Grace Under Fire/C4 Chapter 4
+ Add to Library
Grace Under Fire/C4 Chapter 4
+ Add to Library

C4 Chapter 4

“Ano?! Bakit mo hinayaang mabuntis ang babae mo?!”

Ang nakabibinging sigaw ng isang ginang ang umalingawngaw mula sa loob ng magarang mansyon ng mga Roa.

Napahimas na lamang sa sentido si Lee.

Nagtungo siya sa mansyon ng mga magulang ni Diwata kung saan ang nanay na niya ang nakatira ngayon. Wala na kasi ang mga magulang ni Diwata at namatay na ang mga ito. Ang kaniyang ina na at dalawang nakababatang kapatid na babae ang nasa mansyon dahil mas gusto niyang sa South Ridge sila tumira ni Diwata. Pangarap niya kasi ang makatungtong sa village na iyon dati pa, at dahil wala naman ibang mga angkan si Diwata at nasa ibang bansa na halos ang mga iyon ay ang kaniyang pamilya na ang pinatira nila sa mansyon. Maluluma lang kasi ang bahay. Mas mabuti na mayroong nakatira para may naglilinis na rin.

“Hindi ka talaga nag-iisip Lee, masisira ang lahat ng pinaghirapan natin dahil diyan sa katangahan mo!” galit na wika ng nanay niya.

“Huwag ka munang magsisigaw diyan, Inay. Huminahon ka muna, mas lalo lang nagugulo ang utak ko,” pagpigil niya sa ina. Hindi nakatutulong ang panenermon nito sa kaniya ngayon. Namomroblema na nga siya kung paano niya mapaninindigan ang babaeng nabuntis niya. Tinatakot siya nito na guguluhin sila ni Diwata dahil hindi maganda ang naging huling pag-uusap nila. Humihingi ito ng sandaang-libo kada buwan hindi pa man naisisilang ang batang nasa sinapupunan nito. Masyadong malaki iyon! Kahit mag-asawa na sila ni Diwata ay hindi naman siya gano’n kahibang para magbigay ng malaking pera. Batid niyang pineperahan lang siya ni Beatriz.

“Ano? May alam na ba ang sintu-sinto mong asawa tungkol diyan?” taas ang isang kilay na tanong ng ina niya.

Wala pang alam si Diwata tungkol sa nangyari. Natural, wala siyang balak ipaalam iyon.

“Wala siyang alam at hindi niya na dapat pang malaman,” sagot niya sa ina.

“Good! Dapat lang Lee, gawan mo ng paraan ‘yang problemang ginawa mo!” anito sa kaniya.

“Kailangan kong panagutan ang bata, Inay.”

“Oh, eh ‘di panagutan mo! Pero wag na wag mong ipapaalam kay Diwata ‘yan dahil tiyak na maguguluhan ang utak niyon. Baka lalong matuluyan at maging baliw na talaga ‘yon,” sabi ng nanay niya. Tumingin ito sa kaniya ng may seryosong mga mata.

“Alam mong ayoko ng bumalik sa hirap Lee. Kaya nga tinuldukan ko na rin lahat ng pwedeng maging hadlang sa planong ito,” mahinang sambit nito.

“Inay, huwag kang maingay baka may makarinig sayo!” agap niya sa sinasabi nito at lumingon sa paligid. Baka mamaya ay may makarinig sa kanila. Walang pwedeng makaalam ng mga nangyari noon. Maganda na ang buhay nila ngayon.

“Matalino ka Lee, kaya ka nga nakatapos ng pag-aaral at magpasalamat ka diyan sa asawa mo dahil ibinuno niya sa mga magulang niya noon na pag-aralin ka. Manatili ka na lang sa kaniya dahil kaya naman niyang ibigay sayo ang lahat,” sabi nito.

Natahimik siya. Nagkakamali ang kaniyang ina. Oo nga at kayang ibigay ni Diwata sa kaniya ang lahat ng materyal na bagay pero hindi siya kayang paligayahin nito sa kama. Wala pang nangyayari sa kanila hanggang ngayon at naiinis na siya rito madalas. Pinipigilan lang niya ang sarili dahil kailangan niya ito. Matagal na niyang minimithi na mapalapit sa mga Roa. Kinuha niya ang buong tiwala ng mga magulang nito kaya rin siya nakapag-aral at kaya sila ipinagkasundo ng mga ito. Isa siyang anghel sa paningin ng mga magulang nito noon kaya walang pag-aalinlangan na ipinagkatiwala ng mga ito sa kaniya si Diwata. Hindi naging mahirap para sa kaniya na mapaibig si Diwata dahil siya ang madalas nitong kasama noon pa man. Lagi siyang nasa tabi nito pero alam niya sa sarili niyang hindi niya ito mahal. Ginagawa lang niya ang lahat ng ito dahil na rin sa gusto ng kaniyang ina at ngayon ay nagtagumpay na nga sila. Pero sa likod ng tagumpay na iyon ay ang isang maitim na lihim ang nakatago na kailanman ay hindi pwedeng matuklasan ng kahit na sino.

Sinundan niya ng tingin ang kaniyang ina nang tumalikod na ito sa kaniya at nilagpasan siya nito.

“Ayusin mo ‘yan Lee!”

Iyon lang ang sinabi nito at pumanhik na ito sa mataas na hagdan ng mansyon. Naiwan siyang nakatayo lang habang nakasabunot sa sariling buhok. Hindi pwedeng malaman ni Diwata ang mga nangyari noon pati na rin ang kasalukuyang gusot na nagawa niya ngayon. Hindi maaari.

-

Kasalukuyang nag-sswimming si Hale sa clubhouse ng South Ridge Village. Wala siyang pasok ngayon sa opisina dahil linggo. Ilang araw na rin siyang stress sa trabaho, nagbabalak siyang magbakasyon sa ibang bansa sa mga susunod na buwan. Gusto niyang makapag-relax ng isipan at iyon ang isa sa naiisip niyang solusyon.

“Uy girl, ang gwapo naman niyan? ‘Yan yung C.E.O na kapitbahay mo ‘di ba? Ang yummy!”

Napakunot ang noo niya nang lumingon sa dalawang babaeng nagbubulungan at dumaan sa likod niya.

Parehas na nakasuot ng swimsuit ang mga ito. They look sexy and hot pero wala lang naman sa kaniya. Kaagad niyang binawi ang tingin sa dalawang babae at umahon sa pool.

“Lapitan mo na girl baka single pa.”

“Ayoko, nahihiya ako. Mukhang suplado eh.”

“Bahala ka. Gusto mo ako na lang?”

“Teka, ako na lang.”

Tahimik siyang nakatingin sa kawalan nang may biglang tumabi mula sa gilid niya.

“H-hi...” malambing na bati sa kaniya ng isa sa mga babaeng dumaan sa likod niya kanina.

“I'm Yngrid!” pagpapakilala nito at inilahad ang kamay. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito. Nakatambad sa kaniya ang mapuputi nitong dibdib pero iniwasan nyang tingnan iyon at salubong ang kilay na inangat niya ang tingin sa mukha ng babae.

Maganda at mestiza. Mahaba ang blonde at kulot na buhok nito. Balingkinitan ang katawan at namumula ang mga pisngi.

“I'm not interested. You can go now and leave me alone,” malamig na wika niya sa babae. Halata ang pagka-shocked sa mukha nito dahil sa sinabi niya.

“Don't you hear what I said? I said leave me alone!” tumalim ang tingin niya rito.

Napaatras ang babae at dahan-dahan itong tumayo palayo sa kaniya. Napailing siya at bumuntong-hininga. Sa wakas ay umalis na ito.

Muli siyang sumisid sa pool at ilang minuto niyang pinabalik-balik ang paglangoy doon.

Sa pag-ahon niya ay nakarinig siya ng pamilyar na tinig ng isang babae.

“Kuuuuuu! Kuuuuu! Uy, bumalik ka rito!”

He saw a familiar figure of a woman.

A girl in pink pajamas.

Agad na naningkit ang mga mata niya.

Tumatakbo ito habang hinahabol ang isang pomeranian dog.

Biglang nagtatakbo ang aso patungo sa kinaroroonan niya.

Nilagpasan nito ang ilang mga tao at hindi niya alam kung bakit sa kaniya dumiretso ang aso. Huminto ito sa tabi niya.

“Baby Hail ko!” sigaw ng babae habang tumatakbo ito papunta sa puwesto niya. Tumaas ang isang kilay niya.

Teka...

Tinawag ba siya nitong baby?

Isang bagay agad ang pumasok sa isip niya. Katulad din ito ng mga babaeng mabilis magbigay ng motibo sa kaniya and he hates it. Naiinis siya sa mga ganoong klase ng babae na hindi man lang yata marunong magpahirap ng lalaki para ligawan man lang.

“Baby Hail ko!” ulit ng babae at ngayon ay nakalapit na ito sa kaniya. Bahagya pa itong hinihingal. Sa kaniya ito nakatingin kaya napa-smirk siya. Tama nga siya. Tinawag siya nitong baby.

Pero saan naman nito nalaman ang pangalan niya?

Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot na naman ito ng pantulog.

“Ikaw?” gulat na sambit nito nang makilala siya nito. Mukhang nakabili na ito ng sariling aso.

Tiningnan nito ang aso na nasa tabi niya at madali nitong kinuha iyon.

“Ang likot-likot mo baby Hail. Umuwi na tayo mayro’ng masungit dito na driver,” nakangusong sabi ng babae sa aso. Nalukot ang noo niya dahil ang sama ng tingin nito sa kaniya. Pero mas nagulat siya dahil ang aso pala ang tinatawag nitong baby Hail.

Fuck?!

Bakit kapangalan niya ang aso nito?

And what did that woman said? Driver? Siya ba ang tinutukoy nito?

Kailan pa siya naging driver? Sa gandang lalaki niya mapagkakamalan lang siya nitong driver? He can't accept it!

Akmang tatalikod na ang babae nang tawagin niya ito.

“Hey wait!”

Lumingon naman ito sa kaniya.

“Bakit mamang driver?” tanong nito sa kaniya.

Mahina siyang napamura dahil sa tanong nito na may mamang driver pa talaga sa huli.

“I heard you call him Hail. Iyon talaga ang pangalan ng aso mo?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.

Tumango ang babae sa kaniya at hinimas nito ang ulo ng aso.

“Oo. Ang cute ng name niya ‘di ba? Hehehe!”

Sumingkit ang mga mata nito dahil sa biglaang pagngiti. Nasilayan niya ang malilit at mapuputi nitong mga ngipin.

Is that a coincidence? O ginagago lang talaga siya ng babaeng ito para ipangalan ang pangalan niya sa isang aso?

Damn it!

Maya-maya ay biglang nawala ang ngiti sa labi nito at niyakap nito ang aso sa paraan na para bang kukunin niya iyon.

“Hail, kailangan na nating umalis dito. Magnanakaw nga pala ‘yan ng aso. Omg! Let's go!” bulong nito sa aso pero nadinig niya iyon.

“What the fuck?! Hindi ako magnanakaw ng aso!” galit na wika niya sa babae ngunit nagmamdali na itong umalis kasama ang aso. Sunod-sunod ang pamumurang pinakawalan niya pagkaalis nito.

Tangina! Pinagtitripan yata talaga siya ng babaeng iyon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height