Grace Under Fire/C5 Chapter 5
+ Add to Library
Grace Under Fire/C5 Chapter 5
+ Add to Library

C5 Chapter 5

“Bakit nakahiga ka pa diyan? Aattend tayo sa party ngayon.”

Napanguso si Diwata nang tumingin sa asawang si Lee.

“Party? Bakit may party? Sinong may birthday?” tanong niya at isinara ang librong binabasa. Bumuntong-hininga si Lee at hinimas ang batok nito.

“Sweetheart, hindi tayo sa birthday party pupunta. Masquerade party ang dadaluhan natin. Lahat ng nakatira dito sa SRV ay invited doon. May i-wewelcome yata ang Presidente kaya nagpahanda ng pagtitipon,” anang asawa niya at naupo ito sa kama.

“Nagbabasa ka na naman,” puna nito sa librong inilapag niya sa gilid ng kama.

“Malapit ko ng matapos yung Rapunzel. Wag na lang kaya akong sumama sa party na ‘yan? Ang ganda na kasi ng binabasa ko eh, gusto kong tapusin,” sagot niya.

“Kailangan mong sumama. Wala akong kapareha doon kapag hindi ka sumama, saka masaya naman doon at may makikilala ka pang ibang mga tao.”

Napasimangot siya nang maalala yung lalaking maldito na kamukha ni Jericho Rosales. Hindi niya alam kung dini-deny lang iyon ng lalaki at ayaw lang nitong aminin sa kaniya na si Jericho Rosales talaga ito. Pero hindi na siya interesado ngayon dahil masungit ang lalaking iyon.

“Hmp. Baka makita ko pa yung masungit dun,” bulong niya sa sarili. Hindi iyon masyadong naintindihan ng asawa niya kaya kumunot ang noo nito.

“Ha? Ano ‘yun sweetheart?”

“H-huh? W-wala. Hehe. Uhm, masaya ba sa party na ‘yun?” tanong niya. Inaantok na siya at ayaw sana niyang sumama talaga ang kaso ay bigla siyang naawa sa asawa niya. Baka kailangan talaga nito ng makakasama.

“Oo naman masaya sa party. Don't worry kasama mo naman ako,” nakangiting sagot ng asawa niya kaya napangiti na rin siya at sinabing sasama na siya rito.

“Okay! Sasama na ako sayo. Magri-ready lang ako,” sagot niya at tumango naman si Lee sa kaniya.

Nag-ayos na siya ng sarili at nagsuot ng simpleng gown na kulay asul. Hapit na hapit iyon sa kaniya kaya lalong lumitaw ang kurba ng katawan niya. Hindi siya mahilig magsuot ng ganito pero dahil si Lee ang nag-suggest sa kaniya ay napilitan na rin siyang magsuot. Masyado kasing litaw ang balat niya at hindi siya komportable. Pero ang sabi ng asawa niya ay maganda raw siya kaya lumakas ang loob niya. Hinayaan niyang nakalugay ang maiksi niyang buhok at ikinulot niya iyon. Napangiti siya nang makita ang repleksyon sa salamin. Kamukha na niya si Snow White. Naglagay lang siya ng manipis na make up sa mukha at pagkatapos ay agad niyang binalingan ang aso niyang si Hail. Isasama niya ito sa party at nakasuot na rin ito ng damit na inorder pa niya online. Mabuti na lang talaga at kasali siya sa mga group sa facebook ng mga mahilig mag-alaga ng aso kaya nakakita siya doon ng mga cute na damit para sa baby Hail niya. Madali lang naipadala sa kaniya ang order kaya sakto lang para sa aattendan nilang party.

“Are you sure na isasama pa natin si Hail sa party?” tanong ni Lee sa kaniya.

“Oo naman. Tingnan mo ang cute-cute niya. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay blue rin na damit. Pati itong ribbon ang cute rin 'di ba?”

Napatango na lang si Lee sa kaniya pero halatang napipilitan lang ito.

Hinimas niya ang ulo ni Hail at pagkatapos ay kinarga na niya ito. Ang gara ng suot ng baby Hail niya kaya tuwang-tuwa siya.

“Halika na sweetheart baka mahuli na tayo sa party.”

Siya na ang nag-aya kay Lee at tumango naman ito sa kaniya. Pupunta na sila sa party ngayon.

Masquerade party daw ang dadaluhan nila kaya natural na nakasuot silang lahat ng mask. Pagdating nila doon ay madami ng tao. Lahat ay mayayaman at nakasuot ng magarang mga kasuotan.

“Sweetheart, paano itong si baby Hail, hindi ba siya magma-mask?” bulong niya kay Lee habang mahigpit siyang nakakapit sa braso nito.

“A-ano? Bakit mo naman naisip ‘yan? Aso lang siya kaya hindi niya kailangang mag-mask,” pigil ang boses na sambit ng asawa niya sa kaniya. Hindi siya kumibo at nagliwanag ang mukha niya nang matanaw ang isang chocolate fountain mula sa mga table malapit sa pool.

“Sweetheart may chocolate fountain oh,” bulong niya sa asawa niya at ngumiti. Ramdam niya ang pagpigil nito sa kaniya nang akmain niyang puntahan iyon.

“Saan ka pupunta?” kunot-noong tanong nito sa kaniya.

“Sa chocolate fountain!” sagot niya at agad na nakaramdam ng excitement.

“No! Dito ka lang sa tabi ko. Ayusin mo ang sarili mo. Nakakahiya sa mga tao kung chocolate fountain lang ang ipinunta mo rito!” medyo may riin na pagkakasabi ng asawa niya sa kaniya.

Bakit ba parang naiinis ito? Ano bang masama sa ma-excite sa chocolate fountain?

“P-pero gusto ko 'nun. Sige na pabayaan mo na ako ha. Titikman ko lang naman eh,” aniya at kumalas sa braso ng asawa niya. Hindi siya nagpapigil dito kahit ramdam niyang hindi ito natutuwa sa kaniya. Hahabulin pa sana siya nito pero naglalakad na siya patungo sa chocolate fountain. Napahimas na lamang si Lee sa noo nito habang pigil ang sarili. Halatang naiinis ito.

Habang naglalakad siya ay nadadaanan niya ang mga babaeng naggagandahan sa mga kasuotang suot ng mga ito.

“Wow! Ang ganda ng mga suot nila!” manghang sabi niya. Ngumiti siya nang ngitian siya ng isang babae kahit hindi naman niya ito kakilala. Matapos makipagngitian ay lumagpas na siya rito at nilapitan ang pakay niya.

Napalunok siya nang makalapit siya sa chocolate fountain habang bitbit ang aso niya.

“Uy, may strawberry Hail oh!” aniya at dumukot ng strawberry na nakalagay sa gilid. Napangiti siya ng malagyan iyon ng tsokolate mula sa chocolate fountain. Tinikman niya iyon habang tuwang-tuwa.

“Waaah ang sarap!” nasisiyahang sambit niya at dumukot pa ng isa. May mangilan-ngilang taong pinagtitinginan siya pero hindi naman niya alintana ang mga ito dahil nag-eenjoy siya sa strawberry. Dinutdot-dutdot niya ang tsokolate saka parang batang dinidilaan iyon sa daliri niya.

Ang sarap talaga ng tsokolate kaya enjoy na enjoy siya.

Natanaw niya si Lee na nakatingin sa kaniya mula sa di kalayuan kaya kinawayan niya ito. Ayaw nitong lumapit sa kaniya at para bang hiyang-hiya ito kaya hindi na lang niya ito pinilit pa.

“Baby Hail gusto mo?” tanong niya sa asong karga niya. Ngumiti lang siya ng gumalaw ang ulo ng aso niya.

“Ang daming tao 'no? Ang gaganda ng suot nila. Buti na lang talaga at nabilhan na kita ng mga damit mo,” sabi niya sa aso. Wala naman siyang makausap dahil hindi niya kilala ang ibang naroroon lalo pa at nakasuot ng maskara ang mga ito. Nanatili sya sa tabi ng chocolate fountain at nang tingnan niya ang kinaroroonan ng asawa niya kanina ay wala na ito roon. Napakunot ang noo niya pero hindi niya iyon pinag-ukulan ng pansin. Nag-eenjoy siya sa pagkain ng sweets kaya dito na lang muna siya kasama si Hail.

-

Nakapamulsa si Hale habang may hawak-hawak na baso ng alak sa kaniyang kaliwang kamay. Dumalo siya sa Masquerade Party ng Village nila tutal ay wala rin naman siyang gagawin sa bahay niya ngayon.

Maraming tao ang dumalo at lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan.

Ano bang dapat i-expect sa mga taong nakatira sa village na ito? Lahat ng narito ay high-class kaya hindi na nakapagtatakang puro milyonaryo rin ang makakahalubilo niya rito ngayon.

Nasaan kaya si Damon? Kanina pa hinahanap ng mga mata niya ang kakambal ni Lucifer niyang kaibigan. Mukhang hindi yata aattend sa party ang gunggong.

Lumabas muna siya at tumambay sa gilid-gilid since ayaw naman niyang masyadong makihalubilo sa mga tao. Parang gago talaga siya. Umattend pa siya ng party tapos ganito lang din naman pala ang gagawin niya. Tsk!

Tahimik siyang nagmamasid sa paligid nang may mapansin siyang dalawang bulto ng tao na nagtatago sa isang tabi at tila gumagawa ng milagro.

“Umuwi na tayo sa bahay ko, iwan mo na muna ang asawa mo rito,” rinig niyang sabi ng babae sa lalaking kahalikan nito.

Totoong gumagawa nga ng milagro ang dalawa kaya kusang umangat ang isang kilay niya habang nakatingin sa mga ito. Maliit lamang ang babae at nakasuot ito ng pulang gown at kitang-kita niya ang makinis na likod nito. Hindi siya pansin ng mga ito dahil medyo madilim sa pwestong kinaroroonan nila ngunit kahit ganoon ay kita niya ang buong mukha ng lalaking kasama ng babae. Hawak lang ng lalaki ang dalang maskara at hindi nito suot iyon.

“Hindi ko pwedeng iwanan si Diwata. Mamaya lang ay hahanapin na ako 'nun. Sa ibang araw na lang tayo magkita or kung gusto mo bukas ay pupuntahan kita. I-text mo lang ako,” anang lalaki.

Pumito siya sa hangin at pumamulsa. Lumayo na siya sa dalawa. Wala syang panahon makinig sa kagaguhan ng dalawang iyon. Halatang nagtataksil ang lalaki sa asawa nito base sa narinig niyang usapan. Hindi naman nya sadyang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagkataon lang na napalapit siya sa pwesto ng mga ito.

Napa-palatak siya sa hangin habang umiiling-iling.

Bakit ba may mga ganitong klase ng lalaki sa mundo? Pati silang matitino tuloy minsan ay nadadamay dahil sa kaululan ng mga lalaking katulad niyon.

Huminto siya sa paglakad hindi kalayuan sa pagtitipon. Tanaw pa rin niya ang mga tao doon pero ayaw niya munang makihalubilo.

“Feeling lonely huh? Feeling may girlfriend yata?” a sarcastic tone of voice spake behind his back.

Napakurap siya sa narinig na tinig mula sa likuran niya. Boses pa lang ng taong iyon ay kilalang-kilala na agad niya kung sino ito. Lumingon siya at ang nakangiting mukha ni Damon ang bumungad sa kaniya. Inalis nito ang maskarang suot kaya kitang-kita niya ang buong mukha nito.

“Dito lang pala kita matatagpuan. Ano bang ginagawa mo diyan Impyerno?” tanong nito sa kaniya. Humakbang ito ng mas malapit pa at tinapik ang balikat nya. Gunggong talaga. Sukdulang ihambing ba naman nito sa impyerno ang magandang pangalan niya. Napailing na lang siya.

“Mas gusto ko lang mag-isa,” sagot niya at sinaid ang laman ng baso na hawak-hawak pa rin niya.

“Akala ko hindi ka aattend eh,” aniya kay Damon.

“Puwede ba ‘yon? Taga-dito na rin ako kaya welcome na rin ako sa party. Anyway, madami bang chicks sa loob?” tanong nito agad sa kaniya at ngumisi. Napailing siya at bumuntong-hininga. Malaki talaga ang kalokohan nito kahit kailan pero hindi siya nito kayang paikutin. Alam niya ang kalahig ng bituka nito.

“Chicks? Wag mo nga akong pinaglululuko. Alam naman nating pareho na hanggang ngayon eh isang babae lang ang nagpapatibok ng puso mo,” wika niya dahilan para umiwas ng tingin si Damon sa kaniya.

See? Halatang-halata na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakamove-on sa babaeng iniibig nito buhat pa noon.

“Lulunin mo nga muna ‘yang dila mo,” anito sa kaniya at tumingin-tingin sa paligid.

“Oh bakit? Nandito ba siya?” nakangising tanong niya.

Pumalatak lamang ito at inakbayan siya patungo sa loob kung saan maraming tao.

“Ang dami mong sinasabi. Mag-enjoy na lang tayo!” sambit nito at kumuha na rin ng alak. Nagsalin ulit siya sa baso niya dahil naubos na niya ang laman niyon kanina. Maya-maya ay may lalaking lumapit kay Damon.

“Hey Gonzalo!” bati ni Damon sa lalaking bagong dating.

Tinapik ni Damon ang likod ng lalaki matapos itong lumapit sa kanila. Mukhang close ang dalawang ito at matagal ng magkakilala. Pamilyar na sa kaniya ang lalaki dahil nakikita na niya ito dito sa South Ridge Village.

“Ano, kumusta ang bagong lipat?” nakangiting tanong ng lalaki kay Damon. Ngumiti lang si Damon dito.

“Feels like home! Thanks to Primo,” natatawang sagot nito at umangat pa ang balikat.

Binalingan siya ng tingin ni Damon at ipinakilala siya nito sa kaibigan nito na dinig niyang Gonzalo ang pangalan.

“By the way Gonzalo, this is Hale Frommette my long time friend,” pagpapakilala ni Damon sa kaniya sa lalaki.

“Oh wait, Frommette? Sounds familliar...” wika ni Gonzalo at saglit na may inisip ito. Maya-maya ay tila may napagtanto ito.

“Don't tell me you're the owner of–”

Itinaas ni Damon ang kamay nito sa harap ni Gonzalo.

“Yeah you're right. He's the C.E.O of Frommette Imperial Bank,” putol ni Damon sa sinasabi ni Gonzalo.

Inilahad niya naman ang kamay sa lalaki.

“Nice to meet you Gonzalo,” pormal na wika niya at tinanggap naman ng lalaki ang kamay niya. Tipid siyang ngumiti dito at luminga sa paligid. Parami ng parami ang mga tao at mayroon ng mga nagkakagulo sa pool. Mukhang enjoy na enjoy sa party ang mga naroon. Habang pinagmamasdan niya ang mga tao ay napako ang mga mata niya sa isang babae na nakatayo sa gilid ng table malapit sa pool kung saan may chocolate fountain.

Naningkit ang mga mata niya dahil kahit nakatakip ang mukha nito ay kilalang-kilala niya ito. May bitbit itong aso at pati ang asong iyon ay hindi puwedeng hindi niya makilala.

“Nandito rin pala ang wirdong babae,” mahinang bulong niya sa sarili bago naglakad patungo sa kinaroroonan nito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height