+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Chapter 1: CCTV

Inertia's POV

Nakatingin lamang ako sa kanila habang tinatanong nila ako. Wala akong pakealam kung ilang gallons ng laway ang maubos nila sa pagsasalita nila dyan. I never asked them to talk to me.

"Hindi ka ba talaga magsasalita?" tanong ni Yvanna sa akin.

Ang babaeng ito ay kanina pa nakangiti at dikit ng dikit sa akin siguro ay kung hindi lamang pinilit ng babaeng ito ang kasama naming bratinella sa bahay ay hindi nya ito napapayag. Nakakairita.

"Why not we make tigil na?" maarteng tanong ni Heira.

Isa pa ang bratinella na ito! Napaka-conyo kung magsalita at napakabilis pa parang laging hinahabol ng isang daang baka. Her voice also sounds like a pregnant dog ready to give birth. Napakasakit sa tainga pakinggan.

I crossed my arms and looked at them.

"At bakit naman tayo titigil, Heira?" frustrated na tanong ni Smiley kay Bratinella

I like to call them smiley and bratinella. Ang isa kasi ay laging nakangiti habang ang isa naman ay brat. Nagpakilala sila sa akin kanina but still I like calling them pet names.

"Her stare is like nakakatakot kaya!" Napakaarte talaga magsalita ng Brat na ito.

"What? She looks nice and cute kaya?" WTH?

Wow. I look nice and cute? this girl really has something in her eyesight. Nakita ko kung paano ako tignan ni Heira nang sabihin iyon ni Yvanna ngunit nanatili lamang akong nakatitig sa kanila.

"Yvanna! Ang sama na ng tingin sa atin ni Inertia." Bulong ni Bratinella kay Smiley ngunit narinig ko naman.

Tumaas ang kilay ko. Ang mga babaeng ito talaga ay mga kakaibang nakikita sa akin. Kanina si Yvanna ang tingin sa akin ay nice and cute ngayon naman ang Heira na ito ay nakitang masama ang tingin ko sa kanila kahit na hindi naman nagbabago ang intensidad ng aking tingin sa kanila.

"Come on Inertia. Magsalita ka na." Pamimilit ni Yvanna.

I'm not obliged to speak so why would I bother. Wala namang nakasaad sa handbook na ibinigay sa akin na dapat ay magsalita ako at makisalamuha ng maayos sa mga kasama ko sa bahay. I can treat them as ghosts if I want to.

Kung paano nila nalaman ang pangalan ko ay itanong nyo sa pangalan na nakasulat sa harap ng mga pinto ng kwarto namin.

"We really need to stop na, Yvanna." pagsuko ng bratinella.

"Not until she speak."

Talagang napakakulit ng babaeng ito ayaw akong tigilan. Nakakainis na. So I decided to speak.

"What?" walang ganang tanong ko.

"O-Oh MY GOSH! She spoke Heira!" Gulantang na sabi ni Smiley.

Malalaki ang kanyang mga mata at mukhang gulat na gulat ganun rin ang bratinella. Seriously? Ano ba ang nakakagulat sa aking pagsasalita, kung umarte sila ay parang nagmilagro nang magsalita ako.

"W-What t-the hell?" di makapaniwalang tanong ni Brat.

"OMG! I love your voice Inertia." sinunggaban nya ako ng yakap.

Agad ko syang itinulak palayo sa akin. Ayoko sa lahat ang niyayakap ako, hindi ako kumportable.

"So where are your parents." Agad na tanong ni Smiley.

Kung makatingin sya sa akin ay para akong isang masarap na candy sa isang candy store at ganun na lamang kumislap ang kanyang mga mata.

"NOYB." I said.

NOYB which mean None of Your Business. I really like making shortcuts of words if I don't really like to talk.

"Is that a country? Haven't heard it before." si Brat.

Ito ang sinasabing himala. Ang babaeng simula pagpasok pa lamang dito sa bahay na ito ay walang ginawa kung hindi ay mag-conyo ngayon ay pantay na magsalita. Good Heavens.

"No." sagot ko. Bored

"Then what does NOYB mean?" tanong ni Yvanna.

She really find what I said fascinating, huh?

"None of your business." I said.

"Wow! You're so cool, Inertia." namamanghang sabi ni smiley

Seriously?

"Damn." Napamura ako.

Bakit ba ganito ang babaeng ito? Masyadong maganda ang lahat ng bagay para sa kanya at parang walang mali.

"D-Did you j-just c-cuss?" malalaki ang mata ni Brat.

Gah. She looks like a friggin owl ready to find a prey. Bakit ba gulat na gulat ang mga babaeng ito sa tuwing mayroon akong sasabihin?

"No." I said full of sarcasm.

"Do you know something about this school?" Napahiya sya kaya iniba nya ang topic.

"Bakit nga ba hindi nagpapansinan ang mga tao dito?" puno ng kuryusidad na tanong ni smiley.

Done with my life now, huh? Ngayon ay iba na naman ang pinagchichismisan ng mga babaeng ito. Hindi ba sumasakit ang mga lalamunan ng dalawang ito?

"Actually, Napansin ko na it's like girls and boys are enemies here." sabi ni Heira

That caught my attention. Napabaling ako sa kanila mula sa malayong tingin. Napansin rin pala nila iyon? So I'm not the only one.

"I've researched about this school but there is none other than this exclusive website that gives information about the school." nakakunot ang noo ni Yvanna.

"Why didn't you make pasok sa website?" Ayan na naman ang kakaibang lenggwahe ng Brat.

"Well, I tried but the website has so many firewalls. Kung ano mang makapasok doon ay hindi rin nagtatagal dahil sa isang virus na pumapasok sa software ng device na ginamit mo. In the end the virus corrupted my software." Sabi ni Yvanna

Kumunot ang noo ko. That kind of firewall is very familiar to me. No, It can't be. That firewall is so legendary and damn! ano ba ang pinoprotektahan ng paaralang ito? Bakit kailangan nila ng ganung firewall?

"W-What the heck?" the brat stuttered.

"I'm telling you it's so hard to kill the virus." Yvanna said matter of factly.

"Malcom Firewall." I barged into their topic.

Kung hindi nga ako nagkakamali ay Malcom Firewall nga iyon.

"W-hat?" naguguluhan na tanong ni Brat.

"A-ano, Inertia?" Sumunod naman si Smiley.

"Malcom Firewall, is a series of Firewall protecting a very high maintenanced data. Everything that breaks into the firewall is being killed by a virus. That virus targets the most vulnerable data of the software causing it to malfunction. Sinasabi rin ng iba na ang Malcom Firewall ang isa sa mga legendary Firewalls na mahirap talaga sirain, napapalitan daw ng unidentified letters ang data ng software, binary codes that is so complicated to read. After the malfunction the virus will spread and the device will totally shutdown. And the virus can do that in just a matter of 60 seconds. Hindi lang iyon, lahat ng nakasave sa device mo ay nakukuha ng virus at ito ay napupunta directly sa gumagamit ng firewall at lahat ng device na nakaconnect sa device na ginamit mo ay magkakaroon sila ng access." mahabang paliwanag ko.

"P-Paanong? S-Saan mo nalaman yan?" tanong ni Yvanna..

Nagamit ko na ang Firewall na yan dati at yan ang ginagamit ko sa lahat ng data ko dati. I was the one who invented that Firewall when I was in middle school. Alam ko ang lahat tungkol doon at alam ko rin ang hirap sa pagpatay ng virus na yun. It can cause the gadget to self destruct, it's like a bomb. Kaya tinigilan ko na iyon ngunit may bumili noon ng firewall na iyon sa akin sa malaking halaga, madali lamang ang tanggihan ang alok dahil marami naman akong pera at hindi ko na kailangan pa ngunit may iba pa palang hawak ang mga ito kaya ibinigay ko sa kanila ang Malcom Firewall. Maaaring ang may-ari ng paaralang ito ang bumili nun sa akin. Kailangan kong malaman. Kailangan kong macontact ang mga kasama ko dati. Bakit nila kailangan gamitin ang Firewall ko?

"It doesn't matter." sabi ko

"T-The gadgets.." kumunot ang noo ni Heira

"Anong Gadgets?" tanong ko

Nagulat ako ng tumakbo si Heira paakyat sa ikalawang palapag at agad ding bumalik dala ang isang malaking kahon.

"I-Ito." may kinuha syang cellphone at laptop sa loob ng box.

Kinuha ko ang mga ito. Nakakapagtaka dahil simula nang pumasok ako dito ay ang isa sa mahigpit na patakaran ng paaralang ito ay ang bawal magdala ng gadgets. Ang isa pa sa mga napansin ko ay may iisa lamang itong tatak sa likod. Apat na bilog.

Binuksan ko ang cellphone. Agad rin itong nabuhay, maayos pa at kung gumana ay parang normal na telepono lamang pero nagulat ako nang buksan ko ang Calendar app ay may nakita akong mga petsa na may nakamarka. Ang isa ay Bukas at ang isa naman ay 2 linggo mula bukas.

"Ano yan?" tanong ni Yvanna na nakatingin sa telepono mula sa likod ko.

Nagtataka na ako kaya naman ay pinatay ko ang telepono at binuksan ang likod nito para makuha ang baterya. Nagulat ako nang buksan ko ang likod ay nakita ko camera nito sa likod ay may pulang ilaw sa gilid. Tinanggal ko ang baterya ngunit patuloy pa rin sa pag-ilaw ang pulang ilaw sa gilid. Tinakpan ko ang camera at agad itong nawala ngunit nang tanggalin ko ang kamay na nakatakip sa camera ay muli itong umilaw. Isa lamang ang ibigsabihin nito. May nanonood sa amin gamit ang teleponong ito at ang baterya ay panlinlang lang dahil ang pulang ilaw ay simbolo kapag nagrerecord ka ng isang video.

Ang napansin ko rin sa paaralang ito ay bawat sulok ay mayroong nakalagay na CCTV camera. Tumingin ako sa taas at nakita ang CCTV na nakatutok sa amin. Pipanood nila ang mga galaw namin. Ano ba ang meron sa paaralang ito?

"Shit." I cursed.

"B-Bakit?" halos sabay na tanong nila.

Bahagya akong lumapit sa kanila at mahinang bumulong, ngumisi ako para hindi mapansin sa CCTV kung ano ang sinasabi ko.

"Pinapanood nila tayo sa CCTV."

Dahan-dahan rin silang napalingon sa CCTV sa itaas. Agad naman silang bumaling sa akin

"Damn those people." bulong ni Heira

"Why do they need to watch us?" Yvanna

"CCTV Camera is very essential to this school. This school is prestigious." Ani Heira

"But what if it's not just that?" tanong ko. Naghihinala.

"Kahit saang school naman may mga CCTV na di ba?" Maarteng sabi ng brat.

"But this house should be our privacy. They shouldn't invade our privacy, right? Tsaka bakit pati gadgets na ibinigay nila ay may camera? And come on. Sabi mo nga prestigious ang paaralang ito meaning mga prestigious din ang mga tao at wala naman sigurong makakapasok na magnanakaw dito di ba? I mean, if the firewall is that strict then the security here must be more strict since this is the school premises and they wouldn't want scandals aight?" Yvanna said

May point si Yvanna. Minsan pala ang smiley na ito ay pwede ring maging seryoso at hindi ko maipagkakaila na matalino sya. Madali syang makapag-isip at makaintindi ng mga bagay. She's logically fine. At para sa isang katulad nya na makapasok sa Malcom Firewall ay isa nang napakalaking achievement at konti lamang ang nakakagawa nun.

"Whatever is the reason still We need to keep safe." Kunot-noong sabi ko.

"We should stick together then." sabi ni Heira

Ang babaeng ito naman ay hindi ko alam kung ganyan na talaga sya o may tinatago syang iba. Napakaarte naman kasi magsalita at napakasakit sa tenga ng boses.

"Hindi natin alam kung anong meron sa paaralang ito, Hindi tayo nakakasigurado na magiging ligtas tayo kapag pinapanood tayo minsan pinapanood nila tayo para mas madali tayong ipahamak." tiningnan ko sila sa mata.

"Pero ngayon kailangan muna nating makahanap ng lugar sa bahay na ito na walang nakatutok na CCTV." sabi ni Yvanna.

Naghiwa-hiwalay kami at nagkunwaring may ibang gagawin. Una kong naisip na puntahan ay ang CR dahil magiging kahina-hinala kung pati ang banyo ay lalagyan nila ng camera. Nasisiguro ko na walang CCTV camera doon.

Naglalakad ako ngayon sa may hallway patungo sa CR nang maramdaman kong may nakasunod sa akin, nang lingunin ko sya ay natabig nya ang vase na nakapatong sa lamesa. Sa tantya ko ay labing limang segundo ay mahuhulog ito ng tuluyan sa sahig dahil sa medyo mabigat ito ay mas malakas ang pull of gravity dahilan upang mas mapabilis ang pagbagsak nito. Mabilis akong gumalaw at hindi hinayaang mahulog ito sa sahig, sinalo ko ito gamit ang isang kamay ko.

"Mag-iingat ka." sabi ko kay Yvanna.

Ibinalik ko ang vase sa kinalalagyan nito at tumalikod kay Yvanna na may kakaibang tingin sa akin. Umiling na lamang ako at dumiretso sa CR. Binuksan ko ang pinto at kasunod naman ay ang ilaw. Nakita ko sa itaas na sulok sa kanan ang isang bilugang bagay. Damn! Naglagay sila ng camera pati dito?

Isinara ko ang pinto at nagkunwaring iihi. Dahan-dahan akong lumapit sa toilet bowl, hinubad ang pangbaba at umupo dito. Marahan kong sinuri kung hanggang saan lamang aabot ang makukuhanan ng CCTV camera.

Ang banyong ito ay hindi ganun kaliit at may kalawakan. Kung ang camera ay nasa itaas na kanan na bahagi marahil ay nakatapat ito sa kaliwang sulok kaya dito lamang nakatutok ang focus ng camera. Napangisi ako sa aking isip.

Ilang segundo lamang ay umalis na ako sa pagkakaupo at agad na lumapit sa kanang bahagi ng banyo. Dahan dahan ang aking galaw habang nakadikit sa pader sa paglalakad. Tama nga ako. Hindi covered ng CCTV ang buong banyo at nasa may kaliwang parte lamang ang focus nito. Kung gagalaw kami sa blind spots ay hindi kami makikita. Marahil ay makahanap pa ako ng ibang blind spots sa ibang parte ng bahay.

Mabilis akong naglakad palabas ng banyo at hinanap ang dalawang kasama ko sa bahay. Sakto naman na nagkatagpo kami sa gitna ng corridor.

"It seems like this whole house is covered with CCTV." sabi ni brat.

Agad na sumang-ayon sa kanya si Smiley.

"Blind Spots." sabi ko.

Sabay nila akong tiningnan na parang lumunok ako ng labinlimang tasa. Nakakunot ang kanilang mga noo at mukhang nagtatanong.

"This house is covered with CCTV but if you move in the blind spots you're moves can't be seen. Nothing is perfect, Just like how people have abilities and disabilities you just need to figure this out." paliwanag ko.

Kaagad ngumiti si Smiley sa akin. It seems like something snapped in her head.

"You're right. Kung wala ngang lugar sa bahay na ito na walang CCTV magiging essential sa atin ang blind spots."

"Okay. But do we need to act like we do know nothing?" tanong ni Heira.

Tumaas ang kanyang kilay..

"We need to keep what we know only to ourselves." by that I turned my head and went to my room.

This day is just so tiring. Damn it! Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at bumuntong hininga. Maraming itinatago ang paaralang ito at sa mga natuklasan ko mas naghihinala ako at lumalalim lalo ang pagtataka ko. Kailangan kong malaman ang sagot sa mga tanong na naglalaro sa isipan ko.

I stared at the ceiling and saw on my peripheral view a stuffed bear animal sitting nicely above my cabinet. Tumalim ang mata ko habang tinititigan ang bagay na iyon. Kahit kailan ay hindi ko nahiligan ang mga stuffed toys kaya nakapagtataka na mayroong gnun dito sa kwarto ko. Tiningnan ko kung saan ito nakalagay at nilibot ang paningin sa buong silid. Walang CCTV.

Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa Teddy bear. Pumwesto ako sa baba ng mismong teddy bear at pinagmasdan ang paligid. hmm. Ang pagkakalagay sa teddy bear sa itaas ng aparador ay sinadya. Enough to see the whole room. Matalino ang may gawa nito pero sinanay ako sa ganito.

Inabot ko ang teddy bear mula sa itaas at hinila ang dalawang mata nito. Hindi na ako nagulat nang makitang may wire na nakakabit dito. A camera inside a bear. Ginamit nila ang stuffed toy para magmanman dahil alam nila na magtataka kami sa dami ng CCTV sa bahay na ito. Genius.

Itinapon ko ang teddy bear sa labas ng bintana at dinurog ang mmga mata nito upang makasigurado. Genius wildcats!

-------

Nagising ako sa kaluskos na naririnig. Iminulat ko ang aking mata at nakita na lamang ang papaalis na bulto ng isang tao na tumalon mula sa aking bintana. Tinakbo ko ang distansya ng kama at bintana ngunit hindi ko naabutan. Marahas na hinampas ng hangin ang aking mukha nang makarating ako sa tapat ng bintana.

"Damn it!" matigas kong mura.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height