+ Add to Library
+ Add to Library

C6 Chapter 4: His Name

Yvanna's POV

Humahangos akong tumakbo patungo sa isang silid aralan sa dulo ng Ikaapat na building na sinasabi ni Heira at nakita kong buhat si Inertia ng isang lalaki. Puno sya ng galos at pasa sa katawan, ang suot nyang damit ay halos magkapunit-punit at puno ng bangas ang kanyang mukha.

Nakakapagtaka, nagkakamali ba ako sa nakita ko sa kanya? Nakita kong malakas syang babae, nalalaman ko agad sa tingin nya at sa kilos nya at alam kong marunong syang makipaglaban. Kung ganun, bakit di sya lumaban? Ano ba talaga ang iniisip nya at hinayaan nya ang mga taong iyon na ganito ang gawin sa kanya.

Lumapit ako sa kanila.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa mga lalaki.

"Naabutan namin syang binubugbog ng grupo nina Joana."

Tinitigan ko ang hitsura ni Inertia at tila nag-alab ang galit sa aking sistema nang makita ang palapulsuhan nyang mayroong hiwa ng tingin ko ay kutsilyo. Paano sila nakapuslit ng kutsilyo dito? Marahas na walang tigil ang agos ng dugo mula sa palapulsuhan ni Inertia. Kailangan nyang agad na madala sa Hospital.

"Dadalhin na namin sya sa hospital." ani lalaking may buhat kay Inertia.

Tiningnan ko sya sa mga mata at agad tumango. Nahagip ng aking paningin ang kakaibang emosyon na dumaan sa kanyang mga mata at agad ding nawala.

Ang lalaking ito, may kakaiba sa kanya. Ang tingin nya ay hindi pangkaraniwan. Kung titingnan sya ay mukha syang karaniwang lalaking may magandang mukha, easy go lucky. Pero hindi iyon ang nakikita ko.

"Uno. Masyadong malakas na ang daloy ng dugo mula sa palapulsuhan nya. Kailangan na natin syang madala agad sa hospital." sabi nang lalaki sa kanyang kaliwang gilid.

Napatingin ako sa lalaki at natagpuan ang kanyang matang may madilim na kulay. Mukha syang banyaga at masama ang kanyang aura. Umiwas ako ng tingin. Ang intensidad ng kanyang tingin ay parang hinuhukay ang mga sikreto ko at nakapagpabilis iyon ng tibok ng aking puso dahil sa kaba. Hindi ko sya matitigan ng matagal.

Narinig ko ang mura ng tinawag nyang Uno at mabilis din syang tumakbo kasama ang dalawang kaibigan paalis dala ang walang malay na si Inertia.

Hinanap ko si Heira at natagpuan sya sa loob ng silid aralan. Nakita ko syang nakayuko sa harap ng 4 na babae. Ang mga babae ay pare-parehong nasa defense position. Agad na nag-alab ang galit sa akin.

Mukhang sila ang mga babaeng may gawa nun kay Inertia. Ano ang karapatan nila na galawin si Inertia?

Lumapit ako sa kinaroroonan nila at kinuha ang baseball bat na nakita ko sa gilid. Isa-isa kong tiningnan ang mga babae habang hinihila ang baseball bat na parang maleta.

"Anong ginawa nyo kay Inertia?" tanong ko sa kanila.

Ang babaeng mukhang lider nila ay humakbang palapit sa akin at dinuraan ako sa mukha. Nakakadiri ang babaeng ito, hindi sya marunong gumalang sa nakatataas sa kanya. Tumawa ang kanyang mga kasama at tumayo ng tuwid.

Wala akong pinakitang emosyon sa mga mata ko.

"You came here for that girl." hindi iyon isang tanong.

Alam niyang nandito kami para kay Inertia pero hindi nya alam kung anong kaya naming gawin sa kanya, pity her.

"Wow. May friends pala ang babaeng iyon." sabi nang isa niyang kasama

Ang babaeng ito ay may bangs at napaka-kapal ng suot na lipstick sa bibig. At anong akala nila kay Inertia? Walang kaibigan? they should be the ones without friends.

"Nakakatuwa naman at sinadya nyo pa kami rito." sabi naman nang babaeng kulay blonde ang buhok.

"Akala namin kung sinong maangas itong isa nyo pang kaibigan, hindi naman pala." tinutukoy nila si Heira.

Tiningnan ko sya at nanatili syang nakayuko. Kita ko kung paano kumuyom ang kanyang kamay at kung paano ito halos maging puti dahil sa higpit niyon. I also saw sweat dripping from her forehead down to the floor.

Nakikita ko kung paano magtimpi si Heira at ganun rin ang ginagawa ko ngayon pero kilala ko ang sarili ko at base sa nabasa ko sa mga mata heira ay ganun din sya.

"Anong ginawa nyo kay Inertia?" tanong ko.

Tinawanan nila ako at sabay-sabay na tiningnan mula ulo hanggang paa. Well, they can pass as the mean girls in a very good movie just by how synchronized their moves are but I know better than to believe in movies.

"Ano sa tingin mo?" balik-tanong ng isa sa kanila.

"Hindi nasasagot ng isang tanong ang isang tanong. So answer me, anong ginawa nyo sa kanya?" tiningnan ko sila ng matalim.

"Mayabang kasi iyong kaibigan nyo. Tinuruan lang namin sya kung paano rumespeto."

"Tinuruan nyo sya kung paano rumespeto kung kayo sa sarili nyo ay hindi marunong? Wow." narinig kong sabi ni Heira.

Nakangisi sya at diretso ang tingin sa mga babae sa aming harapan. Hindi na ako nagulat na naging pantay ang kanyang pagsasalita at hindi conyo.

"Oh.. the weakling spoke." panunuya ng babaeng maiksi ang buhok.

Bahagya akong nainis sa kanyang sinabi. How dare her underestimate Heira?!

"You don't know me." sagot ni Heira

"That's what your friend told us but then she ended beaten up." sabi ng may bangs.

"Alam nyo ba kung anong ginagawa namin sa mayayabang? Gusto nyo ba magaya sa kaibigan nyo? oh, how funny. Ang angas nya pero wala namang ibubuga susugurin ako pero di naman nya kaya, kaya pinalo ko sya ng baseball bat sa ulo. Oh I love it when I saw her kneel to the ground. Tapos nawalan sya ng malay." pagkukwento ng lider nila.

Hinawakan nya ang dulo ng aking buhok at iniikot iyon sa kanyang daliri, tinapik ko ang kanyang kamay paalis at tiningnan sya ng masama. How dare they?

Ang galit na kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti na akong nilulukob at naghihintay na lamang ako sa pagsabog ko.

Patuloy nyang ikinukwento sa amin ang ginawa nila kay Inertia habang iniikutan kaming dalawa ni Heir. Ang kanyang mga kasama naman ay tumatawa sa gilid. Habang patagal nanag patagal ang kanyang kinukwento ay paliyab nang paliyab ang nagniningas na galit sa aking sistema. Until her last sentence completely ignited the fire.

"I hope she's dead." sabi nya.

That's it. I punched her straight to the face her nose instantly bleed as she shreak like a pig. Nakita ko ring gumalaw ang kanyang mga kasama at sinugod kami ni Heira, agad na gumalaw si Heira at isa-isa rin silang sinugod.

Naramdaman ko ang isa sa kanila na palapit sa akin kaya kaagad ko syang pinalo ng baseball bat sa noo. Blood came streaming down from her forehead and then suddenly my vision became red. Anger and madness consumed me. I just want to freakin kill now! I want to see all of them bathing in their own blood. I want to see each one of them begging me to stop but I wont until their flesh is rotten.

So I attacked their leader she punched me but it never landed. Paulit-ulit syang sumubok na patamaan ako ng suntok ngunit walang bumagsak sa akin. Sinipa nya ako ngunit pinalo ko gamit ng baseball bat ang kanyang binti dahilan para mapaluhod sya. Ngunit pilit syang tumayo at nilalabanan ako pinalo ko ulit sya ng baseball bat ngayon naman ay sa braso.

"Huwag kang mag-alala hindi kita papatayin agad." Sabi ko.

I'm gonna let her witness her friends' death first, I bet that's more hurtful and exciting. I grinned.

"Mabait naman talaga ako eh ayoko lang nang ginagalit ako. May naaalala kasi ako. Alam mo ayoko kasi talaga nang nakakasakit ng tao, gusto ko kaibigan ko lahat kasi alam ko ang mangyayari pagmay kaaway ako. But then you pushed me to do this." I smirked.

Nakaluhod sya sa king harapan ngayon, her fist turning into balls ngunit hindi sya makatayo. Pity her! Haha. Inikutan ko sya kagaya ng ginawa nya sa akin kanina.

Ang mga taong walanghiya ay dapat lamang na pakitaan rin ng pagkawalanghiya. Dinuraan ko sya kagaya ng pagdura nya sa akin kanina. Ipaparanas ko sa kanya ang pinaranas nya kay Inertia at mas higit pa.

At the corner of my eyes I can see Heira looking at me bewildered. Maybe she haven't seen this side of me. I am always happy and jolly. My smirk widened. Nasa gilid kasi ang tatlong kasama ng babaeng ito, pare-pareho silang nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.

"Don't you wanna see your friends die?" I asked her.

I was expecting a different reaction wherein she will breakdown and beg me stop but that never happened instead she smiled at me.

"Go on kill them. I don't need those bitches." sabi nya.

Nginitian ko rin sya. She is smiling eventhough I can see fear in her eyes.

"Don't pretend with me." I pulled her hair.

Ang pagkakahila ko sa kanyang buhok ay hinigpitan ko talaga kaya napasigaw sya sa sakit. Her scream lighted my anger more so I pulled her hair even more. I can feel a presence at my back but I chose to ignore it.

Napaigtad ako at nabitiwan ang kanyang buhok nang maramdaman ang sakit sa aking batok. Napabaling ako sa likuran at nakita ko ang babaeng may bangs na sinuntok ako sa aking batok. Btch.

Akala ko ba ay itinumba na ito ni Heira kanina? Tiningnan ko ang direksyon kung saan naroroon si Heira at nakita syang marahas na umuubo at ang lumalabas sa kanyang bibig ay puro dugo. Sapo nya ang kanyang tiyan.

Anong ginawa nila kay Heira?

Walang pasubaling sinugod ko ang babaeng ito na may bangs at sinuntok. How dare her? Sinuntok ko nang sinuntok ang kanyang mukha. Sisiguraduhin kong mapupuruhan sya!

Napamura ako nang malakas nang hilahin nya ang aking buhok pababa at inilampaso ang aking mukha sa sahig. Tangina!

Hindi ako makawala sa kanya dahil ang aking mga kamay ay mariin nyang hawak mula sa aking likuran. Nagpupumiglas ako ngunit wala na akong maramdaman sa aking likod.

Tumayo ako at nakita ang isang lalaki na hawak sa leeg ang babaeng may hawak sa akin kanina. Bahagya nang nakataas sa sahig ang paa ng babae at nakikita ko kung paano sya naghihirap na kumuha ng hangin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I let anger overcome me again. In my mind I'm slapping my face nonstop. Dapat ay pinipigilan ko ang aking galit.

Hinawakan ko sa balikat ang lalaki ngunit agad ring napabitaw nang kasabay ng pagdaloy ng kuryente sa aking katawan nang dumikit ang aking kamay sa kanyang balikat ay napalingon sya sa akin.

Sinalubong ko ng tingin ang kanyang malalim na mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang paghuhuramentado ng aking puso dahil sa kanyang tingin na simula una pa lamang ay hindi ko na mabasa. Ang mga paru-paru sa aking tiyan ay nagwawala na..

"Are you okay?" hindi mababakas sa kanyang mukha ang concern dahil nakapoker face pa rin sya.

Bakit ba nandito pa rin ang lalaking ito? Hindi ba ay hinatid nila si Inertia sa Hospital?

Hindi nya pa rin binibitawan ang babae na ngayon ay nagiging kulay vioet na dahil sa kakulangan ng hangin.

"B-Bitawan mo na siya." I stuttered.

Kumunot ang kanyang noo dahil sa aking sinabi.

"That's what I get for saving your ass?" tanong nya.

This cold man is arrogant too, isn't he? Binitiwan nya ang babae at agad naman itong napaluhod at nawalan ng malay. Nagkaroon pa ng bakas ang kanyang kamay sa leeg nito.

"S-Sorry." nahiya ako.

I cursed myself for stuttering again. Bakit ba gwapo ang lalaking ito?

"Don't be, may bayad yun." Malamig ang tingin nya sa akin.

Kinabahan ako sa kanyang sinabi. At ano naman kaya ang pwedeng maging kabayaran nun? Mabilis ang tibok ng aking puso habang nakatingin sya sa akin.

"Jett! I've been looking for you buddy! Let's go!" narinig kong sigaw mula sa labas.

Napabaling ako roon at nakita ang isang lalaki na nakangiti sa aking direksyon. Kumaway pa sya sa akin na animo'y magkaibigan kami. Ang kanyang buhok ay itim na magulo ang pagkakaayos ngunit nakakapagtakang maganda tingnan sa kanya.

"Jett!" pagtawag nyang muli bago sumunod ang lalaking kaharap ko ngayon.

Jett is his name.. Jett. Napangiti ako.

-------

Inertia's POV

Nagising ako sa loob ng isang puting kwarto. Ang amoy ng hospital ay nilulukob ang ilong ko. Ngayon ko na lamang ulit naranasan na makapasok sa hospital at ganun pa rin ang pakiramdam niyon, Mabigat. Nakita ko ang dextrose na nakakabit sa akin at agad na tinanggal iyon. I don't need that.

Nang makatayo ay nilibot ko ang kabuuan ng kwarto. Lahat ay puti maging mga kurtina, kama at mga vase. Pati ang kisame ay puti maliban na nga lang sa isang bagay na nasa may kanang gilid. Kahit ang private hospital room ay may CCTV?

Nakakapagtaka! Ano ba talaga ang meron sa paaralang ito.

Narinig ko ang kunting ingay na mula sa pinto tanda na may pumasok sa loob napabaling ako rito at nakita ang brat at ang smiley na parehong pawisan. Mukha silang napasabak sa gulo. All in all they look exhausted.

"Anong nangyari sa inyo?" kumunot ang noo ko

"Just got into a fight." Umupo si Heira sa couch na nasa gilid.

Ang damit ni Heira ay mayroon pang bahid ng dugo, she fell asleep afterwards, mukhang pagod na pagod nga sya. Why do I have this feeling that this has something to do with me.

Kinuha ni Yvanna ang bottled water na nakalagay sa table katabi ng hospital bed. Ininuman nya iyon. Tiningnan ko sya ng nagtatanong.

"Well, pinaghiganti ka lang namin?" patanong na sabi nya.

WTH? Does this mean they have skills to end not beaten up?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height