Empire University: CHAOS YEAR (BOOK 1)/C5 Chapter 3: First Encounter
+ Add to Library
Empire University: CHAOS YEAR (BOOK 1)/C5 Chapter 3: First Encounter
+ Add to Library

C5 Chapter 3: First Encounter

Inertia's POV

Napakaboring ng naging klase kanina kaya isinaksak ko ang headset sa aking tenga at di namalayang tapos na ang klase dahil nakatulog pala ako. Mabuti na lamang at nasa may likuran ako nakaupo at hindi napansin ng boring na professor.

"Inertia, sabay sabay na tayo maglunch ha?" masiglang tanong ni Smiley habang papalabas kami ng silid aralan.

Tumango lamang ako at nauna nang maglakad sa kanila. Ilalagay ko muna sa aking locker ang mga gamit at kukunin doon ang mga libro para mamaya na kanina ay nilagay ko doon bago pumasok sa klase.

"We'll wait for you!" sabi ni Brat.

Ikinaway ko na lamang ang aking kamay habang nakatalikod sa kanila.

Naglalakad ako patungo sa mga lockers nang makabangga ko ang isang grupo ng mga babae dahilan upang matumba ang isa sa kanila at mapaatras ako.

"Tumingin kayo sa dinadaanan ninyo." Sabi ko.

Wala akong oras upang makipaglaro ng banggaan sa kanila.

"At sa tingin mo sino ka?" Tumayo ang babaeng natumba.

luminga-linga ako sa paligid at muling ibinalik sa kanila ang aking paningin. Ang mga mukha nila puno ng palamuti at nakakairita ito tignan. Ang kanilang mga mata ay parang luluwa sa kapal ng mascara, eyeliner at eyeshadow habang ang kanilang mga labi naman ay tila nagdurugo sa pula ng mga lipstick. Proves that too much use of make-up is dangerous.

Kung tumingin pa sila ay parang hindi false ang mga eyelashes.

"You wouldn't want to know me." malamig na tugon ko.

Handa na akong umalis ngunit hinarangan nila ang daraanan ko.

"Huwag kang mayabang, baguhan!" tinulak ako ng isa sa kanila.

Hindi nya ako matulak. Ang babaeng ito, hindi nya alam ang ibigsabihin ng mayabang.tsk. Pity her.

"Tabi."sabi ko.

Tinawanan lamang nila ako. Ang weird ng mga babaeng ito, Tumatawa kahit wala akong sinabi na nakakatawa. I didn't know that this school is a mental institution.

"Anong pinaglalaban mo?" hilaw na ngiti ang iginawad sa akin ng babaeng mukhang leader nila.

Ako dapat ang nagtatanong nun ah? Bigla na lamang nila ako tinambangan dahil sa nabangga ko sila? Irrational people.

"Gusto yata makatikim nito ng isa eh." sabi ng babaeng may makapal na lipstick.

"Don't mess with us." they warned me at talagang sabay-sabay pang magsalita.

"Okay." sabi ko

Nagulat na lamang ako nang makaramdam ng suntok sa aking kanang pisngi. Masama kong tiningnan ang babaeng may gawa nun ngunit ngumisi lamang sya sa akin. Nasundan na naman iyo ng isa sa aking kaliwang pisngi. Napakawarfreak ng mga babaeng ito! Hindi naman malakas sumuntok.

Patuloy lamang nila akong sinuntok hanggang sa dumugo ang gilid ng labi ko. Ang napansin ko ang leader nila ay nasa gilid lang at parang walang pakielam. Nakakainis na! Ano ba ang ginawa ko sa mga babaeng ito.

Pinunasan ko ang gilid ng labi ko na dumudugo at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay. Hindi ko dapat pinapatulan ang mga ganitong klase ng tao.

"Tumigil na kayo." sabi ko

"Ano? Natatakot ka na?" tanong ng isang babaeng may bangs hindi naman bagay sa kanya.

I wish natatakot nga ako sa kanila kaya gusto ko na tumigil sila pero hindi. Ayoko ng away dahil ayoko na maulit ang dati. Natatakot ako sa mga buhay nila dahil kapag pinatulan ko sila alam ko na ang mangyayari. Ayoko na ulit makapatay kaya mas mabuti na huwag na lang sila patulan. Titigil naman siguro sila.

Nagulat ako nang suntukin ako ng leader nila direkta sa mukha ko dahilan upang matumba ako at sapuhin ang ngayong dumudugo ko nang ilong. Shit! I wanna curse them all.

Tatayo sana ako at susugurin sya. Fuck limitations and control! I wanna kill her. But then I felt that there is someone behind me so I faced her. May hawak syang baseball bat at akmang ipapalo iyon sa akin ngunit naunahan ko sya. Inagaw ko mula sa kanya ang baseball bat at ipinalo sa kanyang binti kasunod ay sa kanyang leeg dahilan upang mawalan sya ng malay. Hindi ganun kalakas ang pagkakapalo ko kaya sigurado ako na bali lamang ang matatamo nya.

Nakita ko ang napapantastikuhang tingin ng ibang mga kasama nila ang iba pa ay umatras dahil sa takot. Weaklings, dapat talaga ay hindi ko sila patulan. Wala silang alam.

Hawak ko ang baseball bat nang humarap sa leader nila. But then Suddenly I felt an excruciating pain in my head. Nilulukob ng sakit na ito ang aking buong pagkatao. Napaluhod ako dahil sa sakit ng pagkakapalo nya ng baseball bat sa aking noo. Hindi ko nakita na may hawak rin pala syang baseball bat. Namalisbis ang dugo mula sa aking noo, Blood blurred my vision. I suddenly want to kill this girl.

Kung may alam ang babaeng ito ay hindi nya ako gugustuhing ni dampian manlang ng kanyang mga kamay. Umikot ang aking paningin kasabay ng pagbagsak ko ay ang tuluyang paglukob sa akin ng dilim. I felt weak when I'm actually stronger than a storm.

Heira's POV

I'm busy eating nang bigla akong matigilan. May something akong naramdaman, Like something is happening, something bad. What should it be kaya?

I'm seating pretty here sa canteen while eating. Nakakaantok ang class ng pangit na prof na yun. Ano naman ang care ko sa history ng school na ito?

"Heira." she snapped her fingers

I looked at Yvanna she was like tinitingnan ako ng kakaiba. It's like something is bugging her. My eyes wondered at where could Inertia be? Gaah. That girl is scary as hell. I was like kinikilabutan whenever she's around, It's like all my kilos ay tinitingnan nya kaya I should make ingat.

Since yesterday when we saw something and she figured something in our house we made a kasunduan that we need to stick together. Who knows what'll happen next so we should make ingat. May alam kaya the other students here about that? Well, I don't care.

"Where is Inertia ba?" I asked.

"She should be here right now." kumunot ang noo nya. Ew, rinkles.

But there is something. I know she felt something too. She looks like parang she is trying to pinpoint something. She's like nagtataka. But I am more nagtataka, how can she nakakasigurado that Inertia can't be late? Are they friends before?

I know they have something in them, even if they don't say it. The way they react I know there is something their hiding. Alam kong hindi lang ako ang may alam at may kaya sa pakikipaglaban dito. Alam kong may alam din sila. I know they have skills too.

Since the first time I saw them I know they can be dangerous. Mas lalo ko iyong napatunayan dahil sa mga ginawa ni Inertia kahapon at mga sinabi ni Yvanna, hindi ganun ang mga walang alam na tao. Maybe, Just Maybe they're like me.

Funny how I'm attached to this girl nang mabilis lang na time, I don't usually get mabait and silly with other girls but with Yvanna it was like I'm a whole new person. Maybe nakahanap na ako ng true friend, yung hindi ako iiwan.

"Why don't you eat first? She's darating din mamaya. Dontcha worry." sabi ko para mawala ng konti ang pag-aalala kay Inertia.

Yvanna stared at me and ate her food like she's napipillitan lang. Pero ilang minutes pa lang at konting subo pa lang she stopped na.

"Hanapin natin si Inertia." she said.

She said. I felt how much she is worried kaya tumango ako sa kanya. Iniwanan namin ang mga food na binili at naglakad outside the campus.

"Saan natin sya unang hahanapin?" I asked, frowning.

Ngumiwi ako nang maramdaman ang init ng araw na tila niluluto ang aking balat sa sobrang init. Sana pala ay hindi ko na lamang iniwanan ang mga food ko doon. Umakto sya na parang nag-iisip na mas nagpatagal sa amin sa initan.

"Bilis!! Ang init!" I complained.

Masama nya akong tiningnan.

"Maghiwalay na lang tayong ikutin ang buong campus." sabi nya at nilagpasan ako.

"Seryoso ka ba?!" sigaw ko pero she's malayo.

Nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa paligid but I don't care. Naglakad lamang ako sa kung saan saan baka sakaling makita ko si Inertia.

Nakarating ako sa likod ng mga buildings na mayroong mga puno at wala na akong nakikitang tao. Madilim sa parteng ito ng paaralan.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang isang anino ng tao sa may kalayuan. Anong ginagawa ng taong iyon dito. Nakatayo sya sa ilalim ng isang puno, nakita kong lumingon sya sa akin ngunit dahil medyo madilim ay wala akong naaninag sa kanyang mukha kundi ang kanyang mata, kakaiba ang tingin nya sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya ngunit nang makalapit na ako ng isang hakbang ay bigla syang tumakbo. Hindi ko alam kung bakit pero may nagtutulak sa aking habulin sya.

Sinundan ko sya nang dumaan sya sa mga puno. Nakita ko ang kabuuan nya. Nakasuot sya ng itim na pantalon at malaking itim na hoodie jacket. Hindi ko alam na may ganitong tao dito. Kung titingnan sa porma ay mukha syang taong may masamang motibo.

Lumiko sya sa isang malaking puno. Hindi ko alam kung hanggang saan ako makakarating sa pagsunod sa kanya. Hindi ko nga alam kung nasaang parte na ba ako ng campus na ito pero wala akong pakielam. May kahina-hinala sa taong sinusundan ko.

Dumaan sya sa isang hallway, tinahak ko rin ito. Tumigil sya sa harapan ng isang pinto ngunit tumakbo ulit paalis. Susundan ko na sana sya ulit pero nang makarating ako sa tapat ng pinto kung saan sya tumigil ay may narinig akong ingay. Sumilip ako sa bintana.

Nanginig ang aking katawan at unti-unti akong kinain ng galit nang makita si Inertia na nakahandusay sa sahig pawis na pawis sya at may tumutuong dugo mula sa kanyang sentido habang may mga babae na nakaikot sa kanya. Ang mga pawis ay marahas na tumutulo sa kanilang mukha na gulat na gulat ang tingin kay Inertia. Napagtanto ko na nasa dulong building na pala ako.

Naikuyom ko ang aking kamao. Mga hayop ang mga babaeng ito! Mabilis pa sa alas kwatro kong hinanap si Yvanna. Natagpuan ko naman sya sa di kalayuan. Naguguluhan nyang tiningnan ang hingal na hingal ko na hitsura. Hindi sa pagod ako hinihingal kundi ay dahil sa galit na aking pinipigilan. How dare they? Bakit si Inertia?

"Si Inertia! Mga hayop sila! sa dulo na building! Ngayon na!" tumakbo ako pabalik at hindi na hinintay ang kanyang sasabihin.

Anong ginawa ni Inertia bakit ganito ang nangyari? Habang tumatakbo pabalik ay may nakabangga ako na naging dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Umangat ang tingin ko at nakita ang tatlong naggugwapuhang mukha. Masama ko silang tiningnan ang isa ay naglahad ng kamay sa aking harapan. Ang kanyang buhok ay magulo at nakangiti sya sa akin na parang naghahanap ng babaeng magiging girlfriend.

Hindi ko tinanggap ang kanyang kamay. Tumayo ako at pinagpagan ang nadumihang damit dahil sa pagkakaupo sa sahig. Hindi ko sila pinansin at nilagpasan sila..

"Ang sungit naman." pagpaparinig ng isa sa kanila.

Hinarap ko sya at mabilis na tinawid ang distansya namin mula sa isa't isa.

"Nagmamadali ako kaya tigilan mo ang pagpaparinig dyan!" singhal ko sa kanya.

Tumawa lamang sya habang ang kanyang mga kaibigan ay nakatingin lamang sa amin. Umalis na ako. Hindi ko dapat sinasayang ang oras sa mga babaero.

Nang makarating sa kung nasaan si Inertia ay nakarinig ako ng boses mula sa aking likuran. Sinundan nila ako.

"Anong nangyari sa kanya?" malamig na tanong ng lalaking may madilim na aura.

Hindi ko sya pinansin at nagmamadaling lumapit kay Inertia na nakahandusay sa sahig. Wala akong pakielam kung nasa harapan ngayon ang apat na babaeng may gawa nito sa kanya.

"A-anong ginawa nyo sa kanya?" tanong ko sa apat na babae habang nakatingin sa mukha ni Inertia.

May pasa sya sa kaliwang pisngi at dumudugo ang kanyang noo. Lumapit sa akin ang tatlong lalaki at mabilis na binuhat si Inertia.

"Dadalhin namin sya sa hospital." pagpapaalam ng lalaking babaero.

Ang lalaking mayroong maaliwalas na mukha ang bumuhat kay Ineertia. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng silid at isa-isang binalingan ang mga babae sa aking harapan na tila ay pinapanood kami na parang isang pelikula.

Damn these bitches!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height