+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Chapter 7: Toys

Inertia's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas at ginawa nga naming hideout ang tree house na iyon. Ang kotse naman na ibinigay sa amin ay kasalukuyang pinapaayos sa talyer na nandito pa rin sa loob ng grounds at ngayon ang araw kung kailan namin iyon makukuha.

Mahirap pala talaga ang walang sasakyan sa paaralang ito, mabuti na lamang at dumating ang balitang nasa talyer ang kotse namin sa Principal at may inuutusan sya na sumundo sa amin sa bahay bago magsimula ang klase, ang hindi ko lamang alam ay kung paano nya iyon nalaman.

Maaaring dahil sa CCTV na nakakabit sa mga sulok sa aming bahay kaya nya iyon nalaman, kung ganun ang ibigsabihin ay may audio function ito. Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip ng mga bagay tungkol sa paaralang ito lalo na at kagabi ay hindi na naman ako nakatulog dahil sa nalaman ko.

If I would've known that I wouldn't have a decent sleep in this school sana pala ay naging mas maingat ako at hindi hinayaang makidnap ng mga tauhan ni Daddy, kung tutuusin ay kayang-kaya ko naman makawala sa kanila kung gugustuhin ko.

Kasalukuyan akong naglalakad, kagagaling ko lamang sa library ng aming paaralan dahil naghanap ako ng libro na maaaring makapagbigay sa akin ng impormasyon tungkol sa paaralang ito ngunit nabigo ako, hindi ko natapos ang paghahanap dahil sa dami ng libro sa dalawang palapag na library.

Di bale bukas ay hindi na lamang ako papasok sa klase I'm sure the professor wouldn't mind, wala naman silang pakialam kung pumasok man ang estudyante nila ang mahalaga ay nakakapagturo sila.

Napatigil ako sa paglalakad sa hallway nang marinig mula sa malaking speaker sa taas ang aking pangalan.

'Calling the attention of Ms. Inertia Walter, Ms. Yvanna Park, Ms. Heira Santos, Ms. Cassidy Roque, Ms. Joana Limcangco, Ms. Stella Miralle and Ms. Helenna Kim. Please proceed to the principal's office, immidiately.'

They are broadcasting our names in the whole school body. So much for not withdrawing many attentions. Siguro ay nakarating na sa Principal ng paaralang ito ang nangyari sa amin pero ang nakakapagtaka ay kung sino ang nagbalita sa kanya ng mga ito. Sa daldal ba naman ng mga estudyante dito nakakagulat kung aabutin ng isang linggo bago malaman ng Principal ang nangyari parang matagal na nga ang ngayon na inabot ng tatlong araw.

Naramdaman ko ang iilang tingin sa akin ng mga tao. I really don't care about them but then my eyes settled at one particular pair of eyes. He is standing with his friends in the middle of the soccer field. Kumaway sya sa akin ng may ngiti sa kanyang labi, with his usual playful aura. Napapantastikuhan akong tumingin sa kanya nang walang ekspresyon. An easy go lucky kind of guy.

'Calling the attention of Ms. Inertia Walter, Ms. Yvanna Park, Ms. Heira Santos, Ms. Cassidy Roque, Ms. Joana Limcangco, Ms. Stella Miralle and Ms. Helenna Kim. Please proceed to the principal's office, immidiately.'

Napailing na lamang ako at naglakad papunta sa principal's office nang marinig kong ulitin ng nagsasalita sa intercom ang kanyang sinabi.

Nakasalubong ko naman ang Bratinella at Smiley habang papunta doon. Kaya sumabay na sila sa akin.

"Bakit kaya tayo pinatawag?" tanong ng brat.

"Nagtanong ka pa? Baka nakarating na sa kanila ang ginawa natin?" parang nahihiya na sabi ni Smiley.

Hindi ko talaga akalain na kaya nilang gawin iyon para lamang sa akin. For once I felt special. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay marunong pala silang makipaglaban. Nakakainis noong nakita ko sila na pumasok sa loob ng aking hospital room na pawis na pawis, bangag at may mga bangas sa mukha, sino ba ang nagsabi sa kanila na gawin iyon? Paano kung napahamak sila? Talagang kaibigan ang turing nila sa akin pero hindi nila kailangan gawin iyon.

Nang pumasok sa Principal's Office ay nadatnan namin ang apat na walang hiyang babae. Mas lalo kong napatunayan na tama nga ako at nakipagbuno ang dalawa kong housemate sa apat dahil nakita ko silang may galos at may bandage sa iba't ibang parte ng katawan. Talagang magaling ang dalawa kung nakaya nila ang apat, ang ayoko lamang ay nasisira ang plano ko dahil sa kanilang dalawa.

Ngayon lamang ako nakapasok sa opisina ng punong guro at hindi ko maipagkakaila na kahit ang simpleng opisina ay pinaglaanan ng pera at oras ng may-ari ng paaralan na ito. Pagpasok mo mula sa pinto ay agad bubungad sayo ang isang lamesa na gawa sa salamin, nasa harap nito ang dalawang pares ng magkatapat na upuan at ang nasa kabilang dulo naman ay isang swivel chair.

Paglingon sa kanan ay makikita mo ang isang mahabang lamesa na sa tingin ko ay pinaggaganapan ng mga importateng mga meeting, sa dulo ay makikita mo ang isang projector.

Naglakad kami patungo sa mahabang lamesa. Nakaupo ang apat sa apat na upuan sa kanang bahagi ng mesa habang ang Principal ay nakaupo naman sa nagiisang upuan sa dulo ng lamesa.

Napansin ko ang kanyang matalim na titig sa akin, I can say that she's trying so supress something within her cause I can see it by how her lips purse and her hands held onto each other above the table. Ang hindi ko lamang maintindihan ay paano magkakaroon ng galit sa akin ang isang tao gayong hindi nya pa ako kailanman nakita.

She maybe behind all of these. Ano kaya ang lihim ng paaralan na ito? Ngayon ay mas gusto ko na iyong malaman. The hunger to know this school's dirty secret is more intense.

Umupo kami sa kaliwang bahagi ng lamesa katapat ng apat na babae.

The Principal cleared her throat before speaking.

"First of all I want all of you to know why you're here. A news got to me that something happened between your group Ms. Roque and yours Ms. Walter." her eyes bore into mine.

"Gusto kong sabihin nyo sa akin kung ano ang nangyari." pagpapatuloy nya.

Binigyan nya kami ng isang tipid na ngiti na alam kong pilit. Tahimik lamang ako sa aking upuan, hinihintay na magsalita ang isa man sa kabilang grupo.

Nakita ko ang kanilang kakaibang titig sa akin, tila napapantastikuhan na nandito ako sa kanilang harapan at nananantsya.

Nang mapagtanto na walang balak na magsalita ay itinukod nya ang kanyang mga kamay sa lamesa at tumayo mula sa pagkakaupo. Isa isa nya kaming tiningnan at kinuha ang isang remote na ngayon ko lamang napansin ay nakalapag pala sa lamesa sa kanyang harapan.

Isang pindot sa remote ay umilaw ang projector sa kanyang likuran at nag-play ang isang CCTV footage, kuha ito noong tinambangan ako ng kabilang grupo. Lahat kami ay napabaling rito.

Kitang-kita ang unang pananakit ng grupo ni Cassidy at ang aking pagganti, bago matapos ang footage ay ipinakita ang paghampas sa akin ng baseball bat at ang pagkawala ng malay ko.

Umalma si Smiley sa aking tabi, galit na tiningnan ang mga babae sa kabilang parte ng lamesa at tila isang kalabit na lang ay susugurin ang mga ito. Pinipigilan sya ni Bratinella na halata rin sa mukha ang galit.

Nakakatawa isipin na talagang kaibigan ang turing sa akin ng dalawang ito, siguro dahil iisang bahay ang aming tinitirhan pero paano kung sa ibang bahay ako napunta at hindi ako ang nakasama nila, ituturing pa rin ba nila akong kaibigan? Sigurado akong hindi.

If we are not in the same house I know they'd treat me as their enemy not as their friend. Pero kung ang turing ko sa kanila ay kaibigan hindi ko na hahayaan pang mabuhay ang mga taong magtatangkang manakit sa kanila but sadly I don't.

Ang pagkakaroon ng kaibigan para sa akin ay kahibangan, para lamang iyon sa mga taong mahina at nangangailangan ng kakapitan at kakampi sa tuwing sila ay inaapi.

Gusto ko rin itong ituring na parang isang laro, Habang ang iba ay naghahanap ng totoo ang iba naman ay nanloloko parang nagpapatintero nang hindi mo nakikita ang kalaban mo, maswerte ka kung ang matagpuan mo ay yung hinahanap mo dahil kakaunti pa lamang ang nakakagawa nun, Marami ang nabubulag ng mga taong akala nila ay maaaring pagkatiwalaan.

Pagkaraan ng ilang segundo ay natapos ang palabas at bumalik sa dating estado ang projector, tila walang nangyari. Parang walang CCTV footage ang ipinalabas dito kanina na naging dahilan ng galit ni Yvanna at ng pagpipigil ni Heira ngayon.

"Can you explain to me what I have seen Ms. Roque?" tanong ng Principal.

Tumindig mula sa pagkakaupo si Cassidy na tila ay napaso sya. Mainit ang kanyang tingin sa akin halos kapantay ng tingin ni Yvanna sa kanila.

Ano? Sa tingin mo ay makakatakas ka ngayon? Hindi! Sigurado akong hindi!

Una pa lamang ay hindi ko na maintindihan ang galit nya sa akin. Kung bakit kami humantong dito ay parang madilim na panaginip pa rin sa akin. Sinimulan nila ito at hindi ako magkakamaling tapusin.

"Mayabang ang babaeng iyan!" turo nya sa akin.

Kung mayabang ako, ano pa kaya ang babaeng ito? Napalabi ako dahil sa sinusupil na ngiti.

"Lower down your voice Ms. Roque!" tumaas ang tono ng Principal, galit sa biglang pagsigaw ni Cassidy.

"Paumanhin po pero inudyukan lamang kami ng babaeng iyan para saktan sya." bahagyang bumaba ang boses ni Cassidy.

Inudyukan? Paano maniniwala ang Punong-guro doon gayong ang nasa CCTV footage ay ipinapakitang sila ang lumapit sa akin habang naglalakad ako.

Bumaling ako sa kanya at naabutan ang matalim nyang tingin sa akin na tila nagsasabi na dapat ay ako ang umamin dahil ako ang may sala.

Hah! Magdusa kayo diyan!

Bumalik sa akin ang alaala nang araw na iyon. Parang ulan na bigla na lamang bumuhos ngunit nakakapagbigay ng aliw at tuwa sa mga nakakasaksi, lalo na sa nakakaranas nito. Napangiti ako.

Nagising ako nang maramdaman ang buhos ng malamig na tubig sa aking mukha. Naramdaman ko ang sakit sa aking ulo at katawan.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita agad ang apat na babae sa aking harapan. Nakatayo sila at may mga nakakalokong ngiti sa kanilang mga labi.

Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang kirot sa sugat sa aking ulo na sanhi ng pagpalo nila ng baseball bat sa akin. Ang aking paningin ay malabo at bahagya akong nahihilo dahil rin siguro sa lakas ng pagkakapalo ng bagay sa aking ulo. This scumbags.

"Gising ka na pala?" Napabaling ako sa kanya.

Prenteng nakaupo si Cassidy sa isang plastik na upuan sa sulok na hindi natatamaan ng ilaw.

Nakasuot ng uniporme na nakabukas ang unang tatlong butones na naging dahilan upang bahagyang makita ang kanyang cleavage at kulay pulang brassiere.

Paano ko nalamang pula gayong madilim? Malay ko ba kung glow in the dark ang bra na gamit nya? Or maybe it's freakin' neon?

Wala rin talagang hiya ang babaeng ito ano?

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kagaya ng sa mga pelikula ay natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng isang madilim na silid na mukhang bodega o abandonadong gusali. Walang ilaw kundi ang isang bumbilya na mukhang mahina na at ilang oras na lang ay mapupundi na.

This is so Cliche.

Ang gisingin ka gamit ang malamig na tubig sa loob ng isang madilim na lugar at may mga babaeng mistulang kontrabida sa harapan mo, mga nakangisi habang ang lider nila ay nasa gilid pinagmamasdan ang ginagawa mo. Bakit kaya ganito na lang lagi ang eksena sa mga pelikula pare-pareho ang setting, kaya siguro ginaya rin ng mga ito?

Pinakiramdaman ko ang aking katawan. Masakit pa rin ang ulo at katawan ngunit mabuti naman ay hindi nila ako itinali kundi naging kumpleto na ang pagiging kontrabida nila. Hindi ito pelikula.

Ang tunog ng pag-atras ng inuupuan ni Cassidy ay bumalot sa buong silid nang tumayo sya mula roon.

Lumapit sya sa akin at umupo para maging kalebel ako. Bahagyang lumabo ang paningin ko ngunit hindi ko ipinahalata yun, sa halip ay taas noo akong nakipagtitigan sa kanya.

Sa larong ito kung sino ang magpakita ng takot sya ang talo. I won't be the one to back down first.

Hindi ibigsabihin na nahamapas nila ako ng baseball bat na iyon ay matatakot na ako sa kanila. It takes more than that to scare me.

Ipinahid nya ang kanyang palad sa aking noo at pagkatapos nito ay nakita kong puno ng dugo ang kanyang kamay na nanggaling sa noo ko.

"You're weak." she smirked.

Ipinahid nya ang dugo na nasa kanyang kamay sa aking damit. Naglakad sya palayo sa akin habang tumatawa ang kanyang mga kasama sa gilid. Nakita ko pa ang pagtagilid ng ulo nya para dumura sa gilid.

Maybe I am weak but you're weaker.

"I don't want anyone of you injured, you know?" I said.

Natigilan sya sa paglalakad at hinarap ako nang may ngiti sa kanyang mga labi binigyan ko lamang sya ng di malamang ekspresyon.

"Should I say 'Thank you'?" humalukipkip sya.

Gusto kong burahin ang ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi pero taliwas sa aking plano kung gagawin ko ito. I don't want to ruin my own plan just to give this girl a broken jaw, mas may magandang idudulot kung matutuloy ang plano ko.

"Paano kayo pananagutin sa kasalanan ninyo kung pare-pareho tayong bugbog sarado?" tumaas ang gilid ng labi ko but still there is no humor in my eyes.

Kumunot ang kanyang noo tila pinoproseso ang sinabi ko.

"Kasalanan?" tanong nya.

"You think I don't know? Binabayaran ninyo ang mga guro dito para bigyan kayo ng matataas na marka and worst ang naisip nyo pang ipambayad ay ang.." bumaba ang tingin ko sa kanyang cleavage.

Aksidente ko lamang nakita ang 'pagbabayaran' nila kanina habang papunta ako sa classroom para sa unang klase at naisipan ko munang mag-cr, balak maghilamos para mawala nang konti ang pagkaantok ngunit dahil sa nasaksihan ko ay hindi na lamang ako tumuloy. Baka makaistorbo pa ako sa kanila at nandidiri ako.

Wala naman kasi talaga akong pakielam sa pagbabayad nila sa guro ang gusto ko lang ay ang isiwalat ang kababuyan nila sa paaralang ito at para malaman nila kung sino ang kinakalaban nila. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila na frame up lang ito?

Nalaman ko rin kasi kanina habang nagoorientation na ang tatay ng Cassidy Roque na ito ay isa sa board ng school na ito dahil narinig kong usap-usapan ng mga babae sa likod ko. Gusto kong isiwalat ang maitim na sikreto ng kanyang unica hija para magfocus ang lahat ng board members at estudyante sa mga issues ni Cassidy kasama na ang papalabasin kong pambubugbog nila sa akin habang naghahanap ako ng impormasyon tungkol sa paaralang ito.

"P-Paano mo nalaman y-yun?" she asked, stuttering.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at naglakad patungo sa kutsilyo na nakita kongnakapatong sa isang lamesa sa di kalayuan. Kinuha ko iyon at tinitigan, nararamdaman ko angtitig nila sa akin.

Gulat na gulat kayo sa kababuyan ninyo? Sa dami ng tao dito sa tingin nila ay hindi sila mahuhuli lalo na at sa cr pa talaga nila ginagawa.

"Cause I'm weak, right?" ibinaling ko sa kanya ang aking tingin.

Nakita ko ang pagsulyap nya sa kutsilyo na hawak ko.

"A-ano ang gagawin mo dyan?" still stuttering.

Natatakot ba sya na itapon ko ito sa kanya at bumaon sa lalamunan nya ang talim ng kutsilyo? Napailing ako kung gagawin ko iyon ay magiging masyadong cliche ang mga eksena.

"Why don't you watch and see?" isa-isa kong tiningnan ang mga babaeng nagdala sa akin dito.

Itinapat ko ang kutsilyo sa aking palapulsuhan at dahan dahang hiniwa ito kasabay ng pagkapunit ng aking balat doon at pagpatak ng maraming dugo. Kinakagat ko ang aking labi dahil sa sinusupil na sakit.

Alam ko na hindi ko ikamamatay ito bukod sa hindi masyadong malalim ang pagkakahiwa ko ay hindi ko ito itinapat sa mismong pulso ko. Atsaka may kasabihan nga sila 'Matagal mamatayang masamng damo'

Kasunod ay hiniwaan ko ang iba't ibang parte ng braso ko, gagaling din naman ang mga ito. Ngayon lang ang sakit ngunit lilipas din dahil mabilis ang oras.

"Ano pang ginagawa nyo? Pigilan nyo sya!" gulat na utos nya.

Ang iba ay mukhang natauhan mula sa pagkakagulat dahil sa malakas nyang utos. Sinubukan nila akong pigilan ngunit hindi ko sila hinahayaang makalapit sa akin.

Pinipigilan nila ako kasi natatakot silang masisi? Ha! Weak.

Sa tuwing lalapit sila ay itinatapat ko sa kanila ang kutsilyo at binibigyan sila ng suntok sa tagiliran. Maka-ilang beses nila akong sinubukang pigilan pero hindi ko sila hinahayaang makalapit.

Tumigil lamang ako sa pananakit sa sarili ko nang makaramdaman ng hilo at panghihina dulot siguro ng maraming dugo nawawala sa akin dahil sa dami ng sugat ko sa katawan at dahilan na rin siguro ng pagkakapalo ng baseball bat sa ulo ko.

Puno ang braso at mga binti ko ng sugat dahil sa kutsilyo pati ang damit ko ay halosmagkapunit-punit na dahil dito, at hindi ko rin mabilang kung ilang beses kong inihambalos ang sarili sa pader para lamang magkaroon ng pasa. Kailangan maging makatotohanan na binugbog nila ako.

Let's see if you can get away with this! I'm gonna proceed to my plan even if it takes hurting myself and everyone around me.

Napabaling ako sa punong guro nang tumikhim sya. Mariin syang nakatingin akin, tinaasan ko sya ng kilay.

"Ms. Walter totoo ba ang sinabi nya?"

"What you see is what you see, at nasa sayo na kung maniniwala ka sa totoo." I coldly said.

Ang totoo ay alam kong may CCTV sa lugar na iyon, namataan lang ng mata ko habang naglalakad ako palayo kina Yvanna at palapit naman sa akin ang grupo nina Cassidy kaya bahagya kong binagalan ang paglalakad ko, sa intensidad kasi ng tingin nila ay alam kong may problema sila sa akin. Hindi mo ba mahahalata iyon kung pare-pareho silang nanlilisik ang mga mata kung makatingin?

Habang naglalakad ay iniisip ko na kung ano ang plano ko, patawad na lang sa kanila kasi sila ang nakakuha ng atensyon ko sa lugar na ito kaya sila ang gagamitin ko para sa plano ko.

Sinadya kong banggain ang isa sa kanila sa lugar kung saan sa tingin ko ay makikita ng maayos ng CCTV at malay ko ba kung sinadya rin nila ang humarang sa daan ko.

Hindi ko naman talaga gusto ang makipagsakitan pero nauna na sila kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Habang nakikipagpisikalan sa kanila ay doon ko nabuo ang plano na gawin silang distraction para sa paghahanap ko ng impormasyon tungkol sa paaralang ito.

"Ano nga ba ang totoo Ms. Walter?" She asked mocking me.

"If you don't believe your eyes then you don't believe the truth." I leaned on the table and clasped my hands on top of it.

"So are you implying that Ms.Roque is stating a false statement?" Mukhang naaasar na tanong nya dahil sa walang spesipikong mga pahayag ko.

"Ikaw ang nagsabi nyan." I smirked.

"Wag mo akong paikutin Ms. Walter, hindi ganyan dapat sumagot sa punong guro." She gritted her teeth like a predator holding back the hunger to eat his prey.

"All I wanna say is my scars doesn't mean nothing, Principal." Pinakita ko ang mga peklat na nakuha ko sa tagpong iyon, ang mga peklat na ginawa ko.

Tiningnan ko si Cassidy mula sa peripheral view ko at nakita ko ang pinaghalong emosyon ng inis at pagkataranta sa kanyang mukha.

"So they really did this brutal thing to you?" nakakunot ang kanyang noo habang tinitingnan ang palapulsuhan ko na nandoon pa rin ang medyo malalim na sugat, hindi pa gumagaling.

"T-That's not true! S-She's lying!" Malakas na sigaw ni Cassidy, halos hysterical. Napabaling ang principal sa kanya.

"S-She planned this all out! She did that to her self!" pag-aakusa nya sa akin.

Bumagsak ang balikat ko at napabuntong-hininga ako dahil sa kanyang sinabi. She looks helpless parang takot na takot pagbayaran ang kasalanang hindi kanya. Serves her right.

Sa kabilang banda nakita ko si Yvanna na parang natigilan tila may narealize at hindi makapaniwalang tumingin sa akin tila alam na kung ano talaga ang totoo. I just ignored her and paid attention to Cassidy's rants.

"That girl is a freakin' witch!" turo nya sa akin.

Nagulat ako sa biglang paghampas ng punong-guro sa lamesa parang naiinis na sa amin.

"Don't curse inside my office!" she angrily said.

"S-Sorry po Ms. Principal." tumungo si Cassidy.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama nya, pare-pareho silang nakayuko at tila naaawa sa sinapit ng isa't isa, hindi makapagsalita dahil mas matibay ang ebidensya ko.

"H-Hinampas nya po ng baseball bat si Jody kaya hanggang ngayon ay nagpapagaling sa hospital." nagbabakasakaling saad ni Cassidy.

Tumingin sa akin ang principal, inunahan ko na sya bago pa sya makapagsalita.

"Defense mechanism, as from what you have seen from the footage." I said.

Bago pa ako ipatawag dito ay nakaisip na ako ng lusot sa mga maaaring butas.

"Ms. Roque, ano sa tingin mo ang mangyayari pagkatapos nyong gawin ang mga iyon? Tama ba ang mambully ng transferee?" pangangaral ng Principal sa kabilang grupo.

"M-Ms." Napabuntong-hininga na lamang sya.

Nakakatawa na kapag kaharap pala nya ang punong-guro ay para syang isang maamong tuta taliwas sya ipinakita nya sa aking ugali nang tambangan nila ako.

"At ikaw Ms. Walter, ikaw man ang biktima ay hindi ka makakawala sa ginawa mo kay Jody Berkins."

Shit. Hindi ko inaasahan ito.

"Kailangan nyong malaman na ang lahat ng ginawa ninyo ay may kapalit, dahil sa isyu na nangyari ay mapipilitan akong suspendihin ka at ang grupo mo Ms. Roque mula sa paaralang ito we don't tolerate such actions. Ms. Walter, Ms. Santos, Ms. Park magpapadala naman ako ng mga tao mula sa mga magulang ninyo para bantayan ang bawat kilos nyo dito sa paaralang ito kapag may nabalitaan ako na nasangkot kayo muli sa gulo ay mapipilitan akong isuspend kayo." Pinal na pag-anunsyo nya.

Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging hatol nya, ang akala ko pa naman ay makakahanap ako ng impormasyon nang walang kahirap-hirap kagaya ng sa plano ko pero mali ako. Kung nagtimpi lang sana ako at umiwas na lang sa Jody na yun, dumagdag pa ang dalawang ito. Sinasabi ko na nga ba na sila ang makakasira ng plano ko e.

"Akala nyo ba ay hindi ko alam na nakipagpisikalan kayo sa grupo ni Ms. Roque para ipaghiganti si Ms. Walter? Hindi nyo dapat inilalagay sa kamay ninyo ang batas." nakangisi nyang saad.

Hindi makapagsalita ang dalawa dahil sa sinabi ng punong-guro. What do they expect? Ang hindi sila mahuli ng Principal? They should know more than that! edi sana ay pare-pareho kaming maginhawa at malaya, ngayon ay may dumagdag na naman sa alalahanin ko.

Tinaasan ako ng kilay ng punongguro at tila ay nang-aasar na nakatingin sa akin. Parang alam nya kung ano ang pinaplano ko pero imposible iyon! Baka dahil sa kakulangan ko sa tulog kaya ko naiisip ang ganito.

Pahamak naman kasi ang dalawang iyon! Ngayon sa tingin ko ay mas lalo akong hindi makakatulog dahil sa kanila.

"Sorry po." paghingi ng paumanhin ni Yvanna ngunit malamig ang pagkakasabi nya nito.

Tahimik lamang si Brat at hindi nagsalita. Hindi ko alam kung anong ekspresyon nya sa mukha pero nakakatakot itong makita sa kanya lalo na at sanay ako na mukha syang mataray at maarte.

Pagkatapos nun ay hinayaan na rin kaming umalis ng Principal. Habang naglalakad kami ay nasulyapan ko ang cellphone na sa tingin ko ay sa Principal sa kanyang lamesang gawa sa salamin.

Nagising ako sa kwarto nang maramdaman na may nakatingin sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang pamilyar na lalaki.

Ang kanyang buhok na dati ay itim ngayon ay kulay kape na ngunit yun lamang ang nagbago sa kanya. Ang kanyang mga singkit na mata, matangos na ilong, ang kanyang tindig at ang kanyang aura ay pare-parehong hindi nagbago pati na rin ang mapanuya nyang ngiti.

Ano ang ginagawa ni Jett dito? Baka may makakita sa kanya.

"How are you?" he asked me.

I'm lying if I say I'm not delighted to see him here. Pero bakit ba sya nandito? The time I checked nasa Canada sya.

"Umalis ka na." umiwas ako ng tingin.

Naguguluhan parin ako sa nangyayari sa paaralang ito at ngayon ay mas lalong gumulo, kaya hindi dapat pumalpak ang pinaplano ko bukod sa sarili ko ang isinugal ko ay gusto ko nang mawala ang bumabagabag sa akin.

"Oh come on. Ang tagal nating hindi nagkita." he smirked.

"Wala akong panahon makipagkamustahan sayo Jett." Matalim ang tingin ko sa kanya.

Hindi ako tanga alam kong nasa hospital ako at sigurado ako na mas mahigpit ang seguridad dito kaya mas marami ang maaaring makakita sa mga kilos namin dito. Konting galaw ay alam nila kaya kailangang umalis na si Jett sa lalong madaling panahon.

Hindi natin alam kung ano ang kapalit kapag sinuway ang mga kautusan sa paaralang ito kaya iyon ang mas nakaktakot.

"Pero ako meron, Lou." muli ay ngumisi sya.

Calling me that nickname is a sin. I am not her, I am not Lou, Not anymore.

"Shut up and leave! Bakit ka ba nandito?" I angrily said.

"You wanna know? Call me then. The same number, and maybe we should talk about something personal" he said then left.

Dahil sa masyadong pag-iisip sa mga bagong bagay na natuklasan at kung tatawagan ko nga ba ang lalaking iyon ay hindi ko namalayang nakatulog ako hanggang sa naging ulit nang dumating ang dalawa kong housemates.

Nagulat ako nang tapikin ako ni Smiley at iginiya palabas. shiz! this is going to be a very bad idea.

Ilang oras akong nakatayo dito sa likod ng principal's office hinihintay ang paglabas ng principal para makapuslit. Pinauna ko na sina Smiley at pinangakuang susunod din agad sa kanila. Seriously, wala naman akong obligasyon sa kanila.

Nang makaalis ang principal sa kanyang opisina ay mabilis akong pumasok rito. Dahan dahan dahil baka may makahuli sa akin. Ini-lock ko ang pinto at lumapit sa lamesa ng Punong-guro, kinuha ko ang kanyang cellphone at agad di-nial ang numero ni Jett.

"Lou." bungad nya mula sa kabilang linya.

"Stop calling me that and let's go straight to the point." I said with no patience.

"Fine with me." he said.

"Bakit ka nandun sa ospital?" agarang tanong ko.

"Isa ako sa nagdala sayo sa ospital. Where is my 'Thank you'?" nangu-uyam na sagot nya.

"Oh my middle finger says thank you for your kindness." I even raised my middle finger as if makikita nya ito.

Humagalpak sya sa tawa dahil sa sinabi ko. Nakakainis! natutuwa pa sya! dapat ay hindi na namin pinapatagal ang tawag na ito dahil baka dumating na ang Principal.

"Alam ko na hindi sila ang gumawa nun sayo Lou." biglang seryoso ang boses nya.

"You know me well." I smirked.

He really does.

"Alam ko na ang takbo ng utak mo ay mas mabilis pa sa orasan Inertia, alam ko kung paano ka magplano at makipaglaban. Dahil pareho lang tayo." mababa ang kanyang boses.

Alam nya ang ang lahat ng nasa utak ko. Alam nya na kapag nakipaglaban ako bago pa ako madaplisan o masugatan ay patutumbahin ko muna ang kalaban ko.

"Pero mas matalino ako para malaman na ang Punong-guro ay matalino rin at hindi sya madadala kahit na ilang libong sugat pa ang matamo mo."

"How did you know?" napaawang ang labi ko.

"I have my eyes and my mind." Napairap ako.

"Bakit nandito ka Jett?" wala sa sariling tanong ko.

Ito talaga ang bumagabag sa akin nang makita ko sya sa hospital. Bakit nya dito napili mag-aral?

"Kasi may dapat akong gawin, Inertia. Dumako tayo sa mga kaibigan mo." Siya. Halatang iniiwasan ang aking tanong.

"Hindi ko sila kaibigan." mabilis na sagot ko.

"Pero pinaghiganti ka nila?" Nanantya nyang tanong.

Alam ko kung ano ang iniisip nya at hindi na iyon mangyayari pang ulit kung kaya ko naman pigilan.

"Hindi ko sila inutusan." sabi ko, without humor.

"Inertia, Just to remind you-" hindi ko sya pinatapos.

"They are not my friends, I don't want to have friends, siguro Laruan, Toys! Mga laruan sila para sakin! Ipaghihiganti ako ng hindi ko sinasabi at kaya kong kontrolin sa isang salita lamang."

Medyo exaggerated ang pagkakasabi ko sa kanya pero mas mabuti na iyon ang kanyang isipin dahil wala akong panahon para makipagbilangan at marinig ang mga bagay na alam ko na.

Maybe I don't treat them as friends pero alam ko na tao sila at ang tao ay hindi dapat ginagawang laruan. I just need to say that.

"Just don't Lou. Wag mong hayaan na mapalapit ka sa kanila." malamig na sabi nya.

"Wag kang mag-alala Jett bago mo pa sabihin ginagawa ko na." sabi ko at pinatay ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay dinelete ko ang history ng aming paguusap sa Call logs at agad ding umalis na parang walang nagyari. Mabuti na lamang at hindi ako naabutan ng Principal.

Nakita ko si Yvanna sa di kalayuan napansin nya rin ako kaya kinawayan nya ako at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Walang pakielam ay lumapit ako sa kanya.

"Hintayin natin si Heira, nag-Cr lang saglit." nginitian nya ako.

I suddenly felt guilty for no particular reason.

"Oh ayan na pala sya!" turo nya at lumapit kay Brat.

Nakasunod lamang ako sa kanila, umaaktong hangin.

"Yvanna tara na." Si Brat.

Hindi sya tumingin sa kahit isa sa amin at nauna nang maglakad.

Nanibago ako sa inakto nya, parang iniiwasan nya kami at parang may iniisip syang malalim na kasing lalim ng gitla sa kanyang noo ngayon.

Hinayaan ko na lamang baka may buwanang dalaw lang. Bipolar rin ang brat na ito ano?

Ag service na sinasakyan namin dahil ang sasakyan namin ay nasa talyer ay naghihintay na sa labas. Mabilis kaming sumakay doon at hinatid kami nito sa talyer dahil ngayong araw namin makukuha ang sasakyan namin.

Excited si Yvanna at si Heira ay bumabalik na sa normal na sarili, kung matatawag bang normal iyon.

Nang makarating ay napag-isipan namin na pumunta sa tree house ngayon dahil nakuha na namin ang aming kotse mula sa talyer, nakakapagtaka na hindi kami pinagbayad dahil aniya sa mekaniko ay ang paaralan na ang bahala kaya isinawalang-bahala ko na lamang iyon, mabuti nga at nakalibre kami.

Nalaman namin na kaya pala tumirik ang sasakyan ay dahil sa Gas Leak. Sino kaya ang posibleng gumawa nun sa kotse namin?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height