C32 Kabanata 32
Dinala ako ni Elton sa library nitong bahay. Hindi ko na maikalma ang dibdib ko sa lakas ng pintig nito animo'y may nagkakarera sa loob. Nang makapasok kami sa library ay binaba niya ako. Muntik nang mapunta ang paningin ko sa hubad niyang katawan kaya nagmadali akong mag-iwas ng paningin.
"Oh come on. You have seen all of me. Ngayon ka pa mahihiya?" pabiro niyang sinabi sa likuran ko
