C30 Kabanata 30
Dinala ko sa sala si Chloe para makapag-usap kami. Masyadong maingay ang mga kalalakihan sa pool side kaya dito ko na siya dinala. Habang naglalakad kami ay napansin ko ang mga mapanuri niyang mga mata sa kabahayan.
"Anong kailangan mo?" tanong ko agad at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko gamit ang dalawang mga kamay niya
