Fake Love/C2 Chapter 2
+ Add to Library
Fake Love/C2 Chapter 2
+ Add to Library

C2 Chapter 2

AUBRIELLE’S POV

Halos mapanganga ako ng makakita ako ng totoong Lamborghini sa harapan ko, sa mga litrato ko lamang ito noon nakikita at ngayon ay nasa harapan ko na. Napalunok ako at agad na gumilid lalo at baka nahaharangan ko sila kahit na sobrang laki ng daan.

“Did I scare you? I’m sorry, I saw you walking and you’re sweating a lot.” Napatigil ako ng halos makarinig ako ng boses ng anghel, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod ko kakalakad at parang noong bumaba ang magandang babae mula sa engrandeng sasakyan ay nagliliwanag ito.

“Ah no, you didn’t scare me. ” Agad kong pinunasan ang pawis ko gamit ang likod ng kamay ko at hindi na naisipan na kumuha ng panyo sa sobrang pagkataranta ko.

“Here, you can use this.” Napatitig naman ako sa panyo na ibinibigay niya sa akin at kitang kita ko ang mahal na brand nito. Mabilis akong umiling at agad na umatras.

“No thanks, I’m okay.” Napatungo naman siya at agad na nalungkot at mas lalo lang akong nataranta lalo na ng lumabas ang bodyguard niya. Halos maiyak na akong nilahad ang palad ko para abutin ang panyo na inaalok niya.

Agad nagliwanag ang mata niya ng makita iyon at agad na ngumiti. Halos maistatwa ako ng pinunasan niya ang pawis ko na muling tumulo.

“Do you want a ride?” Nakangiti nitong tanong sa akin at niyakag niya pa ako, siya pa mismo ang nagbukas ng pintuan ng kanilang Lamborghini para papasukin ako.

“No, no, please I’m okay.” Hindi ko atang kayang upuan ang sasakyan na iyan at natatakot ako na baka magasgasan ko.

Magsasalita na sana siya ng may muling bumusina na sasakyan at this time ay isang mahal na sport car naman. Muli akong napalunok, gusto ko na lamang na kainin ako ng lupa ngayon na mismo.

“Tyra? What’s wrong, why did you stop?” May gwapong lalaki ang bumaba doon at agad na lumapit sa amin. Tinignan ako nito bago niya kinuha ang kamay ni Tyra daw na nakahawak sa akin. Napatingin naman si Tyra sa kanya, natigilan ako at napaatras ng makita ko kung paano niya pinunasan ang kamay noong Tyra na pinanghawak niya sa akin na parang isa akong bacteria.

“I want to give her a ride. I saw her walking and it’s tiring her. Look at her, she’s sweating.” Hinawakan naman noong lalaki ang mukha ni Tyra kaya agad napanguso si Tyra dahil sa ginawa niya. Umiwas na lamang ako ng tingin at lalayo na sana ng marinig ang sinabi ng lalaki na ikinagulat ko.

“I’ll give her a ride for you, okay? So don’t worry about her.” Inalalayan niyang pumasok si Tyra sa loob. Tumingin naman sa akin si Tyra.

“I’ll see you later, by the way my name is Tyra. How about you?” Napatingin ako sa lalaki at kita ko ang sama ng tingin niya sa akin.

“Uhm Aubrielle.” Halos pabulong ko na sagot sa kanya.

“Wow, what a nice name. I like her name, Vincent.” Ang kaninang masama ang tingin sa akin na si Vincent ay agad napalitan ng ngiti.

“Yeah, you’re right but yours is better than anyone’s name.” Humalakhak naman si Tyra at nag usap silang dalawa bago ako kinawayan ni Tyra para magpaalam.

“Troublesome.” Narinig kong sabi niya, nag pipigil akong sumagot kaya pikon akong ngumiti sa kanya.

“You don’t have to give me a ride.” Tatalikod na sana ako ng pinatunog na niya ang sasakyan.

“I promised her and I don’t break even a little promise like this to her.” Hindi na lamang ako nagsalita at binuksan ang passenger seat ng may makita na naman na babae doon. Kumpara kay Tyra ay iba ito, kung si Tyra ay unang tingin mo palang ay alam mo ng mabait ay ito naman unang tingin mo palang alam mo na, na dapat ko siyang iwasan dahil isa siyang rich spoiled brat.

“Who are you?” Kunot noo nitong tanong sa akin. Sumakay naman si Vincent at napatingin sa amin.

“I told you to wear your seatbelt, Synesthea.” Umismid lang naman si Synesthea daw. Umiling lang naman si Vincent at siya na mismo ang nag suot ng seatbelt kay Synesthea.

“What are you doing-” Bago pa siya makapagsalita ay sinara ko na ang pinto at sumakay na sa may likod.

“Who is she, Kuya?” Bahagyang tumingin si Vincent sa akin bago bumuntong hininga.

“Tyra’s friend.” Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, hindi naman sa ayaw kong maging kaibigan si Tyra sa totoo nga ay gustong gusto ko pero hindi naman kami friends lalo na at kakakilala lang namin ngayon. Wala pang isang oras ang nakakalipas.

“Again? Nevermind. Just let me drive my own car.” Tumigil naman ang sasakyan kaya napatingin ako sa dalawa at mukhang mag aaway pa sila.

“Your car? Let me tell you this, Synesthea Sivan. I let you drive your own car but look what you did? You fucking bump every car you want and we pay millions for the damage.” Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanila.

“What? It’s not my fault. Nakaharang ‘yung car nila and they’re parking where I want to park my car.” Napahilot naman si Vincent ng ulo niya.

“I don’t know what to do with you anymore, Synesthea.” Umiling na lamang si Vincent at muling inandar ang sasakyan.

“You’re always telling me that it’s my fault-”

“Because it’s your fault!” Halos mapatalon ako ng sumigaw si Vincent. Hanggang kailan pa ba ako naandito? Sana sumabay na lang ako kay Tyra kesa makinig sa pag aaway ng dalawang ito.

“Fine. It’s not your fault. We will buy a new car for you, okay?” Napatingin ako kay Vincent ng pinunasan niya ang halatang pekeng luha ng kapatid niya.

“Really?”

“Of course baby.” Nakita ko mula sa salamin ang pag ngisi ni Synesthea.

Napailing na lang ako at hinayaan sila. Hinding hindi ko talaga maiintindihan ang mga mayayaman na ito. Nang makarating na kami ay agad na akong bumaba, wala na namang pakielam si Vincent sa akin at hindi na rin sila nilingon pa.

Napatigil ako ng may humarang sa akin bago pa ako makapasok.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height