Fuck and Run/C6 Kabanata 6
+ Add to Library
Fuck and Run/C6 Kabanata 6
+ Add to Library

C6 Kabanata 6

Inilipat nga ni Chloe ang unan niya at kumot sa kwaro ko. Binigyan naman ng bagong gamit sa higaan ang lalaki ni Tiya, habang walang humpay ang pagbuhos ng ulan na may kasamang kulog at kidlat pa.

"Sa sahig ka na. Ayaw kitang makatabi sa higaan." aniya at initsa sa sahig ang unan at kumot ko. Dahil sa lalaking 'yon, dito tuloy ako matutulog sa malamig na sahig! Naiinis kong naisip.

Hindi na lang ako nakipagtalo pa kay Chloe dahil hindi naman ako mananalo. Mas matanda siya sa akin, kaya nararapat lang na igalang ko pa rin siya.

Maaga kaming nahiga dahil sa sobrang lakas ng ulan. Kahit may kisame ang bahay namin ay maririnig ko pa rin ang ingay ng lagapak ng ulan. Manipis lang naman kasi ang amakan.

Kahit pa may kumot na akong inilagay sa ibabaw ng banig ay nararamdaman ko pa rin ang lamig nito. Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog at wala pa ring humpay ang buhos ng ulan.

Bumangon ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Dire-diretso ang lakad ko papuntang kusina at kumuha ako ng tubig sa ref. Kahit pa yata nasa Antartica ako ay malamig na tubig pa rin ang iinumin ko. Mahilig talaga ako roon.

"Can I have some?" biglang salita ng kung sino man sa likod ko kaya sa sobrang gulat ko ay naibuga ko ang tubig sa katawan niya. Buti na lang hindi sa mukha.

Napatingin siya sa sarili niya dahil basang-basa ang damit niya at natatanaw ko doon ang abs niya na humuhulma sa damit niyang nabasa.

"Bakit ka ba nanggugulat?" iritado kong tanong sa kanya. Wala akong kasalanan, kung hindi lang bigla-bigla ang pagsasalita niya, edi sana hindi ako nagulat at sana hindi siya nabasa.

"Whoa. Wala man lang bang sorry?" mangha niyang sinabi.

Isinarado ko ang ref at nilapag ang basong ginamit ko pati na rin ang pitsel ng tubig. Bago pa man ako nagsalita.

"Kasalanan ko ba?" sabi ko at aalis na sana ngunit sumagot pa siya.

"Bakit ang sungit mo." aniya at hindi iyon tonog nagtatanong. Napabaling ako sa kanya at naabutan siyang umiinom ng tubig gamit ang basong ginamit ko!

"Bakit 'yan ang ginamit mo?" gulat kong tanong.

"Why not? Para less hugasin?" aniya at inirapan ko siya bago pa ako naglakad pabalik sa kwarto.

Hindi ba siya nandidiring gamitin ang baso ng ibang tao? Hindi ba siya maarte? Kasi gano'n ako, ayokong gumamit ng gamit na hindi pa nahuhugasan at nagamit na ng iba.

Napaisip ako bigla sa damit niya. Kay Tatay iyon lahat. Lumang puting t-shirt at sweat pants. Bumagay sa kanya ito kahit luma na ang mga 'yon.

Teka... bakit ko ba siya pinupuri?

Pumikit ako upang makatulog na dahil maaga pa ako gigising mamayang madaling araw. Dahil siguro sa antok na antok na ako at masarap pa pakinggan ang tonog ng ulan ay nakatulog din ako agad.

Ramdam ko ang lamig sa paligid at pagtilaok ng manok. Hudyat na kailangan ko ng magising. Tumingin ako sa cellphone ni Chloe na katabi niya upang tingnan kung anong oras na ba. Nakita ko doon na alas 4:20 na ng umaga.

Bumangon ako at nag-unat ng katawan. Kahit inaantok pa ako at gusto ko pa sanang matulog pero may pasok pa ako. Tuwing linggo lang ako pwedeng magising kahit hanggang alas-otso ng umaga.

Nagmomog ako agad at nagsaing. Inilabas ko din sa ref ang tocino at hotdogs pati na rin ang itlog. Medyo dadamihan ko ngayon dahil may

bweset-ta kami.

Habang nagsasaing ay naligo ako agad. Saka ko na lulutuin ang ulam kapag tapos na akong maligo. Muntik pa akong mapatili dahil sa lamig ng tubig. Ito talaga ng isa sa kahinaan ko, ang maligo ng maaga. Ako na yata ang pinaka masayang tao sa mundo kung magkaka heater ang banyo namin. Pangarap ko iyon, at sana makamit ko 'yon balang araw.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon ng katawan ng maka-amoy ako ng kakaiba. Nilagyan ko ba ng tubig ang sinaing ko?!

Nagmadali akong kinuha ang tuwalya at itinapis iyon sa katawan ko kahit may sabon pa ako. Nasa harapan lang naman ng banyo namin ang kusina kaya makikita ko agad pagkabukas pa lamang.

Nalaglag ang panga ko ng makitang nagluluto doon ang lalaki. Wala siyang pang itaas na damit kaya't malaya kong natitingnan ang likuran niya.

"Anong ginagawa mo?!" mahina pero may diin kong tanong dahil ayokong magising ang iba kung lalakasan ko ang boses ko.

Nakuha ko agad ang atensyon niya at napabaling siya sa akin.

"Cooking breakfa-.." hindi natuloy niyang sinabi at napatingin siya sa katawan ko sabay lunok niya at tinalikuran ako agad.

"Bumalik ka na sa pag ligo. Ako nang bahala." dugtong niyang sinabi.

Marunong pala siyang magluto? Akala ko ba ay hindi marunong magluto ang mga anak mayaman?

Bumalik na ako sa banyo dahil humahapdi na ang mata ko dahil sa sabon. Bahala na siya kung masunog man ang buong bahay. Mas maganda nga 'yon at mapapalitan ng bago at magara ang bahay namin.

Siyempre, ako mismo ang magde-demand dahil ako din ang witness na siya ang nakasunog ng bahay.

Pagkalabas ko ng banyo ay saktong nilapag niya sa mesa ang niluto niyang tocino. Bahagyang umangat ang kilay ko ng makitang hindi iyon sunog.

Wala na yatang pag-asang masunog ang bahay.

Nakita kong napatingin siya sa katawan ko na tanging tuwalya lang ang saplot at nag-iwas siya ng tingin ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

Confirmed Manyak.

Nagbihis ako sa kwarto ng uniform ko at nilagay ang tuwalya sa basa kong buhok. Dala-dala ko ang bag at lumabas na ako ng kwarto para makakain na.

"Ako na diyan." sabi ko sa lalaki dahil nakikita kong hina handa niya ang plato na may kanin. Mukhang para sa akin iyon.

Kinuha ko sa kamay niya ang plato at naupo na ako agad. Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko kung saan siya nakatitig. Sa legs ko.

Kinilabutan akong bigla kaya nag angat ako ng tingin sa kanya pero tumalikod siya. Mukhang alam niya na alam ko kung saan siya nakatingin.

Imbis na kausapin siya ay kumain na lang ako ng hindi siya inaya o nag pasalamat man lang sa pagluto niya sa mga ulam. Wala namang nag utos sa kanyang gawin 'yon at hindi 'ko obligasyong ayain siyang kumain dahil hindi ko siya bisita.

"You're welcome." biglang salita niya

"Wala 'yon." sarkasmo kong sagot.

"Iho, ang aga mo naman yatang nagising? Sumakit siguro ang likod mo dahil sa papag ano? Pasensya ka na." ani Tatay na kakabangon lang.

"Hindi po. Maaga lang talaga akong nagigising, nasanay na." aniya

"Gano'n ba? O siya, mag kape na muna tayo." yaya ni Tatay sa kanya at hinanda agad ni Tatay ang dalawang tasa.

"Papasok ka? Hindi sigurado kong papasada ngayon si Mon." sabi ni Tatay habang nagtitimpla ng kape.

Nakalimutan ko nga pala 'yon. Paano kong wala pa rin si kuya Mon ngayon? Paano kami papasok nito?

"Idadaan ko na lang po siya. Uuwi naman ako ngayon." sabi ng lalaki at napatingin ako sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Aabsent na lang po siguro ako, Tay." wala sa sarili kong sinabi kahit ayaw ko naman talagang umabsent.

"Sumabay ka na lang sa kanya." boses pinalidad na sinabi ni Tatay at pag gano'n klasi ang boses niya ay ibig sabihin, 'yon talaga ang gusto niyang mangyari.

Hays. Makakasama ko naman 'tong manyak na 'to. Buti na lang at andiyan si Amalia.

"Talaga? Sa kanya ulit tayo sasakay? Swerte naman natin!" tuwang-tuwang sinabi ni Amalia ng ibalita ko sa kanya na ang lalaki nga ang maghahatid sa amin.

"Anak 'yan ng mga Roux 'di ba? Naku, ang yaman niyan. Nag-iisang anak pa naman." sabat ni Ninang.

Nag-iisang anak lang pala siya?

"Hanggang saan po ang pagmamay-ari nila sa lupa dito, Ninang?" usyoso kong tanong.

"Itong buong baryo, GG. Kung hanggang saan aabot ang paningin mo, ay kanila iyon. Mabubuti ang mag-asawang Roux kaya dito na nga kami nakapag-asawa." ani Ninang

Maliit lang ang baryo namin pero malawak ang lugar ng mga palayan dito pati narin ang gubat sa gilid ng palayan. Pati din kaya ang sapa ay kanila din? Ang yaman-yaman nga nila.

"Salamat po sa pagpapatulog sa akin. Pakisabi na lang din po sa asawa n'yo." sabi ng lalaki kay Tatay. Tulog pa kasi si Tiya at Chloe.

"Walang anuman 'yon, iho." sagot naman ni Tatay

Bumaling naman sa akin ang lalaki at ginalaw niya ang ulo niya at iginiya niya ang direksyon ng sasakyan.

Lumingon ako kung nasaan na ba si Amalia pero laking gulat kong nasa loob na pala siya ng sasakyan! Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ng magsalita ang lalaki.

"What are you doing?" may pagtataka sa mukha niyang tanong.

"Sasakay? Ano ba sa tingin mo?" naguguluhan ko ring sinabi sa kanya.

"Gagawin niyo ba akong driver? Sit beside me, kid." aniya at diretsong pumasok sa sasakyan.

Napaisip ako do'n. Magmumukha nga namin siyang driver kong tatabi ako kay Amalia sa likod.

Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan, sa harap... katabi niya. Para akong naiilang na hindi ko maintindihan.

Bigla siyang napabaling sa akin at tumitig sabay iling. Parang tumigil ako sa paghinga ng bigla siyang lumapit sa akin, kaya napapikit agad ako.

"Relax... aayusin ko lang seatbelt mo." bulong niya sa taynga ko at kinilabutan ako sa paraan ng pagkasabi niya! Nagmulat agad ng mata at nagpang-abot ang mga paningin namin.

May multo ng ngiti sa labi niya bago pa niya minaniubra ang sasakyan. Habang ako naman, parang nabibingi na sa malakas na pintig ng puso ko.

Naintindihan ko ang nararamdaman ko.Naka kakaba talaga pag malapit ka lang sa taong alam mong isang manyak.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height