Five Senses/C3 Chapter 2
+ Add to Library
Five Senses/C3 Chapter 2
+ Add to Library

C3 Chapter 2

FIVE SENSES

CHAPTER 2: DEAL

"Hindi mo ako mapipilit."

Ilang libong beses niya ng sinabi kay Kino ang pagtanggi ngunit ayaw siyang tigilan. Hindi tuloy matapos ni Andy ang mga ginagawa niyang proyekto dahil nahihimatay siya sa tuwing may multo na inuutusan si Kino para guluhin siya, dahilan para mahimatay.

Pinaglapat ni Kino ang kanyang mga labi bago tumingin sa paligid.

"Bakit ba ayaw mo?"

"Kasi ayaw ko. Simple. Ilang linggo mo na akong ginugulo, hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako, hindi ako magsasawang tanggihan ka." sagot niya sa tanong nito.

Akala niya ay lulubayan na siya nito ngunit naalarma siya ng may maramdaman siya na kasama nito.

"Are you blackmailing me?" kunot-noo na tanong ni Andy ng masiguro na may multo itong kasama.

Ngumisi si Kino.

"If that's what you call that, yes. I'm blackmailing you. Kailangan ko na kasi ng bagong miyembro dahil nireport na ako ni Demonyo sa SSG."

"Sinong demonyo?"

Umiling si Kino.

"He's a manipulative student detective who wants to eliminate the Paranormal Club. Makikilala mo siya kapag sumali ka sa akin."

"Na hindi mangyayari." dugtong ni Andy na ikinalungkot ni Kino.

"Gusto mo ba talagang umabot tayo sa santong himatayan?"

Napalunok ng ilang beses si Andy. Alam niyang wala siyang takas kapag nakalapit na ang mga multong alipores ni Kino.

Huminga siya ng malalim bago muling tumingin dito.

"Okay, papayag na ako.. Sa tatlong kondisyon."

"What? Tatlo? Ang dami naman." reklamo ni Kino.

"Kung ayaw mo, edi tatanggihan ko na lang."

"Fine. Spill it." pagsuko ng binata.

Ngumiti na parang aso si Andy.

"Una, ikaw ang magiging mata ko."

"Bakit bulag ka ba?" pamimilosopo ni Kino na ikinasama ng tingin ni Andy.

Tumaas ang mga kilay ni Kino.

"What do you mean?"

"Ikaw ang magiging mata ko kung may multong umaaligid sa akin."

"So, kailangan kita bantayan bente-kwatro oras? Ano ako, reporter?"

Umiling si Andy bago sinuntok sa braso si Kino.

"No. I want you to help me on how I will know if someone is going inside my one-meter perimeter. Hanggat wala ka pang solusyon sa problema ko. Kailangan mo akong bantayan, oras-oras." paliwanag ni Andy.

"Bakit?"

"Kasi napapagod na ako maging abnormal sa paningin ng lahat. 'Yung oras ng mga school activities tapos bigla kang magpa-passed out. Akala nila sinasadya ko lang gawin iyon kaya hinahayaan nila ang katawan ko sa isang tabi, bihira lang ako makakita ng may pakielam." malungkot na kwento ni Andy.

Nakaramdam ng lungkot si Kino sa narinig dahil alam niya ang pakiramdan na husgahan dahil sa abilidad na kakaiba.

"The second one is, kailangan ko ng trabaho."

"What? Trabaho? Para saan?" naguguluhang tanong ni Kino. "You're an underage, hindi tayo makakahanap."

Napakagat ng labi si Andy.

"Kaya nga gusto ko sanang i-apply mo ako sa inyo. Kahit katulong?"

Napaawang ang bibig ni Kino.

"Seryoso ka?"

Tumango si Andy.

"W-wala kasi akong bahay at wala rin akong pera na pagkukuhaan ng mga gastusin ko." paliwanag niya.

Tumango si Kino.

"So, kung wala kang bahay.. Saan ka natutulog?"

"Weh? Dito ka natutulog?" hindi makapaniwalang tanong ni Kino ng dalhin siya ni Andy sa bus stop.

Tumango si Andy.

"Okay. Sasabihin ko kaagad sa mga magulang ko na ipasok ka bilang yaya ko." nakangiting wika ni Kino bago tumingin kay Andy.

"Salamat."

"So, ano yung panghuli para maging member na kita?" tanong ni Kino.

"Ahm, tsaka ko na lang sasabihin kapag nakaisip na ako ng pangatlo."

Tumaas ang kilay ni Kino.

"Nireserba ko lang yung pangatlo dahil hindi ko pa kailangan ngayon." sagot muli ni Andy.

Tumango si Kino bago ngumiti at ini-offer ang kamay para sa handshake.

"So, it's a deal? You're an official member of the Paranormal Club now."

Tumango si Andy bago tanggapin ang kamay.

"Yes, it's a deal."

Mabilis rin nilang inagaw ang kamay ng isa't-isa.

"Paano na yung utang na loob na sinasabi mo nung nakaraan?" biglang tanong ni Kino.

"Ahm, edi sabihin mo na rin para makabayad na ako." tugon ni Andy.

Umiling si Kino.

"Sa susunod na lang rin para parehas tayo na magsisingilan."

Pareho silang natawa.

"Nga pala, sino 'yung mga kaluluwa na ginagamit mo para guluhin ako?" napayakap sa sarili si Andy.

"Baka hanggang dito ay sinundan ka nila."

Mahinang tumawa si Kino.

"Sila 'yung mga natulungan ko na kaluluwa."

"Paano mo sila natulungan? 'Di ba hindi mo sila naririnig?" naguguluhang tanong ni Andy.

"Oo. Pero nararamdaman ko ang mga hinaing nila 'gaya ng tulungan ang pamilya nila o kaya ay sabihin sa pamilya nila na nasa mabuti na silang kalagayan."

"Kung natulungan mo na sila, bat hindi pa sila umalis?"

"Kasi gusto nilang tulungan ako na makahanap ng makakasama bago sila mawala." mataman siyang tiningnan ni Kino. "At ngayon na narito ka na, maiiwan na nila ako."

Nakaramdam ng saya si Andy dahil sa sinabi ni Kino.

"Masaya ako na nakatulong ako para makaalis na sila. I hope that they will not haunt me if I fail as a member of the Club." biro ni Andy.

"I know you'll not. Malaki ang maitutulong mo sa Club ko. I'm sure of it." paninigurado ni Kino bago sumenyas na umalis na sila dahil marami ng kaluluwa ang nakapaligid.

"Hello po." bati ni Andy sa matandang mayordoma ng bahay.

Seryoso itong nakatingin sa kanya na parang inuusisa ang kabuuan niya.

"Young master, ano po ang ginagawa niya rito?" tanong ng matanda kay Kino. Ni hindi man lang siya pinansin.

"She will be my personal katulong, Manang. Pumayag na sina Mama at Papa. Pakihanda na 'yung kwarto niya sa tapat ng kwarto ko."

"Sa tapat ng kwarto niyo, sa Master's bedroom?" hindi makapaniwalang tanong ng matanda.

Napatingin si Andy kay Kino.

"Hoy, kahit sa pinakamaliit na kwarto lang. Yaya mo ako, hindi bisita." napapailing na sabi ni Andy.

Napamulsa si Kino at nakataas ang kilay na tiningnan siya.

"Ako ang amo mo 'di ba? So, sa akin ka susunod." maawtoridad na sabi nito.

Wala ng nagawa ang mayordoma at si Andy bukod sa sumunod. Nang maayos na niya ang kwarto niya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya sumalubong si Kino.

"Okay na ba sa iyo 'to?" tanong ni Kino sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"Hindi ka rin mayabang 'no?"

"Hindi, mayaman lang."

Umupo siya sa kama bago muling tiningnan si Kino.

"So, ano ng susunod na mangyayari?"

"Gusto mo may mangyari sa atin?" nakangising sabi ni Kino na ikinamilog ng mata ni Andy.

Mabilis niyang kinuha ang unan at inihagis kay Kino.

"Manyak." bulong ni Andy.

Umangat ang isang kilay ni Kino.

"What the heck? What I mean is, mangyari sa Club. The Paranormal activities?"

"Tayong dalawa ang binanggit mo."

"Kasi tayo lang ang member ng Club." muling umangat ang sulok ng labi ni Kino. "Uy, ikaw ha? Utak mo green."

Umirap sa kawalan si Andy.

"Mongggiii! Hindi 'no." umiiling na wika niya.

Tumawa nang mahina si Kino.

"Bukas ang first day mo bilang member. May first task ako sa iyo para subukan ang abilidad mo."

Kumunot ang noo ni Andy.

"Agad-agad? Tatapusin ko muna yung mga pinapagawa sa akin."

Tumayo siya at ipinakita ang mga proyekto ng mga kaklase niya sa Filipino.

Lumapit sa kanya si Kino bago kinuha ang mga papel at pinunit iyon isa-isa.

"Dahil sa akin ka na nagtratrabaho, ako na lang ang susundin mo. Ibalik mo na ang mga pera nila."

Napaawang ang mga labi niya bago tinitigan ng masama si Kino.

"Baliw ka ba? Wala akong pera."

"Ako na magbabalik."

Nagliwanag ang mukha ni Andy.

"Talaga?"

"Oo, bawas sa sweldo mo."

Napairap sa kawalan si Andy.

"Whatever, magkano ba sahod ko? Baka mas malaki pa yung sideline ko."

"Hmm.. Mga ten thousand a month, baka kulang pa sa iyo."

Namilog ang bibig at mata niya bago umiling.

"Hindi. Ayos na 'yon." masayang sabi ni Andy. "Sige, maghahanda na ako para bukas."

Ngumiti si Kino bago napamulsa.

"Good. Kita na lang tayo bukas."

"Sige, salamat ulit."

Tumango si Kino bago naglakad palabas.

Masayang pinulot ni Andy ang mga piraso ng papel bago natulog.

"Hindi ko magagawa ang mga project niyo dahil may trabaho na ako."

"Ano?!"

"Hindi pwede!" reklamo ng mga classmates niya na nagpagawa ng proyekto. Nakapalibot ito sa kanya.

Bukas na kasi ang deadline tapos ngayon niya lang nasabi na hindi siya makakagawa.

Napangiwi siya.

"Pasensya na talaga. Hayaan niyo, babayaran kayo ng amo ko. Siya na ang magbabalik ng pera niyo." pagpapakalma niya sa mga ito.

Umiling ang mga kaklase niya.

"Hindi pwede! Bukas na ang pasahan. Hindi kami papayag. Kapag hindi mo kami ginawa, isusumbong ka namin sa mga magulang namin." banta ng isa sa kanila.

Napakagat siya ng labi. Hindi niya alam ang gagawin.

"Isusumbong ko na lang kayo sa Guidance bilang mga bully."

Natahimik ang mga kaklase niya ng dumating si Kino. Nagulat sila sa pagsulpot ng third year student.

Lumapit ito sa kanila bago siya hinila patayo sa upuan.

"Kung hindi niyo siya titigilan, magrereport ako sa admin at sa Principal. Namemeke kayo ng proyekto at nambubully pa." banta ni Kino.

Nabahala ang ibang estudyante at wala ng nasabi nang inabot ni Kino sa isa sa kanila ang pera.

"Sinobrahan ko na 'yan. Huwag niyo na siya guluhin." banta nito bago siya sinenyasan na umalis sa classroom.

Nang mapunta sila sa tapat ng pintuan na kulay itim ang kulay. Sinenyasan siya ni Kino.

"Ikaw ang mauna." utos sa kanya ni Kino.

"Okay." kahit nakaramdam siya ng kaba ay nauna na siya sa pagbukas ng pintuan.

Papasok palang siya ay tinayuan na siya ng balahibo. Nilingon niya si Kino. Sinusundan lang siya nito ng tingin. Pinagpatuloy niya ang paglakad at saktong napunta siya sa gitna ay nawalan siya ng malay.

"Andy.."

Dumilat siya nang marinig ang boses ni Kino. Nasa harapan niya ito at seryosong tinititigan ang kabuuan niya.

"Ayos ka lang?" tanong nito.

"Oo.." tugon niya.

"Ano?" tanong ni Kino bago tumingin sa gilid niya.

Natahimik siya nang makita ang katawan niya na nasa sahig na naman kaya inilibot niya ang tingin sa paligid. Napaatras siya ng makita na napakaraming kaluluwa sa loob ng kwarto na pinasukan nila. Naguguluhan niyang tiningnan si Kino na buhat ang katawan niya.

"Ito ang opisina ng Paranormal Club, ito ang dahilan kung bakit walang nagtatagal na miyembro sa Club ko." paliwanag nito bago inilibot ang tingin. "Kailangan natin silang tulungan para makaalis na sila rito. Ikaw ang kakausap sa kanila."

Namilog ang mata niya bago tiningnan isa-isa ang mga kaluluwa ng babaeng estudyante na puro galos at saksak sa tagiliran. Lahat sila ay iisa lang ang isinisigaw, "Tulungan mo kami!"

"Oh my gosh?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakatakip ng tenga.

Kahit kaluluwa siya ay tinayuan siya ng balahibo sa nakikita.

----END OF CHAPTER 2----

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height