Grace Under Fire/C1 Chapter 1
+ Add to Library
Grace Under Fire/C1 Chapter 1
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Chapter 1

Nakangiti si Diwata habang ngumunguya ng pizza at nakatutok sa binabasa niyang libro. Tuwang-tuwa siya sa kwento ni Cinderella kahit ilang beses na niyang nabasa ang librong iyon. Prente siyang nakasandal sa kama habang nakaunat ang mga binti.

“Ang cute talaga ng love story nila. Gusto ko rin maranasan ito. ‘Yung may maghahanap sayo na prince charming. Ano kaya kung iwala ko rin ang sapatos ko?” nangingiting sambit niya sa sarili at muling kumagat sa hawak niyang pizza.

Nakalapag ang isang box ng yellow cab pizza sa kama niya. Halos tatlong oras na rin siyang nagbabasa lang ng libro.

Natigilan siya nang may maisip.

“Uhm, oo nga pala may prince charming na ako at si Lee iyon,” tatango-tangong sabi niya at parang tanga na kinakausap ang sarili.

Maya-maya ay biglang bumukas ang silid ng kwarto niya at iniluwa niyon ang asawang si Lee.

“Sweetheart!” masayang bati niya pagkakita sa asawa.

Pinagmasdan lang siya nito at pagkatapos ay kumunot ang noo nito.

“Bakit ka kumakain sa kwarto natin? Baka langgamin tayo,” alalang sabi nito sa kaniya. Kumunot din ang noo niya at natigilan sa pagnguya.

Yumuko siya at humingi ng paumanhin sa asawa.

“S-sorry sweetheart, nagugutom na kasi ako at ayokong lumabas dahil ang ganda na ng tagpong binabasa ko,” mahinang sambit niya. Napabuntong-hininga si Lee at tiningnan nito ang librong hawak niya.

“Tss! Cinderella? You have read that several times,” halatang naiinis na sabi nito pero kapagkuwan ay pinilit din nitong ngumiti sa kaniya. Nakita kasi nitong nagsisimula ng manggilid ang luha niya sa mata.

Humakbang ito palapit sa kaniya at naupo ito sa kama.

“I'm sorry sweetheart. It's alright. Hindi ako nagagalit,” mahinahong sabi nito at pinisil ang kamay niya.

Nag-angat siya ng tingin dito at pinalis ang luhang kumawala sa kanang mata niya.

“T-talaga? Hindi ka nagagalit sa akin?” maluha-luhang paniniguro niya sa asawa.

Tumango si Lee at ngumiti.

“Y-yes. But please sweetie, ito na sana ang huling beses na kakain ka sa silid natin kasi baka mamayang gabi eh papakin tayo ng mga langgam,” sagot nito. Tumango naman siya sa asawa. Tama naman ito. Bakit ba hindi niya naisip agad ‘yon?

Tumayo na si Lee at alam niyang magpapalit na ito ng damit. Lumabas muna siya ng silid dahil ayaw niya itong makitang nakahubad.

Yes, sa halos higit isang dekada nilang magkaibigan at walong taon na pagsasama bilang mag-asawa ay hindi niya pa rin ito nakikitang nakahubad. Nahihiya siya kaya kapag nagbibihis ito o naliligo ay lumalabas siya ng silid nilang mag-asawa. Sabi kasi ng mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga ito ay bastos daw iyon. Kahit nga sa mga magazines ay hindi siya hinahayaan ng mga ito na makakita ng mga lalaking topless. Huwag daw siyang titingin sa mga ganoon kaya minsan ay naiinis sa kaniya si Lee pero hindi naman siya nito magawang pilitin.

Minsan nga ay niyaya siya nito at sinabing papaligayahin siya pero hindi niya iyon nagustuhan. Naghubad kasi ito sa harapan niya kaya nagtatakbo siya palabas at nagtitili. Nagalit sa kaniya si Lee noon dahil sa inakto niya pero pinatawad naman siya nito dahil sinuyo niya ito at binilhan ng kotse. Mahilig kasi sa sasakyan si Lee at alam niyang magugustuhan nito iyon.

20 years old lang siya nang magpakasal sila ni Lee. Ipinakasal siya ng kaniyang mga magulang dahil malaki ang tiwala ng mga ito sa lalaki. Matagal na kasi silang magkaibigan ni Lee at magkababata pa. Nag-iisang anak lang siya at tanging tagapagmana ng yamang naiwan ng kaniyang mga magulang. Parehas na Engineer ang mga ito. Iyon nga lang ay naiwan na siyang mag-isa dahil namatay ang mga ito dahil sa isang aksidente. Ayaw na niyang maalala pa dahil dalawang taon pa lang ang nakalilipas buhat nang mangyari iyon. Sobrang sakit ng dulot ng pagkawala ng mga ito sa kaniya lalo pa at biglaan.

Mabait si Lee lalo na sa mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga ito. Kasambahay nila ang nanay ni Lee noon kaya naman madalas niyang makalaro si Lee. Palagi rin siyang ibinibilin ng daddy niya kay Lee noon dahil tanging ito lang daw ang puwede niyang pagkatiwaalan. Nasa ibang bansa kasi ang lahat ng angkan nila. Ayaw ng mommy niya na doon sila manirahan kaya nag-stay sila sa Pilipinas.

Nagkahiwalay lang sila ni Lee noon dahil nagkaroon siya ng sakit noon na encephalitis. Ipinagamot siya ng mga magulang niya sa ibang bansa kaya ilang taon din silang hindi nagkita.

Masaya naman siya kay Lee dahil mabait ito. Mahinahon ito at maalaga.

Sa totoo lang ay hindi niya pa alam kung ano ang pakiramdam ng sinasabing pag-ibig, pero para sa kaniya ay pag-ibig niya si Lee dahil ito ang kasama niya sa lahat ng hamon sa buhay buhat noon pa man. Palagi niya itong nasa tabi. Naapektuhan ang utak niya dahil sa sakit niya dati kaya madalas ay hindi rin niya maintindihan ang sarili. Nag-iiba ang mood niya pero madalas ay masayahin siya kahit sa maliliit na bagay lang. Naging over-protective kasi sa kaniya ang mga magulang niya noon kaya bahay at school lang siya. May Yaya pa nga siya na nagbabantay sa kaniya para alam ng mga ito ang lahat ng galaw at kilos niya. Masyado siyang na-baby ng mga ito. Ayaw daw kasi ng mga ito na habang nagkaka-edad siya ay mapunta siya sa maling tao dahil nga nagkasakit siya. Isa rin sa dahilan iyon kung bakit mas gusto ng mga ito na si Lee ang mapangasawa niya. Kilalang-kilala na kasi ng mga ito ang asawa niya at wala namang naging problema sa kaniya dahil alam niyang para sa ikabubuti niya ang ginagawa ng kaniyang mga magulang.

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang maramdaman niya ang kamay ni Lee sa balikat niya.

Nilingon niya ito at bihis na bihis ito. Amoy din niya ang pabango nito na malamig sa ilong.

“Aalis muna ako sweetheart,” anito sa kaniya at humalik ito sa buhok niya.

“Saan ka pupunta? Kadadating mo lang ah?” takhang tanong niya sa asawa.

Naging malikot ang mga mata nito at tila naghagilap ng sasabihin.

“Ah, ano sa kaibigan ko lang sweetheart. Uuwi rin ako kaagad may kailangan lang kaming pag-usapan,” anito kaya tumango siya at hinayaan na ito. Hindi na siya nagtanong pa. Humakbang na ito palayo at kumaway sa kaniya bago lumabas ng pintuan.

Ilang minuto siyang nanatili lang na nakaupo sa sofa bago naisipang kuhanin ang susi ng kaniyang kotse na si Mallow.

Pangalan iyon ng yellow na kotse niya at regalo niya iyon sa kaniyang sarili noong nag 27th birthday siya. Naiinggit kasi siya sa mga napapanood niyang cartoons kaya ginusto rin niyang magkaroon ng sariling kotse.

Nakasuot lang siya ng ternong pantulog na kulay yellow din. Hindi na siya nagpalit ng damit tutal malapit lang naman ang pupuntahan niya.

Agad siyang lumabas at binuksan ang kotse niyang nakaparada.

“Hello, Mallow! Alis muna tayo ha? Punta tayo doon sa Dreame Café, miss ko na ang Italian soda eh,” nakangiting sabi niya at parang may buhay na hinimas-himas pa ang pintuan ng kaniyang kotse. Matapos himasin iyon ay sumakay na siya agad sa loob at pinaandar iyon paalis.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height