" pag-aannounce ni Vice Pres. Hinata.

"ANO!!! TIME NA BA!!?"

"T@#g!#@!!!! Hindi pa kami kumakain!!"

"Anong oras na ba??"

"HALA!! NAKA 30 MINUTES NA PALA TAYO!!!"

"Malamang teh!! Medyo matagal din kasi yung nangyari hahahahh.."

"Bw*s€t na yan!! 'di tuloy kami nakakain, gutom pa naman ako.."

"Hahahhahah yan kasi mga naki-usyoso pa..."

"Buti kami tapos na... Nakakain na kami hahahahha..."

"Dat nakain kayo habang nanonood sa mga nangyayari hahahahah.."

"Yan tuloy... Ba 'yan..."

"Next break na lang tayo."

"GUYS!!!! BILISAN NIYONG PUMUNTA NG ROOM!! BAKA MAPAGALITAN TAYO!!! BAKA SABIHING ANG TAGAL NATIN... MAMAYA NA LANG KAYO MAGSIKAIN, sa next break na lang yung mga hindi pa nakakain, OK!?" wika ni Vice Pres. Hinata.

"Ok... Sige.."

"Gesi."

"K."

Tugon ng iba kong mga kaklase.

"OH! ANG MAHULI OHH!! MAY TAE SA PWET HAHhahah..." hiyaw ni Emilio sa aming lahat. Kasabay nun ay ang pag karipas nang takbo ni Emilio para mauna.

At nakisali rin yung iba naming mga kaklase kay Emilio, at nag sikaripas din sila ng mga takbo para mag-unahan na makapunta ng room.

"Tara akyat na rin tayo... Tapos na ang palabas hahahah... Mamayang break na lang tayo kumain." ani ni Effy. At naglakad na kami papuntang room.

"Ano ba yan gutom na talaga ko..." daing ni Maevelyn.

"Kaya nga eh... Uy, Maevelyn, wag mo kakalimutan sabi mo lilibre mo kami ah? Mamayang next break marami kainin natin heheh." may pagkatuwa kong sabi.

"Oo na... Hahahhaha... Nga pala... HAHAAHHA grabe ka kanina Ayi kay Anwar ah!? Grabe yung mga banatan mo sa kaniya." banggit ni Maevelyn.

I only smirked as a reply to Maevelyn.

"Buti 'di ka pinatulan na sapakin nun kala ko sasapakin ka na nun eh... laki-laki pa naman ng katawan nun." banggit ni Effy.

"Sus... Sana di nun damdamin masiyado ang lahat... Kilala ko yun eh... Baka mag end ang friendship natin sa kanila. If ever." ani ko.

"Ay... Di na ba end yun? Alam ko pag mga ganun... End of friendship na at wala ng pakielamanan at pansinan sa isa't isa pagkatapos... Actually medj. Grabe rin yung ginawa mo kay Anwar... For real nasaktan talaga yun..." saad ni Effy.

"Tsk. Quits na lang din kami. I hope wag niya na lang masiyadong isipin at damdamin yung mga nangyari..." ani ko.

"Teka bat mo pala pinagtanggol si Josh hah!? At mukhang mas pinili mo pang masaktan si Anwar??" takang tanong ni Maevelyn.

I look at Maevelyn, eye to eye. Then say to her. "Sa tingin mo bakit hah!?"

"Hay nako, Maevelyn... Parang hindi ka naman nakinig at nanood ng mga nangyari kanina..." sambit ni Effy.

Napaisip saglit si Maevelyn. "Ahhhh gets ko na HAHAHAHAH..."

"Iba ata iniisip mo Maevelyn eh..." si Effy.

"Iba nga HAHAHHAHA..." Maevelyn.

"Kung ano-ano talaga pumapasok sa isip nito." ani ko.

"HAHAHAHHAHAHH..." tawang malakas ni Maevelyn.

Baliw na ata 'to eh... Hahahah...

"...HAHAHHAHA ay mga teh, may naiisip ako! HAHAHAHAHAH pero... Mamaya ko sasabihin sa inyo HHAHAHA..." banggit ni Maevelyn.

Hmmm...? Ano na naman kaya 'to???

Kung ano-ano talaga naiisip ni Maevelyn eh.

Hahahah...

Pero sa totoo lang, yung nangyari kaninang pagtatanggol ko kay Josh ang dahilan nun ay hindi lang dahil naawa ako sa kanya kundi may utang na loob din ako sa kanya... HAHAAHAHH mabait kasi siya, at yung ginawa ko kanina ayun na yung kabayaran ko sa utang na loob ko sa kanya, siguro pwede naman na yun, nakakaawa kasi siya kanina eh, mukhang maiihi na siya sa salawal niya HHHAHAHAH.

Marami-marami na rin kasing naitulong si Josh sa akin at sa amin especially when it comes to acads, kaya kung matakot na yung pumasok si Josh at di na magpapasok dahil masiyado na siyang nabu-bully, malamang wala nang tutulong sa amin, baka di ako maka-gradute niyan HAHAHAHHAA di ko na maabuso yung kabaitan ni Josh HAHAHHAHAHAH Kaya alam ko kanina kailangan niya ng may magsasalba sa kanya.

At saka... Tinuruan ako ni kuya ko na ipagtanggol ko raw yung mga naaapi. Pero inaamin ko rin naman sa sarili ko na isa rin ako sa mga nang-aapi minsan HAHAHAHH... Ang hipokrita ko! HAHHAHAHAHA... (ᗒVᗕ)

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height