Fake Love/C5 Chapter 5
+ Add to Library
Fake Love/C5 Chapter 5
+ Add to Library

C5 Chapter 5

VINCENT’S POV

Nang maipark ko sa aming garahe ang sasakyan ay agad na umalis si Synesthea at nagmamadaling pumasok sa loob. Nag madali rin naman ako para mahabol siya.

“Synesthea!” sigaw ko.

Alam kong narinig ako nito sa lakas ng boses ko pero hindi ako nito nilingon at mas binilisan pa. Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa ginawa niya kaya naman binilisan ko rin ang lakad ko at hinabol siya. Napansin niya iyon kaya napalingon siya sa akin at napatili ng mahawakan ko ang bag niya.

“What do you think you’re doing, Synesthea Sivan?” Iritado kong tanong dito, napanguso naman ito sa akin at nagpacute pa para bitawan ko pero hindi niya ako madadala sa ganyan niya kaya mas lalo ko pang sinamaan ang tingin sa kanya.

Nang mapansin siguro nito na hindi niya ako madadaan sa ganoon ay inis niyang inalis ang kamay ko sa bag niya na agad ko rin namang binitawan.

“Why are you mad, Kuya? I told you, she’s annoying.” Inis nitong singhal sa akin, agad ko namang pinitik ang noo niya at mas lalo pang kumunot ang noo nito sa akin habang hawak hawak ang noo niya na pinitik ko.

“You don’t have to do that, Synesthea. Stop acting like that and you even called Tyra a pushover.” Inis kong sabi sa kanya.

“Because she’s a pushover.” Inis ding sagot sa akin ni Synesthea.

“Watch your mouth, Synesthea Sivan. Tyra is so kind to you and you know that, she’s sensitive so call her right now and apologize.” Tinitigan ako nito at hindi naman ako nagpatalo sa kanya.

Akma ako nitong tatalikuran pero hindi ko siya hinayaan at muling nag salita.

“Or else I’ll tell Wade not to visit you after his gig.” Iritang humarap sa akin si Synesthea at kinuha ang cellphone niya. Naka ilang ring muna bago may sumagot sa kabilang linya.

“Loud speaker.” Utos ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman si Synesthea at niloud speaker iyon.

“Hello, Synesthea?” Narinig ko ang malambing at sobrang mahinahon na boses ni Tyra.

“Hey, Tyra. Sorry.” Walang ganang sabi ni Synesthea, sinamaan ko naman siya ng tingin.

“It’s okay, Synesthea. I know I’m being a pushover and it’s annoying you. ” Hindi ko napigilan na kuhanin kay Synesthea ang cellphone nito para makausap si Tyra.

“Hey, that’s not true.” Agad kong sabi, narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.

“I know it, you’re the one who’s forcing Synesthea to apologize to me but you know that she doesn’t have to apologize to me because I love her. I know from the start that she’s always like that.” Napairap na lang si Synesthea sa amin at tinalikuran na ako.

Saglit kaming nag-usap at nang muling makababa si Synesthea ay kinuha na ang cellphone kaya nag paalam na ako kay Tyra.

“Okay, Vincent. Bye. I love you.” Napangiti naman ako.

“I love you, Tyra.” Pilit ng kinuha ni Synesthea ang cellphone at agad na pinatay ang tawag.

“Iw.” Umiling na lamang ako at tinalikuran siya.

Pumasok na naman ako sa kwarto ko at ginawa ang mga unfinish works ko. Ako na rin kasi ngayon ang nag hahandle ng ibang business namin dahil soon ako na ang mag hahandle ng buong business namin at kailangan ko ng masanay dahil ako lang mag-isa ang mag hahandle non. Hindi iyon hilig ni Synesthea at kahit ako pero wala akong choice dahil panganay ako. Ako lang ang inaasahan nila sa mga ganitong bagay.

“Sir Vincent, nakauwi na po sina Ma’am and Sir.” Narinig kong sabi ng maid sa labas ng pintuan ko.

“Sige, bababa na ako.” Niligpit ko muna

Ang mga nakakalat na ginamit ko kanina bago ako bumaba at narinig ko na silang nag uumpisang kumain.

“Yes, Dad. You will really buy it for me?” Rinig na rinig ko ang boses ni Synesthea.

“Of course, princess. Anything you want. ” Umupo ako sa tabi ni Synesthea kaya napatingin naman ito sa akin at agad akong inirapan, umiling naman ako at nag sandok na.

“Vincent, bakit mo na naman pinagalitan ang kapatid mo?” Napatigil ako sa pagsasandok at napatingin kay Dad dahil sa naging tanong nito. Sa peripheral vision ko ay nakita ko pang nilabas ni Synesthea ang dila niya at inaasar ako. Napailing naman ako at bumuntong hininga.

“Inaaway na naman niya si Tyra, Dad.” Napailing na lang naman si Dad at muling pinag usapan ang kaninang pinag uusapan nila.

Tahimik lang naman akong kumain at nang matapos ay akma na ring tatayo ng tawagin ako ni Dad.

“Vincent, maupo ka muna ulit at may pag uusapan tayo.” Nagtataka man ako sa kung anong pag-uusapan namin ay sumunod naman ako at naupo.

“Nakaalis na ba si Synesthea?” Narinig kong bulong ni Mom sa maid, tumango naman ang maid bilang sagot.

“Vincent, anak. Alam mong matanda na ako at plano ko na rin ang mag retire, kailan ka ba mag-aasawa?” Napaawang ang labi ko.

“What? I’m only 20 years old, Dad.” Hindi ko mapigilang mapatayo at lumakas ang boses.

“So? Lalong lalago ang kompanya natin kung mag sasanib pwersa ang mga Sivan at ang kompanya nina Tyra. And what’s wrong with that? ” Napakagat ako ng labi sa sinabi ni Dad.

“I’m still not ready and you’re still healthy, Dad. Hindi na kailangan pang paagahin at hindi parin handa si Tyra.” Narinig ko ang malakas na pag buntong hininga ni Mom.

“Vincent, intindihin mo naman-”

“No, Mom. This time, ako naman ang intindihin niyo. I’m not ready to get married and besides you know that-”

“Your Dad is sick, Vincent! So, I’m begging you just do it. Doon din naman ang punta niyo ni Tyra.” Napatingin ako kay Dad.

“Is that true?” Tinignan ako ni Dad at tumango.

“Don’t tell Synesthea about this.” Nanghihina naman akong napaupo.

Kahit na nung umakyat sina Mom and Dad ay nakatulala parin ako at paulit ulit sa akin ang narinig kay Dad. Sa totoo lang ay wala namang problema iyon sa akin, ang iniisip ko talaga ay si Tyra dahil this year ay pinagpaplanuhan niyang mag-aral sa ibang bansa.

Napahawak ako sa ulo dahil sumasakit ang ulo ko. Ilang minuto ako doon bago ko naisipang tumayo at kinuha ang susi. Ilang minuto lang ang pagdadrive ko papunta kina Tyra dahil kabilang kanto lang naman iyon.

Agad na akong pinapasok ng guard dahil kilala na naman ako non, nakita kong nanonood si Tyra sa sala nila habang nakayakap sa pusa niya. Napatingin naman ito sa akin at agad akong sinalubong ng yakap.

“What are you doing here? Oh nevermind my question, I’m glad you’re here. I have good news.” Tuwang tuwa itong hinila ako papasok sa kwarto niya, nagpa-tianod lang naman ako.

May hinarap siyang papel sa akin at mas kumalampag ang puso ko dahil sa nabasa.

She’s accepted sa university sa US and she’s so happy about it. Agad ko siyang niyakap at hindi magawang sabihin ang tungkol sa napag-usapan namin nina Dad.

Hindi ko kayang sirain ang pangarap niya, naramdaman ko ang pagyakap nito pabalik sa akin. Napapikit at napakagat na lang ng labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Tyra.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height