C39 Chapter 38
Aiden's Point of View
It's my time to leave.
Tumayo ako matapos marinig ang numero ng eroplanong sasakyan ko. Huminga ako ng malalim bago lumingon sa'king likuran. Napangiti na lamang ako ng mapait nang makita ang mga hindi pamilyar na mukha para sa'kin.
Ano ba ang in-e-expect ko? Akala ko ba hahabulin ako ni Wyatt at pipigilan niya ako na umalis? Sarili ko na lang ata ang niloloko ko