C17 Kabanata 17
Papasok na sila ng bahay ng may maalala si Lester subalit nahihiya siyang magtanong kay Zeke. Huminto siya at nagdalawang-isip kung papasok sa bahay. Hindi niya kasi alam kung invisible pa rin siya. Hindi siya dapat makita ng tiyuhin sa mga oras na iyon.
'Ano kaya ang aking gagawin?'
Sumandig siya sa malaking poste doon sa garahe at nag-isip. Hindi siya maaaring pumasok
