C14 NIGHT SHADOW
NAGMAMADALING lumabas ng cottage ni Adrielle si Cougar nang maibaba niya ang dalang briefcase sa sahig. Ang init ng pakiramdam niya habang nagsisimula namang lumitaw ang ilang butil ng pawis mula sa kanyang noo.
"Shit!" usal niya bago mabilis na pinunasan ang pawis at bahagyang ipinagpag ang kuwelyo ng suot niyang T-shirt. "Lintek, kailangan ko yatang maligo, ah." pabulong na aniya sa sarili