C33 JEALOUSY
KUNOT NA KUNOT ang noo ni Cougar habang pinagmamasdan niya si Adrielle na balewalang ngumunguya ng mansanas habang tinatahi ng kakilala niyang doctor ang sugat nito sa balikat. Bumuka ang sugat nito dahil napuwersa nang umakyat ito sa punong mangga para kunin ang alagang pusa ni Xenia, ang pitong taong gulang na apo ni Nanay Tilde, ang kanyang katiwala sa farm.
"What were you thinking
