Fake Love/C4 Chapter 4
+ Add to Library
Fake Love/C4 Chapter 4
+ Add to Library

C4 Chapter 4

AUBRIELLE’S POV

Simula noon ay sinikap kong maigi na iwasan si Tyra, alam kong maganda ang intensiyon nito at hindi ito katulad ng mga kasama nito na matapobre pero hindi ko kayang makisali sa kanila lalo na at halatang halata ang pag ayaw nila sa akin.

Kapag katapos ng klase ay agad akong nagligpit at nagmadaling maglakad papalabas sa may room, kahit na ilang araw na rin naman akong hindi na pinupuntahan ni Tyra sa upuan ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng nasa labas na ako at eto na naman ang mahabang lakaran para tuluyang makasakay sa tricycle. Isa pa sa dahilan kung bakit nagmamadali ako ay dahil mag aapply ako sa mga part time job para naman makatulong ako kay papa.

Hindi rin naman kasi ganoon kalakas ang karenderya namin at gusto kong mag-ipon para kung sakaling kailanganin namin ng pera ay meron kami, lalo na at napapansin ko ang pagdalas ng pag-ubo ni papa at kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na magpacheck-up na siya dahil isang buwan na itong inuubo ay siya pa mismo ang nagagalit sa akin at sinasabing wala lang iyon. Alam kong ayaw niya lamang mag pacheck-up dahil iniisip nito ang pera.

Sobrang init at nalimutan ko pang magdala ng payong kaya naman lalo pang tumulo ang pawis ko.

“Hey, Tyra!” Agad akong napatigil at napatingin sa harapan.

May babaeng kumakaway kaya naman agad akong napalingon sa likod ko at ayan na ang Lamborghini nila at agad tumigil sa harapan ng babae.

“Thanks god you’re still here.” Bumaba naman si Tyra at automatikong pinayungan ng mga bodyguard ni Tyra si Tyra.

“Can you please give me a ride?” Lumapit iyong babae kay Tyra at dahil sa paglapit nito ay agad natapunan nito ng iniinom na Starbucks coffee ang uniform ni Tyra. Agad naalarma ang bodyguard ni Tyra at agarang pinunasan ang uniform ni Tyra.

“Omygod, Tyra. I’m so sorry.” Tumulong ang babae sa pagpunas pero pinigilan na ito ni Tyra at ngumiti naman sa babae.

“It’s okay, don’t worry.” Pati ang bodyguard ay pinigilan na ni Tyra sa pagpupunas sa kanya.

“Really? I’m really sorry, I didn’t mean it.” Ngumiti naman si Tyra.

“Yes, it’s okay. I have a lot of uniform.” Ngumisi ang babae kay Tyra.

“But Tyra, I don’t have a lot of uniform and it also got on my uniform and also my new bag channel.” Napatingin din ako sa bag nito na halos kakapiraso lang naman ang natapon dito.

“Oh, sorry. Do you want me to buy you a new one?” Agad lumapad ang ngiti noong babae kay Tyra.

“Really? You will really buy me? Thank you so much. You’re the best.” Ngumiti naman si Tyra at tumango.

Akmang papasok na sila parehas sa Lamborghini ng may mabilis na sport car ang pumarada rin sa tabi nila. Nang mamukhaan ko kung kanino iyon ay bahagya akong umatras at nagtago sa puno roon.

“What’s happening here?” rinig kong tanong ni Vincent kay Tyra.

Nakaside view ito sa akin kaya naman ng makita nito ang mantsa sa uniform ni Tyra ay kitang kita ko ang agad na pagdilim ng mata nito.

“Ah Vincent, I just accidentally spill my coffee on her uniform.” Nawala na ang ngisi ng babae at ramdam ko ang takot nito lalo na ng makarinig ng pagbukas pa ng pintuan at ang paglabas ng kapatid ni Vincent na si Synesthea, agad itong yumuko sa takot.

“It’s okay, Vincent. It’s an accident and she also got stain.” Napatingin si Vincent sa babae at kapiraso na natapon na coffee dito.

“We already talk about it and I’ll just compensate her.” Ngayon ko lang napansin ang buong nangyari. Bakit si Tyra pa ang mag cocompensate sa babae? Kasalanan naman ng babae kung bakit natapon ang coffee nito at kung titignan mong maigi ay sinadya nito ito at malamang ay alam nitong patatawarin siya ni Tyra at ganoon ang mangyayari na bibilhan na lamang siya ni Tyra ng panibagong bag kahit na sa tutuusin ay hindi naman dapat.

“Why?” Ramdam ko ang pigil na inis ni Vincent.

“Ah no, Tyra. You don’t need to compensate me because it’s my fault.” Sunod sunod na pag iling ng babae kay Tyra.

“But-”

Hindi na natapos ni Tyra ang dapat na sasabihin niya ng may tumabig sa babae para mapalayo kay Tyra at agad na tinapunan sa ulo ng iniinom nito na frappe. Kahit ako ay napanganga dahil sa ginawa ni Synesthea sa babae na halos maluha luha na ngayon at sobrang naglalagkit ang katawan.

“Synesthea!” Agad na saway ng Kuya nito dito.

“Now, compensate me. I ACCIDENTALLY spill my frappe on you and oh I got stain on my heels.” Nanginginig ang babae at bago pa may magawang iba si Synesthea ay agad ng hinila ni Vincent papalayo sa babae ang kapatid nito.

“What the fuck, Synesthea?” Galit nitong sigaw sa kapatid.

“She’s annoying me.” Galit na ring sigaw ni Synesthea.

“You don’t have to do that-”

“I want to do that, she’s obviously trying to use Tyra to buy her a new bag. It’s not new and you ugly girl try to do other tricks because I already know that.” Umiiyak ang babae roon at akma namang pupunasan ni Tyra ang babae ng agad siyang hinila papalapit ni Vincent.

“You’re such a push over, Tyra. Idiot.”

“Synesthea Sivan!” Malakas ng sigaw ni Vincent pero hindi siya pinansin ni Synesthea at pumasok lang ulit sa sport car.

Napahilot sa sintido si Vincent at napalingon sa babaeng nanginginig sa lamig o sa takot kay Synesthea? Akmang lalapit si Vincent ng mapaatras ang babae, kitang kita ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Vincent at lumingon kay Tyra.

“Hey, go ahead and go home first. I’ll take care of this.” Nag aalinlangan man si Tyra ay wala itong magawa ng hinatid na siya papasok ni Vincent sa loob ng Lamborghini nito at inutusan na ang driver na magpatuloy na sa pagdadrive.

Nang makaalis ang sasakyan nina Tyra ay doon lamang muling lumingon sa babae na umiiyak na kanina pa roon habang nakatungo ang ulo. Kinuha ni Vincent sa wallet nito at halos nanlaki ang mata ko sa kapal ng pera na ibinigay nito sa babae na sa tingin ko ay nasa bente atang isang libo iyon o trenta o baka higit pa.

“If it’s not enough, you can contact me here. Just don’t get in her way and don’t come closer to Tyra ever again, you know what will happen if you don’t keep your words.” Sunod sunod namang tumango ang babae at halos tumakbo na ito paalis.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakikinig sa kanila at hindi ko rin alam kung bakit hindi pa ako umaalis. Pero kapag nakita ako ni Vincent ay baka kung ano ang isipin niya at lalo na at baka kung ano ang gawin sa akin ni Synesthea kapag nalaman nitong kanina pa pala ako nakikinig sa kanila.

“What are you still doing outside, Kuya? Let’s go home. Miskie is coming to our house.” Rinig kong sigaw ni Synesthea.

Napahawak ako sa bibig ko at mas lalong napatago ng biglang mapalingon sa gawi ko si Vincent bago pumasok sa loob ng sport car nila at agad na iyong pinaandar.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height