Empire University: CHAOS YEAR (BOOK 1)/C7 Chapter 5: Empire Hospital
+ Add to Library
Empire University: CHAOS YEAR (BOOK 1)/C7 Chapter 5: Empire Hospital
+ Add to Library

C7 Chapter 5: Empire Hospital

Heira's POV

I was like nagising sa kaunting noise na nagmula sa pagbukas ng door. Sumilip rin ang kaunting ilaw mula sa pagkakaawang ng pinto. Who's this ba?

Hindi ko agad iminulat ang aking eyes at pinakiramdaman muna ang surroundings. Na-feel ko ang paggalaw ng isang tao sa harapan ko at ang pagkawala ng presence nya malapit sa akin.

Dahan-dahan kong iminulat ang right eye but not enough for a person to know na bukas ang eyes ko. I scanned the area. Madilim pa rin naman ang room and the door is closed but nang dumapo ang aking eyes sa kung saan ang hospital bed na kinahihigaan ni Inertia I saw a bulto of a person.

I now opened my eyes wider to see the person and saw a nurse standing beside Inertia's hospital bed. She is holding a syringe in her hand and she is pointing it towards Inertia. The syringe has a red liquid in it. What is she doing?

I glanced at my wrist watch and saw the glow in the dark handle of the long hand pointing at the number 1 and the short hand pointing to the middle of 7 and 8. It's 1:38 am. Why is she here? The nurses rounds are around 7-8pm.

I saw her trembling hand while holding the syringe. My eyes moved to her face and saw her smirking.

I instantly grabbed the throw pillow beside me and threw it to her direction. She instantly turned to me with her eyes blazing with anger and her teeth gritting.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nakita ko na hinawakan ni Inertia ang kamay ng babae na may hawak ng syringe at itinapon iyon sa papunta sa akin. Nasalo ko iyon kasabay ng pagbukas ng ilaw. Binuksan iyon ni Yvanna. They weren't asleep afterall.

Malinaw ko nang nakikita ang mukha ng nurse ngayon. Dark circles are around her eyes. Parang kulang sya sa tulog at nangangayayat rin ang kanyang katawan.

Ang ekspresyon ng kanyang mukha ngayon ay hindi maipinta parang natatakot na hindi mo malaman. Nagulat na lamang kami nang bigla syang tumakbo palabas ng kwarto.

Mabilis syang hinabol ni Inertia sumunod naman kami ni Yvanna.

Nang makalabas ng kwarto ay nakita namin si Inertia na hinaharangan ng tatlong lalaking nurse. Kumunot ang noo ko sa nakita.

"Tabi." malamig na sabi ni Inertia.

Hindi natinag ang tatlong nurse at mas lalo syang hinarangan. Nang hindi na makapagtimpi si Inertia ay nagpumilit syang makalagpas sa tatlo at tumakbo. Sumunod kami ni Yvanna.

Hinahabol na kami ngayon ng mga nurses ng Hospital. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari.

Mabilis ang takbo namin, bakit ba hinahabol kami ng mga ito? Nang makakita ng isang pinto na nakaawang ay agad na pumasok kami sa loob nito.

"Shh.." si Yvanna.

Nagtago kami sa likod ng mga cabinet. Nakita kasi namin ang mga Doctor na tila ay mayroong pinag-eeksperementuhan. Ang silid na ito ay para sa chemist sa hospital, punong-puno ng mga apparatus at kakaibang mga likido isama pa ang mga usok na nanggagaling sa ibang machine.

"Doc, Is this okay?" tanong ng isang babaeng doctor.

Nakasalamin sya at kumpleto sa suot na gamit. Nakasuot sya ng puting roba ng mga doktor, naka-gloves, may mask at nakasuot ng asul na hair mask. Hawak nya ang isang test tube na may lamang pula na likido. Umuusok ito at halos akalain ko nang dugo ito. Ipinakita nya ang hawak sa isang lalaking doktor na kapareho nya ay kumpleto sa suot na gamit ngunit ang doktor na ito ay may suot na maskara sa itaas na parte ng kanyang mukha na natatakpan ang kanyang mga mata pababa sa kanyang ilong.

"What are they doing?" pabulong na tanong ni Yvanna.

Sinulyapan ko si Inertia na nakakunot lamang ang noo na tila ay iniexamine ang mga doktor. Mahigit sampu sila sa silid at pare-preho ng suot.

Umiling na lamang ako kay Yvanna na tanda na hindi ko alam ang sagot sa kanyang tanong parang naintindihan nya naman ito kaya muli syang bumaling sa mga doktor.

Nang tumingin muli ako sa ginagawa ng mga doktor ay napasinghap ako sa nakita, mabilis kong tinakpan ang aking bibig. Nakalagay sa isang flatscreen tv na nasa gitna ng silid ang pangalan ng isang droga na iniimbento nila pati na rin ang short-clip nito.

'Shiva Drug. When it enters your body it spreads a different kind of virus that will kill your immune system slowly. Then when the virus succeeded your DNA including platelets, Red Blood Cells and White blood cells will be replaced by the virus but it's almost the same. The virus imitates your DNA, patelets, RBC's and WBC's in functions and structure which made this unrecognizable. Until it controls your whole body and may lead to shutdown or death. This may be called the silent killer for it does not show any signs or symptoms that your system is being attacked by a virus.'

Pinakita sa clip ang video na kung paano gumana ang droga at ang itsura nito. Napaatras ako nang makita na ang kulay pulang likido sa loob ng test tube na hawak ng babae kanina ay kapareho ng imahe na nasa tv. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang kulay ng likido sa loob ng syringe na hawak ng babaeng nurse kanina. Napabaling ako sa aking kamay na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang syringe na nasambat ko mula sa pagkakabato ni Inertia.

Nanginig ang aking kamay at nabitawan ang hawak. A-Ang nasa tv ay kaparehas ng ituturok sana kay Inertia kanina. Balak nilang malagyan ng virus si Inertia. Napaatras ako at natamaan ang isang cabinet nalaglag ang mga laman nito. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang maingay na tunog ng bumagsak na mga gamit mula sa aking likuran na naging dahilan upang mapabaling sa direksyon namin ang mga doktor sa loob ng silid.

Naramdaman ko na lamang ang paghila sa akin ni Yvanna habang tumatakbo sya. Namataan kami ng mga nurses at muling hinabol. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pagtatangka nila kay Inertia.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa rooftop ng hospital habang hinihila pa rin ako ni Yvanna at hinahabol kami ng mga nurse. Ngayon alam ko na kung bakit nila kami hinahabol. Hinahabol nila kami kasi si Inertia ang target nila ngayon, hindi nila sya hahayaang makawala at ngayon ay hinahabol nila kami sa isang bagong rason, iyon ay dahil alam namin ang lihim ng hospital na ito at hindi iyon pwedeng makalabas.

Ang nakakapagtaka ay bakit kailangan nila mag-imbento ng ganung bagay? Una ay ang firewall ng website ng paaralan ngayon naman ay ang droga na iniimbento nila. They even tried to inject it to Inertia.

"Hindi na kayo makakatakas pa." Nakangisi ang isang lalaking nurse.

"Damn you." narinig kong sabi ni Yvanna.

"Aba at minumura tayo ng batang ito." pagrereklamo ng isa ngunit nakangiti.

Gusto ko sanang sumagot sa kanila ngunit tila ay nahihirapan ang aking utak na iproseso lahat ng nalalaman ko sa paaralang ito, ano pa kaya ang posibleng itinatago ng Empire University?

"Wag na kayong magtangka na tumakas dahil wala na kayong kawala." lumalapit na sila sa amin.

Paatras naman kami ng paatras hanggang nasa dulo na kami at isang hakbang na lamang ay mahuhulog na.

"Dead End." Nakangisi ang mga nurse.

Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Inertia. Sinugod nya ang mga nurse at pinagsusuntok ang mga ito. Hindi ko maiwasan na hangaan ang galing nya sa pakikipaglaban na parang sanay na sya sa ganito.

"Talon!"

Sigaw nya sa amin ni Yvanna na nakanganga rin habang pinapanood kung paano bugbugin ni Inertia ang mga lalaking nurse na halos mas malalaki sa kanya. Nagulat na lamang ako nang biglang tumalon si Yvanna pababa ng building na tingin ko ay nasa sampung palapag. Talagang sinunod nya si Inertia? Gusto na ba nitong mamatay kami?

Mabilis akong hinila ni Inertia at tumalon rin pababa ng building nang makita nyang nanatili lamang akong nakatayo roon.

Nararamdaman ko ang aking pagbagsak at ang bawat marahas na paghaplos ng hangin sa aking balat na tanda na nahuhulog nga kami mula sa rooftop ng hospital. Ipinikit ko ang aking mata habang dinadama ang hangin. Halos wala pang isang minuto nang maramdaman ko na parang may humawak sa aking palapulsuhan. Naimulat ko ang aking mga mata at nakita si Inertia na hawak ang aking palapulsuhan habang ang kanyang palapulsuhan naman ay hawak ni Yvanna. Si Yvanna ay nakakapit sa railing ng isa sa mga teresa ng hospital. Tumingin ako sa ibaba at halos malula dahil nasa kalagitnaan pala kami ng building.

Abala ako sa pagtingin sa kung gaano kali-liit ang mga bagay sa ibaba nang mayroong bagay na marahang humampas sa aking mukha. Bumaling ako rito at nakita ang mga pinagtagpi-tagping kumot hinawakan ko ito at binitawan ni Inertia ang aking palapulsuhan. Napatingin ako sa itaas at nakita ang tatlong lalaki na nakabangga ko kanina at nagdala kay Inertia dito sa hospital.

Naunang umakyat paitaas si Yvanna kasunod ay si Inertia at huli ako. Nang makatapak sa sahig ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Napahawak ako sa aking sentido.

"H-Heira m-may.." Yvanna stuttered.

"Anong meron?" kumunot ang aking noo dahil nararamdaman ko na ang pag-ikot ng paligid ko.

"May gunting ka sa balikat." tinuro nya ang kanang balikat ko.

Bumaling ako doon at nakita ang gunting na nakatarak sa aking balikat. Maraming dugo ang tumutulo mula rito. Unti-unti kong nararamdaman ang sakit kasabay nang pagdidilim ng aking paningin. Ang huli kong alam ay hindi ako bumagsak sa sahig sa halip ay may pares ng mga kamay ang sumalo sa akin.

Inertia's POV

Bakit hindi ko napansin kanina na may nakabaon na gunting sa balikat ni Brat? Siguro ay nanggaling ito sa cabinet na nabangga nya kanina. Ang nakakapagtaka ay hindi nya ito naramdaman hanggang sa sinabi ni Yvanna.

Mabuti na lamang at nasalo sya ni Maru, hindi sya tuluyang bumagsak sa sahig. Nagsuot kami ng disguise bago lumabas ng hospital dahil baka ay makilala kami ng mga nurse dito.

Mabilis ang lakad namin palabas at nang makalabas kami ay agad naming hinanap ang kotse namin sa parking lot. Agad namin itong nakita. Medyo madilim pa dahil madaling araw pa lamang.

"Ito ang kotse nyo?" tanong ni Maru.

Buhat nya si Heira. Hindi pa rin namin tinatanggal ang gunting mula sa kanyang balikat dahil baka mas lalo itong magdugo. Mamaya na lang pagdating sa bahay.

"Oo." sagot ni Yvanna.

Tinanguan ko lamang si Maru. Nakikita ko ang pag-aalala kay Yvanna. Kahit na dalawang araw pa lamang silang nagkakasama ni Heira ay napalapit na agad sila sa isa't isa at naging magkaibigan.

"Ipasok mo na sya sa loob." binuksan ko ang pintuan sa backseat.

Maingat nyang inilapag sa upuan si Heira at sinarado ang pinto. Pumasok naman kaagad ako sa driver's seat at binuksan ang sasakyan. Hinintay kong umupo sa passenger seat si Yvanna. Binuksan ko ang bintana sa side ko at tiningnan ang tatlong lalaki na nakatayo lamang sa gilid.

"TY." Iyon lamang ang sinabi ko.

"Sasama sana--" naputol ang sasabihin ni Raizer nang paharurutin ko ang sasakyan.

I know it's rude, kami na nga ang tinulungan ngunit ganito ang asta ko. Hindi lamang ako sanay na may inientertain na ibang tao at mayroong rule ang paaralang ito sana ay hindi nila nakakalimutan. Bawal makipag-usap sa mga kalahi ni Adan ang mga kalahi ni Eba at ganun rin dapat sa kanila.

Kung tutuusin ay nilabag ko na ang rule na iyon ng paaralan, nilabag na namin. Ngunit sisiguraduhin ko na hindi na iyon mauulit.

Mabilis ang pagmamaneho ko dahil maluwag ang kalsada at kailangan na malunasan ang sugat ni Heira. How funny parang kahapon ay ako ang puno ng galos at dinala sa hospital ngayon naman ay sya.

Nang makarating sa bahay ay binuhat ko si Heira mula sa backseat habang si Yvanna naman ay binuksan ang gate at pinto para sa amin.

Napakagaan naman ng babaeng ito! Akala ko ba ay parang lalaki ito kung kumain bakit parang hindi naman yata tumataba o bumibigat man lang? Samantalang ako ay hindi nga tumataba ngunit bumibigat naman.

Ipinasok namin sya sa kanyang kwarto at inihiga sa kama. Kulay peach ang pintura ng kwarto nya. Talagang paborito ng brat na ito ang kulay na peach?

"Kumuha ka ng mainit na tubig at planggana." utos ko kay Yvanna.

Agad nya akong sinunod at ako naman ay lumabas muna sa kanyang kwarto para kunin ang first aid kid. Nang makabalik ako sa kanyang kwarto dala ang first aid kit ay naroon na si Yvanna dala ang planggana na may mainit na tubig.

Lumapit ako kay Heira at binuksan ang first aid kit. Kinuha ko mula rito ang mga kailangan at inilapag sa kanyang bedside table.

Ipinwesto ko ang aking kamay sa gunting na nakatusok sa kanyang likod at hihilahin na sana ito nang pigilan ako ni Yvanna.

"Will it hurt?" natatarantang tanong nya.

"It will hurt more if we don't get it off from her body." sabi ko.

Napaka-OA naman ng babaeng ito. Tumango lamang sya sa akin at kinagat ang dulo ng kanyang hinlalaki. Kid.

Ipinosisyon ko ang aking kamay sa gunting nang pigilan na naman ako ni Yvanna.

"Masasaktan sya." sabi nya.

"I know." Sabi ko.

"But she's my friend?" Patanong ang pagsabi nya.

Ano naman ang konekta ng kanyang sinabi?

"That's why she need to live." I replied.

Inilagay ko na ang aking kamay at hawak ko na ang gunting nang muli ay pigilan ako ng isang OA na babae. Tiningnan ko sya ng masama na parang sinasabi na kung di sya tumigil ay sya ang pagtatanggalin ko ng gunting na ito. Umakto naman sya na parang isinara ang kanyang bibig.

I know this will hurt so much kung dadahan-dahanin ko kaya mabilis ko itong hinila mula sa pagkakabaon. Napaigtad si Heira nang maramdaman iyon. Kasalanan nya rin naman ito.

Maraming dugo ang nakabalot sa gunting. Mabilis ko itong nilagay sa planggana na may mainit na tubig at nilagyan ng alcohol ang sugat ni Heira. Ibinuhos ko rito ang alcohol, pagkatapos ay pinunasan gamit ng bulak ang mga dugo. Nilagyan ko ito ng betadine para mabilis gumaling bago binalutan ng gauze.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nagising na si Heira agad nyang inusisa ang kanyang balikat at tiningnan kami ni Yvanna nang makita na wala na ang gunting doon.

"Heira! are you okay?" tanong ni Yvanna.

"I'm fine. Kumikirot lang ng konti ang sugat." nginitian sya ni Heira.

"Ikaw ba ang nagtanggal ng gunting??" tanong ng brat sa akin.

Tumango lamang ako at umupo sa stool malapit sa kayang kama.

"Ano ba ang nangyari? Bakit nagkaroon ka ng gunting sa balikat?" nagtatakang tanong ni Smiley.

"Siguro dahil nabangga ako sa cabinet. Hindi ko napansin. Nakita ko kasi yung nasa tv ay kagaya ng dapat ay ituturok ng baliw na nurse kay Inertia." nakakunot ang kanyang noo na tila ba ay inaalala ang mga nangyari.

"Anong nakita mo?" tanong ko

"Shiva drug." sabi nya.

Shit. Nakita ko rin iyon sa screen at hindi ko akalain na iyon pala ang dapat na ituturok sa akin. At para saan? para ma-control ako?

"Ano ba ang meron sa paaralang ito?" tanong ni Heira

Kahit ako ay hindi ko alam at inaalam ko pa lang.

"May nakita akong CCTV sa Private Hospital Room." pag-amin ko.

Napatingin silang dalawa sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Shit." mura ni Heira.

"Pati ang hospital ay hindi ligtas para sa atin." si Yvanna

Pati nga sa hospital ay mayroong kakaibang nangyayari. Talagang minamanmanan ng mga opisyales ng paaralang ito ang mga estudyante pero bakit?

"Kailangan natin alamin kung ano ba ang meron sa paaralang ito! Now I'm a curious cat!" dagdag ni Yvanna.

"We need to find a place. Place where we can be safe. Where we can hide. Yung walang nakakaalam at walang nagmamanman para makapagresearch tayo tungkol sa paaralang ito." Tiningnan ko sila sa mga mata.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height