C9 Chapter 9
AUBRIELLE'S POV
Ibinalik ko na ang hindi na naman kailangan sa loob ng box at itataas ko na sana ulit ng may gupit na litrato ang bumagsak mula sa box.
Nagtataka naman akong pinulot iyon dahil wala namang photo album na nasa loob ng box, puro gamit na lang talaga iyon ni mama na hindi na namin magagamit talaga dahil ang iba ay sira na pero hindi namin magawa na itapon kaya inilagay na lang namin iyon sa may box at ngayon ko lang muli iyong nabuksan simula ng inilagay namin iyon.
Pinunasan ko ang maalikabok na litrato na iyon, nang maaninag ko na kung sino ang nasa litrato na iyon ay agad akong natigilan at halos lahat ng memorya na nakalimutan ko na ay agad na nagsibalikan sa akin ng makita ang litratong iyon.
Basang basa ang mukha ko ng luha at sipon ko pero wala na akong pakielam doon at patuloy na lumuluhod sa doctor para operahan na si mama, alam kong hindi pa pwedeng agad agad operahan si mama at kailangan pa ng maraming check-up na gagawin pero sobrang lubha na ng sakit ni mama. Kailangan na niya ng operasyon.
“Please, understand us. We can't just operate your mother. Please don't do this to us, stand up.” Pilit ako nitong tinayo pero mas naglupasay pa ako.
“Please, doc. I-I can pay. Just wait hanggang matapos akong mag-aral at mag tatrabaho ako. Please po.” Wala akong pakielam kung ano na ang iisipin sa akin at kung pinagtitinginan na ako halos lahat ng mga tao don.
“We need to check your mother first and that will cost a lot. Hindi pa kasama ang operation doon. Without payment, we can't. I'm sorry. I'm just doing my work.” Mas lalo akong naluha sa narinig ko, wala nga kami halos makain ngayon dahil ibinili na namin ng gamot ni mama pero wala namang nangyari, ganoon parin.
“But your work is to save people in help.” Nanghihina kong anas sa kanya na alam kong narinig niya.
“You know how the world works, Ms. We work to earn money.” Napakagat ako ng labi ko. Ngayon ko lang narealize kung gaano kahalaga ang pera sa mundong ito.
Oo at mahirap kami pero hindi ko iniinda iyon dahil sapat na naman sa akin ang nakakakain kami sa araw araw at kumpleto kami. Masaya rin naman kami kahit na ganoon ang buhay namin, hindi engrande, maliit man pero masaya pero ngayon sinampal ako ng katotohanan. Ang lahat ng iyon ay hindi sapat, sa mundong kinalalagyan natin, pera parin talaga ang mahalaga sa lahat.
“Please...” Halos maubusan na ako ng sasabihin lalo na ng mapatingin ako sa mama ko na nakahiga sa higaan na ibinigay nila dahil sa awa sa akin.
“I'm so sorry, this hospital is-”
“Get out of the way!” Natigilan ang doctor na kausap ko at ang halos lahat ay natigilan ng may isang babas ang isunusugod sa hospital.
“All doctor's of Sivan Hospital.”
Announcement iyon, kaya naman ang doctor na kausap ko ay agad na inalis ang pagkakahawak ko at sinundan ang mga nagmamadaling doctor kasunod ng babaeng isinusugod sa hospital.
Naiwan ako doong nakaupo sa may sahig at ang kaninang atensiyon na nasa akin ay agad na nawala at napunta sa mga doctor na papunta sa babaeng isinugod.
Wala sa sarili akong tumayo at sinundan ang pinupuntahan ng mga doctor at nakita ko sila sa nakaawang na er at dahil maraming tao ay hindi na naisarado, halos kalahati ng doctor ay isinaasikaso ang isang babae lang na walang malay. Tinitigan kong maigi ang maamong mukha ng babae na para bang ayaw kong kalimutan ang mukhang iyon.
“Check her pulse.” Kung ano ano pa ang sinabi nila na hindi ko maintindihan.
Napalingon ako ng may marinig akong malakas na suntok mula sa labas ng er kaya wala na naman ako sa sarili ko na naglakad palabas at tinignan kung ano ang nangyayari.
“This is all your fault!” Napatingin ako sa nakaupong lalaki at sa lalaki rin na medyo may katandaan na at ang babaeng may katandaan na rin ang pumipigil sa asawa niya.
“Honey, stop it. We need to pray for Synesthea, we need to stop fighting. No one's at fault.” Umiiyak ito pero hindi parin maikakaila na galing ito sa mayamang pamilya, hindi katulad ko.
Wala sa sarili akong napatingin sa madumi kong suot at magulo kong buhok. Kitang kita ang kahirapan sa akin sa unang tingin palang.
“If something happen to Synesthea, I will never forgive you. Never.” Humarap sa akin ang matandang lalaki pero galit lang ako nitong nilagpasan at pumasok sa er. Nakita kong dinaluhan ng babae ang anak niya siguro.
“It's not your fault, Vincent.” Doon ko nakita sa unang beses ang pag iyak ng lalaki na kitang kita mo talaga ang sakit sa mata nito. Halo halo ang emosyon na nararamdaman nito at malalaman mo talagang ang babaeng nakahiga at nag aagaw buhay sa er ay napaka espesyal sa kanya.
“It's my fault, if I didn't do it-” Umiling ang babae at kitang kita ko rin sa mata ang hirap dito.
“It's not your fault, Vincent. Alam kong hindi mo ginusto at hindi mo alam na ganoon ang mangyayari. Alam kong mahal mo ang kapatid mo, sorry kung may pagkukulang kami sa iyo na naging dahilan ng galit mo sa kapatid mo pero kailangan mong maintindihan na mahal ka namin, anak ka namin. It's just that Synesthea is sick and hindi ko alam kung hanggang kailan na lang natin siya makakapiling, tulad ngayon, maaaring iyon na ang huling beses na makikita natin ang ngiti niya. Natatakot ako, Vincent. Kaya habang buhay pa siya, habang humihinga pa siya, gusto naming maibigay sa kanya ang lahat para wala kaming pag sisisihan.” Hindi nagsalita ang lalaki at tulala lang ito.
“I love you, Vincent. We need to be strong for Synesthea, okay?”
“Mom, I don't hate her. I'm just jealous but I don't hate her. I love her to the point that I don't care if it hurts me, gusto kong angkinin lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit idoble pa ang sakit na ibibigay sa akin, h'wag lang niyang maramdaman. Makita ko lang siyang laging masaya, gagawin ko. Anong gagawin ko kapag nawala siya sakin, Mom? Hindi ko kaya. I want to be with her. If something happen to her, I will follow her.”
