C8 Chapter 8
AUBRIELLE'S POV
Masaya kong binuksan ang pintuan ng bahay namin dahil agad akong nakuha sa pinuntahan kong convenience store, laking pasasalamat ko na lang talaga at maganda ang schedule ko sa school kaya naman hindi ako ganoong mahihirapan.
Narinig ko ang pag-ubo ni papa kaya naman agad ko siyang dinaluhan.
“Pa, mag-pahinga ka muna bukas.” sabi ko habang hinihimas ang likod nito.
Pansin ko na ang paghihirap nito sa pag-ubo at matagal na rin ang ubo nito. Sa totoo lang ay gusto ko na siyang ipacheck-up ngunit wala naman kaming pera. Ang kinikita sa karinderya namin ay hindi naman malaki dahil maliit na karinderya lang naman iyon at hindi dinudumog ng mga tao, laging iilan lang ang nabili sa amin. Kaya naman ang mga kita sa karinderya ay napupunta lamang sa pang araw-araw na gastusin namin.
“Naririnig mo ba ang iyong sarili, Aubrielle? Saan tayo kukuha ng pera, hija? Baon mo? Pagkain mo? Hindi ka talaga nag-iisip, ikaw na bata ka.” Malungkot akong lumuhod sa galit na si papa sa harapan niya.
“Pa, concern lang naman ako sayo.” Hinawi nito ang kamay kong inihawak sa kamay niya, tumayo ito para lumayo sa akin at nang makalayo na ay doon siya umubo.
“Aubrielle, h'wag mo akong intindihin at iyang pag-aaral mo ang asikasuhin mo.” galit nitong sagot sa akin.
“Pero papa-”
“Aubrielle!” Napatikom ako ng bibig ko at habang nakikita ko siyang hawak hawak ang dibdib habang umuubo ay hindi ko maiwasang lumapit sa kanya para daluhan siya at nakatakas na sa mata ko ang butil ng luha.
“Please na, Papa. May ipon naman po tayo, bawasan natin ng konti iyon para sa pagpapagamot mo.” Muli nitong hinawi ang kamay ko kaya napahikbi ako. Napatingin naman ito sa akin at agad pinunasan ang luha ko.
“Anak, para iyon sa pag-aaral mo. Hindi ba't nangako tayo na hindi natin gagastusin iyon.” Napakagat ako ng labi ko at mas tumuho ang luha ko.
“Ayoko kasing pati kayo ay mawala sa akon, pa. Ganyan na ganyan din si mama, ayaw niyang magpacheck-up kaya ang ending ay mas lalong lumala ang sakit niya at-”
“Shhh, oo na Aubrielle. Bukas.” Pinunasan nito ang luha ko.
“Magpahinga ka na at alam kong pagod ka. May nakahanda na rin diyan na pagkain, nakatakip.” Iniwan na ako nito at agad na sinarado ang pintuan nito.
Napayuko ako at agad ibinaba ang bag ko na hindi ko naibaba kanina. Tulad ng sabi ko namatay ang mama ko last year dahil sa sakit at alam kong kahit hindi inoopen ni papa ang topic tungkol doon, alam kong masakit iyon sa kanya. Alam kong ayaw niya lang ipakita sa akin na nanghihina siya.
Natatakot ako na pati si papa ay mawala pa sa akin, hindi ko na ata kakayanin pa.
Ang mama ko ay itinago ang malala niyang sakin sa amin dahil wala kaming pera. Wala kaming pera sa pagpapagamot nito dahil ang pera naman na kinikita lagi namin ay sa pang araw-araw lang namin. Kaya naman dahil sa pagtago nito sa kanyang karamdaman sa amin ay hindi na naagapan iyon at mas lumala lang at noong nalaman namin huli na ang lahat, lalo na at wala rin kaming pera para sa operasyon.
Wala rin kaming choice kung hindi pumunta sa malaking hospital dahil ang maliit na hospital dito ay kulang ang mga materyales kaya naman hindi rin kami tinanggap lalo na at wala rin naman kaming pera pambayad noong araw na iyon.
Noong araw na sinugod namin si Mama sa hospital ay may nakasabay din kami, malala rin ang sakit nito. Ang kaibahan lang namin ay agad siyang inasikaso ng mga tao doon dahil kahit mismo ang hospital na iyon ay kayang kaya nilang bayaran, halata ko na sa itsura nila at sa mga mamahaling damit at bag nila na mayayaman sila. Habang nag-dadalamhati ako noong araw na iyon pinapanood ko ang nakasabay namin noong araw na iyon na nakahinga nang maluwag ng malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang anak nila.
Inggit ang naramdaman ko noong araw na iyon. Narealize ko noong araw na iyon na ang pinakamahalaga talaga sa mundong ito ay pera. Kawawa ka kung wala kang pera, hindi ka mag susurvive kung wala kang pera. Kaya naman nangako ako sa sarili ko na kapag laki ko ay uunlad ako at bibigyan ko ng maayos na buhay si papa.
Napailing ako ng marealize na kanina pa pala malalim ang iniisip ko at kailangan ko ng matulog dahil may pasok pa ako bukas at bukas na rin ang start ng part time job ko.
Naghanda na ako para matulog at nang makahiga na ay agad akong napabangon ng maalala kong kailangan ko pa pala ayusin iyong nasa box na ang tagal na nakatambak sa amin halos isang taon na.
Baka kasi may mahanap din akong magagamit ko pa doon, kalahati kasi non ay gamit ni mama na itinabi na namin.
Bumangon ako at agad kinuha sa itaas ang maalikabok na box. Agad akong napaubo dahil sa daming alikabok. Pinunasan ko iyon at sinira ang pagkakatape at doon bumulagta na naman sa akin ang alikabok, mag lilinis na lang ulit ako ng katawan ulit.
Isa isa kong pinunasan ang gamit doon at halos inabot ako ng isang oras doon dahil ang iba ay tinitignan ko pang maigi. Sobrang namimiss ko na si mama pero alam kong kailangan kong magpakatatag ngayon.
Ibinalik ko na ang hindi na naman kailangan sa loob ng box at itataas ko na sana ulit ng may gupit na litrato ang bumagsak mula sa box.
Nagtataka naman akong pinulot iyon dahil wala namang photo album na nasa loob ng box, puro gamit na lang talaga iyon ni mama na hindi na namin magagamit talaga dahil ang iba ay sira na pero hindi namin magawa na itapon kaya inilagay na lang namin iyon sa may box at ngayon ko lang muli iyong nabuksan simula ng inilagay namin iyon.
Pinunasan ko ang maalikabok na litrato na iyon, nang maaninag ko na kung sino ang nasa litrato na iyon ay agad akong natigilan at halos lahat ng memorya na nakalimutan ko na ay agad na nagsibalikan sa akin ng makita ang litratong iyon.