C10 Chapter 10
“Masama ba ang pag-aasawa?” tanong sa kaniya ng isip-batang babae. Hindi siya makapaniwala. Ganito ba talaga ito kawalang-muwang sa mundo? Nasaan ba ang mga magulang nito? Wala man lang bang gumagabay sa mga desisyon nito sa buhay? Malinaw sa kaniya na may mali sa pag-iisip nito. Hindi sa sinasabi niyang baliw ito pero tila hindi ito normal katulad ng ibang babae