Grace Under Fire/C3 Chapter 3
+ Add to Library
Grace Under Fire/C3 Chapter 3
+ Add to Library

C3 Chapter 3

Maganda ang umaga ni Diwata dahil sa magandang panaginip niya kagabi. Isa raw siyang prinsesa na nakatira sa mala-paraisong palasyo. Ngunit ang higit na nagpaganda ng tulog niya ay ang kakaibang pakiramdam dahil sa prinsipeng kasama niya sa panaginip. Hindi nga lang niya masyadong matandaan ang mukha nito.

Bakit kaya ganoon? Malinaw sa kaniya na masaya siya sa piling nito pero ngayong gising na siya ay hindi na niya maalala ang mukha nito. Tanging magandang tindig lang ng pangangatawan nito ang nakatatak sa isipan niya tapos ang kulot na buhok nito.

Parang hindi naman ganoon ang itsura ng asawa niyang si Lee. Malayong-malayo iyon sa prince charming niya sa panaginip.

Bumuntong-hininga siya kasabay ng paghilamos ng sariling mga palad sa mukha.

Nasobrahan na naman siya sa pagbabasa ng fairytales.

Nilingon niya ang libro na nakapatong sa gilid ng kaniyang kama. It was The Flower Fairies story that she just finished last night. Natapos niyang basahin iyon kagabi matapos siyang tawagan ni Lee. Nagmamadali tuloy siyang umuwi. Hinanap kasi siya nito dahil wala siya at gabi na raw kaya pinauwi na siya nito.

Wala na ang asawa niyang si Lee nang magising siya ngayon. Nasa trabaho na ito.

Tumayo siya at lumabas ng silid nilang mag-asawa. Sinalat-salat niya muna ang halaman niyang eucalyptus na nakalagay sa vase.

“Good morning!” nakangiting bati niya sa halaman.

Ang gaan ng feeling niya ngayon. Nagtungo siya sa refrigerator at kumuha ng fresh milk. Isinalin niya iyon sa baso at ininom.

Nakasuot pa rin siya ng pajama na kulay yellow at spongebob ang design. Cute na cute talaga siya kay spongebob. Muli niyang ipinugong ang maiksing buhok upang maging maaliwalas ang mukha niya.

Plano niyang bumili ng aso ngayon dahil naiinggit siya dun sa aso na pagmamay-ari ni Jericho Rosales. Hindi niya ito masyadong nakausap kahapon dahil nga tumawag na ang asawa niya. Baka may ibang kasama pa ang mga aso na ‘yun at pwede siyang makabili.

Pero hindi nya alam kung saan nakatira si Jericho Rosales eh. Paano siya makakabili ng aso?

Nagpasya siyang lumabas ng gate upang maglakad-lakad muna. Hindi pa naman tirik ang araw kaya parang exercise lang din niya ito.

Pahuni-huni pa siya habang nakangiti at tinitingnan ang lahat ng nadadaanan niya.

“Grabe, ang ganda talaga dito sa South Ridge! Mabuti na lang at dito nagpilit si Lee na tumira,” manghang sabi niya habang pinagmamasdan ang magagandang bahay na nakikita niya.

Habang naglalakad siya ay nasalubong niya ang isang magandang babae na nagmo-morning walk din kagaya niya.

“H-hi!” nakangiting bati niya rito at kumaway. Tumingin sa kaniya ang babae. Parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito.

“Hi!” ganting bati rin nito sa kaniya.

“Uhm, you look familiar...” kunot-noong sambit niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha nito.

Parang nakita na niya ito matagal na. Hindi lang niya maalala kung saan.

“May kamukha ka eh. Parang nakita na kita dati,” aniya sa babae.

Nag-iwas naman ito ng tingin.

“H-huh? N-ngayon pa lang tayo nagkita baka nagkakamali ka lang,” sabi ng babae sa kaniya at medyo naging mailap ang mga mata nito. Parang bigla itong umiwas sa kaniya dahil sa pag-iisip niya kung saan niya ito nakita. Hindi na lang siya nakipagpilitan kahit alam niya sa sarili niyang nakita na niya ito. Medyo hirap talaga ang utak niya minsan na umalala ng mga bagay-bagay o pangyayari.

“Sige ha, aalis na ako. Nice meeting you!” paalam nito sa kaniya. Parang nagmamadali ito.

Nakalagpas na ito sa kaniya nang bigla niya itong hinabol.

Nice meeting you raw? Hindi pa nga sila nagpapakilala sa isa't-isa eh.

“Uy, wait lang!” sigaw niya.

Natigilan ito at nagtatakang lumingon sa kaniya.

“B-bakit?”

Hinawakan niya ang kamay nito at shinake-hands iyon. Kunot lang ang noo ng babae habang nakatingin sa kaniya.

“Sabi mo kasi nice meeting you. Hindi pa kaya tayo nagkakakilala. Ako nga pala si Diwata,” nakangiting sabi niya rito habang iginagalaw-galaw ang kamay nito na hawak niya. Bumaba ang tingin ng babae sa kamay nilang magkahawak.

“Ah, I'm Avianna,” tipid na sabi ng babae at mukhang nawiwirduhan na ito sa kaniya. Binitawan na niya ang kamay nito.

“Ayan magkakilala na tayo, hehe. Nice meeting you, Avianna!”

Humakbang na siya palayo dito matapos makipagkilala.

Naglakad-lakad na ulit siya at iniwan si Avianna na nakakunot pa rin ang noo.

Ang dami ring lalaki sa village nila pero karamihan talaga sa mga napapansin niya ay magagandang babae. Tila mga modelo dahil sa angking kagandahan ang mga ito. Parang yung mga prinsesa lang sa binabasa niyang libro. Magaganda lahat.

Napahinto siya nang may nadaanan siyang isang magandang bahay. Sobrang laki niyon at ang gandang ng pagkakadisenyo.

Sino kaya ang may-ari ng bahay na ito?

Daig pa ang disenyo ng bahay nila samantalang arkitekto ang asawa niya.

“Wow! Nakakalula sa ganda!” mahinang bulong niya habang nakatingala sa bahay.

Maya-maya ay natanaw niyang may isang bulto ng lalaki doon sa itaas. Nakatagilid ito at may kausap sa cellphone. Mukhang galit na galit ito dahil hindi ito mapakali at pakumpas-kumpas pa ang kamay. Abala ito sa pakikipag-usap nang bigla itong napatingin sa ibaba at natigilan ito.

Lumingon siya sa paligid kung saan nakatuon ang direksyon ng mga mata nito. Huli na ng mapagtanto niyang siya pala ang tinitingnan nito.

Mas naging malinaw ang mukha nito sa kaniya kaya nakilala niya ito.

“J-jericho?” hindi makapaniwalang sambit niya dahil sa pagtatama ng mga mata nila.

Dito din nakatira sa village nila si Jericho Rosales?

Biglang nilukob ng kasiyahan ang puso niya. Napatili siya dahil sa excitement. Hindi siya nakapagpa-picture rito kahapon kaya naman sumigaw siya at kumaway dito.

“Jericho Rosales!” sigaw niya habang tumatalon at kumakaway sa binata. Nakatingin lang ito sa kaniya at lukot na lukot ang kilay nito.

“Pa-picture naman please?!” sigaw niya pa ulit. Alam niyang nadidinig siya nito.

Nakita niyang napasapo ito sa noo habang ang mukha ay hindi makapaniwala.

Mabilis itong nawala sa paningin niya at ilang sandali lang ay nasa ibaba na ito.

Naglalakad na ito palapit sa kaniya. Binuksan nito ang gate at lumabas ito roon.

Nakangiti naman siyang kumaway dito habang kumikislap sa kasiyahan ang mga mata.

“Jericho—”

“Ikaw na naman?!” bungad nito sa kaniya. Napatitig siya sa mukha nito at kulot nitong buhok.

Nagsasalita ito pero tila lutang siya at hindi iyon pumapasok sa utak niya.

Naglakbay sa isipan niya yung panaginip niya kagabi. Ganito rin kasi yung buhok ng prince charming niya sa panaginip. Pati ang tindig ng pangangatawan ng mga ito ay pareho rin.

“Hoy, babaeng baliw!”

Pumalakpak ito sa harapan niya kaya napakurap siya at natauhan. Kanina pa ito salita ng salita. Bigla kasi siyang natulala pagkakita rito. Ngayon ay nakatitig ito sa kaniya habang lukot na lukot ang mga kilay.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya nang bumalik siya sa ulirat. Napatalon siya bigla.

“Kyaaaaa!”

Agad naman na tinakpan ng lalaki ang dalawang tainga nito at halatang nairita ito sa kaniya.

“Fuck! May balak ka bang basagin ang eardrums ko?!” asik nito sa kaniya.

Ngumisi lang siya at niyugyog ang katawan nito.

“Ikaw nga si Jericho Rosales! Ikaw yung nando’n kahapon sa Dreame Café. Hindi ako nakapagpa-picture sayo kahapon kaya pa-picture naman!” tuwang-tuwa na sabi niya rito.

Inalis ng lalaki ang mga kamay niya na yumuyugyog sa balikat nito.

“Tsk! Talaga bang baliw ka?” inis na wika nito sa kaniya at tumingin sa paligid. May mangilan-ngilang tao pero mukhang wala namang pakialam ang mga iyon.

Kinakapa-kapa niya ang suot na pangtulog. Wala pala siyang dalang cellphone.

“Hindi ako si Jericho Rosales so please shut up your mouth!” gigil na wika sa kaniya ng lalaki.

“H-huh? Pero ikaw ‘yun. Ikaw yung—”

“I said shut up!” muli nitong sambit sa kaniya pero mas tumaas na ang tono ng boses nito. Bigla siyang natahimik dahil sa sigaw nito.

“Get out! You're disturbing me, huwag kang gumawa ng eskandalo dito!” pagtataboy nito sa kaniya. Napayuko siya at kinagat ang ibabang labi. Nagbabadya ng pumatak ang luha sa mga mata niya pero bigla siyang may naalala. Nag-angat siya ng tingin dito.

“Puwede bang bumili ng aso sayo?” bigla ay tanong niya.

“Ano? Baliw ka nga talagang babae ka, hindi ako tindero ng aso!” galit na naman na sabi nito.

“Hindi babae ang pangalan ko. Ako si Diwata,” pagpapakilala niya sa lalaki. Ang ganda-ganda ng pangalan niya tapos tatawagin lang siya nitong babae? Para saan pa ang pangalan na ibinigay sa kaniya ng Mommy niya?

“Pinagtitripan mo ba ako?”

Medyo natakot siya nang mas lumapit ito sa kaniya. Lumalim ang tingin nito sa kaniya at tila napigil ang paghinga niya dahil doon.

“Hindi kita niloloko. Diwata naman talaga ang pangalan ko ah?” aniya dito.

Napalunok sya dahil palapit na ito ng palapit sa kaniya.

“Oops! Anong ginagawa mo? Huwag kang lalapit! H-hindi na ako magpapa-picture!” aniya at umatras sa lalaki.

Bakit ba ito lumalapit sa kaniya? At bakit bumibilis ang tibok ng puso niya? Siguro baliw ang lalaki na ito. Kanina pinapaalis siya tapos ngayon ay palapit naman ito sa kaniya.

Patuloy ito sa paghakbang at patuloy din siya sa pag-atras.

“S-sabi ng huwag kang lalapit!” sabi niya rito at iniharang pa ang kamay niya sa lalaki.

“G-gusto ko lang naman ng aso eh. Baka may kasama pa yung aso mo doon kahapon sa café. Bibilhin ko na lang please?” pangungulit pa rin niya dito. Desidido talaga siyang magkaroon ng aso.

”Anong pinagsasasabi mo?”

“Ikaw yung may-ari ng aso kahapon ‘di ba?”

“Hindi sa akin ang aso na ‘yon!”

“H-ha? Hindi sayo? Eh ‘di ninakaw mo lang ‘yun?”

Naningkit ang mga mata ng lalaki at napahimas sa sentido nito. Mariin itong pumikit at bumuntong-hininga.

“Get out!” muli nitong sigaw at itinuro pa ang daan paalis. Napapasong umalis siya at tumalikod dito.

“Ang sungit naman ng lalaki na ‘yun!” nakangusong bulong niya sa sarili habang nagmamadali sa paglakad.

Bakit ba galit na galit ang lalaki na iyon sa kaniya? Wala naman siyang masamang ginagawa rito ah?

Mabilis niyang isinara ang gate ng bahay nang makabalik siya sa kanila. Baka mamaya ay hinabol pa siya ng malditong lalaki na iyon. Sinalat niya ang dibdib niya. Ang lakas ng tibok niyon.

Siguro ay mahilig kumain ng taba-taba ang lalaki na iyon o kaya ay balut kaya ganoon ka-highblood.

Akala niya ay mayaman iyon pala ay magnanakaw lang ng aso. Siguro hindi sa lalaking iyon ang malaking bahay. Baka katulong lang ito doon o kaya ay driver. Napabuntong-hininga na lang siya.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height