C13 Kabanata 13
Sumama nga sa amin si Elton na basang-basa... kami rin naman ni Amalia.
"Kuya, ilang taon na si Mozes?" tanong ni Amalia kahit pa nakababa na kami sa sasakyan.
Ngumiti si Elton sa tanong ni Amalia habang nakakunot naman ang noo ko.
"Matanda lang 'yon sa akin ng isang taon, 23." sagot niya.
"Tigilan mo na ang pagkaka-crush do'n Amalia. Hindi bagay ang mga gano'ng edad sa atin