Grace Under Fire/C2 Chapter 2
+ Add to Library
Grace Under Fire/C2 Chapter 2
+ Add to Library

C2 Chapter 2

“Can I have a large, triple-shot, sugar-free, non-fat latte, please?” malalim at baritono ang boses na litanya ni Hale sa waiter ng café na kinaroroonan niya. Agad naman na sumunod sa kaniya ang waiter.

Dito siya dumiretso pagkagaling niya sa opisina. Pagod siya sa trabaho at kailangan niyang mag-chill ng kaunti. Ngayon lang siya nagtungo sa café na ito kahit madalas niyang naririnig ang pangalan nito sa village nila. Trabaho-bahay lang kasi siya madalas.

Tahimik lang siya sa kinauupuan niya. Kaunti pa lang din ang tao sa loob ng café.

Tiningnan niya ang kaniyang cellphone nang umilaw iyon. Nabasa niya ang pangalan ng kaibigang si Arham.

[Bro, wer u at?]

Napakunot ang noo niya dahil sa tanong nito. Magkasama lang sila nito kahapon. Masyado naman yata siyang nami-miss ng kaibigan niya.

Nag-reply siya rito.

[I'm at Dreame Café. Y u askin?]

Hindi na siya nakatanggap ng reply dito matapos niyang maipadala ang mensahe sa kaibigan. Nalukot ang kilay niya. Madalas talaga ay weird itong si Arham. May balak na naman siguro sana itong bulabugin siya kung sinabi niya rito na naroon pa siya sa opisina niya. Mabuti na lang at nandito na siya sa Dreame Café malapit sa South Ridge Village kung saan siya nakatira.

“Babe, buntis ako. Anong gagawin natin dito?”

“Gawan mo ng paraan Beatriz! Ipalaglag mo na lang!”

“What? No! Hindi ko gagawin ‘yan Lee! Nababaliw ka na ba? Ginawa natin ito pareho!”

Rinig niya ang dalawang magkasintahan na nagtatalo hindi kalayuan sa kinalalagyan niya. Kanina pa niya napapansin na tila hindi magkaintindihan ang mga ito. Napalakas na ang boses ng babae kaya malinaw sa kaniya na nagtatalo ang mga ito dahil sa batang nasa sinapupunan nito. Mukhang ayaw iyon panindigan ng lalaki kaya sinasabi nito na ipalaglag na lang ang bata.

“Hinaan mo ang boses mo!” pigil ngunit may riin na wika ng lalaki sa babaeng kasama nito.

“Kung gayon ay umalis tayo dito at doon tayo sa bahay mag-usap!” galit na sambit ng babae. Napatingin siya sa lalaki at napatingin din ito sa kaniya. Tila napahiya ito kaya nagbaba ng tingin. Napapasong umalis ito matapos hilahin ang babae at kaladkarin palabas ng café.

“Asshole,” mahinang bulong niya sa sarili habang pailing-iling.

“Here's your order, sir.”

Bahagya lang siyang tumango sa waiter matapos nitong mailapag ang order niya sa table. Tahimik niyang ininom iyon habang ang mga mata ay nakamasid sa bawat taong dumarating.

Maya-maya ay isang babae ang biglang pumasok sa loob.

Tumaas ang isang kilay niya nang mapansin ang suot nito.

Nakasuot ito ng pantulog. Naka-pajama ito ng kulay yellow at terno iyon sa suot nitong pang-itaas.

Pffft.

Weird!

Mukhang naalimpungatan lang ito sa suot. Pinigilan niya ang matawa sa sarili at inilapag ang iniinom niya sa table.

Pinagmasdan niya ang babae.

Cute, simple at mukhang bata lang dahil sa ponytail nito na spongebob pa ang design. Maiksi lang ang buhok nito na nakapugong at bagay iyon sa maliit na mukha nito.

“Hello po kuya waiter,” rinig niyang sabi nito sa waiter na lumapit. Nakangiti ang babae at hindi niya alam kung bakit kusang napako ang mga mata niya rito. Nahuli niya ang sariling pinagmamasdan ito ilang minuto na ang lumipas. Buhat ng dumating ito at maibigay ng waiter ang order nito na narinig niyang italian soda ay nakatingin pa rin siya sa pwesto ng babae. Hindi siya pansinin nito dahil nakatuon lang ang mga mata nito sa librong hawak-hawak nito.

May dala itong libro nang pumasok sa loob ng café at malinaw sa paningin niya na cinderella iyon.

Umangat ang isang sulok ng labi niya habang pinagmamasdan ang babae.

Dumarami na ang tao sa loob ng café. Narinig niya ulit na nagsalita ang babae nang may aso itong nakita. Pomeranian dog iyon.

Palakad-lakad ang aso sa loob at huminto iyon sa paanan ng babae.

Yumuko naman ang babae at halatang natuwa pa ito sa aso dahil binuhat nito iyon at ipinatong sa kandungan nito.

“Hi aso, ang cute-cute mo naman. Anong pangalan mo?” tanong ng babae at hinimas-himas pa ang balahibo nito.

“Pfft! Lunatic,” mahinang bulong niya.

Sigurado naman kasi na hindi magsasalita ang asong iyon tapos kung kausapin pa nito ay parang sasagot iyon. Mukha lang itong tanga.

“Gusto mo ng soda?” tanong pa ulit ng babae sa aso pero padila-dila lang ang aso.

“Hmm, sino kaya ang may-ari ng aso na ito? Ang cute-cute mo naman sinong amo mo?”

Kahit naiinis siya sa kawirduhan ng babae ay hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang alisin ang mga mata sa pwesto nito.

Bumaba ang aso sa kandungan nito at nagulat siya nang magtatakbo ang aso sa mismong pwesto niya.

Tumayo ang babae at hinabol nito ang aso.

“Uy! Saan ka pupunta?”

Yumuko siya nang maglikot ang aso sa paanan niya. Nakatayo na rin ang babae sa harapan niya dahil hinabol nito ang aso. Nang mag-angat siya ng tingin bitbit ang aso ay nanlaki ang mga mata ng babae at tila nagulat ito.

“Ikaw?!” namimilog ang mga matang sambit nito sa kaniya. Maging siya ay nagulat dahil sa biglaang pagsasalita nito. Kilala ba siya nito? Wala siyang natatandaan na nagkita na sila since bago lang naman siya sa South Ridge.

"Excuse me?" aniya rito.

“Kyaaaa! Jericho Rosales?!”

Nagulantang siya dahil sa pagtili nito.

Anong pinagsasasabi ng babaeng ito?

“Have we met before?” takhang tanong niya sa babae dahil hindi niya maintindihan ang inaakto nito ngayon sa kaniya. Masayang-masaya ito at pumapadyak pa ang mga paa dahil sa labis na kasiyahan.

What the hell is going on? Naguguluhan siya sa nangyayari.

“Ikaw si Jericho Rosales ‘di ba? Ikaw yung artista na bida ‘dun sa palabas na pinapanood ko dati sa TV. Ano na nga ba yung title ‘nun, pangako sayo?”

Mahina siyang napamura sa sarili dahil sa sinabi nito. Napagkamalan na naman siya bilang si Jericho Rosales. Palagi na lang nangyayari ang tagpong ito dahil kamukhang-kamukha raw niya ang artistang iyon. Pero wala naman siyang pakialam dahil hindi naman siya nanonood ng mga telenovela.

“I'm sorry pero nagkakamali ka,” sagot niya sa babae.

“Huh? Hindi ako pwedeng magkamali. Kamukhang-kamuka mo siya. Ikaw ‘yun!” sabi pa nito. Napukaw na nila ang atensyon ng ilang mga tao at pinagkaguluhan na tuloy siya ng iba para magpa-picture.

Fuck! This is unbelievable!

Hindi siya si Jericho Rosales at mas lalong hindi siya artista!

Ang daming lumapit sa puwesto nila at kaniya-kaniya ng kuha ng larawan ang mga ito. Wala siyang nagawa at sigurado siyang walang picture doon na nakangiti siya.

“My god! Where's my baby? Where's my dog?!”

Naputol lang ang pagkakagulo ng mga tao nang maghisterikal ang may-ari ng café dahil sa nawawalang aso nito. Ito pala ang may-ari ng aso na hawak-hawak niya ngayon.

“Miss Trina, nandoon po kay Sir Jerico Rosales ang aso ninyo,” sabi ng waiter.

“Fuck?!”

Muli siyang napamura at hindi niya namalayan na napalakas na pala iyon. Maging ang waiter ay akala siya talaga si Jericho Rosales. Kagagawan ito ng babaeng iyon eh.

Bigla siyang natigilan nang mapansin na nawawala na ito. Inilinga niya ang paningin at nakita niyang nagmamadali itong lumabas ng café habang may kausap sa cellphone nito. Tatayo sana siya upang habulin ito pero naharang siya ng may-ari ng café. Kinuha nito ang aso sa kaniya at nagpasalamat ito.

“Hi! Sayo pala nagpunta ang aso ko. Pasensya ka na malikot talaga ang isang ‘to,” sabi nito sa kaniya.

“It's okay,” wala sa sariling sagot niya rito habang nakatanaw sa labas ng café. Natanaw niyang sumakay ang babae sa kotseng dilaw at umalis na iyon.

“Ikaw ba talaga si Jericho Rosales? Kamukha mo nga siya pero nakita kong itinatanggi mo iyon kanina. Baka naman kakambal ka niya?” usyoso sa kaniya ng may-ari ng café.

“No, we are not fucking related. Excuse me, I have to go.”

Nagmamadali siyang umalis at nag-iwan na lang ng bayad kasama na ang tip sa table niya.

Umalis na rin siya ng café dahil siya na ang sentro ng atensyon ng mga tao doon at ayaw na ayaw niya iyon.

Kasalanan ito ng babae kanina. Napailing na lamang siya sa sarili.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height