C36 Chapter 35
Aiden's Point of View
Thirty minutes pa kaming naghintay ni Cynthia hanggang sa matapos kumain sina Wyatt. Nagtatawanan sila habang palabas sa dining room, halatang hindi pa napapansin ang presensya namin ni Cynthia.
Napakagat ako sa'king pang-ibabang labi nang makita kung saan nakahawak ang kamay ni Wyatt. Nang iniwas ko ang tingin ko sa kaniyang kamay at tumingin na lamang sa kaniyang mukha