C25 Kabanata 23
Tulalang nakatitig sa kawalan si Lester. Sa wakas, nakabalik na siya sa opisina matapos niyang dalawang araw na kulitin si Zeke na siya na ang gumanap sa sariling tungkulin.
Isa pa, mula ng managinip siya tungkol kay Ezekiel, hindi na siya mapakali. Pakiwari niya'y nagkakasala talaga siya kay Zeke. Kung kailan naman kasi nangako siyang kalilimutan ang lalake sa panaginip
