Elicit Escapade/C4 This Girl?
+ Add to Library
Elicit Escapade/C4 This Girl?
+ Add to Library

C4 This Girl?

I was zoned out for a minute

But they are still here

They keep on insisting me on the things that I don't want to do. I wish they would stop.

I wish I can now able to fight for myself.

And face my fears.

. . .

. .

.

"Bili Mr. Bean sayaw ka na. Sayawin mo ulit yung sinayaw mo dati nung na-late ka Hahhahah." nagsitawanan naman yung iba kong mga kaklase.

"Bili... Sasayaw na yan, sasayaw na yan konting tiis, konting tiis, sasayaw na yan, sasayaw na yan.. sasayaw na yan." nakisabay din yung iba naming mga kaklase kay Anwar na nag c-chant. "Sasayaw na yan, sasayaw na yan, konting tiis, Mr. Bean, Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean, Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean, Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean.. WHAHAHHAHAHAH." nagsitawanan naman lahat ng mga kaklase ko dahil sa pag chant nila sa akin ay sumayaw si Clark sa harap ko ng sexy dance.

AIISSHHHH!! PLEASEEE STOP!! Hindi ako natutuwa. Argh... How can I deal with this!?

"Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean, Sasayaw na yan, sasayaw na yan, Mr. Bean, Mr. Bean.."

Bigla namang lumapit ngayon si Anwar sa akin at kinuha niya ang mga braso ko, at sapilitan niya akong pinatatayo mula sa pagkaka upo ko para sumayaw.

PUT@NG*#@!!! ANO BA 'TO!! (•̀_•́)

AISSHHH!! WAG MO 'KONG PILITIN!! SINABI NG AYAW KO NGA EH!

HINDI MAKA INTINDI MGA 'TO AH!? MGA BWISET!!

Nagpupuyos na ako, ngunit patuloy pa rin akong hinahatak ni Anwar para piliting sumayaw. Kaso hindi naman ako nagtinag sa kinauupuan ko.

Kaya nang hindi niya ako mapilit ay isinayaw na lang ni Anwar ang mga braso't kamay ko na parang puppet niya ako. Inigagalaw at iniwawagayway niya ito ngayon habang naka upo ako.

PUT@NG*#@ TALAGA!! (ᗒ_ᗕ)

DIYOS KO! ANO BANG GAGAWIN KO!?

NAKAKAT@NG*#@!! YUNG GINAGAWA MO SA AKIN ANWAR!! ARGHH... NAKAKA-INIS!!

ANO BA!? SASAPAKIN TALAGA KITA!? TSK..!! ANO BA!?

AAISSHHHH...!! T@NG*#@!! KUNG MATAPANG LANG TALAGA AKO EH AT MAY LAKAS NG LOOB!! PAPATULAN KO TALAGA 'TO!! T@NG*#@!! AYOKO NG GULO! ANO BA 'TO!? SIGE! IINTINDIHIN KO NA LANG YUNG MGA KAGAYA MO! PERO AIISSHH!! ANO BANG GAGAWIN KO PARA TUMIGIL KA NA!!?? AGGHHH... BAHALA NA NGA!! T@NG*#@!! SABI NILA PAG SINAMPAL KA SA KANANG PISNGI, IBIGAY MO YUNG KALIWA!! SIGE!! I'LL CHOOSE THE RIGHT THING NA LANG!! AISHHHH!!! TITIISIN KO NA LANG 'TO!

Kumakanta na ngayon ang mga kaklase ko ng marikit song.

"♫︎ ~Oh ikaw ang binibini, ikaw ang pinipili."

"♫︎ Sa simula't huli ng aking pag-ibig."

TSK! OK!! SIGE!! PAGBIBIGYAN KO KAYO NGAYON SASAYAW AKO!! PERO SA SUSUNOD PAG NA-ULIT ULI ITO!! AAISSHHH!!!!! EWAN KO NA LANG!! T@NG*#@!!

"♫︎ Oh.. Aking Beanibini, ikaw ang pinipili. Sa simula't huli ng aking pag-ibig... ♫︎"

"♫︎ Ikaw ang Beanibini na ninanais ko. Beanibining marikit na dalangin ko~"

Dahil hindi ko na talaga matiis ang pamimilit nila sa akin, biglaang tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko.

At nagtaka naman ang mga kaklase ko sa biglaang pagtayo ko.

At mukhang nag aabang sila sa kung ano man ang aking gagawin.

Lahat sila ay naka tingin ngayon sa akin.

Aishhh!!!!

"Oh oh oh..!! Sasayaw na ata siya! Kaya tumayo hhahahah."

"Ayan na naghahanda na.. Sasayaw na yan HAHAHAHHA.."

MGA BWISET TALAGA!!! AISSHH!!EWAN KO SA IN----

Bigla namang napadapo ang tingin ko kay Aryana Estella.

Ilang segundo kaming nagkatitigan.

Aryana Estella...

Ayi...

Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, na nakilala ko...

Ang batang babaeng nag ngangalan na Ayi.

I gulped.

Posible kayang ikaw din yung batang iyon???? May pagkahawig kayo.

Pero hindi pa ako sigurado kung ikaw nga iyon. Malabo ata kung magiging ikaw nga 'yon.

Mukhang naulit na naman ang nakaraan...

Kung ikaw nga iyon, ililigtas mo ba ako sa sitwasyon na ito??

Sa pagtititigan namin ay iniwas ko ang aking tingin.

Tsk! Ano bang iniisip ko!? Iniisip ko na ikaw yung batang nakilala ko dati!? Iniisip ko na may ibang tutulong at mag liligtas sa akin ulit!!?? Tsk! T@#g!#@!! Bakit hindi ko kasi maipagtanggol ang sarili ko eh!! Masiyado 'kong duwag!!

AISHHHHH...!!! Arghh!

"Sasayaw na yan, sasayaw na yan..!!"

Napabuntong hininga ako.

Mukhang ayaw talaga nilang tumigil, hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila. Hayss...

"Ulit oh.. Ulit..!"

Aishh... Sige, sasayaw na 'ko... Kahit magmukha pa akong katatawanan. Wala na akong pake sa iisipin at sasabihin ng iba.

Napasinghap ako.

"♫︎ Oh... Aking Beanibini, ikaw ang pinipili. Sa simula't huli ng aking pag-ibig~"

Dahil sa patuloy na pamimilit nila, tuluyan ko na ring iginalaw ang aking katawan at ako'y sumayaw.

"OHH!! OH..! Sumasayaw na! Sumasayaw na! HAHAHHAHA... Yan ang manok ko!!" pagkatuwa ni Anwar sa pagsayaw ko.

"Oh... Bili.. Bilis kanta uli... Hahahah."

"♫︎ Ikaw ang Beanibini na ninanais ko. Beanibining marikit na dalangin ko.."

"♫︎ Ikaw ang nag bigay ng kulay sa aking~----"

. . .

Natigil ang lahat...

Pati ako sa aking pag sayaw.

Dahil biglang hinablot ni Estella ang cellphone ni Anwar. At isinupalpal ito sa pagmu-mukha niya.

Kaya ang mukha ni Anwar ay namula. At halos lahat kami ay nagulat sa nangyari.

"P^T@NG*#@!!!!"

"AYI..!! ANO YUN!!? ANONG PROBLEMA MO HAH!? BAT MO GINAWA SAKIN YUN!?" singhal ni Anwar.

"Eh, bakit? Trip ko lang din... Katulad ng pang t-trip niyo sa kaniya." itinuro ako ni Estella. At nagkatinginan ulit kami.

A-anong-b-ba't-----ikaw ba...??? (´ᴥ︎︎︎_ᴥ︎︎︎')

Teka!

Ikaw ba talaga yung b-batang nakilala ko noon!? O... Nagkataon lang talaga ngayon!?

B-ba't mo naman ako pinagtanggol ngayon? (´ᴥ︎︎︎𝚘ᴥ︎︎︎')

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kasalukuyang nasa loob na kami ngayon ng aming room.

Si Sir Perez na aming guro sa Capstone ay nasa kalagitnaan na nang kanyang pag di-discuss tungkol sa mga gagawin namin.

Ngunit hindi nakatuon ang atensiyon ko sa mga dini-discuss ni Sir Perez. Kundi ang isip ko ay nasa ibang mga bagay nakatuon.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kanina sa canteen.

It happens again.

The people who surrounds me and someone who saved me.

Was it deja vu?

Or it's just coincidence?

Or I am just over thinking again?

Arrghhh... Ewan ko ba! Masyado ata akong nagugulumihanan.

Hindi ko pa rin mawari kung ano ba talaga ang totoo.

Aryana... Estella...

Ayi...

Ayi??? Sa palagay ko ikaw nga talaga iyong batang nakilala ko noon.

Mula sa pwesto ko sa likod ay napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Estella.

Siya ay nasa 2nd row sa unahan at katabi ang mga kaibigan niya, dinadaldal naman siya ni Maevelyn.

Hmmm... I think posible na ikaw nga talaga iyon. Hindi ko na matandaan nang lubusan yung itsura nung batang kapangalan mo, pero may pagkaparehas kayo. Dahil parang magkaugali kayo at mukhang may lahi iyon na American. Which is ikaw din ay ganoon.

Aisshhhh... Wahhh... (ᗒᗣᗕ) Ano ba?

. . .

. .

.

AH! Alam ko na! may naiisip na akong paraan para malaman kung ikaw nga talaga iyong bata na tumulong sa akin noon.

Si Tita Regina! Kumusta na kaya si Tita Regina?? Kung kakilala mo siya... Malamang ikaw na nga iyon.

Wait!! (•_•)

Bat ko ba masiyadong iniisip ang mga bagay-bagay???

Naging mag kaklase na tayo, at noong una kitang nakita noong grade 11 tayo, hindi ko alam pero parang pamilyar ka sa akin, kaso nga lang hindi ako sigurado kaya di ko na lang inisip at pinansin masiyado.

Pero ba't ngayon?? Masiyado kong iniisip ang mga bagay-bagay?? Tsk. Tyaka, eh ano naman ngayon kung malaman ko na ikaw nga yung batang nakilala ko dati!?

Hay nako... Past is past na Josh... It doesn't matter if she is that little girl, so what if she is? Ano namang gagawin ko? Makikipagkaibigan sa kaniya? ¯\_(•_•)_/¯ (´ ͠ ° ͟ʖ ͠ ° ')

But..

But...

Maybe...🤔

Maybe, I could thank her, for what she did, recently on the canteen.

But it's not likely that I would befriend her. It's just a thanks.

Yeah! do it Josh! I must do it! I should thank her!

Sige, mamaya after nitong klase kay Sir, antay ako chempong lumapit sayo Estella at magpasalamat.

Bigla namang napatingin sa likod si Estella at saktong nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

Kaya kaagad ko na iniiwas ang aking tingin. At ibinaling ito kay Sir na nag di-discuss.

Aishh!! Baka mag isip yun nang kung ano-ano kung bakit ako nakatingin sa kaniya.🤦‍♂️

Kaya itinuon ko na lang ang atensiyon ko kay Sir na nag di-discuss.

"---product ninyo, pagkatapos ipapasa yan sakin kasi chine-check ko yan. Para ma-guide ko rin kayo. Okay gets??" si Sir Perez.

"Opo Sir."

"Yes po."

"Yes Sir."

Tugon ng mga kaklase ko kay Sir Perez.

"Oh, So okay na? wala ng ibang tanong ha?" Sir Perez.

Walang sumagot kay Sir Perez.

"Uy may mga tatanong pa daw ba kayo?" Nicholas.

"Walang umiimik Sir baka wala na ata." Gabriela.

"Okay so wala na ha!?" Sir Perez.

"Opo Sir." Nicholas.

"Hmmn... Teka. Asan nga pala si Liam? wala na kong balita dun ha? Bat 'di na siya pumapasok? Ano ng nangyari sa kaklase niyong iyon? Lagi na lang yun hindi pumapasok ah?" pag tanong ni Sir Perez.

"Pagkakaalam po namin Sir tinatamad daw pumasok eh. Kaya 'di na pumapasok." tugon ni Pery na nakapwesto sa unahan.

"Tinatamad? Sigurado ba kayo? Hay nako. Baka wala naman ata siyang kaibigan dito kaya ganun? Sayang pag papa-aral ng magulang niya sa kaniya, dapat nag public na lang siya." Sir.

"Ewan namin dun Sir." Pery.

"Oo nga po Sir eh. Da't nag public na lang siya kung ganun lang din. Sarap-sarap pumasok sa school eh kasi may aircon. Sayang binayad ng magulang niya dito, laki laki pa naman ng tuition." Roby.

"Hayss... Bahala siya. Buhay niya naman yun eh. Pero kahit na ganun, i-contact niyo pa rin siya ah? Baka pumasok pa din iyon."

"Sige po sir." Roby.

"So... Okay sige. Proceed na tayo sa panibagong groupings ninyo. Mag count kayo 1 to 4. Mag si-simula sa iyo." sabay pag utos ni Sir sa kaklase kong nasa pinaka unahan.

Lahat nga kami ay nakapag count na.

At hindi ako makapaniwala sa mga naging ka-grupo ko.

Nakapabilog kaming lahat ngayon sa isa't isa habang nakaupo at wala man lang umiimik sa amin, dahil yung iba sa kanila ay hindi magkakasundo.

"So sino na ang magiging lider natin?" pagbabasag ng katahimikan ni Olivia.

"Mag botohan ba?" tanong ni Hiraya.

"Ako na lang, ang maging lider." pag bo-boluntaryo ni Hinata.

"Sus, wag ka na te... Lagi na lang ikaw yung lider. Iba naman. Ikaw Josh gusto mo ba maging lider? Ikaw na lang?" Lhester.

"A--" Naiwang nakabuka ang bibig ko.

"Bakit ha!? Bakla!? Ayaw niyo na ba sakin?" Hinata.

(ಠ_ಠ) Hindi ko man lang nasabi ang sasabihin ko! Lagi talaga 'tong sapaw si Hinata eh! Kaasar.

"Ihh... Ikaw na lang palagi eh... Yung iba naman gurl!" Lhester.

"Oh! HEP HEP HEP! Tama na yan! Ako na lang ang maging lider!" Maevelyn.

"ANO!?" Hinata.

"Ikaw Maevelyn? WHAHAHAHHA... Sige na nga Hinata ikaw na lang pala. Kaysa si Maevelyn ang mag lead. Hahahhah kaloka." Lhester.

"Grabe ka naman sakin Bakla, hindi ka ba naniniwala sa kakayahan ko na mag lead?" Maevelyn.

"Ikaw Maevelyn? HAHAHAHHA... Eh mag lead nga ng prayer, di mo magawa nang matino eh. Dito pa kaya sa pag l-lead sa groupings natin. Tyaka may defense 'to 'no." Lhester.

"Uy grabe ka naman kay Maevelyn. Nagbabagong buhay na kaya yan, ay kami rin pala." Estella.

"Kayo? Ay pak! Bagong buhay ang mga amazona. Bagong buhay yern? Natuto na kayo no? Mula sa mga nakalipas na nangyari?" Lhester.

"Yes. We are trying, to change for the better. Tyaka wag na nating ungkatin pa ang nakaraan. Mag simula na kaya tayo sa mga partition natin? Hinata, diba tutal ikaw na ata ang lider? I-assign mo na sa amin kung ano ang mga gagawin namin." Effy.

"Okay, sige wait. Magsimula na tayo. Pero check ko lang saglit yung sinend ni Sir sa GC. Gawin niyo muna kung anong gusto niyong gawin." saad ni Hinata.

Kaya nagdaldalan muna yung iba at yung iba naman ay nag cellphone muna habang naghihintay.

Ako naman ay tahimik lang at walang ginagawa, kundi nag oobserba lang at nakikinig sa mga usapan ng mga nagdadaldalan.

"...Group 4! Group 4!? Nasan kayo!? Uy, dito ba yung group 4? Ka-grupo ko ba kayo?" pagtatanong sa grupo namin ni Fried.

"Oo tol group 4 'to." sagot ni Ben-jo.

"Nice nice. Kahit papaano may matatalino tayo dito." pagkatuwa ni Fried. Saka naki-upo na rin sa amin.

"Oh, eto. Naka gawa na rin ako ng GC natin. Tingnan niyo na lang yung finorward ko duon. At send niyo na rin pala yung mga product na naisip niyo. Tas paki add na lang din yung ibang wala pa sa GC, di ko kayo friend lahat sa FB eh, hindi ko mahanap yung iba. Gawin ko lang 'tong partition niyo." Hinata.

"Okidoki."

"Sige."

"Okay."

Sagot ng iba kong mga ka-group mates kay Hinata.

"Girl, hindi ka pa rin nagpapalit ng profile mo? Mag t-two years na iyon ah? Taba mo pa rito. Eh namayat ka na ngayon. Gusto mo make-overan kita? Tas yun yung pang palit mong DP?" rinig kong banggit ni Lhester kay Hiraya dahil malakas ang boses nito.

"Huh? Ano bang ginagawa mo bakla? Eh bat ka naman napunta diyan sa profile ko? Wag mo nga ako i-stalk. Diba sabi teh, tingnan yung finorward ng kambal ko sa GC. Saka wala kang pake kung mag t-two years na yan noh." pagkunot ng noo ni Hiraya.

"Ay arte naman nito, ni-check ko lang eh. Ako nga eh buwan buwan nagpapalit ng DP. Pero... Sabi mo nga, wala akong pake, awts... Pero ano? Gusto mo ba? Kahit makeoveran lang kita? I-transform na lang kita into anime character? Mag cosplay ka ti... Gayahin mo si Nezuko bagay sayo. Punta ka samin o ako sa bahay niyo tas makeoveran kita. Bili' ano? Pag minakeoveran kita, malamang mas maiinlove sayo si Seven, yieee... Ano ti??" natutuwa't nanunuksong sabi ni Lhester kay Hiraya.

"Ewan ko sayo, kulit mo. Basta pag iisipan ko pa." ani ni Hiraya.

"Hay naku ti, Wag mo nang pag isipan pa, sayang ang oras baka hindi na----"

Lhester.

"OH! SINEND KO NA LANG YUNG MGA PARTITION NIYO SA GC AH? TINGNAN NIYO AT SABIHIN NIYO NA LANG SAKIN IF HINDI OKAY SA INYO KUNG SAAN KO KAYO NALAGAY. PERO KUNG OKAY NAMAN, PAG-USAPAN NA NATIN YUNG PRODUCT NATIN..." Paglakas ng boses ni Hinata. Na ikinarindi't ikinagulat naman ni Lhester, Olivia, Fried, at Effy.

Hahah... Magugulatin pala mga 'to eh.

"OO TE! HINDI AKO OKAY KUNG BAT KA SUMISIGAW. GALIT KA BA?" pagkairita ni Lhester kaya pinantayan niya rin ang lakas ng boses ni Hinata.

"Hindi." Napahalukipkip ito. "Ang ingay lang ng bunganga mo kaya nilakasan ko ang boses ko, baka hindi marinig yung sasabihin ko eh." may pagkamataray na sabi ni Hinata.

"Ay sus... Sabihin mo lang nung narinig mo yung sinabi ko, nagselos ka kasi-----" Lhester.

"Shut up! I don't care what ever you say, gawin mo na lang yung sinabi ko sa inyo. Okay!?" nanlalaki ang mga mata ni Hinata nung sinabi niya ito kay Lhester.

I admit she's not cute, when she makes expression like that. She looks scary.

"Alam mo Hiraya sasabunutan ko na talaga 'tong kakambal mong tuko! Pag ako 'di nakapag pigil kakalbuhin ko yan." pagkainis ni Lhester kay Hinata.

Nagsitawan naman ang iba kong mga ka-group mates sa pag iinitan nina Lhester at Hinata.

"Oohhh.. Wagwagan na yan! Hahahhah..." pang-gagatong ni Estella.

"Shut up Estella! Mga squammy lang ang gumagawa nun. Don't involve me to that kind of things." ani ni Hinata at siniringan si Estella.

Mukhang na-offend naman si Estella. That's why, Estella's brow furrowed and she let out a sly smirk. "Alam mo, ayokong tinatawag sa second name ko eh. Ayokong tinatawag na Estella! Gusto mo wagwagin na kita ngayon ha!? Para malaman mo yung sinasabi mo na squammy na 'yan!? Eh, yung asta mo nga eh mas masahol pa sa mga squammy!" kita sa ekspresyon ni Estella ang paghi-higit niya sa pagtataray ni Hinita.

"OH! One for all, all for one oh!? HAHAHHAHA... Papalag ka ba samin Hinata HA? Hahhaha..." asik ni Maevelyn.

"Papalag ako kung brain to brain yan! So may ibubuga ba kayo duon?" may pagkamayabang na sabi ni Hinata.

Napa-ismid ako't napa-awang ang gilid ng labi ko.

Ngh (ツ) don't underestimate us Hinata.

"Ay! ang yabang talaga! Kapal ng fes!" Lhester.

"You know what!? It's nonsense when you have brain pero ma-attitude naman." ani ni Effy kay Hinata.

Kaya nagtaas ang isang kilay ni Hinata. "Huh? Speaking of attitude, why don't all of you look at your-----"

"Guys diba nag groupings tayo para sa gagawin natin, hindi para sa pagdedebate't pagtatalo niyo diyan!? Tyaka Hinata diba ikaw ang lider? Dapat ikaw ang maging good example, at ang role model." pakikisali ko naman.

"Oo nga Hinata." Lhester.

"Wala ka pala eh." Maevelyn.

"Edi sana pala! Kayo na lang ang nag lider! Ikaw Josh? Da't ikaw na lang pala!" sarkastiko nitong sabi at siniringan ako.

"Bida bida kasi." pagpaparinig ni Lhester.

At biglang nag walk out si Hinata.

"Walk out ka gurl? Leila de lima ang peg? Hahahah..." sarkastikong banggit ni Lhester.

"Dapat pala nagdala ako ng popcorn eh. Hahahhah..." saad ni Ben-jo.

. . .

. .

.

"So si Hinata pa rin ba ang lider natin? O palitan na lang?" tanong ni Olivia.

"Ikaw Olivia? Baka ikaw pwede. Gusto mo ikaw na lang?" Hiraya.

"Ayoko 'no. Si Josh baka siya, gusto niya." Olivia.

"Ikaw na lang ang lider namin Josh? You want?" Effy.

"Yes Josh! I want you!" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Maevelyn.

"Ano Maevelyn? Confession ba yan? HAHAHHAH..." Pagkatawang sabi ni Lhester.

"Hindi. ( ᐛ ) I want Josh------ To become our leader." pagdudugtong ni Maevelyn.

"Ahhh ayun naman pala hindi mo pa binuong sabihin, diyos ko day kaloka ka. HAHAHAHH.." Lhester.

"Ang dami mong alam Maevelyn HAHAAHAH." Ben-jo.

"Nagbibiro lang naman ako HAHAHAHHA..." Maevelyn.

"HHAHAHA... Naku Maevelyn, minsan ang biro ay half meant." Ben-jo.

"Ay! (•_•) ------Shadap! Ben-jo! (•ᴗ•)" Maevelyn.

Nanahimik naman si Ben-jo.

"So ano Josh? You want ba??? Kay Maevelyn ka na lang daw? I-mine mo na siya? HHAHAHAH... Char, joke lang. Eto talaga, seryoso na. So ano nga? Ikaw na lang lider natin?" Lhester.

"O' nga Josh, payag ka ikaw na lang pumalit na lider?" Effy.

"No, I don't want." I said.

"Grabe ah, ang straight to the point naman nun. Pero sige, hindi ka namin pipilitin." saad ni Effy. Then napatingin naman ako sa gawi ni Effy kung saan naroon si Estella. Nagkatingin kami ni Estella na nasa tabi lang ni Effy.

Estella is sly smiling while looking at me.

Weird.

What's with that look and smile?

What's with her?

What she's thinkin'?

She's lookin at me na parang may iniisip siya na kung ano sa akin. (•_•)

Aishhh! Never mind na nga lang.

Iniiwas ko ang aking tingin at kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bag ko.

Tiningnan ko ang finorward ni Hinata na message sa GC kaganina.

Partition namin ito.

At gulat 'kong makita kung sino ang naging kahati kong partner sa aming gagawin.

Tumingin naman ako sa kaniya tutal magkaharapan lang naman kami.

When i look at her I saw that she's still looking at me with a sly smile.

Is that the reason why she's smiling like that while looking at me? (ಠ_ಠ)

Nang makita niya akong napatingin muli sa kaniya ay tumayo siya.

At nag lakad papalapit sa akin.

A----a-ano namang----- (ᴥ︎︎︎_ᴥ︎︎︎)

As she walk towards me. She still sly smiling while looking at me, eye to eye. At ni-isa man lang sa amin ay walang kumukurap, hindi rin maalis ang titig ko sa kaniya. Because myself can't help to admire her beauty, she's so cool and hot, just by walking.

Damn! Ang lakas ng appeal niya. Bat ganun!? (•_•)

Ang angas niyang tingnan pati yung mga pag kilos o galawan niya bagay sa mga istilo niya. Black hair with bangs, dark red lips, black earrings, black chocker, at black watch, tapos naka black boots. Plus she is also sexy, pa-hour glass ang hubog ng katawan niya.

OHH DAMN!! Anak ka ba ni Lucifer!?? Your look is on fire and slayin.

Ewan ko pero parang kahit anong isuot mo bagay sayo. (°¬°)

Tumingin naman ako sa kanyang dibdib na bahagi.

Oh God! Ilayo niyo po ako sa malaking tukso. Diyos ko po!

Oh Sh*t!!! I must stop. What is this? (ᗒᗣᗕ) Baka kung saan na mapunta 'tong mga iniisip ko.

Aishhhh!!!

"Hi partner." bati ni Estella nang makalapit sa akin, at naka tayo lang siya ngayon sa aking harapan. (´ᴥ︎︎︎_ᴥ︎︎︎')

Kaya napalunok ako.

At nailang sa kaniya, kaya na-mental block ako't hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko.

A-Aishhh!!! A-ano b-bang sasabihin ko dito? (𖦹ᗣ𖦹) (ᗒwᗕ) Kainis na mental block pa talaga.

Kaya iniiwas ko na lang ang tingin ko kay Estella. At hindi ko siya pinansin. Ibinaling ko na lang ang tingin at atensiyon ko sa aking pag c-cellphone na parang hindi ko siya nakita.

(ᗒwᗕ) Damn! Ang lapit niya kasi.

Hindi na talaga 'ko magtataka Estella kung bakit ang daming mga nagkakagusto sayo.

Pero kahit na ganoon

Para sa akin

Wala lang yung mga looks sa panlabas ng isang tao, kahit na-aatract ako.

I still prefer more the beauty inside.

The beauty in their heart and mind.

Hindi lang dapat sapat yung panlabas na itsura, dapat may magandang kalooban din at ma-utak sila.

Pero ang tanong kung ganoon ka ba?

Aryana Estella?

. . .

. .

.

Kasalukuyan pa rin na nakatayo si Estella sa aking harapan, at mukhang naghihintay siya ng tugon ko sa pagbati niya. Habang ako naman, ay nakatuon pa din sa cellphone ko at nag i-scroll, pero I don't mind what I am scrolling. Sa totoo lang nag iisip ako kung anong sasabihin ko sa kanya while I'm scrolling on my phone.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, kung babatiin ko rin ba siya, mag papasalamat na ba ako sa kanya tungkol sa nangyari sa canteen, o hindi ko na lang siya papansinin.

Aishhh!! Ewan ko pero naiilang din kasi ako sa kanya eh. Baka maging awkward ako. Siguro wag ko mun---

Narinig ko si Estella na napa-tikhim. "J-josh naririnig mo ba ako?" tanong niya sakin.

Pshh... 😪 ano bang sasabihin ko? 😒 Bahala na nga. Mamaya na lang kita kausapin.

"Mamaya. Chat na lang kita, bumalik ka na sa upuan mo." mabilis na seryosong tugon ko nang hindi man lang tumitingin kay Estella at nakatuon pa rin ako sa pag c-cellphone ko.

Tumalikod naman na si Estella at umalis.

Psshhh...😪 Buti naman. Hindi ako sanay na makipag usap eh. Tapos naiilang pa ako sayo. 🤦‍♂️

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height