C21 DAZZLING SWAN
WALANG KIBONG bumabas ng sasakyan si Adrielle nang tuluyan silang makarating sa Recto Avenue sa Manila. Hindi na rin niya hinintay na ipagbukas pa siya ni Bob ng sasakyan. Sinuklay niya ng kanyang mga daliri ang nakalugay niyang buhok bago siya tumingala sa signage na nakalagay sa itaas ng club