+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Chapter 2: Chaos Year

Inertia's POV

Nakarinig ako ng katok sa aking pinto dahilan upang magising ako. Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto ng aking kwarto.

Nagulat ako nang bumulusok sa aking harapan at diretsong sumubsob sa sahig ang mukha ng isang bratinella. Ano na naman kaya ang ginagawa ng mga babaeng ito at binulabog ang pagkakatulog ko?

Tumingin ako kay Smiley at nakitang nakangiti na naman ito sa akin habang nakapeace sign. Umiling na lamang ako dahil sa kanilang ginawa. Ang aga-aga ay ginugulo ako ng mga babaeng ito kung ganito lang rin naman sila sa buong stay ko sa paaralang ito ay baka bukas na bukas din ay magdrop ako sa kadahilanang hindi nakatulog ng maayos dahil sa dalawang makukulit na babae.

"Ano ba ang kailangan nyo?" nakakunot ang noo ko.

Tumayo si Heira mula sa pagkakasubsob at sinakal si Yvanna. Wow. Bonding. Nahiya naman ang presensya ko ako na ang binulabog ako pa ang maghihintay ngayon na matapos ang drama ng dalawang ito. Sumandal ako sa hamba ng pintuan habang pinapanood kung paano sakalin ni Heira si Yvanna at si Yvanna naman ay pilit na tinatanggal ang kamay nito na nasa leeg nya. Parang mga bata.

Natumba na sila sa sahig dahil sa kanilang ginagawa ngunit parang wala ako dito at wala silang pakialam sa akin. Natuloy sa wrestling ang kanina ay sakalan lamang. I'm laughing my ass off because of their position but I managed to show a straight face. Nakahiga si Yvanna sa sahig habang si Heira naman ay nakapatong sa kanya at hawak hawak ang isa nyang binti. Pilit na sinusuntok ni Yvanna si Heira sa mukha ngunit hindi nya ito matamaan kaya hinila nya ang buhok ni Heira na naging resulta ay mabitawan nya ang hawak na binti ni Yvanna at sya naman ngayon ang mapahiga sa sahig. Ngayon ay hineadlock sya ni Yvanna habang hawak ang isa nyang braso.

Hindi ba nagkakasakitan ang mga babaeng ito? Para silang mga lalaki baka naman mga transgender ang mga ito at nililinlang lamang ako?

Nawala ang aking mga iniisip nang marinig ko ang malalakas na tawa nila. Tiningnan ko sila habang nakaupo sa sahig at parehong hinahabol ang hininga habang malakas na tumatawa kahit na hinihingal, ang pawis ay marahas na tumutulo mula sa kanilang mga noo.

"Tapos na ang harutan ninyo?" tanong ko..

Pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib.

"Ay nandyan ka pala Inertia." tumayo si Smiley.

At talagang nagtaka sya, sila ang nambulabog sa maganda kong tulog tapos ako ang tatanungin nila. Bakit nga ba hindi na lamang ako pumasok sa loob ng kwarto at hinintay ko pa ang mga ito?

Akma na akong papasok sa loob ng aking kwarto nang pigilan ako ng dalawa.

"Ang KJ naman." narinig kong sabi ng bratinella.

Humarap ako sa kanila at bored silang tinignan. Naabutan kong tumatayo si Brat.

"a-ahm I-Inertia.. Anong schedule mo?" tanong ni Yvanna.

Pumasok ako sa loob ng aking kwarto at kinuha ang papel na nakadikit sa aking memo frame at agad na bumalik sa labas at ibinigay sa kanya ang aking schedule. Hindi ako chismosang babae kaya bahala sya sa kung ano ang gagawin nya sa schedule ko.

"Oh ayan." Sabi ko.

Tiningnan nya ito at tila nagliwanag ang kanyang mga mata sa nakita. Si Bratinella naman ay nakangiti habang tinitingnan rin ang aking schedule sa gilid ni Smiley.

"Pare-pareho pala tayo ng oras ng first class."

Alas diyes ang first class ko kaya hindi ako gumising ng maaga, ganun din pala sila. Ibigsabihin ay pare-pareho lamang kami ng year level at section.

"Anong year level at course?" tanong ni Heira

"4th year level, Business Administration." sabi ko.

"Pareho pala tayo." masiglang sabi ni Yvanna.

Sinasabi ko na nga ba. Akala ko talaga ay mas bata sa akin ang mga babaeng ito. Kung umasta kasi sila ay parang hindi 4th year college. Parang mga bata.

Tinaasan ko na lamang sya ng kilay. Ineexpect ba nila na matutuwa ako dahil pareho kami ng year level at ng course? Hindi ako natutuwa dahil ibigsabihin ay isang buong taon na kasama ko sa loob ng silid aralan ang dalawang ito. Simula bahay hanggang classroom ay puro mukha lamang nila ang makikita ko.

"Sabay na tayong kumain." pag-anyaya ni Heira sa akin.

Sabay sabay kaming bumaba at nagtungo sa hapagkainan. Nang makarating sa dining area ay nakita kong nakahanda na ang mga pagkain. Mayroong bacon, toasted bread, sinangag, itlog at hotdog, the normal breakfast. Anong oras na kaya? Bakit parang ang aga naman magising ng mga ito.

I glanced at the wall clock in the dining area and saw that it's just 8:30 am. Hindi na pala ganun kaaga.

Isa-isa kaming umupo sa mga upuan at nagdasal bago kumuha ng pagkain. Tiningnan ko ang dalawa na kung sumubo ay parang wala nang bukas at parang mauubusan, napakarami pa nang nakalagay na pagkain sa kanilang mga pinggan. Grabe pati ang pagkain ay parang hindi sila mga babae. Mga bitukang lalaki rin pala ang mga ito.

Kukuha pa sana si Yvanna ng hotdog nang mamataan ang mga titig ko sa kanilang dalawa. Bahagya syag natigilan.

"Inertia, Bakit hindi ka kumakain? Kumain ka ng marami. Hindi ba masarap ang luto ko?" tanong nya

Kung makapagtanong ito kung hindi ba masarap ang kanyang luto ay parang isang napakakomplikadong putahe ang nasa hapagkainan namin eh tanging mga processed foods lamang ang mga ito.

Tiningnan ko si Heira na busy pa rin sa pagkain. At kung talagang hindi masarap ang pagkain, bakit kung kumain ang bratinella ay parang luto ito ng isang master chef?

Hindi ko sinagot si Smiley at susubo na sana nang biglang tumunog ang doorbell ng bahay. Nag-angat ako ng tingin sa dalawa. Nagkatinginan kami si smiley, si bratinella naman ay nabilaukan yata sa kinakain agad naman syang binigyan ni Yvanna ng tubig. Napakasiba kasi.

Ni Hindi ko pa nababawasan ang aking pagkain ay may makikigulo na naman?

"Ako na ang magbubukas ng pinto." suhestiyon ni Heira nang mahimasmasan.

Umalis sya sa pagkakaupo at nagmartsa patungo sa pinto. Sinundan namin sya ni Yvanna bumungad sa amin ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa mid50's mukhang mataray, nakasuot ng salamin at may kasamang dalawang lady guard.

Ang babae ay nakasuot ng pula na corporate attire isama mo na doon ang isang clip sa kanyang hanggang balikat na buhok na kulay pula rin. Hindi mo rin mahahalata ang paborito nyang kulay, ano?

"Goodmorning ladies." bati nya sa amin.

Ang dalawang kamay nya ay nasa likod at nakatingin lamang sya ng diretso sa aming tatlo.

"What do you want ba?" maarteng tanong ni Brat.

Umiral na naman ang masakit sa tenga nyang boses at ang kakaiba nyang lenggwahe.

"I am Ms. Dandelion Wolvski, I'm one of the coordinator of your batch." pagpapakilala nya.

"So?" unang beses kong nakitang mataray si Yvanna.

What has gotten into her? Simula nang makita ko sya ay lagi syang nakangiti ngunit ngayon ay parang iba yata ito.

"I just want to inform you that before 9:30 am you should be at the Gym for the Orientation. And here." May inabot sya sa akin na isang box.

Kinuha ko ito mula sa kanya. Pinakatitigan ko ang box na kulay itim. Ano naman kaya ito? Kailangan ko nang mag-ingat ngayon lalo na't alam kong may kahina-hinalang nangyayari sa paaralang ito.

"That is a box from your mother and your car is already parked infront of your gate." Napabaling ako sa kanya.

Sasakyan? Mabuti naman dahil sigurado ay aabutin kami ng pasko kung maglalakad lamang kami sa laki ba naman ng campus na ito, pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang sinabi nyang kahon mula sa aking ina? Bumilis ang tibok ng aking puso at nararamdaman ko na ang bara sa aking lalamunan. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko sya. Masakit isipin na ang taong sandalan mo ay mas piniling magsakripisyo. Bumabalik na naman sa akin ang nakaraan at ayoko ng ganito.

"Anyways, that will be all and have a good morning everyone." Mabilis syang umalis.

Ngunit bago sya umalis ay nahagip ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Isinara naman ni Brat ang pinto nang padabog.

"Pupunta-punta dito tapos yun lang naman pala ang sasabihin." mainit pa rin siguro ang ulo nito dahil sa nabulilyaso nyang pagkain.

Napakatakaw pala nito? Ang akala ko nung una ko syang makita ay puro kaartehan lamang ang kaya nyang gawin at mukha syang isang sopistikadang babaeng adik sa pagdadiet.

"Ano yan Inertia?" tanong ni Yvanna.

Tiningnan ko ang box na hawak. Kahit ako ay hindi ko alam na may iniwan palang ganito ang aking ina sa akin. May alam ba sya dito?

"IDK." umiling ako.

Agad naman syang tumango na parang naiintindihan nya. Naglalakad ako patungo sa hagdanan nang tawagin nya ako. Kailangan kong malaman ang laman ng kahon na ito.

"Hindi ka ba kakain?" tanong nya.

Nakatalikod ako sa kanya at nakaisang hakbang na sa hagdanan.

"Wala akong gana." sabi ko at dumiretso na paakyat sa aking silid.

Nang makapasok sa aking silid ay sinigurado ko na nakalock ang pintuan. Binuksan ko ang box at natagpuan na laman nito ay isang mapa. Mukhang mapa ng paaralang ito, Bakit naman ako bibigyan ng aking ina ng mapa? May kasama itong isang flashlight, binuksan ko ito at agad na nagliwanag ang kulay asul nitong ilaw. WTF? Bakit ako bibigyan ng flashlight? Ngunit ang naka-agaw ng aking pansin ay isa pang maliit na box sa loob nito. Agad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang isang kwintas na may bilog na locket pendant. Kinuha ko ito at binuksan ang pendant. Tumulo ng kusa ang aking mga luha sa nakita. Kaming dalawa ito ni Mommy noong bata pa ako. Nakangiti kami sa litrato na tila ay walang iniindang problema.

I miss her.

Pinalis ko ang luha mula sa aking mga mata na walang tigil pa rin ang pagtulo. Hinawakan ko ang aking kaliwang dibdib sa tapat ng aking puso.

'Ma mahal na mahal kita pero kinailangan kitang kalimutan upang mabuhay ng masaya at hanggang ngayon ay di ko pa rin kaya. Nilulunod ako ng nakaraan at hindi ko alam kung ako ay makakaahon pa sa tuwing naaalala kita.'

Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha sa aking pisngi at patuloy rin ako sa paghikbi ng tahimik. 'Patawad'

Isinuot ko ang kwintas at hinawakan ito kasabay ng pagbagsak ko sa malambot na kama. Tama nga siguro sila. Mahina ako pero kahit kailan hindi ako nagtapang-tapangan. Itong locket na ito ay iniwan sa akin ni Mama.

Habang umiiyak ay tahimik akong nangangako na hindi ko pakakawalan ang kwintas na suot dahil nandito man ang alaala ng nanay ko na pilit kong tinatakasan ito rin ang nagsisilbing lakas ko ngayon upang umusad sa hinaharap.

----

Alas nuebe nang bumaba ako mula sa aking silid. Sinigurado ko muna na maayos ang aking hitsura at hindi namamaga ang aking mata sa pag-iyak.

Wala pa ang aming mga uniform kaya nagsuot ako ng itim na tank top na naka-tucked in sa high waist na pantalon at ang aking jacket na kulay army green. Pinarisan ko ito ng aking brown leather ankle boots. Dinala ko rin ang aking headset at inilagay sa aking backpack dahil paniguradong guguluhin na naman ng dalawang babae ang buhay ko. Hinayaan ko ring lumugay ang aking mahabang pantay na buhok.

Nang makababa ako sa hagdan ay naabutan ko ang dalawa na nakaupo sa sofa. Tumayo sila nang maramdaman ang presensya ko na naging dahilan upang makita ko ang kabuuan nila.

Si Yvanna ay nakasuot ng isang simpleng puting dress na pinarisan ng denim jacket nakasuot sya ng sling bag at converse shoes. Samantalang ang brat naman ay nakasuot ng peach na blouse, ripped jeans, hand bag at high heels stilletos. Brat talaga.

"Inertia, hindi ka ba talaga kakain?" nagaalalang tanong ni smiley.

Bakit parang napakadali sa dalawang ito ang magtiwala sa mga taong ngayon lamang nila nakilala. Kung umasta sila ay parang matagal na kaming magkakaibigan at grabe sila kung mag-alala.

"Oo nga may oras pa naman." segunda ni Brat.

Umiling na lamang ako. Minsan ba hindi nila naisip na baka isa akong patibong? Na masama ako? Kasi simula pa lamang ay positibo na ang tingin nila sa akin.

Nagulat ako nang lumapit si Yvanna sa akin at ikawit ang kanyang braso sa akin na parang matagal na kaming close. Bakit sa kanila madali ito pero sa akin hindi? Bakit hindi ko kayang magtiwala ng mabilis sa isang tao?

Mabilis akong lumayo sa kanya at tinaggal ang pagkakakawit ng kanyang braso sa akin. Hindi ako kumportable. Nakita ko ang mata nyang mukhang bigo and I swear my heart melted at the sight of her pouting her lips and lost eyes. Ang reaksyon nya ay parang isa syang bata na inaway ko. WTF?

Lumapit naman sa kanya si Heira at agad na hinila sya palabas. Nasa unahan ko sila habang naglalakad patungo sa labas ng bahay. May parang binubulong sa kanya si Heira na wala akong pakielam kung ano at wala akong balak malaman.

Natatanaw ko na ang kotse sa labas ng gate. Kulay pula ito na sedan. Kahit ang kotseng ibinigay ng babaeng pula na iyon ay pula rin ang kulay? Napakasakit na sa mata. Ano ba ang problema nya sa kulay pula at parang galit na galit syang laging makita ang kulay na iyon?

Ako na ang nag-lock ng gate. Wala naman sigurong magnanakaw sa paaralang ito hindi ba?

Nang masigurong naka-lock na ito ay sumunod ako sa kanilang dalawa sa kotse. Nakatayo lamang sila sa tapat ng kotse at parang ngayon lamang sila nakakita niyon. Seriously

"Pasok na."

"A-Ah Inertia. Marunong ka ba magdrive ng kotse?"

Tumango ako at tinaasan sya ng kilay parang nahihiya nyang ibinigay sa akin ang susi. Kinuha ko naman ito.

"Hindi kasi ako marunong mag-drive ng kotse." nahihiyang sabi ng brat.

Talagang brat nga ang babaeng ito. Siguro ay sanay itong may driver at hindi na naman nya kailangan magdrive kung talagang mayaman sya. Siguro nga ang katulong sa bahay nito ay sobra pa sa sampu. Brat.

"Sakay na." Iminuwestra ko sila papasok sa loob ng kotse.

Sumakay ako sa driver's seat habang ang dalawa naman ay sumakay sa likuran. Damn. Ginawa pa akong driver ng dalawang ito ah. Tiningnan ko sila mula sa rearview mirror at nahagip ko ang mata ni Yvanna parang naiintindihan niya ang iniisip ko at lumabas sya mula sa likod at umupo sa passenger's seat. WTF is that? I didn't change anything in my stare paano nya nalaman?

Inistart ko na ang kotse ngunit hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Yvanna. Hindi ko ito ipinahalata at diretsong nagdrive lamang.

Yvanna's POV.

Tiningnan ko ang daang tinatahak namin at tama ito. Paanong nalaman ni Inertia ang daan patungo dito? Sa pagkakaalam ko ay transferee rin sya dito.

Kumunot ang noo ko at bumalik ang mga nangyari kagabi. Kung gumalaw sya ay parang kabisado nya ang buong lugar at gamay na gamay nya ang mga galaw nya. Kung paano nya nalaman ang kung anong meron sa gadgets ay hindi ko rin alam. Parang lagi syang sigurado sa mga ginagawa nya. Posible kayang may alam sya sa paaralan na ito na hindi namin alam?

Pero imposible, iba ang nakikita ko sa mga mata nya. Wala akong nakikitang kasinungalingan o kung ano man. Hindi pwede. Umiling ako at tinanggal sa isip ang mga bagay na iyon.

"Sorry Inertia, Hindi rin ako marunong magdrive ng kotse." paghingi ko ng paumanhin.

Ang totoo ay marunong ako magdrive ng kotse ngunit masyado itong mabilis at hindi ko kaya magpatakbo ng kotse kapag mabagal. Ayokong makita nila iyon ngayon kaya minabuti ko na lamang na hayaan na magdrive si Inertia.

Tiningnan ko si Inertia at nanatili itong walang reaksyon na parang hindi narinig ang mga sinabi ko. Honestly, natutuwa ako sa kanya sa hindi malamang kadahilanan parang pakiramdam ko kasi ay totoo syang tao. Nakakabilib rin sya kasi anggaling nya magtago ng emosyon na halos wala ka nang makikita sa mata nya kung hindi blanko, parang papel na walang sulat ngunit alam kong ang mga iniisip nya ay tinatago nya lamang.

Hindi ko na lamang siya pinansin. I know she'll open up with us we just need to push a little more. Tiwala lang.

Nang makarating kami sa parking lot ay nakita ko na ang kumpulan ng mga babae sa gilid at mga lalaki sa kabila. Talaga bang hindi nagpapansinan ang mga babae at lalaki dito? Bakit ba napakaweird ng mga tao dito?

Lumabas na kami mula sa sasakyan nang maipark na ito ni Inertia. Yumuko ako nang makitang nakakuha kami ng atensyon mula sa mga tao. Naramdaman ko ang mga mapanuri nilang tingin sa amin.

Ang dalawa naman ay nauna nang maglakad sa akin. Hinabol ko silang dalawa ngunit napakabilis maglakad.

"Hintayin nyo ako!" mabilis kong tinakpan ang bibig ko.

Bakit ba naman kasi napakalakas ng bunganga ko? Napalakas tuloy ang pagsigaw ko at ngayon mas tinitingnan ako ng mga tao. I stilled when I caught one particular pair of eyes staring at me.

His eyes are deep and has no emotion which somehow reminded me of Inertia but then this guy is different, the longer I stare at his eyes the deeper I drown. Hindi ko kaya ang intensidad ng tingin nya kaya ako rin ang nag-iwas ng tingin. For the first time in forever I can't read someone's mind through his eyes.

Anong meron ang lalaking iyon? Natauhan ako nang marinig ang ingay ng mga estudyante. Hala! Hinanap ng mga mata ko sina Inertia ngunit hindi ko sila makita. Nasaan na sila? Nakita ko na pumapasok na ang mga estudyante sa loob ng gym kaya sumabay na rin ako sa pagpasok.

Nang makapasok sa gym ay namangha ako sa laki nito. Maaari itong pumasa bilang isang dome sa laki. Ngunit ang mas nakamangha sa akin ay sa kung gaano ka-organized ang pagkakahiwalay ng mga babae sa lalaki. Ang mga lalaki ay nasa kaliwang parte habang ang kanang parte naman ay para sa mga babae. WOW.

Nawala ang titig ko nang may bumangga sa akin mula sa likuran. Bumaling ako sa bumangga sa akin at nakita ang isang babaeng nakasuot ng glasses, puting blusa at mahabang palda. Yakap nya ang kanyang libro na parang anytime ay malalaglag ito.

"S-Sorry." Tiara stuttered.

Sya ang cute na babae na tinulungan ko kahapon nang makarating ako dito. Ang cute nya pa rin. Yun nga lang ay medyo kakaiba yata ang fashion nya? So far from her bitchy attitude.

"It's okay Tiara." I patted her head.

Mukha syang mabait na babae kung titingnan mo. Kung paano rin sya gumalaw ay parang sya ang klase ng babae na laging binubully ng mga tao pero hindi. I can read through her eyes.

Paalis na sana ako nang hawakan nya ako sa braso. May pagkahigpit iyon kaya bumaling ako sa kanya.

"P-Pwede bang s-sama n-na lang a-ako s-sayo?" she stuttered again.

She's a bad actress afterall. She can't fool me, masyadong pilit ang kanyang pagsasalita nang hindi tuwid. I don't get why she have to do it.

Hinawi ko ang kanyang mga kamay sa aking braso at tiningnan sya sa mata.

"Sorry Tiara ha? Pero sa tingin ko ay makakahanap ka pa ng pwede ka samahan kasi may mga kasama na ako." mabilis akong umalis.

Ayokong makaharap ang mga taong plastik. Agad kong hinanap kung saan sina Heira at Inertia. Nakita ko sila sa may gitnang parte ng mga nagkalat na upuan. Magkatabi sila. Si Inertia ay nakatingin lamang sa harap at may nakasuot na earphones sa magkabilang tenga habang si Heira naman ay busy sa pananalamin.

Lumapit ako sa kanila at agad na hinila ang buhok ni Heira. Walang hiya ang babaeng ito itinuring ko syang kaibigan pero iniwanan nya lamang ako.

"Ouch! Yvanna you're pulling my buhok." ganyan talaga ang babaeng iyan kapag hindi naririnig ni Inertia pero nasanay na rin naman ako sa conyo nyang lenggwahe at cute kaya!

"Iniwanan mo ako! How dare you! Itinuring kitang kaibigan at kapatid pero anong napala ko?" pinahid ko ang kunwaring luha sa aking pisngi.

"Duh. Inertia make iwan ka rin kaya." Inirapan nya lamang ako.

"Pero mas cute sya sayo kaya pinapatawad ko na sya." I made a face.

Umupo ako sa upuan na katabi ng kanya at ipinatong ang bag sa aking lap.

"Maganda ako." buong pagmamalaki nyang sabi.

At talagang nagbubuhat ng sariling bangko?

"Iiyak na ba ako?" pang-aasar ko.

Muli ay inirapan nya ako at nagpatuloy na lamang sa pagaayos sa kanyang sarili. Natawa na lamang ako dahil laging barado sa akin si Heira.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay tumahimik ang buong gym dahil sa pagdating ilang mga tao. Naglalakad ngayon patungo sa stage ang dalawang lalaki na mukhang nasa 50's at 3 babae kasama na ang principal. Mukha silang mga kilalang tao sa eskwelahang ito dahil may kasama silang mga bodyguard.

Umakyat sila sa stage at isa-isang sinakop ang mga upuan rito. Ngayon ko lamang napansin na sa gitna ng stage at may sampung upuan. Bakit kaya lima lamang ang narito ngayon?

Tumayo ang lalaki na medyo mataba at may katamtaman lamang na tangkad sa harap ng mikropono. Nakasuot sya ng isang formal suit at blanko lamang ang kanyang mukha. Ang kanyang buhok ay halatang kinulayan lamang ng blonde.

"Good Morning everyone." pauna nyang bati.

I can sense coldness in his voice and in his stare. I shivered. Sabay sabay na bumati nang magandang umaga sa kanya ang mga estudyante kabilang na ako.

"I am Patrick Buenio and I am one of the major stockholder's of this school." pagpapakilala nya.

Patrick Buenio? I think I heard that name before hindi ko lamang matandaan kung saan.

"This is Mr. Ernest Davidson a major stockholder. Ms. Miranda Hughes the school Vice President. Ms. Karen Salmo a major stockholder and ofcourse Ms.Adelia Salazar the School Principal. The President and other officials of the school can't attend for some important reason but we will make sure to give to you the informations you might need."

May Presidente pala ang paaralang ito? Bakit naman hindi ito nagpakita ngayon?

"We are here to orient you about this school. As you all know this school is very prestigious so you are safe here. We ensure you that we'll give you quality education at it's finest with the facilities and ofcourse the advance teachings our school offers." I can't see something in his eyes but surely I can sense something in his tone. A lie? Are we really safe here?

"But ofcourse this school has rules but we only have a few. Break the Rules and Suffer the Consequences. I will discuss the most important rule. First rule is No GADGETS are allowed here. Ofcourse inorder to study well we must get rid of hindrances that might affect our mental health and ability. For the people who don't already know you'll stay here inside the campus to study for a year, you already have your houses that can only be shared by three persons. Don't worry about the researches because you can use our e-laboratory. Second Rule is you must stay inside the school premises for as long as we say. Third rule is you should not talk nor interact with the opposite sex, we don't tolerate romantic relationships in this school because we have a reputation to protect."

Bakit parang pakiramdam ko meron pang ibang dahilan kung bakit hindi nagpapansinan ang mga babae at lalaki dito?

Kasunod nun ay ang principal naman ang nagdiscuss ng tungkol sa iba pang mga rules na hindi naman ganun ka-importante dahil matagal na naming alam ang mga yun kagaya ng 'No Littering inside the campus.'. Mabilis lamang natapos ang Orientation dahil mayroon kaming klase.

Nasa loob kami ng classroom ngayon at kasalukuyang nagdidiscuss ang isang boring na propesor. Ang kanyang buhok ay halos maubos na sa gitna at nakasuot sya ng salamin. Nakakabilib rin ito eh! Kahit halos lahat ay hindi nakikinig sa kanya patuloy pa rin sya sa pagsasalita na parang interesadong-interesado kami sa history ng paaralang ito.

Halos marinig ko na ang hilik ng mga kaklase ko marahil ay sa sobrang boring ng klase ay nakaidlip na. Nilingon ko ang katabi kong si Heira at nakitang sapo ng kanyang kamay ang kanyang pisngi habang pinipilit na huwag mahulog ang kanyang pilik-mata. Nakakatawa!

Nang lingunin ko naman si Inertia na mas ginustong umupo sa likuran at hindi kami tabihan ay nakita ko syang nakayuko sa kanyang desk habang suot ang earphones sa magkabilang tenga. Napailing na lamang ako at humarap sa aming propesor.

Patuloy pa rin sya sa pagsasalita but then my world stopped, my heartbeat became fast and I shivered when I heard his last words before the bell rang.

"Ang Chaos Year."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height