C28 Kabanata 28
Hindi ko na namalayan kung paano ako nakauwi. Ang huling naalala ko na lang ay ibang tao ang naghatid sa akin at hindi si Elton. Hindi siya sumabay sa akin sa pag-uwi at iyon na yata an huli naming pagkikita. Walang akong pakialam sa byahe kahit hindi na matigil ang luha ko hanggang sa nakauwi ako.
Nagpapasalamat ako at nandiyan si Amalia para pakinggan ang mga hinanakit ko
