C36 37
Hindi niya gagawin
"Pasensya ka na at hindi agad kita nakilala", sabi nito ng bumalik kami sa sala. Inubos ko ang meryendang hinain niya dahil sa gutom.
Pinakita niya ang photo album na kinuha niya sa kanyang kwarto.
"Ayos lang yun Tiya. Teka. Ano nga palang nangyari dyan sa pilat mo?"
Hinaplos niya iyon.
"Ito... Panlalaban ko ito nung hinahanap nila si Erman"