+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Chapter 6: Normal

Inertia's POV

Maaga kaming nagising, nag-almusal at naghanda. Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga nangyari sa hospital na iyon. Napakamisteryoso ng mga bagay sa unibersidad na ito at hindi ko alam pero dapat kong malaman ang mga sikreto nito. May nagtutulak sa aking alamin ang bawat impormasyon tungkol sa paaralang ito at yun ang gagawin ko.

Si Brat naman ay parang hindi ininda ang sugat sa kanyang balikat at balik ulit sa pagiging isang brat. Ginusto nya pang pumasok kahit na pinipigilan sya ni Smiley sa huli ay wala ring nagawa si Smiley at hinayaan na lang si Brat sa gusto habang ako ay nandito at tinitignan lamang ang mumunting teleserye na nagaganap.

Nang makarating sa school grounds ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Naririnig ko rin ang kanilang mga bulung-bulungan na parang hindi naman bulong dahil naririnig rin ito. Ayoko sa lahat ang pinag-uusapan ako.

Narinig na siguro nila ang nangyari sa amin kahapon, ang bilis naman kumalat ng balita.

'Bago pa lamang sila dito pero gumagawa na sila ng gulo.' narinig kong bulong sa di kalayuan.

"Matagal na kayo dito pero di nyo kayang rumespeto ng kapwa nyo. Like duh." bumulong rin si Heira na sapat lamang upang kami ang makarinig.

Kahit kailan ay napakahilig makipagtarayan ng babaeng ito, hindi nagpapaawat at napakadaldal. Wala na siguro talagang magbabago sa babaeng ito dahil kahit na may sugat pa sa balikat ay sige pa rin ang makikipagtarayan na parang walang nangyari.

Masama nyang tiningnan ang mga tao sa paligid. Hindi ko lamang sila pinansin at nagpatuloy sa aking paglalakad. Bahala sila riyan.

Pumasok ako sa aming silid-aralan at umupo sa likod na upuan. Matutulog na lamang ako. Yumuko ako sa aking desk at ipinikit ang mga mata. Sleeping is fun.

Heira's POV

I'm like glaring sa lahat ng people na makikita ko because they're like tinitingnan kami kanina pa and their whispers are so loud even a deaf can hear it. Like duh? Why whisper when people around can hear naman? Mukhang tanga lang.

Si Inertia ay nasa likod na naman habang ako ay nakaupo ako sa tabi ni Yvanna, . Which is nakapangalumbaba in her desk. What is bugging this woman na naman?

I was about to approach Yvanna and ask her what's wrong when someone popped out of nowhere and appeared infront of my desk.

"What do you want?" tinaasan ko sya ng kilay.

Ang kanyang mata ay nanginginig sa galit at ang mga pisngi ay namumula. Mukha syang tanga. Like eww. This girl is so makaagaw pansin.

I looked at her from head mukhang toe. Her hair is super gulo like hindi nya pa narerealize na may suklay pala, payat sya at mukhang anorexic ang katawan kitang-kita sa kanyang maluwag na uniform not to mention ang kanyang hinaharap na mukhang hindi pa tumutubo. Mataas ang kanyang suot na takong halata naman na dinadagdagan nya lang ang kulang nyang height. Tapos ang suot nyang make-up is so eww pa kasi its greasy tingnan sa face nya.

"Anong ginawa nyo kay Cassidy?!" galit na tanong nya.

Cassidy? Eew. I don't have a kilala named Cassidy kaya. Ito namang si ate gurl mukha ba akong lost and found?

"Excuse me? Shoo! hindi ako ang hinahanap mo." iminuwestra ko pa sya paalis.

Paano kung ang girl pala na ito ay isang lunatic? mamaya baliw pala ito.

"Anong hindi ikaw?! kalat na ang ginawa nyong pambubugbog kay Cassidy at sa Empire Dolls!"

At talagang napakapal ng balat sa mukha ng babaeng ito na sigawan ako. Nahagip ko ang tingin ng mga tao sa loob ng classroom na to. This girl is an eskandalosa at it's finest. Umirap na lamang ako sa ere.

So ang tinutukoy pala ng girl na ito ay yung grupo ng mga babae na bumugbog kay Inertia. Cassidy pala huh?! So cheap ng name. Empire dolls?! Like another eew?

"Ano naman for you kung kami nga yun?" I smirked.

Lumaki ang eyes nya. It was like parang nagulat pa sya sa sinabi ko e kanina nya pa iginigiit na it's us. Mas lalong pumula ang cheeks nya I can sense anger dripping from her.

Sa loob ko ay napangiti ako dahil sa reaksyon ng babaeng ito. It's my turn now. Hindi ko makakalimutan ang panlalait sa akin ng mga babaeng iyon. Minsan ko lang pahintulutan ang mga tao na lait-laitin ako. Kung hindi lamang dahil kay Yvanna at kay Inertia ay noong una pa lamang ay pinatay ko na ang mga babae na iyon.

"Ang yabang nyo!" malakas ang sigaw na nanggaling mula sa kanyang bibig.

Halos magpantig ang aking tenga dahil sa kanyang pagsigaw na nakuha pati ang atensyon ni Yvanna na aking katabi. Ano ba ang kinalaman ng babaeng ito sa mga babaeng tinutukoy nya at bakit galit na galit sya?

Kaano-ano nya ba ang Cassidy na iyon?

"Magsisisi rin kayo! Maghanda na kayo." dagdag nya.

Mabilis syang naglakad palabas ng aming classroom. Bahagyang uminit ang aking pakiramdam, bumilis ang tibok ng aking puso at kumunot ang aking noo. Mayroong kung ano sa kanyang sinabi na nagpabaga ng bahagyang galit sa akin.

Nakatitig lamang ako at hindi pinapansin ang nagtatakang tingin ng mga tao sa akin. Nanatili ang aking mata sa lugar kung saan ko nakitang papalayo ang babaeng iyon.

"Heira!" bahagya akong napaigtad dahil sa gulat.

Kinakalabit ako ni Yvanna. Bumaling ako sa kanya. Mukhang nagulat rin sya dahil sa babaeng bigla na lamang sumulpot sa aking harapan.

"Sino ang babaeng iyon?" tanong nya sa akin.

Kahit na ako ay hindi ko mahanap ang sagot sa kanyang tanong. I shrugged my shoulders. Everything in this school is mysterious. Wala sa sariling napabaling ako sa kanang balikat. Nakasout ako ngayon ng isang pink na sweater at pants para maitago ang sugat ko. Nakakainis na dahil sa mga doktor na iyon ay hindi ko maisusuot ang mga gusto kong damit.

Hindi ko lubos maisip na maraming kakaiba sa paaralang ito. Maraming sikretong nakatago at taong kakaiba ang kilos. Ngunit ang nangyari kahapon ang mas nagpagulantang sa akin. This is the first time I've seen hospital doctors working on drugs like that and more worst that drug they are working on is meant to kill.

The truth is I am afraid of hospitals. I am afraid to see what doctors can do. Kaya naman kapag nagkakasugat ako noon ay ako lamang ang gumagamot. Yesterday, I tried my best to enter that hospital pero mas lalo lamang akong nangako na huwag na pumasok ng hospital dahil sa mga nasaksihan at nangyari sa akin.

Bumaling ako sa pinto nang makita ang isang matandang lalaki na pumasok sa aming classroom. May suot syang bag ng laptop sa kanyang kaliwang balikat at malayang hinahangin ang kanyang bangs na kulay blonde hindi kagaya ng maiksing buhok sa ibang parte ng kanyang ulo na kulay itim, nakasuot sya ng salamin na marahas na nagrereflect sa mataas na sikat ng haring araw.

Nang makapasok sa aming classroom ay kinuha nya ang kulay asul na panyo mula sa kanyang bulsa at ipinamunas iyon sa kanyang mukha na halos mangulubot na dahil sa senyales ng katandaan.

Umirap ako sa ere like he is seeing me. Duh. Halos walang pawis ang kanyang face pero kung makapunas ay akala mo naligo. Gusto lamang nya ibalandra na ang kanyang panyo ay Armado Caruso. so cheap.

His eyes wandered around the classroom until his eyes met mine. Amusement danced in his eyes. Inirapan ko sya. Napansin ko na nakatingin rin sya sa katabi kong si Yvanna. Buti na lamang at hindi kami nakapasok sa klase ng prof na ito kahapon but then parang mas mabuti yata na pumasok kami class nya kahapon kasi ngayon mukhang kami ang apple of the eye ng baklang gurong ito.

"Good morning sir." bati ng mga kaklase namin sa kakapasok pa lamang na prof.

"Mukhang may mga bagong mukha akong nakikita ngayon ah?" tumaas ang eyebrow nya.

Hindi na ako nagulat sa bahagyang pagkulot ng boses nya sa dulo, galaw palang halata na he's gay. He looked at us like we are panget tingnan. Mas panget sya, puno na kasi sya ng rinkles. Eew. I raised my kilay at him too. Akala nya sya lang marunong?

"Why are you not in my class yesterday?" lumapit sya sa desk ko slowly.

Duh. Kailangan may pa-effect pa? At talagang ang balakang nya ay kailangan sumayaw sa saliw ng musika na wala namang nakakarinig.

"Went to the hospital." I said in a duh tone.

It was like the news hasn't spread to him, note the sarcasm please? Or maybe he really doesn't know?

"I can see that you girls are--" he stopped mid-sentence

"Excuse me sir. Sorry we're late." sabi ng pamilyar na boses.

I glanced at the door and saw the three guys from yesterday, they make tulong us. My eyes wandered at the guy with a deshiveled hair, his jet black eyes looks bored, his nose that is so proud and his thin lips I'm sure that many girls have tasted. He is smiling again from ear to ear. All in all hindi sya ganun kagwapo? Kinda. Well, No comment. This cassanova guy really irritates the hell out of me! Napairap ako.

What are they doing here naman? Classmates kami sa subject na ito? Malas naman. Siguro they are late kasi they make hunting pa ng girls. eew.

"And you guys wasn't also in my class yesterday." sabi ng propesor.

Who would make attend naman sa class nya if his is always a mad ape? siguro ay nabalitaan ng three guys na iyon na mayroong natatanging halimaw sa subject na ito kaya di sila umattend.

"We're sorry sir." Sabi ng lalaking mukhang laging mayroong menstrual period dahil hindi ngumingiti.

Yung tono ng pagkakasabi nya ay parang nasa warning tone na ngunit hindi mo iyon agad na mapapansin. Sa kanyang singkit na mata makikita mo agad kung gaano sya kasuplado lalo na at parang minsan lamang sya masilayan ng araw because he's not smiling.

Kung isa lamang ako sa mga normal girls ng paaralang ito siguro ay iisipin kong mukhang hinugot mula sa isang sikat na magazine ang mga boys na ito.

"Sa susunod na umabsent kayo sa klase ko ay huwag na kayong papasok ulit dahil siguradong bagsak na kayo maliwanag?" inayos nya ang kanyang salamin.

tumango naman ang tatlong boys. Napakahalimaw talaga ng panget na ape na ito. English magsalita nung una tapos biglang nagtagalog. Hindi nya rin kineri. At talagang winarningan pa kami na ibabagsak?

"O siya, magpakilala na kayo sa karapan! Susunod naman ang dalawang babae na mukhang tinamad rin pumasok kahapon."

duh? hindi nya ba narinig yung reason ko kanina? Is he deaf? Atsaka, bulag ba sya? Tatlo kami hindi dalawa. Hindi nya ba nakikita si Inertia na nasa lik-- Wala sa sariling napabaling ako sa likuran kung saan nakaupo si Inertia at nakitang nakayuko sya sa kanyang desk she looks like she's sleeping.

From where our professor is standing hindi nya madaling makikita si Inertia dahil bukod sa nakayuko ito ay nasa likuran pa ito. Lagot talaga ito pagnagkataon.

Bumaling na ako sa harapan at nakita na one by one nagline sa harap ang three boys. I didn't get to know them kahapon so I'm all ears for their introduction.

"I'm Maru William Vergara. 20. Son of Antonio Vergara. Hi Girls." Kumindat pa sya.

Si Antonio Vergara, isa sa mga pinakakilalang entrepreneur sa buong mundo ay ama nya? Ngunit ang alam ko ay walang wife yun. Nakakapagtaka, Siguro ay iniwan sila.

"Jett Sevastian Lee. 21 years old and the son of Criselda Lee." Nanatili ang kanyang straight face.

Itong lalaking ito laging mukhang tuod. He doesn't even smile parang si Inertia lang. Speaking about Inertia, oo nga at napansin ko ang pagkakahawig ng kanilang mga mata. Parehong malamig at nakakakilabot tingnan.

Kung tititigan mo ang pareho nilang mga mata ay parang malulunod ka at hindi mo kakayanin ang intensidad ng kanilang tingin kahit na normal lamang iyon at wala silang ginagawa. Nasira ang aking pagkukumpara nang magpakilala ang isa pang lalaki sa harapan.

"Hi Everyone, I'm Raizer Landorf Anderson, 21 and son of the owner of Anderson group of companiies, David Anderson." malapad ang kanyang ngiti.

David Anderson is one of the most successful business man on Asia. Last year he ranked top 1. Kagaya ni David Anderson pala-ngiti rin ito no wonder he's his son.

Kumpara sa dalawang kasama ang lalaking ito ay mas genuine tignan ngunit makikita mo sa kanyang matikas na tindig ang awtoridad.

Napansin ko ang bahagyang pagdapo ng kamay ni Yvanna sa laylayan sweater ko sa kamay at hinawakan iyon ng mahigpit. Ano na naman ang nangyayari dito? Tumingin ako sa direksyon nya at napansin na nakatitig lamang sya sa harapan I traced her line of vision and saw the Jett guy looking straightly at Yvanna. What the hell?

Ang intensidad ng tingin Jett ay hindi pa rin nagbabago wala ka pa ring makikitang emosyon sa kanya hindi mo makikita na kumunot ang kanyang noo o gumalaw kahit na ang gilid ng kanyang labi he's expression just remained blank even with all the staring of Yvanna, he's like a robot. Hindi ba sya naiilang manlang? Unang nag-iwas ng tingin si Yvanna sa kanya nang marinig na magsalita ang aming propesor.

"Kayong tatlo, maupo na kayo sa bakanteng upuan sa likod." monster prof said.

Sunod-sunod ang tatlo na pumunta sa likod. Nang dumaan sa gilid namin ang three boys the Maru guy looked at Yvanna and me then kay Jett naman na parang nang-aasar. Inakbayan nya si Jett while on their way and laughed pagkatapos nya mag-whisper kay Jett. Hindi pa rin nagbabago ang face ni Jett.

I was about to take my eyes off of them when Maru looked back and winked at me. My eyes was like nanlaki. My heart suddenly starts beating fast I can hardly breath and my stomach flipped. Nagwawala ang mga halimaw sa tyan ko, nagugutom ba ako?

Kumunot ang noo ko at bahagyang nag-init ang pisngi. That playboy is so makapal mukha! Nakakainis! Napakaplayboy talaga. Inirapan ko lamang sya. Halata naman na ang ganyang kalibre ng lalaki ay hindi marunong makuntento sa isa.

Wala akong panahon para sa playboys like him. Ang mga kagaya nya ay walang ibang ginagawa kung hindi paglaruan ang mga babae at baka ang sunod na target nya naman ay ako? Kung ganun ay hindi ako papayag, hindi ako magpapaloko kagaya ni Daddy. Hindi ako magpapaloko sa mga mapanlinlang na tao.

I heard our ugly prof make tikhim. I looked at him and saw him raising his ugly eyebrows at me na parang nang-aasar. I make irap at him. Nakita nya kaya ang ginawa ng playboy na yon?

"Baka naman gusto nyo nang masunod magpakilala?" he asked sarcastically

Maybe I was wrong, Hindi nya nakita. Tumayo ako mula sa aking chair, ganun rin ang ginawa ni Yvanna. Dumaan ako sa gilid ng unggoy na prof tumigil ako for a second and raised my eyebrows at him.

Hinila naman ako ni Yvanna papunta sa harapan at pinanlakihan ng mata. I shrugged my shoulders at her. I don't care kung ang baklang iyon ay propesor.

Nang makarating sa front I was like tinulak sya ng marahan like telling her that mauna na sya. She looks like she's nahihiya pa dahil iniikot nya sa kanyang daliri ang dulo ng hair nya.

"I'm Yvanna Mirane Park. 19 and it's nice to meet you all." mabilis na sabi nya.

Kung titingnan sya parang hindi sya yung babaeng nakita ko sa bakanteng classroom na halos makapatay na ng tao. She looks sweet and nice at mukhang hindi makabasag pinggan but then deep inside she's a monster pala.

I stepped infront and flipped my hair. Wala sa vocabulary ko ang mahiya.

"Heira Vanessa Santos, 19 and the Heiress of Santos Group of companies."

Yes, I act like this because I'm an heiress to the company my dad has worked hard for. I Was an only child that's why I get everything I want including combat training without my dad knowing and that lead me to being expelled on my previous schools, I made my previous school my training ground and my schoolmates as my toys but it's different now.

Before I entered this school pinakiusapan ako ni Dad na huwag paabutin dito ang pakikipag-away ko. Hindi ko pwedeng suwayin si Daddy, he is the only person that cherished me the most, he gave me everything and he is more than enough than having a mother who has no worth. Kaya hindi ako naniniwala na kailangan ng bawat bata ang nanay dahil ako kinaya ng daddy ko ang mag-isa at nabuhay naman ako ng kuntento at hindi naghahanap ng ina.

Pinaupo na kami ng panget na prof pagkatapos. He started blabbering things about the lesson and it was like nakakainip.

In the middle of his discussion he stopped. His eyes narrowed at the back. Bakit kaya? I looked at where he is looking at and saw that he is looking at Inertia.

Naglakad sya palapit sa kinauupuan ni Inertia like meron syang nahuli na daga. His face is turning red and so as his eyes.

When the professor saw Inertia sleeping he is like fuming mad like a panget na bull. Namumula ang kanyang face and I can almost see usok coming from his ears and nose.

Bakit ba naman Inertia is making tulog while in class? Nagkatinginan kami ni Yvanna.

"Ganun ba ka-boring ang klase ko at may natutulog dito?" He said, gritting his teeth.

Inertia's POV

Gising ako. Naririnig ko lahat ng pinag-uusapan nila sadyang tinatamad lang akong magmulat ng mata.

Narinig ko ang pakikipag-argumento ni Heira sa isang babaeng hindi mo malaman kung isang fan lamang ba ng grupo nina Cassidy. Naririnig ko rin ang bawat hakbang palapit sa akin ng propesor na kulot ang boses.

"Ganun ba ka-boring ang klase ko at may natutulog dito?" The teacher asked, unhumored.

Nakayuko pa rin ako. At ano namang gusto ng guro na ito na gawin ko? Ang yumuko sa kanyang harapan at humingi ng tawad dahil natutulog ako sa isang boring na klase?

"At talagang hindi ka magigising?"

Kung talagang tulog ako ay baka nga nagising ako dahil sa kulot nitong boses na napakasakit sa tenga.

Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ng aking katabi kaya wala sa sariling napabaling ako sa kanya. Bumungad sa akin ang nakakasilaw na ngiti ni Raizer.

Sa akin talaga tumabi ito? I suddenly felt uneasy kaya ay humarap na lamang ako sa Propesor na mukhang kasali yata sa federasyon.

"Anong pangalan mo?" naiinis nyang tanong, halos nanginginig.

"Inertia Louana Walter." bored kong sagot.

Mukhang dahil yata sa aking pagsagot ay mas lalo syang nainis. Hindi ko maintindihan ang propesor na ito. Sinagot ko na nga ang kanyang tanong ay mas lalo pa syang nagpuyos, ano naman kaya ang mangyayari kung ni hindi manlang ako kumibo sa kanya, edi nagmukha syang tanga?

"At ako ang propesor mo sa klaseng ito!" pagpapakilala nya.

Alam ko na sya ang propesor ng klaseng ito ngunit bakit kailangan nya pang magpakilala sa akin? Lumalim ang gitla sa kanyang noo at ang kanyang mga mata ngayon ay namumula na.

Sa aking mga naunang paaralan ay madalas rin akong natutulog sa klase ngunit wala ni isa ang sumita sa akin dala na rin siguro ng estado sa buhay. Dahil habang ako ay nagaaral ay sya namang pagusbong ng Negosyo ng aking ama, not that it's not popular before. Nang dahil doon ay nakilala sya iba't ibang bansa sa larangan ng pagnenegosyo kasabay noon ay nakilala rin ako bilang anak nya, kaya siguro ay nirerespeto ako ng nakakarami noon iyon, dahil ngayon sa paaralang ito ay tila walang anak ng pinakamagaling na negosyante. Proves that money can't buy anything.

Kaya ngayon ay pinaghalong pagkamangha at pagkagulat ang nararamdaman ko. Namamangha ako sa ipinapakita ng propesor na ito sa akin, ang kanyang galit na mukha ay tila isang komiks na napakaganda pagtawanan at nakakagulat dahil sa aking pagkakatanda ay ito ang unang beses na may propesor na sumita sa aking pagtulog sa klase na alam kong hindi tama.

I grinned and raised my eyebrow. I want to see more of this man's rage. Ganito pala ang feeling ng isang estudyante na nahuli ng propesor sa masamang gawain. Dati ay naririnig ko lamang iyon sa aking mga dating madadaldal na schoolmate ngayon ay nararanasan ko na.

"Gusto mo ba na ibagsak kita sa subject na ito Ms. Walter?" he asked.

Sa halip na kabahan ay natuwa ako. Kahit kailan ay walang subject pa ang bumagsak ako, kasi hindi naman ako normal at kahit anong gawin kong masama hindi nila nagagawang ibaba ang marka ko, hindi ko lang alam kung dahil sa kapangyarihan na meron ang tatay ko na siguradong kayang patalsikin ang sinuman sa pwesto o dahil sa angking talino na namana ko sa ina ko.

Sometimes I wish that I'm just a normal kid having a normal life, living with normal people. It's not cool to feel different, to be different.

Noong bata pa ako ay lagi kong hinihiling na sana isa akong normal na bata na may karapatang maglaro kasama ang iba. Sa tuwing nakatingin sa mga masasayang mukha ng kapwa ko bata, nasasaktan pero natutuwa.

Siguro nga ay hanggang hiling na lamang ako dahil hindi ko pwedeng unahin ang gusto ko kaysa sa kailangan ko. Kailangan kong mag-aral nang mag-aral at matutong makipaglaban. Sa murang edad namulat ako na hindi lahat ng gusto ay iyon ang kailangan mo. Minsan kailangan mong isakripisyo pati ang pagkabata mo.

Kaya ang maramdaman ang normal na nararamdaman ng mga normal na tao at maranasan ang mga normal na bagay-- It's like the heavens heard my prayers.

Kita ko ang pagpipigil nya sa galit na unti-unting kumakain sa sistema nya, kaya hindi na ako nagtaka nang hindi nya na hinintay ang sagot ko sa kanyang tanong at tinalikuran nya na lamang ako.

Nagpatuloy sya sa kanyang pagkaklase at paminsan-minsan ay tinatapunan ako ng matatalim na tingin. Ang katabi ko naman ay tahimik buong klase at minsan ay nararamdaman ko na tahimik nya akong pinagmamasdan at tuwing nararamdamana ko yun ay hindi ko matigil ang pagsikdo ng aking puso, marahil ay naweweirdohan sa lalaki.

Nang matapos ang klase ay hinila ako ng dalawang makulit na babae palabas, Ginigiit nila na sumabay ako sa kanila sa pagkain. Siguro ay natatakot sila na mangyari na naman ulit ang nangyari kahapon. I won't let that happen to me again, not anymore.

Nagpatianod na lamang ako sa kanilang dalawa at sumabay sa cafeteria. Kumain lamang kami at kagaya ng ginagawa nila noong mga nakaraang araw pinilit na naman nila akong kausapin ngunit nabigo sila dahil ang aking atensyon ay nasa pagkain lamang.

The whole day was not eventful bukod sa iilang beses na may mga babaeng tinarayan si Heira at ang nangyari kaninang umaga sa akin at sa kumekembot na propesor ay wala nang iba pang kakaibang nangyari at hindi na rin ako muling natulog sa klase dahil nawala na ang antok ko.

Nasa loob kami ng sasakyan ngayon at nagdadrive ako. Nakikinig ako sa pagbabangayan nang dalawa.

"Gwapo kaya ang prof na yun!" si Yvanna.

"What kind of eyes ba yan Yvanna? Gwapo? E matanda na ang prof na yun! So eww." Nandidiring sabi ni Heira mula sa backseat.

Ang pinaguusapan nila ay ang huling prof namin sa araw na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay Lewis Andrew ang pangalan nya at hindi ko napansin kung gwapo ba o hindi dahil siguro ay wala akong pakialam.

Nagpatuloy ako sa pakikinig sa kanilang dalawa na biglang nagbago ang topic. Hindi ko na namalayan na nadistract na pala ako sa kanilang dalawa at nasa malayong parte na ng grounds.

"Shit!" I cursed under my breath.

Malayo na ito sa street kung saan dapat ililiko ang sasakyan upang makarating sa bahay namin. Bakit ba hinayaan kong madistract ng mga babaeng ito?

One way lang ang daan na ito at wala akong magagawa kundi ang dire-diretsuhin ang daan at kung makahanap ng street ay doon ako liliko. Dire-diretso ang aking pagmamaneho, ang dalawa naman ay patuloy pa rin sa kanilang telenobela. Ilang minuto ko nang tinatahak ang daan ngunit wala pa rin akong nakikita na pwedeng likuan, siguro ay napansin iyon ni Yvanna kaya tumahimik sya.

"Bakit parang sa iba yata tayo dumaan Inertia?" nagtataka nyang tanong.

'Dahil sa mga bibig nyong walang tigil kaya tayo nasa sitwasyon na ito.' gusto kong sabihin sa kanya kaya lang ay mas pinili ko ang manahimik na lamang.

Hindi na rin sya nagsalita pagkatapos. Tumigil na rin ang kanilang paguusap ni Heira at nanahimik na lamang.

Ilang minuto pa at kumunot ang aking noo nang unti-unting bumagal ang takbo nang sasakyan at tuluyan rin itong huminto. Kung sinuswerte ka nga naman! Tumirik pa ang sasakyan.

Nagtatakang tumingin sa akin ang dalawa habang pinipilit kong buhayin ang sasakyan na sa tingin ko ay naubusan ng Gas. Nang hindi ko na talaga mabuhay pa ang sasakyan ay humarap ako sa kanila at ibinalita.

"Naubusan yata tayo ng Gas." I said.

"Paano? Hindi ba ay nakafull tank yan kahapon?" nagtatakang tanong ni Yvanna.

Nakakapagtaka nga dahil tanging ginamit lamang ito kahapon papunta ng school, papunta at paalis ng ospital kaya imposibleng mauubusan agad ito ng Gas dahil nakafull tank ito nang ibigay ng babaeng mahilig sa pula na nagngangalang Dandelion.

Wala kaming magawa kundi ang lumabas ng sasakyan at maghintay ng darating na sasakyan at magbakasakali kung pwedeng makisakay. Madilim ang lugar na ito at hindi gaya ng ibang parte ng Grounds na may lamp post. Gabi na rin kasi natapos ang klase namin.

Napansin ko rin na halos walang dumadaan na sasakyan dito, parang tagong parte yata ang napuntahan namin ang katibayan nun ay ang kanina pang nagrereklamong si Heira dahil sya ay nilalamok.

"Maghanap kaya tayo ng bahay? Baka pwedeng makahingi ng tulong." Ideya ni Yvanna.

"Good thing naisip mo yan! I'm kanina pa nilalamok here! Tara na!" si Heira at nauna nang maglakad.

Sumunod ako sa kanila. Madilim ngunit mayroon pa kaming naaaninag sa daan dahil sa angking liwanag ng buwan.

Ilang metro pa lamang ang nilalakad namin mula sa sasakyan ay humiyaw si Heira.

"Guys!" hiyaw nya.

Napatigil kami sa paglalakad at tiningnan ang kanyang tinuro. Isang bahay sa sanga ng isang malaking puno. Mukha itong nasa maayos pang kondisyon at mayroon pang lubid sa nagsisilbing daan para makarating sa itaas.

Sino naman ang magtatayo ng ganitong klaseng bahay sa gitna ng liblib na lugar? Medyo malaki ito at maayos ang mga materyales na ginamit.

"W-What is that?" nakangangang tanong ni Yvanna

"A tree house." sagot ko.

Walang pasubaling lumapit si Heira ganun rin si Yvanna. Mukhang amazed sila sa nakikita. Maging ako ay namamangha lalo na nang makapasok kami sa loob ng tree house.

Moderno ang loob nito at hindi mo aakalaing nasa loob ka ng isang tree house. Kompleto rin sa mga gamit ngunit mahahalata na wala nang tumitira dahil na rin sa mga pulang tela na nakatakip sa mga kagamitan at sa mga alikabok sa paligid. Konting linis lamang dito tingin ko ay mas lalong gaganda ang bahay na ito.

Sinilip namin ang bawat parte ng bahay at nagulat kami dahil sa may likurang bahagi pala ay mayroong balkonahe. Nanatili ako roon habang pinagmamasdan ang mga bituin at kasama ang buwan. Dahil nasa itaas ng puno ay tanaw mula rito ang mga puno sa malayong banda, parang gubat iyon. Napakaganda pagmasdan, but then something crossed my mind.

"Hey, Inertia nakakita kami ng gas sa isa sa mga kabinet pwede ito sa sasakyan natin." dumating si Yvanna, snapping me out of my thoughts..

Lumingon ako sa kanya at tiningnan sya sa mga mata.

"What if we make this house our hideout?" tanong ko, ignoring what she said earlier.

Pinagusapan namin ang tungkol dun dahil mukha namang tuluyan nang inabandona ang bahay na ito ay pumayag rin sila sa sinabi ko.

Nakabalik kami sa bahay ng maayos, salamat na rin sa tulong ng Gas na nakita nila sa tree house na iyon. Naisipan namin na ipaayos ang sasakyan sa Talyer na nadaanan namin kanina habang pauwi. Mahirap na rin kung tumirik ulit ang sasakyan at napansin ko rin kanina habang pauwi kami ay mabilis bumaba ang meter ng gas nito.

Nasa loob ako ngayon ng kwarto, hawak ko ang mapa ng paaralan na ibinigay sa akin kasama ang itim na kahon. Talagang malaki ang grounds ng paaralan kung titignan ngunit napakunot ang noo ko nang hanapin ng aking paningin ang ruta na tinahak namin kanina sa kung paano namin nahanap ang tree house na iyon.

Ang ruta ay kita sa mapa ngunit hanggang doon na lamang iyon at wala nang karugtong, deadend kumbaga, ang lugar na kung nasa ang tree house ay hindi rin makikita sa mapa. Kung ganun ang tree house na iyon ay wala na sa grounds ng school? Pero bakit walang barikada doon na dapat naghihiwalay nito sa school property?

That is not normal.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height